Share

KABANATA 3

CHAPTER THREE

Hinatid ni Greyson si Hadlee sa KW Hotel, ni-reccomend ito mismo ng kaibigan niya na dito muna tumuloy dahil kaibigan umano nito ang may ari ng hotel na 'to kaya alam niyang mahigpit sa security. Ayaw niyang mismong sa bahay nila siya tumuloy dahil wala naman siyang makakasama doon. Habang nasa elevator siya hindi niya pa rin maalis sa isipan ang nangyari. Hindi pa rin talaga niya lubos maisip na may ganoong takot pala dito sa mundo.

Huminto sa 12th floor atsaka siya lumabas, tiningnan niya ang number ng room niya at napangiti siya sa nakita.

Proverbs 16:3

It's a bible verse sa pagkaka-alam niya. Ipinalibot ni Hadlee ang paningin niya sa ibang unit number at halos lahat ng ito ay bible verses din.

Bago 'to sa kaniyang paningin kaya naman pinicturan niya at tinag ang KW Hotel at saka niya ipinost sa I*. Pagkapasok sa loob ng condo unit ay inayos niya ang mga gamit niya pagkatapos ay naligo dahil nanlalagkit na siya sa sarili.

Matapos siyang maligo ay agad niyang naisip na mag research tungkol sa takot mayroon ang binata. Gusto niyang malaman kung mayroon bang tawag sa ganitong klase ng takot. Habang pinupunasan ang buhok niya ay hinhintay niyang bumukas ang laptop niya.

Tumunog naman ang phone niya senyales na mayroong nag text sa kaniya.

Greyson:

Para mas mapalapit ka sa kaniya kailangan mong nag apply sa company niya mismo. Good luck Hadlee!

Hadlee:

Okay, ikaw na bahala sa requirements ko at kung anong kwento ang iimbento mo sa kaibigan mo.

Greyson:

Noted Ma'am!

Nakaramdam lalo siya ng awa dahil para bang niloloko nila si Klayde. Pero sa kabilang banda naisip ni Hadlee na para sa kaniya naman 'tong ginagawa nila. Bumuntong hininga nalang siya at sinimulan na ang research na gagawin niya.

Nagbasa siya ng nagbasa ng mga article tungkol sa takot sa may mahabang buhok. May nabasa siyang isang article na maaaring may nakaraan ito na sobrang na-trauma at nagka-phobia siya kaya ganito na ang binata ngayon.

Pero anong klaseng pangyayari 'yon? Grabe naman at umabot siya sa puntong takot sa may mahabang buhok.

Ipinagpatuloy ni Hadlee ang pagbabasa, totoong may fear of hair pero iba ang case nito dahil it's a fear of losing hair. Sa ngayon, iniisip niyang may pangyayari sa buhay nito na naganap kaya nagkaroon siya ng phobia sa mga babaeng mahaba ang buhok. As she continue, naligaw siya sa isang business article, naglalaman 'yon ng mga business man in the Philippines. Nasa pangalawang pahina si Klayde Mendoza.

"Klayde Mendoza is the only child of Mr. and Mrs. Mendoza and now the owner of Mendoza Company."

Napaka ikling information lang ang mayroon 'to na ikinakunot ng noo niya. Dahil dito niresearch niya ang pangalang Klayde Medoza at nagsilabasan ang iba't-ibang article why he hates a woman who have a long hair.

Mayroong dahil sa isa siyang bakla at inggit sa babaeng may mahaba ang buhok, mayroon ding sinaktan siya ng babaeng minahal niya noon na mahaba ang buhok kaya ayaw na niyang babaeng may mahaba ang buhok. Napansin ni Hadlee na puro non-sense naman ang mga nakasulat dito kaya tumuloy siya sa images.

Nakita niya rito ang ilang litrato na may close-up na kuha "Ang gwapo pala talaga niya," at ilan pang litrato na naka boxer lang "He's so hot and..." agad na ipinilig niya ang kaniyang ulo at isinarado ang laptop.

Naisipan na niyang matulog ng maaga dahil mukhang matinding acting ang kailangan niyang gawin bukas.

Kinabukasan ay maagang nag asikaso si Hadlee ng kaniyang sarili dahil mag aapply siya ngayon sa Mendoza Company. Ayon pa sa kaibigan niya ay ini-recommend na siya mimso sa company kaya wala na siyang problema dahil hindi na siya dadaan pa sa mahabang proseso maliban sa isang bagay.

Interview.

Nag-taxi lang siya papuntang Mendoza Company dahil ang kotse niya ay nasa mismong bahay ng mga magulang niya. She's now wearing a blue polo 3/4 sleeves and a white pencil cut na siyang humulma mismo sa balakang niya at pinarisan ng flat white shoes, matangkad naman siya kaya di niyaa alintana kung flat or may inch. Ang mahabang buhok niya ay hinayaan niyang nakalugay. She's full of confident kapag nakalugay ito at mas komportable sa kaniyang pakiramdam.

Mata man siyang pinagtitinginan pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kompanya at namayani na ang mga ilang bulungan. Hindi naman malaman ni Hadlee kung dahil ba sa bago lang siya dito o dahil kaya sa ganda niya kaya siya pinagtitinginan at pinag uusapan.

Well, thank you kung gano'n.

Sumakay siya ng elevator, dahil base sa pagkakatanda niya ay sa 11th floor siya iinterviewhin. Iilan lang silang nasa elevator kaya rinig niya ang usapan ng dalawang babae sa likuran niya.

"Ang haba ng buhok niya, mag aapply ba yan?"

"Girl, pagagalitan yan ng CEO kapag nakita siya."

Tumikhim naman ang isang lalaki sa gilid niya kaya tinapunan niya ito ng pansin at nginitian.

"Ahmm, maga-apply ka ba?" nakatingin ito sa kaniya na may alanganing ngiti."Sorry, By the way I'm Jacob, secretary of the CEO Klayde Mendoza," 'agad siyang humarap dito at ngumiti ng hindi labag sa kalooban niya.

"I'm actually here because Greyson Luxerio recommend me to a vaccant position in in HR Department," sabay lahad niya dito ng kaniyang kanang kamay na agad naman nitong tinanggap.

"So you're the one na itinawag niya sakin kagabi?!" gulat ang mukhang makikita dito kaya napakunot siya noo.

"Yes, why is there any problem?"

"Wㅡwala, I thought yㅡyou know that Mr. Mendoza doesn't like long hair," tiningnan nito ang kaniyang buhok mula sa kaniyang ulo hanggang sa beyawang.

Hindi alam ni Hadlee kung anong sasabihin niya rito para hindi malaman ang plano nila. "Hㅡhindi ko kasi alam, look naglugay pa nga ako ng buhok, eh," isang pekeng tawa ang pinakawalan niya.

Best actress goes to Hadlee Silverio!

"I see, bastaㅡ" hindi na natuloy nito ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng elevator kung saan siya baba. Samantalang ang sikretarya ay sa 12th floor pa. Ngiti nalang ang itinugon niya rito kahit hindi pa tapos ang sasabihin.

Pagkaharap niya sa kaniyang dadaanan ay agad na nakuha niya ang atensyon ng mga empleyado. Nanatiling nakangiti siya kahit na naiilang na siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at huminto sa tapat ng HR Dapartment.

"Ma'am may kailangan po ba kayo?" salubong sa kaniya ng isang empleyadong babae habang patuloy na tinitingnan ang buhok niya. Doon lang niya napansin na halos lahat ng kababaihan ay maiksi ang buhok at lahat above the shoulder ang haba.

"Tell to your HR Manager that the person named Hadlee Silverio recommend by Greyson Luxerio is here," parang natameme ang empleydo sa sinabi niya, kaya napatingin siya sa paligid ng nakangiti.

"May appointment po kayo?"

"Yes, may interview ako sa kaniya ngayon. As in now," nagmadaling naglakad papasok sa office ng HR manager ang empleyadong humarap sa kaniya.

Maya maya pa ay binalikan siya nito ng nakangiti. "Pasok na daw po kayo Ma'am. Haba ng hair Ma'am wag niyo po paputulan kahit anong mangyari," pabibiro nitong sabi dahilan para matawa siya.

Hindi mangyayari 'yan, matagal ko 'tong inalagaan. Di ko man pinangarap na maging endorser ng shampoo o conditioner hindi pa rin ako papayag no matter what happen.

Ikinastigo rin naman siya ng kaniyang isipan sa sinabi niyang "no matter what happen." Naalala niya ang dahilan kung bakit siya ngayon nasa kompanya ng binata. Sa halip na kalabanin ang sariling isip ay dali dali na siyang lumakad papasok ng office. Bumati sa kaniya ang isang babaeng nasa 40's na sa tantya niya. Bilang balik ay bumati rin siya at nakipag kamay rito.

As they talk, kahit ang HR Manager ay walang alam sa plano nila kaya ipinagpipilitan nitong ipaputol ang buhok niya. Nakatanggap naman ng tawag ang manager mula kay Greyson kaya agad siyang nakalusot dito. Pero sa pag aakalang sa HR Department siya mapupunta ay nagulat siya ng malamang secretary assistant siya ng secretary ni Mr. Mendoza.

So near, kaya ko ba?

"Kailan ang start ko?" muling sumilay sa kaniya labi ang isang pekeng ngiti.

"Tommorow Ms. Silverio."

"Tommorrow..." mahina niyang sambit. "So, I'll go ahead see you... tommorow," sambit niya sa manager at muling nakipag kamay.

"I suggest, better to cut your hair like us," sabay hawak sa buhok niya na para bang enjoy na enjoy niya. "Or just comb your hair, pero kahit na, mahahalata pa rin ni Mr. Mendez."

Tumango muna si Hadlee bago sumagot "Thanks for suggestion," saka siya lumabas sa opisina nito.

Tuluyan na siyang umalis sa HR department at habang naglalakad siya sa loob ng kompanya ay hindi pa rin maalis ang tinginan ng mga empleyado sa kaniya.

She texted Greyson to come with her dahil mamimili siya ng susuotin niya para sa trabaho. Hindi pa rin siya makapaniwala na sobrang lapit niya lang sa binata and take note bukas na siya magsisimula.

Tommorow is not my day.

××××

MALALIM ang iniisip ni Klayde noong banggitin sa kaniya ng sikretarya na may babaeng mag-aapply sa HR Department na may mahabang buhok. Kaagad pumasok sa isipan niya si Hadlee, kung tama ang hinala niya ay maaaring ito nga tinutukoy nito.

Pero bakit sa dinamirami ng kompanya dito sa manila ay sa mismong company niya pa nag apply? Klayde called the HR manager to verify kung tama ba ang hinala niya. And hindi siya nagkamali, she said "Hadlee Silverio reccommend by Greyson Luxerio."

Tinawagan niya ang kaibigan para tanungin kung bakit sa lahat ng babae ay 'yong babaeng may mahaba pang buhok. Nalaman niya mula rito na nangangailangan ito ng trabaho kaya naisip niyang dito nalang pagtrabahuhin since urgent hiring sa HR Department.

Dali dali siyang umalis sa building ng kompanya at dumiretso sa KW Hotel.

Nang makita siya ng kaibigan ay agad na lumapit sa kaniya "Klayde? What are you doing here?" nagtatakang tanong nito.

"Open pa ba yung offer mong condo para sa kaibigan?"

"Of course! Pero hindi na libre!" natatawang singhal nito sa kaniya.

"Okay lang kahit triple pa ang bayad basta ang unit na ibibigay mo ay katabi ng unit ng babaeng dinala dito ni Greyson."

"Oh that woman, anong mayroon?" napailing siya sa sinabi nito atsaka ngumiti, umalis ang kaibigan para tingnan ang condo unit number ng dalaga.

Lulan siya ngayon ng elevator habang tinitingnan ang condo unit number niya.

Exodus 10:10

Bago siya pumasok sa sariling unit at tiningnan niya muna ang pintuan ng dalaga at nang makapasok ay agad siyang naligo para naman makaramdam ng kaginhawaan sa katawan. Nang makalabas siya galing sa cr ay iniisip niya kung naroon na ba sa kabilang unit ang dalaga. Lumabas siya ng terris para silipin kung bukas ba ang ilaw nito.

Hindi naman siya nabigo dahil bukas nga ito at nasisiguro niyang nasa loob ang dalaga. Bigla siyang napapasok ng makitang lumabas din ito ng terris. Ayaw niyang makita ito dahil alam niya ang mangyayari. Kaya nanatili siyang nagtatago sa gilid ng window mirror.

Nakarinig siya ng isang tunog mula mismo sa gitara. Kasunod nito ang malumanay na boses ng dalaga.

♪ ♪ "Mayroon akong gustong sabihin

May alam kong lugar na 'di lihim

Pantay ang ligaya, hindi ka mag iisa

Sasama ka ba?" ♪ ♪

Ang lumanay ng boses nito na sobrang bumagay sa mismong kanta. Dahil sa pagkanta ng dalaga ay ipinikit ni Klayde ang mga mata niya habang dinadama ang bawat lyrics nito.

♪ ♪  "Mayroon akong hindi maipagtapat

Naguguluhan sa nararamdaman

Ating panghawakan ang mga sandali

Papayag ka ba?

"Hawakan mo ang aking kamay

Sabay tayong maglalakbay

Sa mundong tawa'y walang humpay

Sa mundong ako'y naghihintay" ♪ ♪

Pagdating sa chorus ay sinabayan niya itong kumanta.

♪ ♪  "Oh~ binata/dalaga

Sasama ka ba sa mundo na puno ng saya

Sa mundo na walang sakit at hapdi

Sa mundo na puwede kang umiyak

Oh~ binata/dalaga

Sasama ka ba sa mundo na puno saya

Sa pag ibig na tapat, sasamahan kita

Sa mundo na malaya ka" ♪ ♪

Her voice was so soft and hit my heart that's why it's beating fast.

Huminto ang dalaga sa pag gigitara at pagkanta kaya pati si siya ay tumigil din. Mukhang narinig ang boses niya.

"Hey neighbor I think you had a great voice!" masiglang sigaw nito.

Nanatili siyang nakatago at hindi nagpapakita sa dalaga. Bakla man tingnan pero ayaw niya lang talagang mawalan ulit ng malay sa harap nito for the second time.

"Mas maganda ang boses mo, you make my heart beats fast," he said with a wide smile.

"Aww. What a sweet word! Thanks! pero bakit ka nagtatago?"

"Nakasuot lang ako ng underwear, unless you wantㅡ"

"No, just stay there. Huwag kang lalabas," natawa ng malakas si Klayde sa natatarantang boses nito.

"Your voice sounds familiar," halata na sa boses nito ang pagtataka at kung nakikita niya ito ay paniguradong nakakunot ang noo nito.

"By the way, para kanino pala ang kantang kinanta mo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Para sa taong kakakilala ko lang, he had a fear or let's we say a trauma or phobia," naging malungkot ang boses nito.

Hindi maintindihan ni Colton kung bakit sarili niya ang naisip niya sa tinutukoy ng dalaga.

"Bakit mo naman siya inaalayan ng kanta?" he ask without thinking kung bakit niya naitanong 'yon.

"IㅡI just want to tㅡtell him that," kinanta ulit ni Hadlee yung part sa chorus. "I'll be your crying shoulder," halata ang lungkot sa boses nito na para bang pinipigilang umiyak.

"Your voice is like a melody in my heart..." he said and stand up at pinatay na niya ang ilaw ng condo unit niya.

Alam niyang naiwang blangko ang isipan ng dalaga, pero anong magagawa niya? Gusto niya itong tingnan at yakapin. Pero mas pinili niyang matulog nalang bago pa niya tawirin ito upang gawin ang gusto niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status