Share

CHAPTER 4

Habang nasa klase sila Cressida, bigla silang pinatawag sa guidance office. Agad naman silang nagtinginan magkaibigan dahil alam na nila ano ang dahilan bakit sila pinatawag sa guidance.

Hindi nga sila nagkamali magsusumbong talaga si Gianna sa Daddy niya.

Pagdating nila sa office, nakita agad nila si Gianna nasa isang tabi. Siya lang mag-isa. Maya maya pa ay dumating na si School Director kasama at ibang faculty members. 

"Pinatawag ko kayong lahat dahil nakarating sa akin ang nangyare kahapon." panimula ni School Director.

"Miss. Fuentabella, maaari mo bang sabihin sa akin ang nangyare."dagdag niya pa.

Napabuntong-hininga na lang si Cressida, hindi alam paano sisimulan. Hindi naman kasi niya nakita anong nangyare. Basta na lang siyang humandusay sa sahig at pinagtanggol ng kaibigan niya.

"Ahm, ang totoo po niyan hindi ko po alam ano sasabihin ko kasi bigla na lang po akong napadapa sa sahig kahapon. Ang sabi ng kaibigan ko ay tinulak po ako ni Gianna. Tinatanggi po niya ang ginawa niya pero dalawa po sa mga kaibigan ko ang nakasaksi sa ginawa niya sa'kin."

"Is that true Gianna?"

"No Dad, nagsisinungaling lang sila." pagtanggi ni Gianna sabay irap.

Hindi nagawang sumagot ni Cressida at ng mga kaibigan niya. Nakakahiya sa harap ng school director ang nangyari lalo na't sangkot anak niya.

"I already asked your classmate who witness of what happened yesterday. And You Gianna. How many times I have to tell you stop being a brat. Hindi kana bata, hindi ka ba nahihiya ikaw itong bagong salta sa school na'to ikaw pa mismo ang nagpapasimuno ng gulo. Hindi lang sarili mo ang pinapahiya mo pati ako na daddy mo."

Walang nagawa si Gianna kun'di ang yumuko nalang dahil sa mga sinabi ng Daddy niya. Ang ama pa niya mismo ang humingi ng dispensa sa mga naagrabyado niya. Galit at inis ang naramdaman ni Gianna habang palabas ng Guidance office. 

Mali naman din niya, at dahil sa nangyari suspended agad siya ng isang linggo. 

"Sure ako gaganti si Gianna sa nangyari" nag-aalalang aniya ni Aeryn

"Sinabi naman ng Daddy niya anytime pwede tayo magsumbong kapag inulit pa ni Gianna ang ginawa niya." aniya naman ni Shiloh na noon ay abala sa pagtutok sa cellphone niya.

"Teka kanina ka pa diyan sa cellphone mo sino iyang ka-text mo?" naiiritang tanong ni Celestine.

"Si Ryker, kanina pa daw siya naghahanap sa atin halos libutin na niya ang buong campus." 

"Oo nga no? nag-cr kasi siya kanina kaya siguro nagtaka siya kung nasaan tayo."

"Hello? alam niya no? nakita kaya niya tayo palabas ng room suminyas pa nga ako e, kala niya hindi pa tayo tapos kausapin tanghali na kaya. Alam mo naman ang isang iyon daig pa patay gutom. laging naghahanap ng pagkain." sagot ni Shiloh

"Halika na nga, kumain na muna tayo. Gutom na rin ako e. Ikaw ba naman humarap sa pagmumukha ni Gianna magugutom ka talaga sa inis." minsan talaga ang bibig ni Celestine walang preno.

Agad nilang pinuntahan si Ryker. Baka magwala pa iyon kapag nalipasan ng gutom.

Saktong pagpasok nila sa cafeteria ay nandoon din si Gianna kasama ang grupo nila Maurene. Mukhang nakahanap ng kakampi si Gianna. Isa kasi ang grupo nila Maurene sa mga meangirls ng school nila. Sila ang mga anak ng mga kilalang politiko sa lugar nila. Sa kamalas-malasan ay naging classmate pa nila ang mga ito. Hindi naman ito masyadong matalino pero dahil mapera sila kaya nilagay sila sa section kung saan nandoon ang mga matatalino.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Cressida kay Ryker.

"Malamang, kanina pa nga ako text ng text kay Shiloh eh"

"Buti naman umorder kana kanina pa kasi gutom itong si Celestine."

"Huwag na pakainin iyan." pang-aasar ni Ryker.

"Kung ikaw kaya ang huwag kumain. Akala mo naman bulsa ni doraemon iyang tiyan mo wala kang kabusugan kung ano-anung pagkain ang nilalalagay mo sa tiyan mo." Reklamo ni Celestine.

"Malamang lalaki ako eh, hindi naman ako tulad niyong mga babae ang kukunti ng kinakain." 

"Of course inaalagaan namin ang figure namin no?"

Minsan na nga lang mag-usap ang dalawang 'to puro pa bangayan. Iisipin ko na talaga na may gusto itong si Ryker kay Celestine o hindi naman kaya si Celestine ang may gusto kay Ryker. Syempre walang aamin kasi alam nilang araw-araw silang kakantyawan ng mga kaibigan nila. Lalo na't nag-iisang lalaki si Ryker sa kanilang magkakaibigan. Minsan nga ay napagkakamalang bakla si Ryker dahil siya lang ang nag-iisang lalaki sa barkada. Pero kalaunan ay nasanay na siya sa mga nagsasabing bakla siya.

"Kumusta naman ang pag-uusap ninyo sa tatay ni Gianna?" tanong ni Ryker.

"Ayon maayos naman suspended si Gianna ng isang linggo." sagot ni Aeryn.

"Kaya pala sumasama na siya kay Maurene ngayon. Dapat mag-ingat na kayo alam niyo naman anong ugali meron ang grupo ni Maurene." 

"Nagtataka nga ako, siguro sinadya ni Maurene na kaibiganin si Gianna. Eh hindi ba tatakbo sa darating na eleksiyon ang Daddy ni Gianna. Malaking puntos iyon kapag nilakad ni Maurene ang Daddy ni Gianna sa partido ng Daddy niya." 

"Ayan ka na naman Celestine, baka naman sadyang gusto lang niya sumali sa grupo nila Maurene. Bukod sa sikat sa school sila Maurene. Mayayaman din ang pamilya nila. Sa itsura ni Gianna namimili iyan ng kakaibiganin na katulad niyang mayaman at kilala sa lugar natin."

"Sa tingin ko lang naman iyon pero malay niyo naman diba? tama ako."

"Kanina pa nga sila tingin ng tingin dito, kayo talaga pinag-uusapan niyan malamang." aniya ni Ryker

"Wala naman kaming pakealam kung ano sasabihin nila sa'min. Kilala mo naman kami." sagot ni Aeryn.

"Huwag niyo na kasi patulan hayaan niyo na lang. Kasi kung papansinin natin sila mas lalo nila tayong pag-iinitan."

Kanina pa nag-uusap mga kaibigan niya pero ngayon lang ulit nagsalita si Cressida. Hindi naman kasi siya mahilig makipagsagutan. Ayaw niya makipag-away pero hindi rin naman ibig sabihin niyon magpapaapi din siya. Hindi naman kasi siya pumunta ng skwela para maghanap ng away. Ang makapagtapos ng pag-aaral lang ang nais niya.

May pangako pa siya sa Nanay niya na magtatapos talaga siya ng pag-aaral para maipagamot niya ito. Hindi niya kayang biguin ang Nanay niya. Siya na lang ang inaasahan nito. 

"Gulat naman kami sayo, kanina pa kami nag-uusap ngayon ka lang magsalita." Ani Shiloh

"Kumakain ako e, kanina pa ako nakikinig sa inyo. Kanina ko pa din nakikita ang grupo nila Maurene na tingin ng tingin dito. Ang sama nga ng tingin niya sa atin e lalo na sa akin. Ayoko patulan ang mga tulad nila. Hindi naman sila ang magbibigay ng grado sa atin huwag natin sayangin ang talino natin para lang sa mga katulad nila."

Maya maya pa ay nagpalakpakan ang mga kaibigan niya.

"Grabe, ikaw na talaga Ida, bilib na talaga ako sayo. Kahit sinaktan kana nagawa mo pa din magpakumbaba. Sana kaya ko din gawin iyan kaso. May sa demonyo talaga na bumubulong sa akin lagi." sagot ni Celestine sa sinabi ni Cressida.

Tinuruan kasi talaga siya ng Nanay niya na huwag pumatol kung alam niyang mas matalino pa siya sa nang aapi sa kaniya. Talo pa din ng matalino ang puro gulo lang ang dulot. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status