BEYOND HER DESIRE

BEYOND HER DESIRE

By:  Tearsilyne   Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
51Chapters
2.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang unibersidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Isa itong high-class university sa buong bansa ngunit mas gugustuhin pa niyang mag-aral sa ibang university huwag lamang dito. Gustuhin man niyang magback-out ngunit wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat pasukan narin sa susunod na linggo at ang unibersidad lamang na ito ang tumaggap sa kanya. Labis pa niyang ipinagtaka na sa dami ng unibersidad na pinag-applyan niya ay wala ni isa sa mga ito ang nag-email sa kanya upang magbigay ng feedback. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang mga magulang, ay wala na silang magagawa sapagkat isa sa mga batas dito ay hindi na pwedeng mag-back out ang mga natanggap sa enrollment. Kung hindi ay mas lalong malalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Sa unang tapak pa lamang niya sa Shioma University ay hindi niya lubos maisip na may isang lalakeng makakapasok sa kanyang dorm. Ang lalakeng mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay. "I won't let anyone to see your precious body, babe. No one or I'll not hesitate to kill them."

View More
BEYOND HER DESIRE Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Phoenix Carlisle
ang ganda ng story, chapter 47 pls...
2023-05-02 05:23:36
1
51 Chapters
CHAPTER 1
"Allysa!" Napabalikwas ako ng bangon mula higaan nang biglang sumigaw ang bungangera kong kaibigan. Ang aga naman nitong pinapasok ni mama sa bahay. Napatingin ako sa orasan ko na nasa side table bago bumaling sa kanya na ngayo'y naka-upo sa harap ng salamin at inaayos ang make-up niya. "May good news ako sayo besh!" Tumitiling wika pa nito at naupo sa gilid ng kama ko.Wala pa akong ganang bumangon baka tsismiss na naman ipapa-almusal nito sa'kin. Great marites ko pa naman 'tong babaeng 'to. Updated pa sa mga reporter. "Ano na naman? Sinasabi ko sayo, kapag 'yan tsismiss na naman ipapalapa talaga kita kay Bruno." Wika ko sabay tayo at tinungo ang banyo upang makapaghilamos. Si Bruno ay ang nag-iisang malaking aso namin. Alaga ito ng pulis kong kuya. Hindi ko isinara ang pinto ng banyo upang marinig ang sagot nito. "Ano ka ba! Siyempre good news nga, hindi tsismiss. Marites na talaga tingin mo sa'kin ha? Nakikisag
Read more
CHAPTER 2
"P-paano ka nakapasok sa room ko?" Utal na tanong ko sa kanya imbes na sagutin ang tanong nito. Halos lalabas na ang puso ko sa subrang kaba at takot. Never in my life na nagpapasok ng lalake sa kwarto ko. Furthermore, hindi ko siya kilala. I don't even know his name. "F*ck! Just answer my question." Mura pa nito at dahan-dahang naglakad papalapit sa may kama ko. Naupo ito doon ngunit nasa akin parin ang paningin niya. Napa-igtad naman ako sa gulat at muntik nang mahulog ang tuwalya sa katawan ko. Nanginginig man ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Where are you, Chin? I earnestly pray in my mind na sana ay bumalik na si Chin. Baka ito na ang katapusan ng buhay ko. "A-ayos naman" Tipid na sagot ko pa rito at lumunok ng laway. Tila may nakabara sa'king lalamunan at nahirapan pa akong bigkasin iyon. Kung noong high school ko ay palaban at ta
Read more
CHAPTER 3
Agad akong napalayo sa lalake nang marinig ko ang boses ni Chin. I was stunned as I realized who she just called him 'kuya'. Did she mean na ito ang nakakatanda niyang kapatid? Halos 'di mai-pinta ang reaksiyon ni Chin sa nadatnan niyang posisyon namin. Napayuko naman ako sa hiya. I still wearing this towel at ang gulo rin siguro ng buhok ko. "Chin! Didn't I tell you to knock before entering someone's room?" Galit na sigaw pa nito kay Chin. Nakita ko namang biglang namutla sa Chin. "S-sorry, k-kuya. I d-didn't mean to interrupt. I thought..." Agad naman nitong pinutol ang sasabihin ng kapatid. Ang bastos ng lalakeng 'to. Kung naging kapatid ko 'to, kanina ko pa inupakan. Buti nalang nag-iisa akong prinsesa nila mama. "Get out now!" Sigaw pa nito sa kapatid. Nataranta naman si Chin. Tumingin muna ito sa'kin saglit bago humarorot palabas ng room ko.
Read more
CHAPTER 4
Matapos namin doon sa shoe store ay tinungo namin ang restaurant. Namamangha ko pang pinagmasdan ang buong paligid. Subrang ganda. Hindi mo aakalaing paaralan ito dahil kompleto lahat sa loob ng campus. May sariling gym at restaurant sa loob. Subrang sosyal ng paaralan na 'to. Kung hindi lang dahil kay Chin ay 'di ako mag-aaral dito. Nag-aalala ako sa maaring kahihinatnan namin dito. "Sit here." Utos pa nito sabay hila ng upuan. Ginawa ko naman ang sinabi nito dahil sa takot na mabugahan ng apoy. Naupo rin naman ito sa tabi ko. Sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya. Hindi talaga ako sanay sa ganitong set-up. Nasanay kase ako na si Chin ang palaging kasama na kumakain sa labas o 'di kaya ay ang mga magulang ko o si kuya. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadito kaya bahagya kong itinabon ang buhok ko sa mukha. Kanina ko pa talaga gustong tumakbo palabas at magkulong nalang sa room ko. Kaso
Read more
CHAPTER 5
"Shokoy este Ez. Wala ka bang balak ipakilala sa amin ang girlfriend mo?" Pagputol pa ni Nick sa katahimikan. Agad akong nabilaukan nang ma-realize ang sinabi nito. Nagdadalawang isip pa ako kung kaninong tubig ang aabutin ko dahil lahat sila ay may inabot sa'kin. "Here, drink this. " Wika ni Arrone sabay abot sa'kin ng isang basong tubig habang hinihimas ang aking likod. " Are you okay? " Nag-aalalang tanong pa nito na tinunguan ko naman bilang tugon. "Kahit anong mangyare loyal talaga 'to. Mas pinili pa ang tubig ni kuya. Ikaw, besh ha." Tuksong wika pa ni Chin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Ah h-hindi niya ako girlfriend." Pagkaklaro ko pa sa sinabi ni Nick. Napasipol naman si Nath at kunyaring iginagala ang tingin. Habang si Chin at Jes naman ay natawa. Taka ko naman silang tiningnan. "Sapol 'yon ah. So pwede pa pala akong manligaw sa'
Read more
CHAPTER 6
Nagising ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa'king tiyan. Dahan-dahan akong gumalaw upang tingnan kung ano ito ngunit mas humigpit pa ang pagyakap nito. "A-Arrone? " Takang tanong ko nang makitang mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Wala pa itong suot na pang-itaas. Napalunok naman ako nang dumapo ang tingin ko sa abs niya. Nahigit ko pa ang aking hininga nang isiksik pa nito ang kanyang mukha sa'king leeg. "Don't move, Allysa." Wika pa nito nang akto akong kakawala mula sa kanyang bisig. Ang lakas nito. " 'D-di ako makahinga. " I tried to calm my voice not to stutter pero 'di ko magawa. Naiilang ako kapag nasa tabi siya. Sa pagkakaalala ko ay natulog akong walang katabi kagabi. Matapos kase nang nangyare kahapon ay pinalabas ko na siya dito. Na-spechless ako. "A-Arrone, 'd-di ako m-makahinga. " Pag-uulit ko pa nang hindi ito nakinig. Aktong kikilos ako upang itulak siya nang bigla itong gumalaw at puma-ibabaw sa'kin. Ang sunod na nangyari ay naramdaman ko na
Read more
CHAPTER 7
Matapos kong palayasin si Arrone sa room ko ay minabuti ko munang maghanda para sa unang klase ko. First day of class namin ngayon kaya 'di pwedeng ma-late ako. Saktong paglabas ko naman sa room ay siya rin paglabas ni Chin. Malapad pa ang ngiti nito. "Morning tupaking, beshy! " Wika pa nito sabay hug sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa niya. " 'Di ako tupakin! " Giit ko pa. " Meron kaba ngayon, beshy? Nagsusungit kalang kasi tuwing dalaw mo eh. " She said at nagsimula na kaming maglakad. Tumango naman ako sa kanya. "Sabi na eh! Kaya pala nagawa mong mapalayas si kuya. " Tumatawang wika pa nito. " Kuya mong reklamador. Ipapakain ko talaga ang lalaking 'yon kay Bruno. Nakakainis! " Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko. " Relax, beshy. Nakakasira ng beauty yan, remember. Pero boto talaga ako sa'yo, ang epek ba naman ng mukha ni kuya kanina. Parang maiiyak na. Kanina ko palang siya nakitang ganun." Mahabang wika pa nito sabay halakhak. Hindi ko siya sinagot
Read more
CHAPTER 8
Dahil sa 'di kami nakalabas ng campus ay napagpasyahan namin na tumambay nalang sa room ko. Pati si Arrone at mga kaibigan niya ay 'di rin pumasok. Si Chin naman nag-excuse nalang kasi ayaw niyang pumasok kung hindi rin ako papasok. " Oy! Nikolas. Pakiabot nga nong asin. " Tawag pa ni kuya kay Nick na abala sa paglalaro sa kanyang cellphone. Nagulat nga ako kanina at kilala nila si kuya maliban kay Arrone. 'Yon pala nagkasama sila dati sa isang league. " Mamaya na, Gael. Matatalo ako. " Sagot pa ni Nick habang nasa cellphone parin ang atensiyon. Ako nalang ang tumayo at pumunta sa kusina. Total kanina pa ako nababagot. Si kuya ang nagpresenta na magluto, total minsan lang raw kaming nagkakasama. Mahilig talaga 'to magluto simula pa noong mga bata pa kami. Nagiging bonding din kasi namin ito. " Ito, kuya. Gusto mo ba tulungan na kita?" Tanong ko sa kanya sabay abot ng asin. "No, baby sis. Maupo ka nalang diyan at manuod sa'kin. " Nakangiting wika pa nito sabay kindat. Ang confiden
Read more
CHAPTER 9
" Allysa, I don't know where to start 'cause I never did it before. " Pag-uumpisa pa ni Arrone. " I'm sorry for what I did to you this morning. Alam kong mainit ang ulo mo kasi may ano ka..." Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ko. " Anong may ano ha? " pagsusungit ko pa. " J-just relax okay. You pressured me. I'm sorry for what I did. I know it's wrong but my feelings for you was real. I love you, Allysa. Matagal na. " Mahabang wika pa nito na nagpatigil sa'kin. " 'W-wag ka ngang magbiro ng ganyan. " I tried to act like nothing at bahagyang tumawa upang 'di ma-awkward. " No, Allysa. Honestly, I have been with you since high school. " Wika pa nito na mas lalong nagpagulo sa'kin. " W-what do you mean? Eh hindi pa nga kita nakita simula pa noong magkaibigan kami ni Chin. " Pagtataray ko pa sa kanya. Napahilamos naman siya sa kanyang mukha. Trying to calm himself. " Allysa, look at my eyes. " Ma-awroridad na utos pa nito sabay hawak sa magkabila kong balikat. My heart beats faster
Read more
CHAPTER 10
" Beshy! " Napa-igtad ako mula sa kinauupuan nang biglang sumigaw si Chin sa may tainga ko. Napalalim yata ang pag-iisip ko. " Ano kaba, beshy. Lunch break na lutang ka pa din. Ano 'di pa ba kayo bati ni kuya? " Tanong pa nito. Napayuko naman ako. Simula kasi kaninang umaga 'di ko siya nakita. Palagi akong tumitingin sa labas ng bintana at nagbabasakaling dadaanan siya. Kapag talaga nakita ko 'yon uupakan ko talaga. 'Di man lang nagparamdam. ' 'Di kaya galit siya sa'kin kahapon?' Dapat nga matutuwa ako kasi walang nangingialam sa buhay ko ngayon pero bakit hinahanap ko siya. Guilty lang yata 'to sa ginawa ko. Umiling ako kay Chin sabay ligpit ng mga notebooks ko. Wala talaga akong naintidihan sa mga itinuro kanina. Baka 'yong pagiging top one ko noon babagsak ako ngayong college. " Ayan, tupakin mo kasi, beshy. " Pang-aasar pa nito sa'kin. " 'D-di ba kayo nagkita ng K-kuya mo kanina? " Napakagat labi pa ako nang itanong iyon. Kanina ko pa talaga gustong magtanong kay Chin kaso na
Read more
DMCA.com Protection Status