Share

BREAKING THE CEOʼS RULES
BREAKING THE CEOʼS RULES
Author: febbyflame

Prologue

PROLOGUE

Ipinalibot ng batang si Klyade ang kaniyang mga mata paiikot sa mismong loob ng kuwarto kung nasaan siya. Madilim. Mabaho. Nalalanghap niya ang maalikabok na paligid. Nais niya sanang igalaw ang kaniyang kamay ngunit doon niya napagtanto na nakatali ang mga ito pati na ang kaniyang mga paa.

Gusto niyang sumigaw, pero nakatakip ng tape ang kaniyang labi. Umiiyak ang batang si Klayde habang pilit na kumakalas sa tali at tinatawag sa kaniyang isipan ang Mommy at Daddy niya. Kahit alam niyang hindi na kailan man siya nito maririnig pa.

"Gising na pala ang anak ng malanding babae!" napatingin siya sa gawi ng pamilyar na boses at may pinindot ito.

Doon na tuluyang kumalat ang liwanag. Naroon pala siya sa basement ng mansion. Nakita niya ang kaniuang Lola na gulo-gulo ang mahabang buhok. Pero nagtataka siya kung ano ang ginagawa nila rito. Hindi niya natandaan ang nangyari bago siya mapunta dito. Napatingin siya sa hawak nitong sinturon at baril. Marahas nitong tinanggal ang tape na nakatakip sa kaniyang labi.

“Lola! Lola! Tulong po! Natatakot ako, Lola!" sigaw niya habang humahagulgol ng iyak.

Bigla ay tumawa ng malakas ang Lola niya at biglang hinampas sa kaniya ang sinturon.

"Salot ka! Salot kayo ng malandi mong Ina! Pinatay niyo ang anak ko! Ang pinakamamahal kong anak!" sigaw nito habang paulit-ulit siyang hinagupit ng sinturon.

“Aaah! Tama na po Lola! Aray ko! Masakit po! Tama na!" literal na napapakibot siya sa bawat pagtama ng sinturon sa kaniyang balat.

Hindi niya inaasahan na ito pala ang may kagagawan ng kaniyang pagkakatali. Damang-dama niya ang bawat hagupit at pakiramdam niya ay bibigay na ang murang edad niyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang pangangapal ng kaniyang balat dahil sa lakas ng hagupit nito.

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" sigaw niya pa habang umiiyak at nagbabakasakali na baka may makarinig sa kaniya.

"Walang makakrinig sa 'yo! Pinalayas ko na sila, para walang makakakita bago ko tapusin ang buhay natin!" sunod-sunod muli ang tawang pinakawalan nito.

Alam niya sa sarili niyang wala na sa sarili ang kaniyang Lola. Hindi na ito nakakapag-isip oa ng tama at tiyak na nababaliw na. Ang kaniyabg Daddy at Mommy ay namatay sa isang car accident habang patungo sila sa Baguio. Siya lamang ang tanging nabuhay at siya ngayon ay nagdudusa sa nangyaring hindi naman niya ginusto.

Bigla ay tinutok ng kaniyang Lola ang baril sa kaniyang ulo. Pinaputukan siya nito ngunit dumaplis lamang iyon sa braso dahil kaagad siyang umiwas. Halos manginig siya sa sobrang hapdi at ramdam na niya ang dugo na umaagos sa kaniyang braso.

“L—Lola, stop na po. I love you, Lola. . . Please don't hurt me." umiiyak niyang pagmamakaawa.

"Hindi kita mahal. Hindi kita apo! Anak ka ng nanay mong malandi sa ibang lalaki!"

Napailing si Klayde. "N—No. . . that's not true, Lola."

“P—Papatayin kita. . ."

Ikinalabit muli nito ang gatilyo, ngunit bago pa nito tuluyang makalabit upang pumutok ay may ibang putok ng baril siyang narinig at dahan-dahang tumumba ang katawan ng Lola niya sa sahig. Humalo ang dugo nitong umaapaw sa mahaba nitong buhok.

Halos manginig ang kaniyang kalamnan at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status