Share

CHAPTER 9

" Allysa, I don't know where to start 'cause I never did it before. " Pag-uumpisa pa ni Arrone. " I'm sorry for what I did to you this morning. Alam kong mainit ang ulo mo kasi may ano ka..." Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ko.

" Anong may ano ha? " pagsusungit ko pa.

" J-just relax okay. You pressured me. I'm sorry for what I did. I know it's wrong but my feelings for you was real. I love you, Allysa. Matagal na. " Mahabang wika pa nito na nagpatigil sa'kin.

" 'W-wag ka ngang magbiro ng ganyan. " I tried to act like nothing at bahagyang tumawa upang 'di ma-awkward.

" No, Allysa. Honestly, I have been with you since high school. " Wika pa nito na mas lalong nagpagulo sa'kin.

" W-what do you mean? Eh hindi pa nga kita nakita simula pa noong magkaibigan kami ni Chin. " Pagtataray ko pa sa kanya. Napahilamos naman siya sa kanyang mukha. Trying to calm himself.

" Allysa, look at my eyes. " Ma-awroridad na utos pa nito sabay hawak sa magkabila kong balikat. My heart beats faster nang magtama ang mga mata namin. " I don't wanna hide this anymore. F*ck! Nagseselos ako kanina. I really wanted to kill them. Natatakot akong maagaw kapa sa'kin, Allysa. "

" A-ano bang pinagsasabi mo diyan? " Kunyaring 'di ko na-gets ang mga sinabi niya. Ang weird ng lalaking 'to.

" Allysa, matagal na kitang sinusundan. " Dagdag pa nito na mas lalong nagpagulo sa isip ko. 'Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?' " I am the guy who save you from drowning three years ago. I am also the reason kung bakit nawala lahat ng manliligaw mo. " Pagbunyag pa nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman.

Three years ago, nalunod ako sa dagat nang pilitin kong matutong lumangoy. Pagkatapos non sinabi nalang nina nanay sa'kin na may lalaking nagligtas pero 'di ko alam kong sino, ni mapasalamatan man lang iyon.

May mga manliligaw din ako nong high school kaso pagdating ng ilang araw 'di na sila nagparamdam kaya akala ko na-ghost nila ako.

" Saan mo sila dinala? " Tanong ko pa sa kanya. Napamura pa ito sa tanong ko kaya bahagya ko siyang naitulak sa gulat.

" Why are you so worried about them, Allysa? " Tumalikod naman ito sa'kin at napasuklay sa kanyang buhok gamit ang mga daliri.

" Bakit? Pinatay mo ba sila? " Sunod na tanong ko na nagpalaki ng mga mata niya. Malapit na talaga akong matatawa sa reaksiyon niya. Namumula na ang magkabilang tainga niya.

" O-of course not. Mamamatay tao naba talaga tingin mo sa'kin, Allysa? "Sagot pa nito. Namumula na ang mukha niya at halatang nagtitimpi. Subukan lang nitong magalit ngayon at makakalayas 'to dito.

" Paano kung oo? Puro ba naman ' I'll kill them' ang nasa bunganga mo. Alam mo? Rule number four ko 'yan. Ayaw ko sa lalaking mahilig magmura, bisyoso, at babaero. " Mahabang sagot ko pa. Biglang naging maamo naman ang mukha niya and trying to calm himself.

" I can't blame you with that. Pero seryoso ako, Allysa. Hindi ako aalis dito sa room hangga't hindi mo ako papatawarin, please. " Naka-pout na wika pa nito at nag-puppy eyes. Parang batang nanghihingi ng candy. Natawa naman ako sa reaksiyon nito. Ang cute niya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya but I try to control myself. Ganyan kasi ginagawa ko kapag nangigigil ako sa pisngi ng bata. 'Di ko tinitigilan hangga't 'di umiiyak.

" 'Di effective sa'kin ang paawa effect na 'yan. " Kunyaring wika ko pa at tumalikod. Napangiti naman ako. Bahala siyang maghirap siyang manuyo sa'kin.

" Allysa, please. "

Hindi ko siya pinansin at tinungo nalang ang closet upang makapag bihis. Bago paman ako tuluyang pumasok ay humarap muna ako sa kanya.

" 'Wag kang sumunod dito kun'di puputulan kita ng ulo. " Pagbabanta ko pa sa kanya. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. Aktong susunod siya sa'kin nang sinamaan ko ito ng tingin. " Gusto mo bang lumayas dito ha? " Pananakot ko pa. Buti naman at naging effective ang sinabi ko at naupo nalang ito sa gilid ng kama.

Paglabas ko ng banyo ay nandon parin si Arrone kung saan siya nakaupo kanina. 'Aba, masunuring pusa.' natawa naman ako sa isip.

" Allysa, please forgive. Tell me what should I do para patawarin mo ako. " He sincerely said. Nag-isip naman ako ng pwedeng gawin.

" Hmm. Gusto kong pumunta sa lugar na may maraming bulaklak at mga paro-paro. " Nakangiting wika ko pa. Simula pa noong bata ako, mga ganoong lugar ang gusto kong tambayan. Nakakaaliw kasi at nakakawala ng stress.

" Is that all? " Tanong pa nito.

" Bakit? Gusto mo bang dagdagan ko pa?" Napatayo naman ito sa sinabi ko.

"No. I m-mean I'll take you there. " Agad na sagot nito. Tumango lang ako. " But you can't go outsided with that short, Allysa. " Dagdag pa nito at napatingin sa suot kong high waist short.

" Bakit? Hindi naman 'to butas-butas ah. " Agad na depensa ko.

" J-just don't go outside with that. Hindi bagay sayo ang short. " Sagot pa nito at nag-iwas ng tingin. Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya.

" Ah ganun? Maraming nag-sasabi na maganda at sexy ako tapos sasabihin mong 'di bagay sakin. Lumayas ka nga dito! Pumunta ka don mag-isa at maghanap ng ibang maliligawan mo! " Galit na wika ko pa. Lumapit naman siya sa'kin.

" N-no please, Allysa. I j-just don't want them to look at your legs. Ayaw kong may ibang lalaking titingin sa'yo. " Wika pa nito. Hinawakan niya ang makabilang pisngi ko and he look at my eyes intently. I don't know pero biglang nawala ang inis ko at napalitan ng kaba. " Alam kong mainit ang ulo mo ngayon. I should have let you rest first. Pag-usapan nalang natin 'to kapag 'di na mainit ang ulo mo, okay. Tinalo mo pa ang naglilihi eh. " Nakangiting wika pa nito. Bahagya pa itong tumawa sa panghuling sinabi. Bigla naman akong na-guilty sa inasta mo.

Magsasalita na sana ako nang ilagay niya ang kanyang daliri sa bibig ko. A sign that I should keep silent.

" Pahinga ka muna ha. Before I leave, can I kiss your forehead? " Wika pa nito. Hindi ako nakasagot but he still kiss my forehead. A gentle kiss na nagpakalma sa'kin. " I love you, Allysa. " Pahabol pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Napaupo ako sa gilid ng kama na tulala. Na-guilty ako bigla. Ganito kasi talaga ako kapag may dalaw. Ang bilis kumulo ng dugo ko. Siguro nga hihingi nalang ako ng sorry bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status