Share

KABANATA 5

CHAPTER FIVE

Hindi maipinta ang ngiti sa labi ni Hadlee habang inaayos niya ang kaniyang buhok. Plinano na niyang itali ang kaniyang buhok para naman mas lalo siyang makakilos sa loob ng kompanya. Ayaw na niyang takbuhan ang binata at baka isipin nitong lumalayo siya dahil sa isang halik.

Pagkapasok niya sa loob ng kompanya ay siya nanaman ang pinagtitinginan ng mga ilang empleyado. Konting-konti nalang at masasanay na siya sa mga tingin nito.

"Oh woah!" salubong sa kaniya ni Jacob with matching palakpak pa.

"Do I look okay?"

"You look beautiful Hadlee! Sa wakas naman hindi ako masisigawan ngayong araw," nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi nito.

"Sorry kahapon, Jacob."

"It's okay at saka ngayon lang ako nagkaroon ng kasama dito. I mean you, my assistant secretary ngayon lang nila ako binigyan ng sikretarya."

Naalala naman niya kung bakit nga ba siya nandito sa kompanya ng binata.

"Mabuti at ako ang kauna-unahan, at least maganda ang nag simula," sabay tapik niya sa mukha niya.

Namayani ang tawanan sa loob ng opisina nila.

"Sabay na tayo kumain mamaya? Don't worry my treat."

"What is that? Is it a date?"

"Hey, simpleng labas lang," natatawang sambit nito at doon niya napansin na parang paminta 'to kaya hinayaan nalang niya.

Maya-maya ay tumunog ang telepono at sabay silang napatingin sa isa't isa.

"Pustahan tayo si Mr. Mendoza 'to and he wants you to go inside," she rolled her eyes no'ng sinabi ni Jacob 'yon bago sagutin ang tawag.

"I told you," sambit nito pagkababa ng tawag.

Napayuko siya sa sarili niyang lamesa. Hindi niya alam kung paano haharap dito matapos ng nangyari sa kanila.

"Kaya ko 'to right?"

"Go Hadlee! Talunin mo siya," natatawang sagot ni Jacob na may pagtaas pa ng kamay.

Confirm he is gay?

She repeat her routine kahapon, inhale and exhale atsaka pa lamang kumatok. Pero walang sumasagot kaya dahan-dahan nalang niyang binuksan ang pintuan.

"Waaaa!" Nagulat siya ng may humila sa kaniya kaya napapikit siya at naramdaman nalang niya na tumama ang likod niya sa pader. Isang pamilyar na pabango ang naamoy ni Hadlee kaya agad siyang dumilat.

Nagulat siya ng halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila ni Klayde sa isa't isa. "Aㅡanong gㅡginagawa mo?" nauutal nanaman niyang sambit.

"I miss you."

"You missㅡ what?" itinulak niya ang binata pero agad itong bumalik sa harap niya ng mas malapit.

Iniwas niya ang paningin niya para hindi niya makita ang mapang-akit nitong labi at mga mata.

"Look at me Hadlee," he said in a husky voice.

Gosh!

Agad siyang napalunok ng marinig ng mas malapit ang boses nito. "Bㅡbakit?" sambit niya pero nanatili siyang nakaiwas tingin dito.

"Look at me or else I'm gonna kiss you," agad naman siyang lumingon sa binata. "Good girl," nakangiti nitong sambit.

Baliw na ba ang lalaking 'to?

"Ano bang kailangan mo?" inis niyang tanong.

"I need you."

"Ano bang gagawin?"

"Stay with meㅡ in this office."

Ang akala ni Hadlee ay kailangan siya nito dahil may pinapagawa pero bakit iba yata ang gusto nitong mangyari?

Pinakawalan siya ni Klayde at saka umupo sa sarili nitong lamesa at muling humarap sa kaniya.

"Thank God nakaipit na ang buhok mo, matitingnan kita kung kailan ko gusto," pilyo nitong sagot.

"Aalis nalang ako, mukhang wala naman akong gagawin dito."

"Umalis ka at mamayang gabi asahan mong sa condo unit mo mismo mo ako makikita," napaawang ang labi ni Hadlee sa sinabi nito.

"Sㅡso ikaw nga ang nasa kabilang uㅡunit?"

"Umupo ka atsaka ko sasagutin ang tanong mo," sinunod niya ang sinabi nito.

"So what now?"

"Yeah ako nga ang nasa kabilang unit na katabi ng sayo."

"Why? I meanㅡ may bahay ka diba?"

"Date tayo," sambit nito ng hindi patanong kundi statement talaga.

Tumaas ang kilay niya sa narinig.

"Dㅡdate?"

"Yeah mamaya after office hour."

"It's a no, sorry."

"Why?" kumunot ang noo nito at nagsalubong ang makapal na kilay.

"Lalabas kami ni Jacob mamaㅡ"

"Hindi na kayo tuloy," sambit nito at agad may idinial na number.

"Hey Jacob, may date kami ni Hadlee, she can't with you later or let's us say never."

At ibinaba nito ang tawag. Hindi siya makapaniwala sa ginawa at narinig niya mula rito.

"Anong ginagawa mo?"

"What?"

"Bakit mo naman sinabi 'yon?"

"Okay babawiin ko pero 'wag mo akong sisisihin sa kung ano man ang magawa ko sa lalaking 'yon," nagdilim ang awra nito at nakakuyom ang kamay, halata na galit ito.

Is he jealous?

"Are you jealous?" she ask out of nowhere.

"Paano kung sabihin kong oo? Oo, nagseselos ako."

Hindi siya makapagsalita sa narinig at nanatiling nakatingin sa mga mata ng binata.

He admit it! Damn!

"Oh nasaan na ang boses mo?" tanong sa kaniya nito habang nakangiti.

"Sㅡseryoso ahmm aㅡano kasiㅡ"

"Hadlee, I think I like you. Ayoko ng patagalin 'to. When I saw you nakuha mo na ako sa mga mata mo palang. It was an epic kasi nga nahimatay ako. F*ck that fear I have!" isang galit na emosyon ang lumabas sa binata. "Then when I kissed you... It was a great kiss I ever had."

Nakatingin lang siya sa binata habang nasasalita ito. Bumilis naman ang tibok ng puso niya sa pag amin nito. Siya man ay aamin na unang pagkikita palang nila ay talagang nakuha na rin siya nito sa mga mata palang.

"Seryoso ka nga?" sa wakas ay nakapagsalita na siya ng maayos.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Hindi peroㅡ"

"Okay leave, just leave,"

"Ano?"

"I said leave, 'di mo ba ako narinig?" halatang galit ang boses nito.

Nag-init naman agad ang ulo niya at dali-daling lumabas sa opisina ng binata.

Iba ang awra niya ng makapasok siya sa opisina nila ni Jacob.

"What happened?"

"Uggh! That man! Nakakainis siya!" galit niyang sambit at inabot niya ang ballpen atsaka kinagat, doon niya ibinuhos ang galit.

"Woah woah! Easy! Relax lang!"

"Paano ako mare-relax? Eh 'yung weirdo mong boss mukhang pinagtitripan ako!"

"Boss mo rin siya."

"Hindi na simula bukas! Dahil magre-resign na ako!"

Kinuha ni Jacob ang ballpen na kinagat niya. "Grabe ka magalit, kawawang sign pen," gutay-gutay ang dulo nito habang hawak ni Jacob ang kabilang dulo.

"Sorry, sobrang naiinis lang talaga ako."

"Inis lang pala 'yan? What if kapag galit ka? mas worst?" napayuko nalang siya sa tanong ni Jacob.

"Uggh, I hate you, Klayde Medoza!" sigaw niya.

Alam niyang sound proof ang office nila kaya walang makakarinig pwera lang kay Jacob.

"Alam mo kung ano man 'yang kinaiinisan mo kay Mr. Mendoza ikain nalang natin," napaangat siya ng ulo at tumingin kay Jacob.

"Hindi ba't ayaw niyang lumabas tayo?"

"OhㅡI forgot f*ck! Mabuti at ipinaalala mo, kun'di I'm dead," at iginalaw nito ang kamay papunta sa sariling leeg. Umaaktong ginilitan siya ng ulo.

"Hayaan mo ang weirdo na 'yon!"

"Alam ko na pinag-awayan niyo, nag seselos ba siya? Oh wrong question, ang dapat pala anong meron sa inyong dalawa?"

Muling iniyuko niya ang ulo sa lamesa.

"Walang kami, Jacob."

"Owws? baka one sided love?"

"Wala nga."

"Okay then, o-order nalang ako ng makakain natin at least hindi tayo lumabas," tanging tango nalang ang naging tugon niya habang nakayuko.

Dumating ang order ni Jacob at sobrang thankful siya ng makitang may ice cream. Lagi siyang kumakain nito sa tuwing nalulungkot siya. Ngayon ay malungkot na siya dahil ngayon lang niya na realize ang ginawa ng binata sa kaniya. Tila ba pinaglalaruan siya nito. Pero mabuti nalang at wala silang masyadong ginagawa kaya ang lungkot niya ay naibsan dahil sa kwentuhan nila ni Jacob.

"Mr. Mendoza texted me,"

"Anong sabi?"

"Kapag daw umuwi na siya ay dapat wala na tayo dito," natigil siya sa pag kain.

"Ha? Ibig sabihin ay dapat mas maaga tayong umuwi?"

"Yes, may important meeting daw siyang dapat puntahan," tumango nalang siya bilang tugon at muling ipinagpatuloy ang pag kain.

Lumipas ang tatlong oras na nag aayos sila ng mga papers, schedule, meetings and appointment na mayroon ang binata. Hindi makakaila na malalaking tao ang mga kasama nito sa negosyo at mga kilalang tao rin pag dating sa business industry.

Pauwi na sila ngayon at kasalukuyang lulan sila ng elevator. "Hatid na kita?" alok ni Jacob sa kaniya.

Ngumiti siya. "Huwag na, may dadaanan pa ako, eh," sakto namang bumukas ang elevator at nauna na siyang lumabas since sa ground floor pa ang labas ni Jacob.

"Keep safe while driving," paalala niya rito.

Habang palabas ng gusali ay binuksan niya ang shoulder bag at kinapa ang cellphone para tawagan si Greyson. Pero nakailang ikot na ang kamay niya sa loob ng kaniyang bag ay hindi pa rin niya nahanap.

Nasapo niya ang kaniyang noo ng maalalang nasa gilid 'yon ng desk niya. Pumasok siyang muli sa building at dali-daling sumakay ng elevator.

Pagkarating niya sa 11th floor ay tinungo niya agad ang office nila at nakita niya ang phone niya kaya agad niyang ikinalma ang sarili. Nang makuha ito ay lumabas na siya at saktong paglabas niya sa pintuan ay nakita niya ang pag labas ng binata at may kasama itong babae na halatang ka-edad lamang nila.

Masaya ang mga ito habang may pinag uusapan. Makikita rin sa mata ng mga ito na espesyal sila sa isa't isa. Nakaramdam siya ng konting kirot sa kanang dibdib niya.

Ito ba yung important meeting? Kaya dapat mauna kami umuwi para hindi ko makita?

Hindi niya planong maging chaperone ng dalawa kaya agad niya itong nilagpasan. Bastos na kung bastos dahil sa mata ng iba ay empleyado lang siya. Pero para sa kaniya ay hindi na dahil disidido na siyang mag resign.

"Hey!" rinig niyang iritang sambit ng babae. Pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Agad siyang sumakay sa elevator at pinindot niya ng ilang ulit para mag-sara at bumaba na agad 'to.

Sa loob ng elevator ay napabuntong hininga siya. Pinipigilan niyang mag unahang tumulo ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Tumingala siya para mas pigilan pa 'yon dahil ayaw niyang makita ng ibang tao na umiiyak siya.

Pumara agad siya ng taxi at dali-daling pumasok.

"Hadlee!" may boses ng lalaki ang tumawag sa kaniya pero 'di na niya 'yon masyadong napansin dahil pagkapasok na pagkapasok niya ng taxi ay tumulo na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Damn! Bakit ang sakit?

Namamaga na ang mata niya ng makarating siya sa condo unit niya. Pagkapasok ay agad niyang ibinato ang sandals, tinanggal ang ipit ng buhok, hinubad ang mga saplot at tanging under wear lang ang natira. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng wine. Gusto niyang magpakalasing para pansamantalang makalimutan ang nakita niya.

Why I am so much affected? Eh, wala namang kami.

Tinungga niya ang isang basong wine at naubo siya dahil sa ginawa niya.

Dahil sa lalaking 'yon ay heto ako at nagpapakalasing, nakakatawa.

Nakarinig siya ng ilang katok mula sa pintuan niya. Nagtungo naman siya sa kwarto at kumuha ng bath robe at habang dala ang bote ng wine ay lumapit siya sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas.

Nang makita niyang si Greyson 'yon ay agad siyang tumalikod. Ang inaasahan niya ay si Klayde ang nasa pintuan pero mali siya.

Umasa ka pa Hadlee. Hindi ka hahabulin non dahil trip ka lang yata kanina.

Kinuha niya ang phone at tinext ang kaibigan na wala siya sa mood makipagusap kaya dapat na 'tong umalis. Nakarinig pa siya ng ilang katok pero hindi niya pa rin pinagbuksan. Muli niyang tinext ang kaibigan.

Hadlee Silverio:

Kapag hindi ka pa umalis sa tapat ng condo ko babarilin kita! Mark my words Greyson Luxerio.

After a minute ay wala ng kumatok sa pintuan niya. Laking pasasalamat niya nang hindi na siya nito kulitin. Talagang kilala siya nito.

Namayani ang katahimikan sa loob ng condo niya at nilamon nanaman siya ng sakit sa puso at kalungkutan.

Damn that weirdo man! Dahil sa'yo ay na sayang ang wine na iniinom ko!

Nagpatuloy sa pag agos ang luha ni Hadlee. Hindi niya alam kung bakit siya nasaktan ng ganito. Samantalang balewala lang naman sa kaniya ang binata.

I can't let you do this to me again! Lalayo na ako sa'yo !

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status