Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Justice

"Ate Iris!"  Madali akong tumakbo sa aking kapatid. I cannot see clearly, masyado nang natatakpan ng mga luha ang aking paningin.

Yumakap ako sa kanya. She's crying too!

"Ate, don't leave us.. Huwag ka nang umalis, please?" I looked at her. Pulang pula ang ilong niya galing sa pag-iyak.

Hinaplos niya ang aking buhok.

"Catherine, I'm sorry but I have to.. Ayokong makulong sa buhay na hindi ko naman ninais! I don't want to have any regrets!" She said to me..

"Ate Iris," kumalas ako sa kanya at saglit na pinunas ang mga luha. "Kaya mo talagang  iwan kami? Ako?"

Hindi siya nakapagsalita.. I caught her gripping hard. Hindi niya kaya!

"Ate, hindi ka pwedeng umalis! Paano si papa? Ate, galit lang siya!"

"No he's not!" Bumaba ang kapatid ko at pumantay sa akin. "Tinakwil na niya ako Catherine!"

"Eh saan ka titira? Saan ka mamumuhay?"

Ngumiti siya ng tipid sa akin at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha kong hindi matigil-tigil sa pag-agos.

"D'eondre..."

"Catherine, Cath...."

"Argh!" Napabalikwas ako nang higa. I squinted my eyes just to see my cousins and friends. What the hell happened?!

"Anong nangyari sayo, Catherine? Naabutan ka na lang ni Earl na walang malay." Inabutan ako ni Shine ng isang basong tubig.

Walang malay? Tinignan ko muna saglit ang laman ng baso bago ininom.

"I'm sorry. Tingin ko ay nakalimutan nanaman ni Cath na uminom ng gamot.." Nilingon ko si Martha na ngayon ay nakayuko na.

Hindi ako makapagsalita. What happened? I can't remember anything. Hindi ko maalala kung paano nagsimula ang umaga ko, tanging ang pagpapaalam ko lang kina Kuya Zach ang naaalala ko.

"Cath, okay ka lang? Naaalala mo pa ba kami?" Hinawakan ni Dominic ang balikat ko bago ibigay sa akin ang isang puting tableta.

"Take that.. Umuwi ako sainyo para kunin yan, you forgot to bring your med." Ani Martha. 

Tumango na lang ako at ininom ang aking gamot. I can't believe it. Nangyari nanaman ang pinaka-ayaw kong mangyari sa akin.

Ang makalimot.

"Iwan muna namin kayo." Ani Shine at umalis kasama ang iba naming kaibigan.

I am now with my cousins. Pinagmamasdan ko silang dalawa at alam kong nahihirapan sila sa lagay ko ngayon.

"Cath can you please talk?" Pakiusap ni Marth sa akin, "hindi mo naman nakalimutan kung paano magsalita, diba?"

"May natatandaan ka ba sa nangyari?" Tanong ni Dominic sa akin.

Umiling ako. Ni isa ay wala akong matandaan. Dammit!

"Mas mabuti pa siguro kung hindi ka na sasama sa D'eondre.."

"No!"

Kapwa silang nagulat sa bigla kong pagsigaw. I want to go there! Gusto kong makita kung paano siya naghirap doon! Gusto kong makita ang lugar na pinagpalit niya sa amin!

"Cath?" Pinilig ni Dom ang kanyang ulo, para bang nagtataka siya sa kinikilos ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at inayos ang aking suot. "Wala namang importanteng nangyari kanina diba? I will still go, sayang naman ang pagpapaalam ko kina Kuya."

"But how about you? Paano kung makalimutan mo nanaman-"

Hindi na naituloy ni Martha ang pagsasalita.

"That will never happen again, okay?" Sabi ko na lang.

Matapos ang diskusyon ay napagdesisyunan naming umuwi, kasabay ko ang aking mga pinsan. Nasa likod ako ng tricycle samantalang nasa loob naman sila. I refused Dominic's offer, aniya'y dapat daw ay siya ang nasa labas dahil lalaki siya. I wanted to be alone and I want to think for awhile kaya tinanggihan ko ang kanyang gusto.

My brothers will get furious kapag nalaman nila na sa D'eondre ang tungo ng roadtrip namin. After what happened five years ago. I doubt na papayagan nila ako kung sakaling malaman nga nila.

Matagal-tagal na rin na panahon na hindi ko siya napapaginipan tapos ay ito nanaman. Bakit? Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Iris Imperial is my sister.  Siya ang pangatlo sa panganay. She's my only bestfriend back then. But she died. Sa lugar na iyon. Five years ago. Fuck.

Hindi ko na namalayan ang luhang tumutulo na pala sa aking pisngi. Sa sobrang pagmamahal ko sa aking kapatid ay minsan ko nang pinili na kalimutan siya.

But I wasn't able to forget her. I wasn't.

Bumalik ako sa huwisyo nang huminto ang tricycle at nakita ko ang pagbaba nila Martha at Dominic, tinanaw ko ang malaking mansyon malapit sa subdivision na tinutuluyan ng mga pinsan ko, bumaba na rin ako.

"Bayad po.." Ani Dominic.

"Bakit ka bumaba?" Kunong noong tanong ni Martha.

Nagkibit balikat ako. "I want to walk."

May araw pa naman.

"Baka maabutan ka ng mga kapatid mo niyan or si Uncle." Nag-aalalang saad ni Martha.

"They won't." Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila at nauna nang umalis.

Wala ako sa sarili na naglalakad. Bakit ang tagal ng Lunes? Gusto ko nang makapunta sa lugar na iyon!

Habang naglalakad ay pilit ko pa ring inaalala ang nangyari kanina. Some events are blurry. Hindi ko masyadong mapunto kung talagang nangyari nga iyon o parte lang ng panaginip ko.

"I'm going insane!" Marahan kong pinukpok ang aking ulo.

"Catherine?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang aking boyfriend. Anong ginagawa niya dito sa lugar ko? Shit!

"S-Sean? W-What the hell are you doing here!?"

Mabilis kong kinain ang distansya sa aming dalawa at hinila siya paalis sa gitna ng daan. Baka makita kami! Sikreto lang ang aming relasyon kaya kinakabahan ako!

"Where did you go? You're not replying nor answering my calls!" Singhal niya sa akin.

"I-I...."

"Ano? Itutuloy mo pa ba ang pagpunta niyo sa lugar na iyon?"

Tinignan ko siya sa mata at dahan dahang tumango, napapikit ako nang makarinig ako sa kanya ng iilang mura.

"Ano ka ba naman, Catherine! Gusto mo talagang mapahamak ka, ha?"

"Mapahamak? Why are you so negative?! You used to be so supportive! What happened now?! Why can't you just trust me on this, Sean?"

Sinuntok niga ang konkretong poste ng ilaw.

"T@ngin@! You know that I'm just protecting you! Dahil ayokong may mangyari sayong masama! Bakit hindi ka pa natrauma sa nangyari sa kapatid mo, ha? Ano? Gusto mo ring mamatay sa lugar na iyon? Gusto mo rin bang mabaril--"

I slapped him! Alam kong sa puntong ito ay nangingilid na ang luha ko sa galit. Bakit niya pinaalala? Bakit niya kailangang ipaalala?!

Saglit akong nagsisi sa ginawa ko. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Sean, nag-igting ang kanyang bagang.

"You choose, Catherine.. our relationship or that trip!" Mariin niyang wika.

Napaawang ang labi ko. Ganoong kababaw?! "Sean, this is nonsense."

"Hindi, Catherine, mamili ka!"

"Don't make me choose!" Kahit ako ay tumataas na rin ang tono ng pananalita.

Ramdam ko ang pagkagulat sa kanyang ekspresyon.

"Nahihirapan ka talagang mamili? Yung relasyon ba natin... kasing importante lang ng roadtrip na 'yan?"

"Sean.." Sinubukan ko siyang lapitan pero umatras siya. "Sean.."

Nilagpasan niya ako. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya. No! I can't lose him! Ayoko lang talagang mamili dahil determinado akong puntahan ang lugar na iyon.

Lulugo-lugo akong pumasok sa kabahayan. Hindi na ako na supresa nang maabutan ko si Kuya Tyler, nandoon kasi ang sasakyan niya sa labas at tingin ko'y tanging siya lang ang nandito ngayon.

"Kuya.." Pinilit kong ngumiti.

Tumayo siya mula sa couch at niyakap ako ng mahigpit nang kumalas siya ay agad dumapo ang kanyang tingin sa aking mga mata.

"Are you okay?" Tanong ng kapatid ko. Sa simpleng buka lang ng bibig niya ay lumalabas na ang kanyang dimple sa kanang pisngi.

Umiling ako.. "Ate Iris..." Basag na sabi ko sa pangalan ng aking kapatid.

He pulled me for a tight hug. This is just too painful to bear.

"Catherine, let's just forget about what happened to her. Hindi niya magugustuhan na nagkaka ganyan ka.."

Malayong malayo ang Tyler na kausap ko sa Tyler na lagi akong inaasar at binubully.

Umiling ako at pinunasan ang luha. "But Kuya, I failed to stop her.."

"Shh." Hinalikan ni Kuya Tyler ang aking buhok. "Hindi, Catherine, okay? Hindi."

Gumaan ang loob ko nang ngitian ako ng aking kapatid. I am sorry because I will soon break your trust on me. I just want to give justice for her death.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status