Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Valle Verde

Bumaba ako kasama si Kuya Kurt para salubungin ang dalawa ko pang kapatid. Hindi na ako nagulat nang sabihin ng katulog na umalis na daw si papa at sumunod na sa pinsan kong si Martha, he's always like that anyways, kahit na libre sa trabaho ay lagi pa ring may ginagawa. Well atleast, nakakahanap siya ng oras para sa aming apat.

"Little girl." Salubong na yakap sa akin ng panganay na si Kuya Zach. I can see through his eyes that he is already tired.

Ngumuso ako. "I'm not a little girl." Sabay tawa.

"Sus! Bata ka pa rin." Kantyaw naman na sumunod kay Kuya Zach na si Kuya Tyler.

"Kuya Kurt, o!" Nguso ko kay Kuya Tyler na pinagtatawanan ako.

Hinaplos ni Kuya Zach ang aking buhok. "Anong meron nanaman?"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at kumunot ang aking noo. "What do you mean, Kuya?"

"You're not going to hug me that tight, without any reasons, Cath. Alam kong may hihilingin ka nanaman."

"Hala siya! Grabe ka, Kuya ha?" Well totoo naman..

"Sige deny ka pa, Cath." Tawa ni Kuya Kurt.

Grr. I'm still looking for a perfect time! Bakit ang galing manghula ng kapatid ko?

Naupo si Kuya Tyler sa couch at marahang pinatong ang mga paa sa coffee table. Napatingin kaming tatlo sa kanya. "May boyfriend na siguro yan."

"Wala ha!"

Nilingon ako ni Kuya Zach. "Too defensive."

Am I that obvious? Kung bakit kasi iyon pa ang rason na naisip ni Tyler! Minsan talaga ang sarap lang na hindi siya tawaging Kuya! Sa kanilang tatlo ay si Kuya Tyler ang lagi akong binubully. But he loves me. Maybe iyon lang ang paraan niya para pakitaan ako ng lambing.

"Cath, uminom ka na ba ng gamot mo? I don't want you forgetting my name again." Paalala sa akin ni Kuya Kurt, uminom siya ng tubig.

Tumango ako sa kanya.

"So what is it, Catherine?"

Nilingon ko si Kuya Zach at nakita ko ang pagtataas niya ng kilay.

"She wants to go to a trip." Bigla kong nilingon si Kuya Kurt. What the eff?

"Trip?"

I gulped a little. Ito na nga ba ang sinasabi ko. This is now a 20-80 chance that I will go to the trip. Kaya mas gusto kong kay Kuya Kurt lang magpaalam.

"Fieldtrip? May ganoon pa ba? Grade 12 kana ha. And I thought it's your vacation this month." Pinilig ni Kuya Tyler ang kanyang ulo.

"Roadtrip, Ty." Lingon ni Kuya Kurt kay Kuya Tyler.

"What? Nagpaalam ka na ba kay dad?"

Lumabi ako. No. Kung mga kapatid ko nga ay tiyak maikli ang tiyansa ko na mapayagan paano pa kaya kung magpaalam pa ako kay papa?

"She's already 18, Zach. She needs to be independent." Naramdaman ko ang presensiya ni Kuya Kurt sa likuran ko.

Nanatili ang titig ni Kuya Zach sa akin. I don't know what he's thinking... kahit si Tyler ay natahimik!

"Saka... nandoon naman sina Martha at Dominic. I know that they're going to remind me about my meds." Dagdag ko pa para naman mapayagan nila ako.

"Saan ba kayo pupunta?"

Nilingon ko si Tyler na ngayon ay nakahalukipkip na nakaupo.

Fuck. Hindi ko dapat sabihin na D'eondre, they won't let me.. after what happened five years ago. I know that they won't let me!

"Vista Verde."

Nagkatinginan ang dalawang panganay kong kapatid. Malalim ang pag-iisip ni Kuya Zach, pinatong naman ni Kuya Kurt ang kamay niya sa balikat ko.

"I'll drive her there. Para siguradong sa Vista Verde ang punta niya." He assured our other brothers.

"Your call. Jusy bring your meds, Cath.." Ani Kuya Tyler.

Shit! Two down, one to go!

Inabot ata ng dalawang minuto bago bumuntong hininga si Kuya Zach at ngumiti ng tipid sa akin.

"We won't tell dad. Just take care of yourself, okay?" Aniya at hinila ako para yakapin.

Oh my God! Pinayagan nila ako! Pinayagan ako! Nagtatalon ako at nagtitili habang natatawa naman silang tatlo sa akin, hinila ko si Kuya Tyler mula sa pagkakaupo at nakarinig pa ako ng ilang reklamo sa kanya. Dinala ko siya malapit sa dalawa at sabay silang niyakap na tatlo. Tawa naming apat ang umalingawngaw sa mansyon.

I love them so much!

Dumating ang kinaumagahan at sinundo ako ni Martha para pagplanuhan ang roadtrip. Naglakad lang kami palabas. May pasok yung tatlo kong kuya at si yaya Selda lang ang naiwan sa akin.

"Paalala ni Zachary na paalahanan niyo daw na uminom ng gamot 'tong si Catherine." Ani yaya Selda bago kami umalis ni Martha.

Kwinento ko sa kanya ang nangyari nung gabi. Para namang hindi siya talaga makapaniwala sa tindi ng panlalaki ng kanyang mga mata.

"Really? Pinayagan ka talaga! Lakas mo kay Kurt!" Aniya at medyo napatili pa dahil crush niya ang kapatid ko.

I find it weird. Pinsan niya ang kapatid ko tapos ay crush rin niya. Well, it's just a plain crush.

Habang tinatahak namin ang lawak ng lupain sa San Isidro ay hindi ko maiwasang hindi mamangha.

Malaki ang siyudad na Valle Verde, apat na oras ang kailangan mo para makapunta ka sa Maynila. Ang pinakamalaking parte nito ay ang Vista Verde na sakop ng pamilyang Monteverde. Kumbaga Pilipinas ang Valle Verde at ang nagsisilbing Maynila ay ang Vista Verde. Puro puno ang nandito, makikita mo ang iilang baka na nakatali at nilalakad ng mga nag-aalaga. Mga grupo ng kambing na malayang nakakagala at iba't ibang uri pa ng hayop na hindi naman masyadong delikado.

Dito na ako pinanganak at lumaki ngunit hindi ko pa nalilibot ang buong Valle Verde. Dito nga naitala ang pinaka matandang bundok. Ang Mount Ahlu na nasa kalagitnaan pa.

"We really need to plan that trip as soon as possible." Ani Martha.

Sumakay kami sa terminal ng tricycle.

"Bayad po dalawa, sa may Rosario." Ani Martha.

Mabilis na binaybay ng driver ang kahabaan ng probinsya. May nakikita pa akong iilang kabayo na nakatali. Doon malapit ang eskwelahan ko, sa lugar ng Rosario.

"How about Sean? Sinabi mo na ba sa kanya?" Martha asked me.

Pumikit ako ng mariin. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa boyfriend ko na desidido akong sumama sa roadtrip.

Alam kong maiintindihan niya ko, kung mga kapatid ko nga ay hinayaan ako siya pa kaya na boyfriend ko lang?

"Siguro mamaya.." Ewan ko, I don't want to think about it..

Bumaba kami ni Martha sa tapat ng bahay nila Earl, doon kasi ang meeting place namin. Naabutan na namin sina Dominic at Shine na nagtatawanan.

"Si Racquel?"  Tanong ni Martha pagkababa.

"Inatake yung tatay niya ng asthma. Baka daw hindi siya makasama sa trip. You know, he's a bit busy too." Kibit balikat ni Earl.

Naupo ako sa kahoy na upuan, ganoon din si Martha.

"Pinayagan ka na?" Tumingin sa akin si Shine.

Tumango ako.

"Pero susunduin natin siya sa Vista Verde."

"What?" Singhal ni Earl, "Pucha, ang layo nun! San Isidro ang pinaka dulo ng Valle Verde tapos susunduin natin siya sa bungad?" Aniya. 

Yumuko ako ng bahagya. May punto siya.

"Kumalma ka nga! We want her to come right?" Irap ni Shine.

"Isa pa, malapit ang Vista Verde sa D'eondre. Hindi na tayo mahihirapan." Ani Dominic.

"But Dom, isn't it dangerous? Paano kung sundan ka ng mga kapatid mo, Cath?" Lingon sa akin ni Earl.

"Hindi naman siguro nila gagawin iyon."

"Tsaka kasama naman kami ni Martha, sino bang maghahatid sayo Catherine?"

Nilingon ko si Dominic. "Si Kuya Kurt."

"See, si Kurt naman pala.."

"Paano yung dalawa mong kapatid? Si Zachary o Tyler?"

"May pasok sila Zach. Our trip is two days from now. We need to plan it and you should stop being so negative!" Humalukipkip si Martha sa akin.

Pinag planuhan agad nila kung saan kami magkikita at kung ano ang gagawin namin sa D'eondre. It is to capture the place. Maganda daw kasi ang loob ng D'eondre at hindi lang mismo ilog iyon. Marami pa daw mga lugar na nakapalibot sa D'eondre.

Biglang lumikot ang isip ko at naalala ang napanuod kong movie. A group of students who went to A****n to stop the deforestation then later on nag crashed ang sinasakyang eroplano nila at nahuli ng mga pulang tribo na kumakain pala ng mga tao.

Wow, Catherine... wala naman sigurong ganoon sa D'eondre!

"Hey, Cath. We'll go inside. Ayaw mo sumama?"

Hindi ko alam kung gaano lumayo ang isip ko at nauwi sa puntong papasok na sila. Umiling muna ako. I need to get rid of this thought!

"Okay."  Ani Martha.

Pumasok na sila sa bahay nila Earl. Naiwan akong nakaupo sa labas. Napasinghap ako nang may maalala!

Yung gamot ko! Fuck!

Hindi pwedeng makalimutan ko iyon! Kinapa ang aking bulsa ngunit hindi ko makapa ang lalagyanan ng gamot ko! I was about to call Martha when I heard something.

Nakaramdam ako nang pagkahilo. Thirty minutes na akong late sa pag inom ng gamot.. 

"Miss."

Tuluyan ko nang nilingon ang likod ko. May hindi pamilyar  na lalaki akong nakita. He's wearing a simple shirt and shorts. Naka cap din siya kaya mas lalo ko siyang hindi maaninag.

"A-Ano yun?"

Hindi ko na maipokus ang mga mata ko... shit, Martha I need you!

"Pupunta rin kayo sa D'eondre sa Lunes?"

Tumango ako. Parang nakita ko siyang napangiti.

"Eros, tara na.." Malalim na wika ng isa pang lalaking kakalitaw lang sa likod nung Eros ata.

Tumango yung lalaking tinawag na Eros at naglakad palayo. Yung lalaki naman na tumawag kay Eros ay nanatiling nakatayo. He's also wearing a cap!

Damn, nanlalabo na ang paningin ko..

Alam kong hindi siya tanga at alam kong nakikita na niya ang sitwasyon ko ngunit bat ayaw niya ako tulungan?

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtama ang  tingin namin nung lalaki, then everything went black.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtama ang tingin namin nung lalaki, then everything went black. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status