Share

All I Need Is You
All I Need Is You
Author: Rdkwl

Simula

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME.

-

"Catherina, nakainom ka na ba ng gamot mo?" 

I stopped myself from reading a novel when I heard Lana's voice. I looked at her with a smile on my face. 

"Why are you smiling? Hindi mo pa nate-take yung medicine mo 'no?" Humalukipkip siya at tinapunan ako ng isang malisyosong tingin. 

"Huh?" Kunwari ay inosente ako. 

"Cath! Mapapagalitan ako ni Tito Romualdo." Aniya at lumapit sa akin.

Lana is my cousin. Siya ang anak ng panganay na kapatid ni Dad, halos kasing edad niya ang pangatlong Kuya ko. 

"I'll take it later." Muli kong binuklat yung librong binabasa ko. 

Nagulat ako dahil sinara niya ito at nilahad sa mukha ko ang isang tabletang gamot. "No, you will take this now." 

Lumabi ako sa pagbabaka sakaling makuha ko siya sa pagpapa-cute pero nang sumeryoso bigla ang kanyang mukha...

"Okay, okay." I sighed. "Iinom na ako." Saad ko at kinuha ang gamot sa kanya. 

Habang naglalakad ako para kumuha ng tubig ay lumitaw nanaman sa akin ang malabong mukha ng isang lalaki. His face is always blurry, hindi ko lubos na makita o maaninag ang kanyang mukha. Hindi ko rin sigurado kung kilala ko ba ang lalaking iyon o hindi. 

Kumuha ako ng tubig sa pitsel. I wish I could see his face clearly. I'm really curious right now. Sino ba siya sa buhay ko? 

"Cath, sabi ni Kurt huwag ka na daw lumabas. Siya na daw kukuha ng grades mo." Ani Lana habang hawak hawak ang kanyang cellphone. 

"Okay. As always." Bagot na sabi ko, "Uhmm. Pwede kahit five minutes?" 

"Mapapagalitan ako ni Zach." Aniya at pumameywang.

Ngumisi ako. "Now, Zach..." Wow. "Masyado naman atang mahal ang freedom ko." 

"We're Just following your brothers' order." She said and winked at me. 

"Napaka protective naman.." Nguso ko. 

"Iniingatan ka lang." Aniya at lumapit para yakapin ako sa likod. 

"Lana, mamimiss kita." 

"Ako rin." 

We're leaving for good. Hindi ko alam kung anong dahilan nila, sabi lang sa akin ni Kuya Tyler na gusto na ni Dad lumipat para daw mawala yung sakit ko, hindi ko na kwinestiyon 'yon dahil alam kong wala naman silang tinatago sa akin.

Huminga ako ng malalim at lumipad ang tingin ko sa bintana, my brows furrowed when I saw a suspicious guy. Honestly, hindi ko talaga alam kung lalaki ba 'yon o babae dahil naka hood siya. Nakatingin siya sa direksyon ko, kasabay nun ay ang pagkita ko nanaman sa malabong imahe ng lalaki. 

Sino ka nga ba talaga? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status