Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Sage Acosta

Today is our trip. Namili kami ng mga kailangang gamit kahapon, I didn't get a chance to see Sean, pina text ko nga kay Martha pero aniya'y wala daw reply.

"Ang tagal mo kuya!" Nakahalukipkip ako sa tapat ng pinto ni Kuya Kurt na ang tagal tagal mag bihis.

I'm not late. I'm just excited.

"Easy, little girl." Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Zach. He's wearing his usual office attire suit.

Ngumuso ako. Ang gandang lalaki talaga nitong mga kapatid ko.

Si Kuya Tyler ay nauna na sa baba, kanina nga ay nagulat ako nang may kagat-kagat siyang tinapay habang bumababa sa hagdan.

Kuya Tyler is the most balahura sa aming lahat.

"Ehh si Kuya Kurt ang tagal! Papapogi pa ata." Sumbong ko kay Kuya Zach.

Tinupi niya ang sleeves patungong siko. "Late ka na ba?"

"Nagmamadali lang yan! Gusto makita crush niya!"

Parehas kaming napatingin sa baba ni Kuya Zach dahil sa sigaw ni Kuya Tyler.

Wow ha! Bato ko sayo mga boxers mong nakakalat sa kwarto, e!

Biglang bumukas ang pintuan, tumambad sa akin si Kuya Kurt na nakasuot na black polo at white khaki shorts. Akala mo mago-golf siya sa suot niya.

Inisang pasada ni Kuya Kurt ang kanyang buhok.

Ang pagkakapareha ko lang sa tatlo ay ang natural na mahabang pilikmata.

Sinuklay ko ang buhok kong may natural na kulot sa ibaba, natural din ang pagkakakulay brown sa akin, if Kuya Tyler's asset is his dimple mine is my red lips. Natural na kasi ang pagkakapula non. I also have a narrow nose katulad nila. Si Kuya Tyler ang pinaka kamukha ko sa tatlo.

Pumantay sa akin si Kuya Kurt at marahang itinapat ang kamay sa ulo ko at sa dibdib niya.

"Pandak." Asar niya sa akin.

Bago ko pa siya mabuhusan ng kumukulong tubig ay nagtatawanan silang bumaba ni Kuya Zach.

I'm not short! They are just tall! Sa tangkad ba naman na naglalaro sa 5'10 - 6 flat ay magmimistulang maliit talaga ako na 5'5 lang.

Inayos ko ang suot kong ripped jeans at simple plain white shirt. Hindi naman siguro madumi sa D'eondre. Dala dala ko sa maliit kong bag ang aking gamot. Bumaba na rin ako.

"Yung gamot mo?" Naabutan ko si Kuya Tyler na nilalapang ang lutong pancake ni yaya.

I gave him a thumbs up. "Nakainom."

Sabay sabay kaming kumain na tatlo, lahat kami ay tawa ng tawa dahil sa mga kwento. Biglang nabuksan ang kwento ni Kuya Tyler na nakipag sex sa isang babaeng may boyfriend na.

"Buti di ka nasapak?" Asar ko.

"Nabakla yung lalaki sakin, pogi ko daw kasi."

Nawalan na ako ng gana kumain.

Umiiling na natatawa nalang ang dalawa sa gilid ko.

Matapos kumain ay nilagay muna namin ang mga pinggan sa lababo at hinayaan na ang mga katulong ang maghugas.

"Cath, remember, wag magpapagabi." Nagtaas ng kilay sa akin si Kuya Zach.

Tumango ako.

"Can you give the exact place? Para masundo na rin kita." Ani Kuya Kurt na abala sa paghahanap ng susi sa kanyang sasakyan.

Umiling ako ng marahan. Baka mabisto ako! "Kuya, I'm already 18."

"And so?" Singit ni Kuya Tyler.

Binuksan nila Kuya Tyler at Kuya Zach ang sasakyan nila. Humalik ako sa dalawa.

"Take care, my boys!" Hagikhik ko.

Umiling nalang silang dalawa at mabilis na pinasibad ang sasakyan.

Pinagbuksan ako ni Kuya Kurt sa front seat. Inilalayan niya pa ang ulo ko dahil daw baka mauntog.

Ginagawa akong bata.

Umikot si Kuya Kurt at sumakay na rin.

"Cath, before we go I want to remind you about your meds." Nilingon ako ni Kuya Kurt.

Tumango ako. "Nandiyan sina Martha."

"Minsan sa sobrang saya may nakakalimutan ka na." Aniya, "Cath, pwede mong makalimutan lahat kapag hindi ka nakainom niyan ng isa o dalawang buong araw."

Pinasibad na niya ang sasakyan.  I will never forget, promise.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang Vista Verde ay hindi ko maiwasang kabahan. Kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan. Siguro ay dahil nga pupunta ako sa lugar kung saan pinatay ang kapatid ko.

Tahimik kaming dalawa ni Kurt, mahigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko. Why am I suddenly nervous? Napapitlag ako nang biglang maramdaman ko ang pagvibrate sa aking phone.

Kinuha ko iyon at tinignan.

Martha:

Where are you?

Nilingon ko si Kurt, I don't want to rush him dahil ayokong magduda siya. After thirty minutes ay nakarating na ako sa 'meeting place' namin. Naabutan ko ang Avanza nina Dominic at Martha. Yung iba ay maaaring nasa D'eondre na.

Unang bumaba si Kuya Kurt tapos ay pinagbuksan ako ng pinto, tinapon ni Dominic ang sigarilyo niya at inapakan.

"Saan ba kayo?" Tanong ni Kurt kay Dominic.

"Dito nga. Gala gala lang."  Pinagbuksan ako ni Dom sa passenger seat.

Nilingon ko muna ang aking kapatid. "Kuya...."

Tumango siya sa akin bago bumaling kay Martha. "Yung gamot niya, take care sis."

Pinauna muna naming pinaalis si Kurt, hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko.

"We have Earl's friends too." Ani Dominic habang pinapaandar ang sasakyan papuntang D'eondre.

"Ilan tayong lahat?"

"7." Si Martha ang sumagot sa akin.

Sa sobrang lapit lang pala ng Villa Verde sa D'eondre ay nakarating na kami agad dito. Tanaw na tanaw ko ang SUV nila Earl na masayang nagpipicture taking malapit sa ilog.

Lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa aking bag.

"Nakainom ka na ba, Catherine?" Nilingon ako ni Martha, nauna na si Dominic na bumaba.

Tumango ako at sabay na kaming umalis sa sasakyan.

Sariwang hangin agad ang dumampi sa aking mukha. So this is the D'eondre, huh?

Para sa katulad ni Ate Iris na mahilig sa photography ay tamang-tama ang lugar na ito sa kanya. Clean water and so many trees. Ang ganda. Malayong-malayo sa pollution sa Manila.

Kinuha ko ang Iphone para makunan ng pictures ang lugar.

"Tara na!" Narinig kong sigaw ni Earl.

Sinipat ko ang mga kasama niya, dalawang babaeng may dala dalang DSLR.

"Catherine!" Sinalubong ako ng yakap ni Shine. "Buti nakasama ka!"

Tumango ako at tumawa.

"Next stop natin ay ang Penerales dito lang din sa Valle Verde!" Aniya sabay sabay kaming tatlo ni Martha na naglalakad.

Pumasok kami sa kabuuan ng gubat. Rinig na rinig ko ang malakas na paragasa ng ilog. Saan ba titira si Ate Iris dito sa kagubatan?

"Look, o! That tree looks old." Turo ni Earl sa mga kasamahan na kinunan naman nila ng mga litrato.

Rinig na rinig ang bawat pagtapak namin sa mga tuyong dahon na nalaglag sa mga puno dito.

"This is creepy." Ani Shine at humalukipkip.

"If this is creepy then you're weird. Ang ganda ganda kaya!" Ani Martha.

Nilibot ko nalang ang aking paningin. Nag ningning ang aking mga mata nang may makita akong isang asul na bulaklak. Wait, sobrang pamilyar!

Nilapitan ko ang bulaklak na iyon at parang isang along rumagasa sa akin ang ala-ala ni Ate Iris, ito yung bulaklak na pinadala niya at kinunan ng litrato. Itong ito! Alam niya kasi na paborito ko ang kulay Asul.

Sa sobrang abala ko ay parang kusa akong napatingin kay Dominic. My brows furrowed when I saw a gun in his pocket.

"D-Dom!"

"Ay! Ahhhhh!"

Halos lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng sigaw at halos manghina ako nang makita ang isang kasamahan nila Earl na nakabitin patiwarik.

"Catherine!" Sigaw ni Dominic at tangkang pupuntahan ako nang makarinig kami ng iilang putok!

"What's happening?"

"Catherine! Cath!"

Halos bulong at sigawan namin ang naririnig. Hindi ko rin alam ang nangyayari. Nakatago ako sa likod ng mga bato habang sina Dominic naman ay kabilang dulo. I gripped hard, ako lang ang mag-isang nakatago dito.

"Tulungan niyo ako tulong!"

Panay pa rin ang pagsigaw ng babae na nakabitin pa rin patiwarik. Bakit hindi siya tulungan nila Earl?!

Nakiramdam kaming lahat. Tahimik. Iyon ang nangibabaw sa buong D'eondre matapos ang pagputok ng baril kanina.

"MAY BAGONG HULI!!"

Halos manginindigan ako ng balahibo nang marinig ang maraming yapak at ang walang humpay na irit ng babae.

"Earl! Dominic! Tulong!"

"May mga kasamahan ka?!" Ani ng lalaki, hindi ko magawang lumingon!

Masyadong nakakatakot ang boses na iyon! Hindi ko na alam ang naging sagot ng babae at pikit matang nag dasal. Damn this!

Ilang saglit ay nakarinig nanaman ako nang pagpapalitan ng putok ng baril dahilan para mapapitlag ako!

"Catherine! Nasaan ka?!"

Madali akong lumabas nang marinig ang boses ni Dominic I saw him with Martha and Earl. Where's Shine?! Hinigit ni Dominic ang aking braso at nagsimula na kaming tumakbo!

Nagbabarilan sila ng mga bandadong lalaki, hindi ko alam kung sino sila!

"Catherine!" Hinigit ako ni Martha palapit sa kanya.

Ngunit bigla akong nakabitiw ng tumakbo kami ni Dominic sa kabilang direksyon ng gubat at naihiwalay kami sa kapatid niya.

"Dom! Who are they?!" Hingal na hingal na tanong ko.

Marahan siyang umiling at parang takot na takot.

"I don't know... wala na akong bala! Call Zach! Call--"

"DOMINIC!"

Kasabay nang pagputok ng baril at nang pagbagsak ni Dominic ay ang awtomatikong pagtulo ng luha ko. Kalong kalong ko ang aking pinsan sa aking bisig.

"Dom! Wake up! Wake up, Dominic!" Pilit ko siyang niyuyugyog. Nanlulula ako sa mga dugong lumalabas galing mismo sa kanyang bibig.

"S-Sorry.." Hirap niyang wika. "B-Be safe... please."

"Dominic! Dominic! Please!"

Wala ako sa aking sarili. Bigla nalang may malakas na pwersa na nag-alis sa akin sa tabi ng aking pinsan. Apat silang mga lalaki na may mga takip sa mukha!

"Dominic! Back off!!" Sigaw ko nang sipain pa ng lalaki ang katawan ni Dominic.

"Dominic, wake up!"

"Wala ng buhay 'to." Ani ng isang lalaki.

"Ito nalang bang babaeng 'to ang natira?" Tanong ng lalaking nakahawak sa akin ngayon.

"Hindi, nakatakas na ang iba."

"Lagot tayo nito."

Dumapo ang tingin ng lalaki sa aking bag. Pilit ko itong tinatago pero marahas niyang hinablot sa akin ang bag ko.

"Ibalik mo sakin yan!" Pilit akong nagpupumiglas.

"Manahimik ka!" Aniya ag napaatras ako nang tutukan niya ako ng baril.

Hinalughog niya ang buong bag ko at nang makitang walang mapakikinabangan doon ay marahas niyang tinapon sa kung saan.

"No!" Yung gamot ko! "Give me back my bag!"

Pero pinagtawanan lamang nila ako na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Mayaman 'to. Pa english english pa, e."

Kumunot ang noo ko sa kanila. Lumayo ang isang lalaking nakapalibot sa akin at parang may kinausap. Is that a walkie talkie?

"Opo.. opo, boss.."

"Ano sabi ni boss?"

"Dalin daw natin yan sa bungad."

Kinaladkad ako ng mga lalaki. Wala na akong lakas at hindi ko na alam ang gagawin ko. I hope this is just a nightmare, I hope this is just a fucking dream because I want to wake up!

Parang kalbaryo sa akin na bumalik pa sa pinanggalingan kanina. Nakita ko agad si Shine at ang babaeng bihag. And there, I almost saw a monster too.

A monster with thick eyebrows and narrow nose, nasipat ko rin ang kanyang perpektong hubog na panga.

Our eyes met at lalo akong nanghina nang matamaan ko ang seryoso at madilim niyang titig sa akin. 

That stare. I don't know but it seems so familiar to me.

"Boss." Ani lalaki at marahas akong itinabi kina Shine.

"Tatlo ang nahuli?" Nagsalita ang lalaking tinawag nilang boss, tumambol ang puso ko nang mamataan ang baril sa kanyang bulsa.

"Opo, nakatakas din yung iba pang tatlo."

"Napatay namin yung isang lalaki, boss."

Walang emosyon ang lalaki. Hindi ko matagalan ang pagtitig ko sa kanya dahil baka bigla niya akong barilin!

"Pangalan?" Biglang tinapik ng isang lalaki na may maskara din ang unang babaeng bihag. "Buong pangalan ha!"

"Magsalita ka!"

"L-Leana Abueva..." Wala sa sariling banggit ng babae.

Lumipat naman ang lalaki kay Shine.

"Shine Castillo."

"At ikaw naman?" Tanong ng lalaki sa akin.

"C-Catherine... Catherine Im--"

Hindi ko na natapos nang biglang manglaban si Leana! Nanlaki ang mata ko nang tumakbo siya papalayo, akmang hahabulin na siya ng iilang armadong lalaki nang tinaas ng boss nila ang kanyang kanang kamay na sinasabing huwag ng habulin si Leana.

Nakita ko kung paano siya humugot ng baril at walang habas na pinaputukan si Leana, I closed my eyes after hearing multiple gunshots.

"Leana!! Oh my God you killed her!" Bulyaw ni Shine sa lalaki.

Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. I don't want to die!

"Gusto mo ikaw sumunod?" Biglang tinutok ng lalaki ang baril sa ulo ni Shine. Nanlaki ang mga mata ko!

"No! Stop it! Sino ka ba?! What do you want from us!? Ano bang kailangan niyo?!" Sigaw ko at parang tinakasan ako nang tapang na lumipat ang madilim na tingin niya sa akin!

"Ang dami mong tanong.."

Gusto ko nang lumubog dito nang bigla siyang lumapit sa akin. Napapikit na ako. If this is my end then I'm gonna accept it.

"But I'm gonna answer the first one." Aniya..

Naramdaman ko ang kanyang anino sa aking harap.

"Sage.." inangat niya ang baba ko. "Sage Acosta."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status