Share

CHAPTER 8

Dahil sa 'di kami nakalabas ng campus ay napagpasyahan namin na tumambay nalang sa room ko. Pati si Arrone at mga kaibigan niya ay 'di rin pumasok. Si Chin naman nag-excuse nalang kasi ayaw niyang pumasok kung hindi rin ako papasok.

" Oy! Nikolas. Pakiabot nga nong asin. " Tawag pa ni kuya kay Nick na abala sa paglalaro sa kanyang cellphone. Nagulat nga ako kanina at kilala nila si kuya maliban kay Arrone. 'Yon pala nagkasama sila dati sa isang league.

" Mamaya na, Gael. Matatalo ako. " Sagot pa ni Nick habang nasa cellphone parin ang atensiyon. Ako nalang ang tumayo at pumunta sa kusina. Total kanina pa ako nababagot.

Si kuya ang nagpresenta na magluto, total minsan lang raw kaming nagkakasama. Mahilig talaga 'to magluto simula pa noong mga bata pa kami. Nagiging bonding din kasi namin ito.

" Ito, kuya. Gusto mo ba tulungan na kita?" Tanong ko sa kanya sabay abot ng asin.

"No, baby sis. Maupo ka nalang diyan at manuod sa'kin. " Nakangiting wika pa nito sabay kindat. Ang confident talaga nito. Mana kay tatay.

Naupo ako sa isang high stall at pinanood nalang siya. Ang boring naman kasi kung babalik ako sa sala. Kanya-kanya silang naglalaro don samantalang ako walang mapaglibangan. Hindi ko naman kasi alam anong laro 'yon. Taga ibang planeta nga talaga siguro ako at walang kaalam-alam sa mga usong laro.

Si Arrone naman, ayon may sariling mundo. May kinukulikot na naman sa cellphone niya. 'Di na ako magtataka kung marami 'yong babae. Bahala siya sa buhay niya. Kahit pa makipaglandian siya sa mga babaeng halos mahimatay nang umaaligid sa kanya. Ipapakain ko pa siya kay Bruno.

" Kuya, wala ka bang trabaho ngayon? " Tanong ko sa kanya. Isinalin muna nito sa plate ang kanyang niluto bago bumaling sa'kin.

" Nalaman ko kasi kina nanay na dito ka nag-aaral kaya agad akong pumunta dito at nag-file ng one day leave. " Mahabang sagot pa nito. Hinubad niya naman ang suot na apron at inayos na ang mga niluto.

" 'D-di ka galit na 'di ko sinabi sa'yo at dito pa ako nag-aral?" I confusingly asked him. Umiling naman ito.

" Why would I, baby sis? Galing din naman ako sa school na 'to. " Sagot pa nito na ikinagulat ko. Bakit hindi ko 'yon alam. May iba pa kayang hindi ko alam tungkol sa kanya?

" Talaga? Ba't 'di ko alam 'yon? Samantalang sina nanay natatakot na dito ako mag-aaral. " Nakabusangot na wika ko pa. Lumapit naman ito sa'kin sabay pitik ng mahina sa noo ko.

" Of course nag-aalala sila sayo. Nag-iisa kang prinsesa namin kaya we're afraid. We care for your safety. And I didn't tell you about it kasi ayo'ko lang.  " Natawa naman ako sa huling sinabi nito.

" Thank you, kuya. " Malambing na wika ko pa sabay yakap sa kanya.

" For what, baby sis? " Takang tanong niya pa.

Sasagot na sana ako nang magsalita si Chin mula sa pinto ng kusina. Nakabihis na ito samantalang ako nakasuot parin ng uniform.

" Ay, nag-mo-momment ang magkapatid. Kainan naba, kuya Gael. Nagugutom na bulate ko eh. " Natawa naman kami ni kuya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ang takaw nito pero 'di man lang tumataba.

" Yes, everything is ready. Tawagin mo na sila at kakain na tayo. " Wika pa ni kuya. Nag-presenta naman ako na ako na ang tatawag sa kanila.

__________

" So, Arrone right? Kailan naging kayo ng kapatid ko? " Pagbasag pa ni kuya sa katahimikan habang kumakain kami. Nabilaukan naman ako sa tanong nito.

Inabutan agad ako ni Arrone ng tubig sabay hagod sa likod ko. Matapos kong inumin ito ay bumaling ako kay kuya.

" A-anong tanong naman 'yan, kuya? " Kunyaring wika ko pa. Tinaasan naman ako nito ng kilay kaya tumahimik nalang ako. Ayaw pa naman nito na ako ang sumasagot sa tanong na para sa iba. Ganyan si kuya simula pa noon.

" Kanina lang naging kami. " Sagot pa ni Arrone. Nalaglag naman ni Chin ang kanyang kutsara habang sina kuya, Nick, Nath at Jes ay napanganga.

" Ulitin mo nga, kuya. " 'Di makapaniwalang wika pa ni Chin. Hindi siya sinagot ni Arrone. " So, kanina lang naging kayo tapos naghiwalay agad? Ganun? " Dagdag na sabi pa nito. Binatukan naman siya ni Nath.

" Love quarrel 'yon, hindi hiwalayan. Kitid talaga ng utak mo, clumsy Chin. " Pagtatama pa ni Nath sa kanya sabay na mapang-asar na ngumisi.

" Pareho lang 'yon. 'Wag ka rin epal, shokoy! " Balik na saad pa nito. Para talagang aso't pusa ang dalawang 'to.

" Kaya pala may malaking tarpaulin don sa building. Ano bati na ba kayo? " Nakataas kilay na tanong ulit ni kuya. Napaiwas naman ng tingin si Arrone. Ang apat naman nagpipigil na huwag tumawa.

" Hindi! Ayo'ko sa lalaking reklamador, kuya. " Sagot ko pa nang 'di nagsalita si Arrone. Napatingin naman ito sa'kin. Maasar nga 'to kung hanggang saan ang pasensiya niya.

" So, kung ganun pala, hiwalayan mo na 'yan, Allysa. Erereto nalang kita kay Boboy." Mapang-asar na suhistisyon pa ni kuya. Bumuhakhak naman sila Chin, Nath, Nick at Jes nang makita ang reaksiyon ni Arrone. 'Di na maipinta. Namumula pa ang buong mukha nito at tila 'di makapaniwala sa sinabi ni kuya.

Ang tinutukoy ni kuya na si Boboy ay ang kapitbahay namin na isa ring seaman. May crush ito sa'kin pero 'di ko type.

" No! I won't let her do that. She's mine! " Wika pa nito sabay hila sa'kin. Pinigilan naman ito ni Kuya.

" San mo dadalhin ang kapatid ko? Isang hakbang kakalabitin ko 'to. " Napalunok naman ako nang marinig na kumasa si kuya ng baril. Samantalang si Arrone parang wala lang sa kanya. Huminto lang siya at humarap kay kuya.

" We're just going to talk in private. " Sagot pa nito at tulo-tuloy akong hinila papasok sa kwarto.

Nagsimula na naman akong kabahan kapag ganito ang awra niya. Narinig ko pang ni-lock nito ang pinto bago humarap at dahan-dahang humakbang papalapit sa'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status