Share

KABANATA 1

CHAPTER ONE

Mabilis na iminulat ni Klayde ang kaniyang mga mata habang patuloy na umaagos ang tubig mula sa shower. Ayaw na ayaw niya na habang naliligo siya o ʼdi kaya ay sandaling mapipikit ay mayroon siyang nakikita na isang babae na mahaba ang buhok.

Heʼs been experiencing this for a decade.

Sa halip na isipin kung sino ʼyon ay mas binilisan na lamang niyang maligo at nang matapos ay ʼagad siyang nagbihis ng pang-work attire. Dadaan siya ngayon sa bawat department ng kaniyang kompanya para sa isang monthly routine na ginagawa niya.

Nang matapos siyang kumain ay binitbit niya ang kaniyang salamin sa mata. Ang salamin na ito ay hindi basta-basta dahil pinasadya niya ito na kapag nasa labas siya at tatamaan ng araw o liwanag ay magkukusang didilim ang mismong glass nito. It's his way para panandaliang maiwasan niyang makita ang mga babaeng may mahahabang buhok.

Pagkalabas niya ng bahay ay tinapunan niya ng tingin ang bahay ng kaibigan niya. Mula sa malayo ay kitang-kita niya si Greyson na natutulog sa sarili nitong kotse at nakalaylay pa ang braso sa labas.

“Mukhang lasing kagabi ang loko.” sambit niya sa kaniyang isipan.

Naglakad siya papalapit rito para sana gisingin pero kaagad siyang napahinto nang may babaeng bumaba mula sa taxi at lumapit sa kaibigan niya. Unang nag-focus ang mga mata niya sa mahabang buhok nito.

Biglang nanikip ang dibdib niya dahilan para mapahawak siya rito at nagsimulang tumakbo ang mga paa niya papalayo sa kaibigan at sa babae. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng kotse niya saka kinalma ang sarili, at kaagad na isinuot ang salamin sa mata.

Binuhay niya ang makina ng kotse at dali-daling pinaandar ito nang hindi man lang tumingin sa puwesto ng kaibigan.

“Damn it! Kamuntik na ako doʼn, ah?” sambit niya nang makalabas ng Vogue Village.

Habang nasa byahe iniisip niya kung sino ang babaeng lumapit kay Greyson. Dahil sa pagkakaalam ni Klayde ang kapatid nito ay nasa states. At isa pa, mukhang hindi naman galing states ang babae na nakita niya kanina.

Rumehistrong muli sa kaniya ang imahe ng babae, kung sa katawan lang ay panalo ito. Pero naputol ang pag-iisip niya nang maalala ang buhok nito. Parang hinahabol ang puso niya dahil sa bilis ng tibok ng puso nito.

Imbis na isipin ang babaeng nakita ay tinawagan na lang niya si Jacob, na siyang sekretarya niya para sabihing on the way na siya at kailangan nang maghanda ng mga babaeng empleyado.

××××

Pagkalabas naman ni Hadlee sa taxi ay 'agad siyang tumingin sa bahay ng kaibigan niyang si Greyson. Habang naglalakad siya papalapit dito napansin niyang parang may tumakbo kaya tumingin 'agad siya sa likod niya. At doon niya nakita ang isang lalaking tumatakbo ng mabilis pero halatang nanghihina.

What the heck was that?

Hindi na lang niya pinansin at ibinalik ang tingin sa bahay ng binata pero nakita niya na may kamay na nakalabas sa window ng kotse.

"Greyson? Lasing ka ba?" iniyugyog ni Hadlee ang braso ng kaibigan.

Ngunit tanging pag-ungot lamang ang naging tugon nito. Niyugyog niya ulit pero nanatili pa rin itong nakapikit. Dahil dito ay nakaisip siya bigla ng kalokohan.

"May sunog! Tulong may sunog! Ahh!" sigaw niya ng malakas.

Dali-daling nagising ang lalaki sa kotse pagkatapos ay lumabas at natatarantang lumakad ng pabalik-balik. Dahil sa nangyari ay tawa ng tawa si Hadlee sa gilid ng kotse at kinakalampag pa ang ibabaw nito.

"Saan? Saan ang sunog? Where?" natataranta ring tanong ni Greyson, at nang nahimasmasan ay napatingin ito kay Hadlee. “What the hell? Pinagtripan mo pa talaga ako?”

"Ayaw mo kasing magising, eh. So I shout. Bakit kasi dito ka sa kotse mo natulog?"

"Hell no! Fuck! Dito talaga ako natulog?" sabay umpog ng ulo ni Greyson sa kotse.

"I think, kasi dito kita naabutan. By the way, good morning! I'm here para pag-usapan ang tungkol sa paghingi mo ng tulong ko."

Napakamot sa ulo si Greyson at nag-umpisang maglakad papasok sa loob ng bahay na sinundan naman ni Hadlee. Nang makapasok sila sa loob ay ipinagtimpla siya ni Greyson ng kape, pagkatapos ay naligo muna ang binata at bumalik sa sala para makapag-usap sila.

Ipinaliwanag sa kaniya ni Greyson ang misyon na gusto nitong gawin niya. Napatanong si Hadlee sa sarili niya kung may ganoong klase ba ng takot dito sa mundo? It's like a rare case.

"Hadlee, noong nakita ko sa AYGI post mo 'yung photo na mahaba ang buhok mo ikaw 'agad ang naisip kong makakatulong sa kaniya."

"Paㅡpaano? Dahil lang sa buhok ko? Are you kidding me?"

"No, I'm not. May kinausap na akong Doctor, and he said na kailangan lang niyang malabanan at masanay do'n sa kinakatakutan niya." napatango-tango si Hadlee.

Bagong challenge 'to kung tutuusin and she like challenges.

"Kailangan ko lang magpakita gano'n?"

"Nope, you didn't just show up to him. You need to be with him. Kailangan masanay siya sa 'yo kasi na sa 'yo 'yong kinakatakutan niya."

Parang may kung anong pakiramdam sa puso niya na parang gusto niyang umatras pero mas nananaig sa kaniya ang gusto niyang makatulong. Ngayon niya lamang narinig ang ang ganitong case, at ito yung bago at gusto niya rin makita kung totoo ba ang sinasabi ng kaibigan niya.

"Anong kapalit?"

"Name it."

Hindi na siya magtataka kung kahit anong hilingin niya ay maibibigay nito dahil isang Greyson Luxerio lang naman ang kausap niya. The Heir of Luxerio Family. Napangiti siya rito at napatango. Alam nitong game na siya at tanggap na ang deal.

"Pupunta ako ng coffee shop. Sumama ka para naman makita mo ang pinagkakaabalahan ko at makapag-bonding tayo kahit pa paano.” 'agad lumiwanag ang mukha niya.

"I love that!"

Habang nasa biyahe ay puro kwentuhan sila sa bawat accomplishments at naging buhay ng isa't-isa. Almost ten years din silang 'di nagkita simula noong magbakasyon siya sa Pilipinas at bumalik sila sa Italy dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya. Ang ibang taon naman ay inukol niya pagtratrabaho at travelling.

At hindi niya pinagsisisihan na mas nag-focus siya sa pag aaral, trabaho at pag-travel kaysa piliing umibig. Naalala niya bigla si Serenity ang kaibigan niya na nasaktan dahil nagmahal ng sobra.

Pag-ibig nga naman.

"Nandito na tayo." naunang bumababa si Greyson at pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Im so excited!"

"Masarap ang kape namin, for sure babalik-balikan mo kami dito. Kilala pa naman kita, nasasarapan sa pagkain basta libre."

"Of course! Libre ang pinakamasarap sa buong mundo!"

Masaya silang pumasok ng coffee shop. Nakuha kaagad nila ang atensyin ng mga tao, lalo na ng mga empleyado ni Greyson.

"Girlfriend mo po, Sir?" tanong ng isa sa lalaking waiter.

"Yes, babaeng kaibigan." sagot naman ni Greyson na ikinatawa ng ibang empleyado na nakarinig at ang iba ay tila nadismaya pa.

May lumapit naman sa kanila na isang babaeng empleyado. "Sir, nandyan po si Sir Klayde, naroon po sa VIP place niya." tinanguan lang ito ni Greyson at sabay na tumingin sa kaniya.

"Why are you look at me like that?"

"Nandito siya Hadlee."

"Sinong nandito?"

"The one I told you," her lips came to shock mode. "See him, I'll guide you and call me if may ibang mangyari."

Tinuro ni Greyson kung saan ang place ni Klayde na 'agad naman nakita ni Hadlee. Madilim ang mirror na nakapalibot sa lalaki. Ang plano niya ay babati lang at saka magpapakilala. Itinalikod niya ang buhok para hindi kaagad makita ng binata na mahaba ang buhok niya.

Pagkarating niya ay huminga muna siya ng malalim at walang sabi-sabing pumasok at umupo sa kaharap nitong upuan. Halatang nagulat ito sa pagpasok niya. Pero para kay Hadlee ay mas nagulat siya. He's so handsome, he had mesmerizing eyes and his lipsㅡ 'agad niyang inalis sa isipan ang kalokohang pumasok rito. Dahil may kailangan pa siyang gawin kaysa halayin sa isip niya ang lalaking 'to.

"Hey there, handsome!" masiglang bati niya, pero nanatili lang itong gulat at nakatulala.

Anong nangyari sa kaniya? Nagandahan ba siya sa 'kin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status