Share

CHAPTER 2

PASADO alas sais na nang gabi natapos ang shift ni Cressida sa kaniyang part-time job. Gusto pa sana niyang mag-extend ng oras para mas malaki ang sasahurin niya kaso walang maiiwan sa nanay niya nag-text kasi ang tiyahin na papauwiin siya ng maaga dahil nilalagnat ang mga bata. 

Gusto nga sana ni Cressida na doon na lang sa bahay nila tumira ang tiyahin niya at mga anak neto kaso ayaw din naman neto kasi baka maka-estorbo lang daw sa nanay niyang may sakit. Makukulet paman din ang mga pinsan niya. Kaya hindi na niya pinilit pa ang tiyahin niya.

Agad naman niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Makoy para may sumundo sa kaniya sa kanto papasok sa kanila. Pagkababa kasi niya ng jeep ay wala na siyang masasakyan sa gan'ong oras. Lalo na kung traffic aabutin talaga siya ng halos dalawang oras. Lalo na sa pag-aabang ng masasakyan kapag uwian na pahirapan sa pagsakay ng jeep. Ilang taon din niyang tiniis ang gan'on kasi wala din naman siyang ibang choice. 

"Ang tagal mo ah," salubong sa kaniya ni Makoy.

"Traffic kasi alam mo naman basta uwian na siksikan na mga pasahero pahirapan sa pagsakay kasi halos puno na din mga jeep na dumadaan." paliwanag niya.

"Sana sinabi mo na lang para makahiram ako ng motor sa kaibigan ko para nasundo na lang kita doon."

"Hay naku ano ka ba? okay lang no? ang mahalaga nakauwi ako ng ligtas. Alam mo naman iyong si Nanay kapag natagalan ako mag-aalala na iyon ng sobra buti na nga lang napakiusapan ko pa si tiyang kanina kasi talagang wala akong masakyan."

Panay kasi tawag ng tiyahin niya kung nasaan na siya kasi hanap ng hanap na ang Nanay niya. Hindi kasi sanay ang nanay niya na hindi alam kung nasaan siya lalo na't matatagalan ang pag-uwi niya.

"Ano hali kana para makauwi kana agad, kumain kana ba? gusto mo daan muna tayo doon sa paborito nating mamihan.?" anyaya sa kaniya ng kaibigan.

"Oh? birthday mo ba? anong okasyon wala akong maalala. Anong araw ba ngayon ba't naisipan mong mag-aya kumain doon? huling aya mo sa'kin doon parang..." nag-iisip pa siya kunwari.

"Wala no? masama bang yayain ka? siguro may nobyo kana no? kaya ayaw mo ng niyaya kita." 

"tseh! nobyo ka diyan alam mo naman na wala pa sa isip ko iyan. Si Nanay muna at pag-aaral ko ang priority ko sa ngayon."

"Tama, pag-aaral muna kaya ko pa naman maghintay e." 

"Tseh! tigilan mo nga ako Makoy. Ayan kana naman e."

"Biro lang ano ka ba?" 

Alam niyang matagal ng may gusto ang kaibigan niya sa kaniya pero wala pa talaga sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon. Hindi naman sa sinasara niya ang puso niya, mas gusto lang talaga muna niya unahin ang pag-aaral niya dahil malapit na siyang magtapos. Iyon lang kasi hinihintay niya para makahanap siya ng magandang trabaho at para mapagamot na niya ang Nanay niya. Alam niyang madami pa siyang pagdadaanan kakayaning niya kung ano pa man ang pagsubok na darating sa buhay niya para sa Nanay niya. 

Hindi niya makalimutan ang hirap na dinanas nilang hirap mag-ina noong nagsimulang magkasakit ang Nanay niya. Nagpalit sila ng pwesto ng Nanay niya siya ang nagsilbing Nanay  sa kanilang dalawa. Kailangan niyang kumayod kung ano-anung trabaho ang pinasok niya para lang may makain sila. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kamag-anak nila. Mabuti na lang at naawa sa kanila ang kapatid ng Nanay niya kaya hanggang ngayon ay tinutulungan pa din sila. 

"Ano? tara na kain muna tayo libre ko huwag kang mag-alala alam ko naman na nagtitipid ka."

Nagliwanag agad ang mukha niya. "Iyan, iyan ang gusto ko sayo nililibre mo'ko. Akala ko pagbabayarin mo pa ako e ikaw itong nagyaya." pabiro niyang sabi.

Sanay na sila sa ganoong usapan. Kahit sa kabila ng problema na pinagdadaanan niya. Kahit papaano ay nagagawa niya pa din niyang tumawa dahil may kaibigan siyang tulad ni Makoy. Na naiintindihan siya palagi, maliban sa mga kaibigan niya sa school isa din si Makoy sa mga pinagkakatiwalaan niya kung sakaling ano man ang mangyare alam niyang may mag-aalaga sa Nanay niya o sa kaniya.

"The best talaga ang mami dito no? hindi talaga nagbago ang lasa kahit pa  wala na si Aleng Salve." si Aling Salve ang orihinal na nagluluto ng mami sa lugar nila. Simula noong namayapa si aling Salve ang anak neto ang pumalit sa kaniya. Mabuti na lang at nakukuha neto ang tamang timpla kaya dinadayo pa din ang lugar na iyon.

"Syempre magaling talaga magluto si Jasmin. Minana niya iyan kay aling Salve e."

Sinamaan niya ng tingin si Makoy matapos niyon sabihin. 

"Hoy! huwag mo akong tingnan ng ganiyan wala akong gusto doon no? kahit pa sexy iyan siya at maganda hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya."

Natawa siya bigla ng magkanda-utal-utal si Makoy sa pagpapaliwanag.

"E bakit ka nauutal? wala naman akong sinabi ah, masyado ka naman deffensive."

"Sus alam ko na iyang iniisip mo no? kaya inunahan na kita."

Sa ganitong paraan nababawasan ang problema niya kasi minsan nakakalimutan na niya ang sarili niya dahil puro problema na lang ang iniisip. Wala na nga siyang oras para e treat ang sarili niya hindi na niya matandaan kung kailan sila huling kumain sa labas ng Nanay niya. Pero pinapangako niya sa sarili niya pagtapos ng graduation nila kakain sila sa labas ng Nanay niya. Sa ganoong paraan mapapasaya din niya ang Ina niya.

"Salamat Makoy sa paghatid at sa libre mo kanina. Hayaan mo balang araw masusuklian ko din lahat iyan."

"Kahit huwag na ano ka ba? para naman tayong hindi magkaibigan niyan. Isa pa kusang loob naman ang mga pagtulong ko sayo kaya huwag mo na isipin iyon."

"Ah basta babawi ako sayo kapag may pera na talaga ako."

"Oo na sige na pumasok kana baka nag-aalala na si Ninang sayo mapagalitan pa tayo pareho niyan."

"Salamat, bukas ulit ah!" 

Nagmadali naman siyang pumasok sa bahay nila. "Nay, nandito na po ako." 

"Mabuti at nandiyan kana." sinalubong siya ng tiyahin niya.

"Naku, tiyang pasensya na po nilibre pa po kasi ako ni Makoy ng hapunan bago umuwi dito. Si Nanay po?"

"Nandoon sa kwarto nakatulog na nga kakahintay sayo. O siya uuwi na ako hinihintay na din ako ng mga bata. Nandoon naman ang tiyong mo. Dadaan muna ako sa botika para bumili ng gamot."

"Teka lang tiyang," kumuha siya ng pera sa bag niya saka binigay sa tiyahin.

"Ipandagdag niyo na po ito, pasensya na po at iyan lang ang nakayanan ko."

"Ano ba itong batang ito itago mo na lang iyan at may pera pa naman ako dito."

"Tanggapin niyo na po iyan tiyang sasahod na rin naman po ako sa makalawa kaya huwag niyo na iisipin. Sige na po baka masarhan pa kayo ng botika. Maraming salamat po sa pag-antay ah." 

"Walang ano man, o siya ako'y aalis na. Huwag mo kalimutan mag-lock ng pinto ah." 

"Opo tiyang."

Sinilip niya ang natutulog niyang Ina, Humalik lang siya sa noo neto saka pumasok sa kaniyang silid. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status