Share

CHAPTER 10

" Beshy! " Napa-igtad ako mula sa kinauupuan nang biglang sumigaw si Chin sa may tainga ko. Napalalim yata ang pag-iisip ko.  " Ano kaba, beshy. Lunch break na lutang ka pa din. Ano 'di pa ba kayo bati ni kuya? " Tanong pa nito. Napayuko naman ako.

Simula kasi kaninang umaga 'di ko siya nakita. Palagi akong tumitingin sa labas ng bintana at nagbabasakaling dadaanan siya. Kapag talaga nakita ko 'yon uupakan ko talaga. 'Di man lang nagparamdam. ' 'Di kaya galit siya sa'kin kahapon?' Dapat nga matutuwa ako kasi walang nangingialam sa buhay ko ngayon pero bakit hinahanap ko siya. Guilty lang yata 'to sa ginawa ko.

Umiling ako kay Chin sabay ligpit ng mga notebooks ko. Wala talaga akong naintidihan sa mga itinuro kanina. Baka 'yong pagiging top one ko noon babagsak ako ngayong college.

" Ayan, tupakin mo kasi, beshy. " Pang-aasar pa nito sa'kin.

" 'D-di ba kayo nagkita ng K-kuya mo kanina? " Napakagat labi pa ako nang itanong iyon. Kanina ko pa talaga gustong magtanong kay Chin kaso nahihiya ako. Malakas pa naman mang-asar 'to.

" Ayieee! Hinahanap. Sabi na eh. 'Di naman nagpakita si kuya sa'kin. Bahala siya sa buhay niya. Pagagalitan lang naman ako non kapag pupunta siya sa room ko. Paki niya ba kung pink mga gamit ko 'don. " Mahabang litanya pa nito. Napatango lang ako habang nagpalinga-linga sa paligid.

Matamlay ako habang tinatahak namin ang pasilyo sa cafeteria. Dito nalang muna kami kakain. Makaka-save ako dito.

" Woy, beshy. Kanina pa ako dada nang dada dito 'di mo ako pianapakinggan. " Kunyaring nagtatampo na wika ni Chin.

" P-pasensiya na. May iniisip lang." Sagot ko pa. Wala akong ganang kumain. Tinititigan ko pa lang ang pagkain nabubusog na ako.

Agad akong napaangat ng tingin at napatingin sa bukana ng cafeteria nang may biglang tumugtog. Kasabay niyon ay ang tilian ng mga kababaihan. Hindi ko makita kung ano ang meron dahil nagsisiksikan ang mga estudyante.

" Halika, maki-marites tayo. " Wika pa ni Chin sabay hila sa'kin. " Excuse me. Paraan ang mga maganda." Wika pa nito at sumiksik sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Nang tagumpay kaming nakapunta sa harap ay napatigil ako at agad na nanlaki ang mga mata nang mapagsino ito. It's Arrone. Nakangiti pa itong kumakanta habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak sa kanyang kaliwang kamay.

My heart's beats faster as our eyes meet. Subrang lakas ng kabog nito. Lumapit siya sa'kin sabay abot ng bulaklak habang patuloy parin na kinakanta ang 'Forgive Me ni Nataly'. Paborito din kasi itong kinakanta ni tatay sa tuwing nagkagalit sila ni nanay.

Tinanggap ko ang bulaklak at ngumiti sa kanya. Subrang ganda ng boses niya. Naluluha ako at 'di ko akalaing gagawin niya 'to. Napasabay pa ako sa pagkanta.

Matapos ang huling lyrics ay hinawakan niya ang kanang kamay ko.

" I don't know where to start, Allysa. Ayaw ko kasing maging mainit na naman ang ulo mo. But, Allysa. I sincerely apologize for breaking your rules. " Bahagya naman akong natawa sa sinabi nito. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. " Today, in front of everyone, Allysa. 'Di ako mapapagod na suyuin ka. Alam kong kanina mo pa ako hinahanap. Kulang na nga lang lumabas ka sa bintana.  " Natawa pa ito sa panghuling sinabi na ikinalaki ng mata ko. Ibig sabihin nakita niya ako kanina.

" Eh b-bakit 'di ka nagpakita kanina? " Tanong ko pa sa kanya.

"  'Cause I prepare for this. Pinaghandaan ko 'to para sa'yo. " Nakangiting sagot pa nito. Naluluha ko naman siyang niyakap.

" Thank you, Arrone. Sorry kung naging masungit ako sa'yo kahapon. " Wika ko pa. Nabasa ko na yata ang uniform na suot niya. Nang kumalas ako ng yakap ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. He wipe the tears that run through my chicks using his thumb.

" I should be the one to say that, Allysa. Naintidihan kita kasi alam kong may ano ka..." Pabitin na wika pa nito. Mahina ko naman siyang hinampas sa balikat. Alam ko ang tinutukoy nito. Nahihiya lang siyang banggitin. " Starting today, I will not going to break any of your rules. " Dagdag pa nito.

" May rule number five pa 'yon. " Agad na wika ko na ikanalaki ng mata niya. Natawa naman ako sa reaksiyon nito.

" Ang sakit sa mata woy. 'Don kayo sa malayo maglandian." Sigaw pa ni Nath. Napahiyaw naman ito nang batukan ni Nick.

" Maghanap ka rin. " Asar pa ni Arrone dito. Nagsitawanan naman ang mga narito sa cafeteria.

" Let's go. Finish your food and I'll take you somewhere. " Malumanay na wika pa nito sabay iginiya niya ako pabalik sa kinauupuan namin ni Chin kanina.

___________

Matapos naming kumain ay pinasakay ako ni Arrone sa kanyang sasakyan habang may blindfold. Ano naman kayang pakulo nito.

" Arrone, saan mo ba ako dadalhin? " Paulit-ulit na tanong ko pa sa kanya.

" Just relax, Allysa. It's a surprise. I can't tell you. Malapit na rin tayo. " Sagot pa nito habang ang isang kamay ay hawak-hawak ang kamay ko. Bahagya niya pa itong pinisil. " We're here. Don't take off your blind fold okay? " Wika pa nito sabay patay ng makina.

" Arrone. " Pagtawag ko pa nang biglang tumahimik. Maya-maya pa ay naramdaman kong bumukas ang pinto sa gilid ko.

" Don't move. " Utos pa nito sabay na tinanggal ang seatbelt ko. " Okay, step down, Allysa. Be careful. " Malumanay na wika pa nito habang inalalayan niya ako. Pagbaba ko ay biglang sumalubong sa akin ang sariwang hangin at mabangong amoy.

Inalalayan ako ni Arrone sa paglalakad hanggang sa huminto kami. Naramdaman kong tinanggal nito ang blind fold kasabay ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Ang ganda. Dinala niya pala ako sa Sirao garden. Hindi ko pa ito napuntahan kahit na dito ako lumaki sa Cebu. Subrang nakakamangha.

" Wow ang ganda! " Bulalas ko pa at agad na lumapit sa bulaklak at inamoy ito. Napangiti pa ako nang makitang maraming mga butterflies ang masayang nagliliparan.

" Do you like my surprised?" Tanong pa ni Arrone. Humarap ako sa kanya sabay yakap.

" Subra! Thank you, Arrone." Wika ko pa. I kissed him on the chicks at agad na tumakbo. Nakita ko pang nagulat ito sa ginawa ko. Tumungo ako sa may malaking Sirao guarden display. " Arrone, picture tayo. " Pagtawag ko pa rito. Lumapit naman ito sa'kin.

" Did you bring your phone? " Tanong pa nito. Napailing naman ako nang maalalang iniwan ko ito sa dorm. " Okay, let's use mine. " Agad na wika nito at hinugot ang cellphone mula sa kanyang bulsa.

" Talaga? Pasahan mo ako mamaya ha. " I excitedly said. Ngumiti naman ito ng matamis sa'kin.

" Come closer. " Utos pa nito. Agad ko namang sinunod ang sinabi nito.

Kumuha pa kami ng maraming litrato sa buong parte ng Sirao garden. Nang mapagod ay nag-aya ako sa kanya na kumain ng ice cream.

" M-may klase pa pala ako ngayong hapon. " Bulalas ko nang maalalang may pasok pa. Ang bilis ng oras. Nawala man lang sa isip ko 'yon.

" I already excused you. Don't worry. " Agad naman na wika ni Arrone. Napahinga naman ako ng maluwag.

" Thank you. " Nakangiting pasalamat ko pa sa kanya.

" Ez! " Napalingon ako nang may biglang tumawag sa pangalan ni Arrone. Nakita ko naman ang isang sexy na babae na papalapit sa'min. Ang ganda niya. " It's good to see you here, Babe." Agad na wika nito nang makalapit.

Tila ba may tumusok sa puso ko nang marinig ang sinabi nito. Nakita ko pang nagulat si Arrone nang makita ito. Ngumiti pa ang babae sabay halik sa kanya sa labi. Napaatras naman ako sa ginawa nito.

'Ibig sabihin girlfriend niya 'to. Pero bakit nanliligaw pa si Arrone sa'kin?' naguguluhan kong tanong sa isip. Agad akong tumakbo palayo sa kanila. Tinawag pa ako ni Arrone pero 'di na ako lumingon. Bahala siya sa buhay niya.

Ang tanga ko. Ba't ako nasasaktan kong wala namang kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status