Share

KABANATA 2

CHAPTER TWO

Halos umabot ng dalawang oras si Klayde sa pagche-check sa buhok ng mga babaeng empleyado kaya nang matapos ay dumiretso muna siya sa Sweet Grey Coffee Shop na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Greyson. Kilala na siya ng mga empleyado rito kaya nang makarating siya ay 'agad na dumiretso siya sa private place niya sa coffee shop. Klayde place ang nakalagay na karatula dito. His area are surrounding with a sensored black mirror.

Sumimsim siya ng kape na dinala ng waiter. Hihintayin niya ang kaibigan para tanungin kung bakit ito uminom kagabi at kung sino ang babaeng nakita niyang lumapit dito kanina.

Habang abala sa pagbabasa ng business magazine ay nagulat siya nang biglang may babaeng umupo sa harapan niya. Nakuha ng mga mata nito ang atensyon niya. It's blue eyes, sobrang ganda na halos 'di niya maialis ang tingin niya rito. Her nose are pointed and her lips. . . Damn it! Napalunok si Klayde nang mag-stay ang mga mata niya sa labi nitong kulay rose gold. Gusto niyang matikman 'to kahit dampi lang.

"Hello!" nagsalita ito at nakita niya ang mga ngiti nito na mas lalong nakapagpatitig kay Klayde.

"Sir?" tawag nito sa kaniya pero parang wala siyang narinig kaya nang kumaway ito sa harapan niya ay doon na niya napansin ang mahaba nitong buhok na lumaylay sa balikat at braso nito.

Napahawak siya sa gilid ng lamesa at unti-unting para siyang nawawalan ng hininga. Hanggang sa bumagsak siya, ramdam na ramdam niya ang paghawak ng babae sa kaniya at rinig na rinig niya ang boses nitong halatang natatakot at kinakabahan.

"Sir? Sirㅡ gising, tulong! Greyson! Tulong!" nanginginig na sambit nito at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising siya dahil sa dalawang taong nag uusap. Rinig na rinig niya ang mga usapan nito. Kahit na nasa labas ito ng pintuan ng mismong kuwartong kinalalagyan niya.

"See what happened to him?" kilala niya ang boses na 'yon.

It's Greyson's voice.

"Yes, and it'sㅡit's unbelievable!" napakunot siya ng noo dahil ang boses na 'yon ay galing sa isang babae na hindi man lang niya mabosesan kung sino ang may ari ng boses nito. Pero natitiyak niyang narinig na niya 'to.

Ipinalibot niya ang paningin sa mismong lugar. Doon niya nakilala ang bawat gamit na nasa loob ng kwarto.

It's my room, why I'm here?

Naalala niya ang nangyari, 'yong babaeng mahaba ang buhok. Kaagad siyang napabangon habang hinahabol ang hininga. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at naitabig ang baso sa small table na nasa gilid.

"Nayㅡ Nay! tubig!" hinihingal niyang pagtawag sa katulong, at doon pumasok si Greyson at ang Ginang ng may dalang tubig.

"Klayde, are you alright?" inabot nito ang isang basong tubig at 'agad na ininom, kasunod nito ang pagkahinahon niya. "What happened?" tanong ng kaibigan niya at mataman niya itong tiningnan.

Alam ni Greyson kung anong trauma mayroon siyang klaseng takot. Takot na hindi niya man lang maalala kung saan nagmula. Takot na kasamang nabuo ng pagkatao niya. Ayaw naman niyang hulungkatin kung anong mayroon siyang nakaraan hindi dahil sa takot. Kung 'di dahil alam niya na isa 'yong hindi magandang pangyayari at ayaw niya ng balikan pa.

"It's just...that a woman with a long hair came."

Napabuntong hininga si Greyson. "Kailan mo ba balak labanan ang takot mo?" tanong nito.

Napahawak siya sa ulo niya at napailing. "I don't know." nanghihina pa din siya at muling naalala ang huling pangyayari.

Her voice. . . may pag-aalala sa boses niya nang makita niya akong bumagsak.

Nag angat siya ng tingin sa kaibigan "Do you know her?" umiwas naman ng tingin si Greyson. "Hey, I heared it. She called you noong bumagsak ako."

Umupo si Greyson sa gilid ng kama. "Yes, she's my friend hindi niya naman alam ang kondisyon mo kapag nakakakita ka ng babaeng may mahabang buhok."

Iyon ay lihim na pagsisinungaling ni Greyson.

"How is she?" hindi man lang niya pinag-isipan ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya.

"How— what?" gulat na humarap sa kaniya si Greyson. Siya man ay gulat din pero hindi siya nagpahalata.

"Narinig kong sumigaw siya. Natakot siguro siya nang mahimatay ako." gusto mang kastiguhin ni Klayde ang sarili niya ay huli na, dahil halatang-halata na ng kaibigan niya na nag-aalala siya para sa babae kaysa sa kalagayan niya.

"You want to see her?" nanlilisik ang mata niyang tiningnan ang kaibigan. "Okay, chill sabi ko nga hindi." matawa-tawa nitong sagot.

Parehas silang napahinto sa pag uusap at napatingin sa pinto nang may kumatok.

"Greyson?"

That voice! It's her hindi ako pwedeng magkamali.

Nanlaki ang mata ni Klayde habang nakatingin sa kaibigan. "Hadlee don't come, just stay there!" sigaw ni Greyson dahil sa sinabi nito ay napalagay ang kalooban niya. Kapwa nila hinihintay ang sagot ng babae.

"Isㅡ Is he okay?" bigla namang tumingin sa kaniya ang kaibigan na para bang pinaparating na siya na ang sumagot rito.

Nakipaglabanan siya ng tingin sa kaibigan pero sa huli siya pa din ang nagkusang nagsalita. "Yeㅡyeah, I'm oㅡokay. Thanks." napakunot noo siya sa huling sinabi niya.

Tama bang pasalamatan ang taong dahilan ng pagka-wala ng malay niya? Hindi nalang ulit pinansin ni Klayde ang kaniyang sinabi.

"Oh thank God! By the way, I'm sorry if I scared you. I didn't mean it." bakas pa rin sa boses ni Hadlee ang pag-aalala at pagka-sincere sa paghingi nito ng tawad.

"Don't worry, I'm good. Ako nga dapat ang mag sabi niyan. S—Sorry if I scared you.”

"Noㅡ I mean I'm scared because I care for you."

Unti-unting nanlambot ang puso ni Klayde at bumilis ang tibok niya pero hindi dahil sa takot, kun'di sa hindi niya malamang dahilan.

"Okay, ang drama na guys." tumayo si Greyson habang may nakakalokong ngiti ang rumihistro sa labi nito na ikinakunot ng noo ni Klayde at nagkibitbalikat lang 'to. "Since youʼre feeling well, Hadlee and I will go ahead."

Tango lang ang naging sagot niya at lumabas na ito.

"Klayde, aalis na kami, take care of yourself!" sambit ni Hadlee mula sa pinto.

"Yeah, have a safe drive, Greyson!" napailing siya habang nakangiti this is the first time na may nag-alala sa kaniya ng hindi siya lubos na kilala.

Ang ngiting pinakawalan niya ay napalitan ng isang halakhak dahil sa pangalang tinawag nito sa kaniya. Sa kabilang banda ay nagdidiwang ang puso niya dahil pakiramdam niya ang espesyal siya sa dalaga.

Klayde. Klayde. Klayde. Much better if she's the one who call me that.

This is the first time that Klayde Mendoza smile for a woman who had a long hairㅡ Naputol ang kasiyahan niya ng maalalang ang babaeng 'to ay may mahabang buhok.

Damn it!

Mabilis na kinuha ni Klayde ang phone niya dahil paulit ulit ang tunog ng notification niya sa messenger. Umangat ang isang kilay niya sa nakita dahil lahat yon ay galing sa group chat nilang magkakaibigan.

KW:

Hulaan niyo kung sino ang nakita ko!

Callum: Ex mo?

Gavin:

Hulaan mo din HAHAHAHA!

KW: *sent a photo*

Callum: Sexy niyan ah! Pero teka si @Greyson Luxerio ba yang kasama niya?

Givan: Mukhang alalay lang si Greyson HAHAHAHA!

Greyson: Hoy! Ako nanaman pala topic niyo rito!

KW: Share ko lang sa kanila, Alam niyo ba kasama 'yan ni Greyson kanina hinatid dito sa hotel.

Sa nabasa ni Klayde ay binalikan niyang muli ang litrato. Hindi niya ito nakilala agad dahil kitang-kita dito ang mukha nito na alam mong pwedeng ilaban sa larangan ng modeling and miss universe.

Damn this gorgeous woman!

Napansin niya din na nakatali ang buhok nito kaya kitang-kita ang bawat anggulo ng mukha ng dalaga. Isang puslit ng ngiti ang makikita sa kaniyang labi. Kasabay nito ang nabuong plano sa kaniyang isipan.

Nasa hotel pala siya ni KW? Mukhang magagamit ko na ngayon ang pagiging magkaibigan namin ni KW.

Sa hindi malamang dahilan ay gusto ni Klayde na makita pa rin ang dalaga kahit alam niyang pwede siyang paulit-ulit na hindi makahinga at mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status