Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Trip

Malamig ang simoy ng hangin dito sa San Isidro, ito na ata ang pinaka malayong lugar na sakop ng Valle Verde, ang sabi sa balita ay mananatiling ganito kalamig ang panahon hanggang sa katapusan ng buong taon.

Kasakasama ko ang dalawa kong pinsan at tatlo naming kaibigan, nasa labas kami ng subdivision  at naisipan naming tumambay sa parke sa labas non.

"Ano na yung plano?" Tanong ko kay Dominic, na pinsan ko.

"Ikaw? Ano yung plano mo? Siguradong hindi ka papayagan ng mga kapatid mo niyan!" Narinig ko ang halakhak niya.

Ngumuso ako. "I don't know..." Iling ko, "They're always like that.. so overprotective when it comes to me."

"They are just concerned. You know?" Nagtaas ng kilay ang isa kong pinsan na si Martha, kapatid ni Dominic.

Kinain ko na lang ang chichirya na binili ni Earl, isa sa mga kaibigan namin.

Yes. Alam kong concerned lang sila, hindi biro ang magkaroon ng isang sakit. I have a Dementia, makakalimutin ako, especially if I didn't take my meds. Kayanga nandito ang mga pinsan ko pati na rin ang tatlo kong mga kapatid para paalalahanan akong uminom ng gamot.

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" Tinapik ni Dominic ang balikat ko.

Umirap ako sa kanya at tumango,I don't like it when they always have to remind me to take my meds. Feeling ko ay isa akong batang kailangan pang paalahanan. Pinauod ko na lang sina Racquel at Shine na lumalapit sa amin dala dala ang nabiling chichirya at softdrinks sa tindahan.

"You always have to take that on time." Sawsaw pa ni Martha.

Tumango-tango na lang ako at hindi na lang sumagot dahil sa nararamdaman kong iritasyon. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo ay ako pa ang nadapuan ng sakit 'kong to!

May isang insidente na nakalimutan kong uminom and God! I forgot my brother's name. Galit na galit si Kuya Kurt non dahil daw ang dali ko siyang nakalimutan, after that incident I promised myself to take my meds on time.

"Papayagan ka sa tingin mo, Cath?" Binuksan ni Shine and chichirya at nilahad sa akin.

Kumuha ako ng ilang piraso, "Sana.." kibit balikat ko.

"Magpaalam ka nang wala si Tito Romualdo, for sure papayagan ka ni Kurt." Ngiti sa akin ni Earl.

Of course, Kuya Kurt pa...

"But what if si Zach ang matiyempuhan niya doon? Woo. You're dead, girl." Tawa naman ni Racquel at nag-apir sila ni Dominic.

They're obviously mocking me. Alam kasi nila kung gaano kahigpit sa akin ang mga kapatid ko.

"Hey, it's 5pm. We need to go, hinahanap na 'tong si Cath panigurado, walang pasok sa opisina si uncle, e." Tumayo na si Martha at kumindat sa akin.

Tiningala ko siya at nginitian, nilabas ko ang aking phone sa bulsa at tinignan ang text doon, nang mabasa ko na ay madali ko ulit binalik ang phone ko sa aking pants.

"O siya sige, we better go too." Tumayo si Earl, "May practice pa ng intrams sa Valle Verde University."

Tumayo na rin kami. Doon kasi kami dating nag-aaral sa VVU, ngayong mga seniors na kami ay lumipat kaming lahat sa San Isidro Institute.

Kumaway ako sa aking mga kaibigan at kay Dominic na makikinuod rin, bale si Martha na lang ang naiwan na kasama ko.

"Nagtext na ba siya?" Tanong ni Martha.

Tumango ako. I'm going to see my boyfriend again! Actually, patago lang 'tong pagboboyfriend ko dahil ayaw pa ni papa at ng mga kapatid ko kaya itong si Martha ang lagi kong kasabwat.

"Nasa Deondre na daw siya." Sabi ko at muling naupo sa inuupuan ko kanina.

"Tingin mo papayag sila?" Tumabi sa akin si Martha.

Tumingala ako at muling dinamdam ang malamig na simoy ng hangin. "Kay Kuya Kurt ako magpapaalam."

"Oh look! He's here!" Tumayo si Martha at may tinuro.

Mabilis ang naging aksyon ko, tumakbo ako at kinain ang distansya sa aming dalawa ni Sean at yumakap sa kanya.

"Uy! Easy lang!" Tawa niya at ginantihan din ako ng yakap.

Narinig ko ang tawa ni Martha na papalapit sa amin.

"Namiss kita!" Nguso ko bago kumalas sa kanya.

Humalik siya sa aking noo. "Ako rin." Ngiti ni Sean.

"Oh? 5 minutes, pagabi na. Baka tumawag ng Search and Rescue team si Tito Romualdo at sina Zach." Humalukipkip si Martha.

Tumango kami ni Sean, kinuha niya ang aking kamay at dinala malayo kay Martha na ngayon ay nagme-make face.

"Cath, dalawang araw tayong hindi nagkita pakiramdam ko parang dalawang taon na." Ani Sean at hinalikan muli ako sa noo.

Napangiti ako. He's really like that. So sweet. "Me too, I missed you so much!"

"Hindi ka sasama sa roadtrip niyo diba?" Parang siguradong sigurado na si Sean sa kanyang sinabi.

Ngumuso ako. Even Sean is overprotective of me. Ayaw niyang pasamahin ako sa trip kahit na dito lang din naman iyon sa Valle Verde.

"Deondre is safe." Sabi ko na lang.

"Dumaan ang sinakyan kong tricycle sa ilog ng Deondre, may natagpuan daw na patay, Catherine." Ani Sean, nagbabakasakaling mapabago ang isip ko.

Binitawan ko ang hawak niya sa akin. "But I want to go, adventure din yun."

"Screw adventures! Paano kung hindi ka makainom ng gamot?"

"My cousins are there to remind me!"

"Catherine!" Napapikit ako nang singhalin niya ang aking pangalan. I don't want a fight with him. It's just too nonsense. I'm already 18 and I can take care of myself.

"Hey, stop that. Tapos na ang five minutes niyo." Hinila ako ni Martha palayo kay Sean.

"Another five minutes, Marthella?" Hingi ni Sean pero alam kong hindi na siya pagbibigyan pa ni Martha.

Umirap si Martha at lalo akong nilayo kay Sean. "Ano ka? Hilo? Matapos mo mabanggit buong pangalan ko? Let's go Catherine!"

Bago pa ako makaladkad ni Martha ay narinig ko ang pahabol na salita ni Sean.

"I love you, Cath. Huwag kang sumama sa trip, please?"

Kinagat ko ang aking labi. Gusto kong sumagot sa kanya ngunit parang may bukol sa aking lalamunan na pumipigil sa aking makapagsalita.

Sean is my first boyfriend. One year and four months na kaming dalawa, supportive boyfriend siya pero dito lang ata sa trip na 'to ang hindi. I don't get it. Wala naman kasing mangyayaring masama. Why do people always have negative thoughts? Pinapastress lang nila ang kanilang mga sarili.

"So you're not going?" Rinig kong tanong ni Martha, we're walking on our way home.

Umiling ako. "I'm going."

"Paano pag nag-away kayo ni Sean?" Sumilip siya sa akin para tignan ang aking reaksyon.

Kumibit balikat ako. Ayoko munang isipin.

Nang makarating na kami sa bahay ay pinagbuksan kami ng dalawang guard, sumalubong ang aso ko na agad ko namang niyakap. My father is already here! Nakaparada na ang kanyang sasakyan dito! Lalo pang pumalakpak ang puso ko nang makitang wala ang mga sasakyan nila Kuya Tyler at Kuya Zach.. 

"Kurt Martin is here." Ngiti ni Martha, "Swerte mo, mukhang makakasama ka na."

Pumasok kami ni Martha sa loob, bumungad sa akin si papa na tahimik na nagbabasa ng mga papeles. Must be paper works.

"Good afternoon, uncle!" Bati ni Martha at b****o kay papa.

"Nandyan na pala kayo, salamat sa paghatid kay Catherine, Marthella, ha?" Tumayo si papa at sandaling iniwan ang pagbabasa para yakapin ako.

"Hi, papa! Look, nakabusangot na si Martha!" Tawa ko at tinuro ang hindi maipintang mukha ng aking pinsan.

"Uncle naman! Not the full name, please?" Halos magtantrums na si Martha.

Tumawa naman si papa. "Dito ka matutulog?"

"Oh no, no, uncle. Hinatid ko lang talaga 'tong prinsensya niyo. Actually aalis na po ako."

Sinilip ko saglit ang mga papel na binabasa ni papa, I thought it was paperworks. Dyaryo pala at may nakasilip na pangalan.

Sage Acosta.

Lumabas si papa at hinatid ang pinsan ko, marahil ay nag-uusap silang dalawa. Kinuha kong tiyempo iyon at umakyat sa taas. Tinungo ko agad ang kwarto ni Kuya Kurt.

Kumatok ako.

"Kuya!" Binato ko ang sarili ko sa kanya, he was shocked pero kalaunan ay nakabawi din. He hugged me back!

"Little girl." Malambing na sinabi ni Kuya Kurt.

I can smell his natural scent, pati na rin ang shower gel na ginamit niya. Kakaligo lang pala nito, gulo gulo kasi ang buhok niya at walang pang itaas, tanging jersey short lang ang kanyang suot.

"How's your day?" Tanong ng kapatid ko, pumasok ako sa kwarto niya at nahiga sa kanyang kama.

"Fine..." Humugot ako ng isang malalim na hininga. "If I'll go to a trip will you allow me?"

I can't see his expression pero alam kong nakakunot na ang noo niya. "Bakit mo natanong?"

Mabilis akong tumayo at umupo. "Papayagan mo ako, diba, Kuya?"

"Ask dad's permission, first." Baritono niyang wika.

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko magiging madali lang ito.

"Alam ko naman kasi na hindi niya ako papayagan." I played with my fingers.

"Edi hindi rin kita papayagan."

"But, Kuya!" Angal ko. "I'm already 18."

Nagtaas siya ng kilay. "But you're still our baby." Ngiti niya, lumapit siya sa akin at ginulo ang aking buhok.

Inis ko namang inalis ang kamay niya. I'm not a baby anymore, Ugh!

Nakarinig ako nang sunod-sunod na pagtunog ng sasakyan. Tumayo ako sa kama ni Kuya Kurt at sumilip sa veranda. Kitang kita ko ang dalawang itim na Mustang nila Kuya Zach at Kuya Tyler. Sabay silang bumaba, ito lang siguro ang pagkakaiba naming magkakapatid.

Kuya Zach and Kuya Tyler's features are almost the same. Ang pinagkaiba lang ay mas maamong tignan si Kuya Tyler, although clean cut ang buhok ni Kuya Zach at medyo mahaba at magulo ang kay Kuya Tyler, ang mga mata ni Kuya Zach ang nagpapatingkad sa kanyang kakisigan while Kuya Tyler's asset is his dimple. Si Kuya Kurt naman ang pinaka mapaglaro sa tatlo, siya rin ang pinaka close ko, meron siyang mga mata na seryoso, makapal din ang kanyang kilay at may matangos na ilong. They're like angels in disguise.

"Sa akin ka lang ba magpapaalam?" Tanong ni Kuya Kurt, katabi ko na pala siya.

"Oo, pwede ba? Trip lang naman iyon. Roadtrip! Walang mangyayari and I'll bring my medicines."

"You have to." Sagot ng aking kapatid.

Nanlaki naman ang mata ko at nilingon ko siya. "Papayagan mo na ako?"

Ngumiti sa akin ang kapatid ko. "No, Ask our brothers permission too."

Oh man!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status