Share

CHAPTER 4

Matapos namin doon sa shoe store ay tinungo namin ang restaurant. Namamangha ko pang pinagmasdan ang buong paligid. Subrang ganda. Hindi mo aakalaing paaralan ito dahil kompleto lahat sa loob ng campus. May sariling gym at restaurant sa loob.

                 Subrang sosyal ng paaralan na 'to. Kung hindi lang dahil kay Chin ay 'di ako mag-aaral dito. Nag-aalala ako sa maaring kahihinatnan namin dito.

                 "Sit here." Utos pa nito sabay hila ng upuan. Ginawa ko naman ang sinabi nito dahil sa takot na mabugahan ng apoy. Naupo rin naman ito sa tabi ko.

                 Sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya. Hindi talaga ako sanay sa ganitong set-up. Nasanay kase ako na si Chin ang palaging kasama na kumakain sa labas o 'di kaya ay ang mga magulang ko o si kuya.

                 Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadito kaya bahagya kong itinabon ang buhok ko sa mukha. Kanina ko pa talaga gustong tumakbo palabas at magkulong nalang sa room ko. Kaso natatakot ako sa kapatid ni Chin. I couldn't afford to lose my life this early.

                Maya-maya lang ay may lumapit sa aming waiter at kinuha ang order namin. Si Chin na hinayaan kong umorder ng sa'kin. Alam niya narin naman ang paborito ko.

                "No, do not include that soft drinks. " Kontra pa nito sa order ni Chin. Nakasanayan na kase naming dalawa na uminom nito matapos kumain.

                "Kami naman ni Allysa ang iinum, kuya. Hindi ikaw. " Depensa pa nito sa kapatid.

                "That's not good for your health. Listen to me, little sis. " Pangaral pa nito. Napa-pout naman si Chin sa sinabi nito. Habang ang waiter naman ay nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang magkakapatid.

                 Ang cute nilang panoorin habang nagtatalo.

                 "Kuya, minsan lang naman eh. 'Di ba, beshy? " Wika pa ni Chin sabay taas baba ng kanyang kilay. A sign that I should agree with h-her. Pilit naman akong tumango.

                 "Allysa, it's not good for your health. Change that with lemon juice." Baleng pa nito sa waiter.

                 Bakit parang iba ang dating sa'kin niyon. He's too caring with her sister. Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid na katulad niya. Si Kuya kase madalang ko lang makasama at ang sungit pa. Kaya nagmana si Bruno sa kanya.

                 Matapos makuha ng waiter ang order ay agad din itong tumalikod.

                 Bahagya naman akong natawa nang nagpapadyak ng kanyang paa si Chin. Hindi niya talaga magawang suwayin ang kanyang nakakatandang kapatid.

                 "Ikaw nalang lage nasusunod, kuya eh. We're not child anymore. " Nakangusong wika pa nito. Sasagot na sana ang kuya nito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Hudyat na may tumatawag.

                 "I'll just take this call. I'll be right back. " Paalam pa nito at agad na tinungo ang pinto palabas ng restaurant.

                 "Babae mo na naman 'yon. Kanina pa ako nagugutom." Wika pa ni Chin sabay himas-himas sa kanyang tiyan. Tumigil naman ito sa ginagawa at agad na mapanuksong tumingin sa'kin. "Ikaw, besh ha. Ano? Kayo na ni Kuya? May nangyari ba kanina? May mabubuo na ba? Magiging tita na ba ako?" Nakangising sunod-sunod na tanong pa nito. Napahiyaw naman ito nang batukan ko.

                 "Tumigil ka nga. Kung alam mo lang na halos mamatay..." Hindi pa ako nakatapos sa sasabihin ko nang agad din nitong putulin.

                "Mamatay sa ano?" Mapanuksong tanong pa nito.

                "Ang dumi ng utak mo. Siyempre mamatay sa takot. Ikaw ba naman pasukin ng engkanto na walang kaalam-alam." Sagot ko pa. "Teka, nong lumabas ka kanina na-e-locked mo ba ang pinto ko? Paanong nakapasok don ang kuya mo?" Dagdag na tanong ko.

                Saglit na napa-isip si Chin.

               "Sa pagkakatanda ko, I locked it. Pero kilala ko si kuya. Baka naman alam niya ang password ng room mo. Malakas galawan ng shokoy na 'yon. "  Mahabang wika pa nito. Natawa naman ako sa pagtawag nito ng shokoy sa kapatid.

                Sasagot na sana ako sa kanya nang dumating ang order namin. Bigla tuloy akong natakam.

                "Chixs! Hi, Ms. Nath nga pala." Biglang lapit sa amin ng isang grupo sabay lahad ng kamay sa harap ko. Napatingin naman ako sa iba pang kasama nito. Ang ga-gwapo nilang tingnan sa suot nila. Neat and formal.

                "Hoy, Natoy! Alis ka nga dito. Mambu-bwisit ka na naman sa kaibigan ko. " Pagtataray pa ni Chin dito. Bumaling naman sa kanya ang napakilalang Nath.

                "Oh! Clumsy Chin, it's nice to see you again. " Mapang-asar na wika pa nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Chin na siyang ikinatawa nila. Magkilala siguro sila.

                Nakatayo lang ang dalawang kasama nito habang nakaupo naman si Nath sa kinauupuan ng kuya ni Chin kanina. Good for three lang kase ang table namin.

                "Unfair nong shokoy na 'yon. 'Di man lang tayo sinama." Wika pa ng isang lalake na may blonde hair. Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil hindi ko rin naman kilala ang tinutukoy nito. "Hi, by the way this is Jes and I'm Nick. " Pagpapakilala pa nito sa'kin at agad na kinuha ang kamay ko.

                 Aktong hahalikan niya ang likod ng palad ko nang biglang may humila sa kanya. Ang sumunod na nangyare ay nagulat na lamang ako nang humandusay ito sa sahig.

                "F*ck, bro. What's your problem? " Tanong pa nito kay Arrone habang napahawak sa kanyang bibig na may dugo.

                Ang dilim ng awra ni Arrone ngayon kung ikukumpara kanina. Kulang nalang ay papatay siya ng tao. Subrang nakakatakot siya.

               "No one touches what's mine. Don't ever dare to touch her, Nicolas. All of you!" He grinned. Maging ako ay takot sa kanya.

                Tumawa naman ang mga ito na ikinakunot ng noo ko. Hindi ba sila natatakot sa lalakeng 'to. Ang mga tao sa paligid namin ay nagsibulungan habang ang iba ay may hawak pang camera. Ano 'to shooting?

                "Chill, bro. Just wanted to get to know her. You're so obsessed. " Nakangising wika pa nito sabay tayo.

                Aktong susugurin na naman ito ni Arrone ng awatin siya ng mga kasamahan nito.

                 "That's enough, kuya. Hindi naman alam ng mga shokoy mong friends na ano mo si beshy eh." Pagsingit pa ni Chin at hinawakan sa braso ang kapatid.

                  Nanatali lang akong nakatayo at walang kibo dahil sa gulat sa mga nangyare. Paano pa kaya kung itinuloy ko ang plano kong pagtakas kanina, e-'di patay na siguro ako.

                 "Everyone! Just don't mind us!" Wika pa ni Nath sa mga tao sa paligid. Nagsibalikan naman ang mga ito sa kanilang ginagawa.

                 "Sorry for that. Let's eat." Baling pa ni Arrone sa'kin. Nag-aalanganin naman akong umupo. Literally, I'm shaking. Ano mang oras ay matutumba ako. Nervous na yata 'to sa kakainom ko ng kape.

                 Inilalayan naman ako nito paupo sa kinauupuan ko kanina.

                 "Unfair mo, Ez ha. 'Di ka man lang nag-ayang kumain. " Birong wika naman ni Nath dito.

                 Tinapos muna ni Arrone ang pagsalin ng pagkain sa plato ko bago ito balingan.

                 "Estorbo lang kayo. " Sagot pa nito.

                 "'Di kapa sanay sa'min, bro. Anyway, She's the girl na lage mong..." Hindi nito natuloy ang sasabihin nang subuan ito ni Arrone ng buong burger. Na-curius naman ako sa tinutukoy nito habang natawa ang dalawa nitong kasama. Maging si Chin.

                  Taka ko naman silang tiningnan.

                   "Oy, kuya. Namumula ka." Tukso pa ni Chin sa kapatid. Tiningnan ko naman ito ngunit agad din nag-iwas ng tingin sa'kin.

                  "First time 'to ah. " Segunda naman ni Jes. Sinamaan naman sila ng tingin ni Arrone.

                  "Aalis o papatayin ko kayo? " Wika pa nito. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. "You'll stay here, Allysa. " Utos pa nito.

                  Wala akong nagawa kun'di ang umupo ulit.

                  "W-walang ganyanan, bro. Sabayan na namin kayong kumain. Nagugutom narin kase kami."Wika pa ni Nick at pinagtulungan nilang hilain ang table sa kabila at pinagdugsong sa'min.

                  Ang angas ng mga 'to. 'Di lang natakot.

                 "Just eat. Don't mind them." Wika pa ni Arrone at nagsimula narin itong kumain. Ganun din si Chin habang ang mga kaibigan nito ay kinukuhanan pa ng order ng waiter.

                    Nagsimula narin akong kumain. Napansin siguro ni Arrone na nanginginig ang kamay ko kaya kinuha niya ito at hinawakan.

                   "Don't be scared, Allysa. Just finish your food and I'll take you back to your room. " Malumanay na wika pa nito. Tango ang itinugon ko at itinuon na lamang ang atensiyon sa pagkain.

                   "So, Allysa right? Kailan ka lang dumating dito? " Pagbubukas pa ni Nath ng usapan. Uminom muna ako ng tubig bago siya balingan.

                   "K-kanina lang." Nag-aalanganin na sagot ko.  Napatingin naman ako kay Chin na tahimik lang na kumakain.

                   "Ano ka ba ka, Allysa. 'Wag kang mahiya sa mga shokoy na'to. Basta tandaan mo lang na mas gwapo ako sa aming apat. " Birong wika pa ni Jes. Bahagya naman akong natawa habang sinamaan siya ng tingin nina Arrone, Nath at Nick.

                   Ang cute nilang tingnan. Parang wala lang sa kanila ang nangyare kanina. Ang kulit pala ng mga 'to.

                   "Oh ayan. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti." Papuri pa nito. Nawala naman ang ngiti ko sa gulat nang biglang ibagsak ni Arrone ang kanyang kamay sa mesa.

                   "Opss! Someone's jealous." Sumisipol na wika pa ni Nath sabay subo ng beef steak.

                   "Relax, bro. Tinatakot mo si Allysa. " Wika pa ni Jes. Napatingin naman ito sa'kin.

                   "Sorry." Paumanhin pa nito at hinila ang upuan ko papalapit sa kanya. Naiilang tuloy akong kumilos.

                    Habang kumakain kami ay wala nang nagsalita. Hindi rin ako masiyadong nakakakilos dahil ang isang braso ni Arrone ay nasa beywang ko.

                    Kanina ko pa talaga gustong tumakbo palabas pero 'di ko magawa dahil sa takot.

                    "Ah, Allysa. Gusto mo ng cheese burger? " Tanong pa sa'kin ni Nath sabay abot nito. Sasagot na sana ako nang maunahan akong magsalita ng katabi ko.

                    "She's allergic with cheese."

                    "Oh! Sorry my bad. " Tugon naman ni Nath. "Clumsy Chin, ba't ang tahimik mo? Natalo naba kita sa kadaldalan mo? " Baling pa nito kay Chin. Nilunok muna ni Chin ang kinakain bago binatukan ang katabi. Nasa harap kasi namin sila habang nasa gilid naman ni Arrone si Nick. Bale nasa gilid ako ng table at nasa gitna namin si Arrone. Si Jes naman nasa gilid ni Nath.

                    "Gusto ko lang ng peace of mind okay? Pakialamero mo talagang shokoy ka. Lalapain talaga kita. "Masungit na wika pa ni Chin.

                     "Ang sungit mo talaga. Mana ka sa kuya mo." Dagdag na asar pa nito. Babatukan na sana ulit ito ni Chin nang sawayin sila ni Arrone.

                     "Stop that! Nasa harap kayo ng pagkain." Saway pa nito sa dalawa. Umayos naman sila ng upo at bumalik sa pagkain habang masama paring nagtitinginan sa isa't-isa. Para talaga silang aso't pusa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status