Share

CHAPTER 5

                     "Shokoy este Ez. Wala ka bang balak ipakilala sa amin ang girlfriend mo?" Pagputol pa ni Nick sa katahimikan.

                     Agad akong nabilaukan nang ma-realize ang sinabi nito. Nagdadalawang isip pa ako kung kaninong tubig ang aabutin ko dahil lahat sila ay may inabot sa'kin.

                    "Here, drink this. " Wika ni Arrone sabay abot sa'kin ng isang basong tubig habang hinihimas ang aking likod. " Are you okay? " Nag-aalalang tanong pa nito na tinunguan ko naman bilang tugon.

                    "Kahit anong mangyare loyal talaga 'to. Mas pinili pa ang tubig ni kuya. Ikaw, besh ha." Tuksong wika pa ni Chin. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

                    "Ah h-hindi niya ako girlfriend." Pagkaklaro ko pa sa sinabi ni Nick. Napasipol naman si Nath at kunyaring iginagala ang tingin. Habang si Chin at Jes naman ay natawa.

                     Taka ko naman silang tiningnan.

                     "Sapol 'yon ah. So pwede pa pala akong manligaw sa'yo Allysa?" Saad ni Nick at nakangising napatingin kay Arrone. Napatingin rin ako dito. Ang dilim ng awra niya habang nakakuyom ang mga palad.

                     "Get off, Nikolas!" Galit na wika pa nito sabay hila sa'kin palabas ng restaurant.

                     Hinila niya ako sa kung saan. Nararamdaman ko na rin na bumabaon ang kuko niya sa braso ko. Sabayan pa na sumasakit ang puson ko.

                   "T-teka lang, K-kuya Arrone. N-Nasasaktan ako. " Wika ko pa na nagpatigil sa kanya. Binitawan naman nito ang kamay ko sabay harap sa'kin. Bigla naman akong kinabahan.

                   "Drop that 'Kuya', Allysa. I am not your brother. I prefer if you call me by my name." Wika pa nito. Napayuko naman ako dahil sa takot. 'Di ko kayang labanan ang mga titig niya.

                   "O-okay." Tipid na saad ko.

                   "Turn around, Allysa." Utos pa nito na nagpaangat sa'kin. Taka ko naman siyang tiningnan habang ang sama ng tingin niya sa mga taong dumadaan sa'min. Nasa gitna pa naman kami ng daan.

                   "H-huh?"

                   "Do as what I say, now!" Ma-awroridad na wika pa nito. Ginawa ko naman agad ang sinabi nito. Lumapit siya sa'kin at umikot sa likod ko.

                    Tila nai-estatwa ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang kamay nito sa beywang ko. Hinubad niya ang kanyang toxedo at itinali sa beywang ko.

                   'Oh no! Monthly period ko pala ngayon.'

                   "You look so pale. Masakit ba ang puson mo?" Nag-aalalang wika pa nito. Taka ko naman siyang tiningnan.

                   ‘Paano niya nalamang masakit ang puson ko? Manghuhula rin yata ang lalaking 'to.’

                   Nahihiya man ay tumango nalang ako. Paano niya kaya nalaman na sumasakit ang puson naming mga babae kapag may monthly period? Baka naman sa babae niya. Hindi naman possible na marami 'tong babae. Sa anyo nito, lahat ng babae kaya niyang makuha.

                    "If you are still curious why I know every woman feels that during their monthly period is because of Chin. She's always crying in pain every month." Mahabang paliwanag pa nito. Napatango na lamang ako. Mali pala ako ng hinila.

                   'Ano pa 'tong pumapasok sa isip ko. Ano namang pake ko sa mga babae niya. '

                   "Let's go. I'll take you back to your room." Wika pa nito habang hinaalalayan akong maglakad. Hindi naman sana ako napilayan pero makaalalay 'to wagas. '

                   "Hmm A-Arrone, salamat." I said nang makarating kami sa harap ng room ko. Hindi siya tumugon, bagkus ay siya pa ang nagbukas ng pinto. "P-Paanong alam mo ang password?" Takang tanong ko pa sa kanya nang makapasok. Umupo naman ito sa isang maliit na sofa.

                   "Simply, I choose this room for you. " Wika pa nito habang may kinukulikot sa kanyang cellphone.

                   So, ibig sabihin may alam siya tungkol sa'kin. Talagang kaya niya akong patayin kailan niya gusto.

                   "Isasauli ko na lang ito kapag nalabhan ko na. P-pwede mo na akong iwan dito. " Tukoy ko pa sa toxedo na itinali niya sa beywang ko. Hindi ito kumibo. Nanatili parin siyang nakatutok sa kanyang cellphone habang seryosong nagtitipa.

                   "Just go clean yourself, Allysa. " Utos pa nito ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

                    Hindi ko na lang iyon pinansin at agad na pumasok sa kwarto. Siniguro kong e-lock ito baka mamaya, magugulat nalang ako na nasa tabi ko na siya.

                    Matapos kong makapaglinis ay pabagsak akong humiga sa kama. Feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Wala naman sana akong ginagawa ngayong araw. Ganito talaga ako every monthly period. Minsan ay wala pa akong ganang kumilos lalo na kapag sumasakit ang puson ko.

                   I tried to close my eyes upang makapagpahinga ngunit ang sakit na naman ng puson ko. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama o 'di kaya ay tatayo tapos babaluktot na naman.

                   "Allysa." Napatili naman ako nang biglang may magsalita sa tabi ko. Muntik pa akong mahulog sa kama ngunit hindi iyon natuloy nang may mga brasong sumalo sa'kin. "Be careful." Malumanay na wika pa nito.

                   Napalunok naman ako nang ma-realize na subrang lapit ng mukha namin. Dagdagan mo pa na nagpapaunahan sa pagkakarera ang puso ko.

                   Nang matauhan ay agad akong umayos sa pagkakaupo sa kama. Parang kabute ang lalakeng 'to. Sa pagkakaalam ko ni-lock ko ang pinto kanina.

                   "M-may kailangan ka ba?" Tanong ko pa sa kanya. Kita ko naman ang pag-aalala sa kanyang mukha.

                  "Take this." Wika pa nito sabay abot sa akin ng gamot. Kinuha niya naman ang tubig sa side table at inabot rin ito sa akin.

                  Binasa ko muna ang pangalan ng gamot. Panigurado na hindi ito drugs o 'di kaya ay lason o sleeping pills. Nang makita kong para sa sakit ito ng puson ay saka ko lang ito ininom.

                 "You really think that I'll kill you. " Wika pa nito at naupo sa gilid ng kama ko.

                 "S-siyempre. Hindi kita kilala no. Baka mamaya malalaman nalang nina nanay na patay na ako o 'di kaya na-rape o drug addict na." Mahabang litanya ko pa. Natawa naman ito.

                "Silly, Allysa. Why would I kill you, hmm? " Tanong pa nito sa'kin. Agad naman akong nag-isip ng dahilan.

                 "M-malay mo. Tapos…" Sagot ko pa. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

                 " Don't overthink too much, Allysa. Just take a rest. " Wika pa nito at inalalayan akong humiga ng maayos.

                "S-salamat."

                "It would be better if you thank me through a kiss." Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi nito. Ang bastos addict talaga ng lalaking 'to.

                "Pervert!" Napapikit naman ako nang lumabas iyon sa bibig ko. Patay ako ngayon. Ngunit imbes na makarinig ng sigaw nito ay bahagya pa itong natawa.

                "Addict sa'yo. " Imbes na wika nito na nagpatigil sa'kin. I feel like the world stop at this moment. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko. 'Di agad nag-process sa utak ko ang sinabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status