Share

BEYOND HER DESIRE
BEYOND HER DESIRE
Author: Tearsilyne

CHAPTER 1

          "Allysa!" Napabalikwas ako ng bangon mula higaan nang biglang sumigaw ang bungangera kong kaibigan.

          Ang aga naman nitong pinapasok ni mama sa bahay.

          Napatingin ako sa orasan ko na nasa side table bago bumaling sa kanya na ngayo'y naka-upo sa harap ng salamin at inaayos ang make-up niya.

          "May good news ako sayo besh!" Tumitiling wika pa nito at naupo sa gilid ng kama ko.

Wala pa akong ganang bumangon baka tsismiss na naman ipapa-almusal nito sa'kin. Great marites ko pa naman 'tong babaeng 'to. Updated pa sa mga reporter.

          "Ano na naman? Sinasabi ko sayo, kapag 'yan tsismiss na naman ipapalapa talaga kita kay Bruno." Wika ko sabay tayo at tinungo ang banyo upang makapaghilamos. Si Bruno ay ang nag-iisang malaking aso namin. Alaga ito ng pulis kong kuya.

           Hindi ko isinara ang pinto ng banyo upang marinig ang sagot nito.

           "Ano ka ba! Siyempre good news nga, hindi tsismiss. Marites na talaga tingin mo sa'kin ha? Nakikisagap lang ako ng balita sa tabi-tabi. Good listener ang tawag don." Sabi pa nito at sumandal sa gilid ng pinto. Inikutan ko lang ito ng mata.

           "Ano nga kasing good news 'yan?" Tanong ko ulit sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko.

           "Kyah! Sorry, beshy hindi ko sinabi sayo dati na in-enroll kita. Pero sabi ni Kuya masaya naman don." Naka-pout pa na wika nito. Humarap naman ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. Hindi agad nag-proseso sa utak ko ang sinabi nito.

            Matagal na kaming magkaibigan ni Chin pero ni minsan hindi ko pa nakilala sa personal ang kuya niya. Ang alam ko lang ay ang buong pangalan nito.

             Maya-maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

            "W-what the…? Saang university ka naman nag-enroll?" Gulat na bulalas ko pa. Nag-peace sign pa ito sa’kin bago sumagot.

            "Relax, besh. Maganda nga raw don tsaka masaya. 4 days lang ang pasok sa isang linggo. And take note, I already received an email from them last night.” Aniya habang nilalaro ng kanyang mga daliri ang kanyang maikli at blondeng buhok. “Alam mo bang kagabi ko pa na-e-imagine kung ano ang hitsura ng paaralan na 'yon?" Nakangiting wika pa nito sabay tili na animoy nae-excite.

             Lalo naman akong nagtaka sa sinabi nito. May ganun bang university na four days lang ang pasok?

              "Anong university nga? Pa-thrilling ka naman eh." Wika ko pa sabay lakad pabalik sa kama ko upang ligpitin iyon.

              "Have you heared Shioma University, right?" Sagot pa nito. My jaw dropped as I realized what she just said.

              "Ano?" Pag-uulit ko pa upang masiguro na tama nga ang narinig ko.

              "Shioma University, paulit-ulit, beshy" Inosenteng wika pa nito. Napaupo naman ako sa gilid ng kama at napahilot sa sentido ko.

               Alam kong may pagka-marites 'tong kaibigan ko, pero dakila rin itong inosente. Sa dami ba naman ng paaralan, diyan niya pa napiling mag-enroll.

               Shioma University is one of the most prestigious shool in our countries. Ang unibersidad na subrang hirap pasukin. Marami ang mga nagnanais na makapag-aral dito—maliban sa akin. Mas pipiliin ko pang mag-aral sa mga hindi sikat na paaralan. I often heard news about them sa social media at T.V. Madalas may nangyayaring riot ng mga students o ‘di kaya ay may mga estudyanteng natatagpuang wala ng buhay o ‘di kaya ay nag-aagaw buhay sa ‘di matukoy na dahilan. Iyon din ang dahilan kung bakit ayo’ko mag-aral doon.

               "Bakit, beshy? Ayaw mo ba don mag-aral? Eh, andon naman si kuya tsaka pangalan palang ang ganda pakinggan 'di ba?" Nakangiting aniya.

                Ewan ko kung matatawa ba ako sa ka-inosentehan ng kaibigan ko o iiyak dahil sa hindi na kami pwedeng umatras. May batas sila na kapag natanggap kana ay hindi kana maaaring umatras, kung hindi ay malalagay sa magulong sitwasyon ang buhay mo. And I don’t want that to happen. I don’t want to put my family’s life at risk.

          "ALLYSA! Beshy!" Sigaw pa nito Chin sabay lapit sa'kin at dinambahan ako ng yakap.

Kakarating ko lang sa nasabing University. Hindi kami magkasabay ni Chin dahil pinasabay na siya ng kuya niya samantalang nag-commute lang din ako dahil hindi ako maihatid ni kuya.

               It’s been a week simula noong pagpunta ni Chin sa bahay. Here we are right now, sa harap mismo ng S.U.

           Iginala ko ang aking paningin sa labas ng gate. Ang laki. Paano pa kaya kapag nasa loob na.

           Napahinga naman ako ng malalim nang maisip na apat na taon akong mananatili dito. Makakauwi lamang ako sa bahay every weekend.

           "Ang ganda mo ngayon ah." Bolerong papuri ko pa nang makitang naka-dress ang kaibigan ko. Minsan lang kase itong nagsusuot ng ganoon dahil kadalasan ay shorts o 'di kaya ay naka-jeans ito.

            "Ano ka ba, besh. Alam mo naman na ayaw ni Kuya na nagsusuot ako ng maikli. Lalo na't nandito siya. Huhu mami-miss kong magsuot ng shorts at sleeveless" Naka-pout na wika pa nito. Natawa nalang ako sa inasta nito.

           Habang nag-uusap kami ay may guard na lumapit sa amin at kinuha ang mga dala kong maleta. Sumunod naman kami sa kanila habang patuloy na nagku-kwento ang madaldal kong kaibigan.

          Napanganga ako nang tuluyan na kaming makapasok sa malaking gate. Ang ganda. Mga naglalakihang gusali ang agad na bumungad sa amin. Medyo malayo ang mga building mula sa gate, paniguradong mananakit ang mga paa mo kapag maglalakad ka papunta doon.

         Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa harap namin. Sumakay naman agad si Chin nang pagbuksan ito ng guard na may dala sa maleta ko kaya sumunod narin ako sa kanya.

         Grabe! Nakakamangha ang lugar. Akalain mo 'yon. Kinatatakutan pero subrang nakakalaglag panga. Ang sosyal. It’s literally a big O.

         "Woy! Allysa, 'di ka naman nakikinig sa'kin eh." Pagmamaktol pa ni Chin kaya naputol ang pagpapantasya ko sa lugar.

          "Huh?"

         "Sabi na eh! Magugustuhan mo rin ang university na 'to. Alam mo ba na kagabi pa kami nakarating ni kuya dito tapos ang aga pa niyang nag-announce kanina sa buong campus para raw sa arrival ng baby niya. Kyah! Ang swerte siguro ng girlfriend ni kuya." Mahabang pagku-kwento pa nito sabay flip  ng kanyang buhok.

           "Bakit naman? Tsaka, matagal mo nang ikinu-kwento sa'kin ang kuya mo eh ni minsan hindi ko pa siya nakita sa personal" Wika ko pa.

            "Ano ka ba, beshy. Ipapakilala ko siya sa'yo mamaya." Aniya. "Alam mo? Nag-announce ba naman si kuya kanina na walang sino man ang magtangkang lapitan o hawakan ang babaeng mahal niya. Ang taray non! Parang nasa W*****d lang ang peg." Dagdag pa nito.

                Natahimik naman ito nang huminto ang sasakyan sa isang malaking gusali. May malaking sign pa ito sa taas na Dorm. Dito yata kami mananatili.

                "Welcome to Shioma University, ma'am. Have a great stay!" Pagbati pa ng mga nakalinyang staff pagpasok namin sa entrada. Napayuko naman ako.

                "Taray ah! Pagdating ko dito kagabi 'di man lang nila ako binati. Maliban kay kuya. Ang unfair nila, beshy. Ipapa-Tulfo ko talaga ang paaralan nato." Nakalabing wika pa nito. Natawa naman ako sa kanya.

                 Kung ako nahihiya, siya naman nagtatampo.

                "Dito ang room ko, beshy tsaka diyan sayo sa tapat. Oh 'di ba? Maaga kitang mabu-bwesit." Tumatawang wika pa nito sabay turo sa pinto. Room 203 sa'kin tsaka 205 naman sa kanya.

Akala ko pa naman magkasama kami sa iisang silid. Nalungkot naman ako sabay bukas ng pinto. Masiyadong malaki ang space para sa'kin.

                 "'Di ba pwedeng magkasama tayo dito? Sana sinama ko nalang si Bruno dito para 'di masiyadong boring." Wika ko pa sabay bagsak ng katawan ko sa kama.

                  "Hoy! Wag ka, sabihin mo nalang para 'di ako makapasok." Kontra pa nito. Natawa naman ako dahil alam kong takot siya sa aso ni Kuya. Minsan na siyang hinabol nito nong unang bisita niya sa bahay namin.

                  Matapos naming nakapag-usap saglit ay lumabas na si Chin at hahanapin pa raw niya ang kanyang nakakatandang kapatid. Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang silang magkakapatid. Every time na pupunta kase ako sa bahay nila ay tanging si Chin at ang mga katulong lang nila ang naroon. Palagi kasing busy sa negosyo ang mga magulang nila.

                  Kaya rin siguro hindi ko nadadatnan ang kuya niya doon ay dahil sa nananatili ito dito.

                   Minabuti ko munang linisin ang sarili ko upang makapagpahinga. Mamayang hapon na siguro ako lalabas upang libutin ang buong campus. Napatalon naman ako sa gulat paglabas ko mula sa banyo nang makita ang bulto ng isang lalake na nakatalikod at nakatayo sa may terrace.

                "S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko pa rito at hinigpitan ang hawak sa tuwalyang tanging nakatapis sa katawan ko.

               "It's good to see you here. How's your arrival?" Imbes na wika nito at dahan-dahang humarap sa'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status