Share

Kabanata 5

Kabanata 5

Dementia

Pumatak ang isang butil ng luha ko. Pagkatapos non ay marahan niyang binitawan ang aking baba at tinalikuran ako. My lips are shaking from fear, hindi ko alam kung anong kasunod ng lahat na ito.

Marahas kaming hinawakan ni Shine ng mga armadong lalaki at walang awang kinaladkad palayo sa kagubatan. I can't even walk properly! Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng enerhiya sa aking katawan matapos lahat ng nangyari.

Bahagya kong nilingon si Shine at nakita kong napako ang titig niya sa walang buhay na si Leana na nilagpasan namin. Hindi ko maiwasang na tignan iyon. I saw blood. Everywhere. Napalayo ako nang tingin nang mapagtanong nananatiling nakadilat ang mga mata ni Leana.

Patuloy naming sinusundan si Sage, he's walking like nothing happened. Like he didn't kill anybody. Normal na ba ang pagpatay sa lalaking 'to? I remember seeing his name sa mga papeles na binabasa ni papa.

Who's Sage Acosta?

"Bilisan niyong maglakad!" Padarag na sabi ng lalaki at mas lalo kaming kinaladkad ni Shine.

Hindi na ako nagprotesta pa at kahit hinang-hina ay mas binilisan ko nalang ang aking lakad. I'm worried. Shine is not speaking, I want to ask her if she's okay but in our situation? I know that she's not.

Malayo pa ang naging lakad namin. My feet are getting weak. I couldn't go for another long walk. Saan ba kasi nila kami dadalin? Kung papatayin man nila kami ay sana ngayon na!

Pero naalala ko ang masasayang ngiti ng aking mga kapatid. Pasensya na kung binigo ko kayo, sorry for breaking your trust. And Ate Iris, naging ganito rin kaya ang sitwasyon niya noon?

Matapos ang ilan pang minutong paglalakad ay natigil kami sa lugar na may isang malaking karatula

Trestarenales.

Iyon ang nakaukit sa karatula. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng Trestarenales.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang  nasa loob ng lugar na iyon. Maraming kabahayan na gawa sa kubo lang ngunit may isa doon na gawa sa bakal, inikot ko pa muli ang aking mga mata, kusang tumulo nanaman ang aking luha nang may mamataan na mga kalansay na nakabitin patiwarik, ang mga tao roon ay lahat lalaki at mga armado. Dumako ang tingin ko sa gitna, may tatlong kabataan na kaedad ko ang nakagapos at walang humpay na umiiyak!

"C-Catherine..."

Nilingon ko si Shine, katulad nang akin ay halatang gulat siya sa mga nakikita.

"Catherine, are we going to die?" Basag na wika ni Shine.

Napangiwi ako nang basta-basta kaming pinaluhod ng mga lalaki katabi ng iba pa atang bihag.

"Pakawalan niyo ako! Mga tarantado kayo! Papapatay ko kayo kay Dad!" Nagwawala na sabi ng lalaki sa tabi ko.

Nagtawanan lang ang mga walanghiyang lalaki.

Dumikit ako kay Shine na ngayon ay kanina pa umiiyak. We don't know our destiny here. Naglaro sa aking isipan na baka isa isa nila kaming pupugutan ng ulo.

D@mn it, Catherine!

Matalim kong tinignan si Sage na ngayon ay papasok sa pinakamaayos na bahay dito. Is he the leader of this group? Are they hostage takers? Kidnappers? Are they going to ask for some ransom? Ano ba sila?

Napayuko ako at humikbi ng tahimik.

"Miss." Nagtaas ng kilay sa akin ang lalaki. Kamukha niya yung Sage pero mas light ang features nito, idagdag mo pa ang kanyang matang laging nangingiti. But he also have a smug look on his face katulad ni Sage.

"Eros." Nilingon ko si Sage na ngayon ay nakaharap sa lalaki na tinawag niyang Eros.

Bumaba ang tingin ko sa hawak ni Sage, it's a camera and a tripod. Ano ang gagawin niya doon?

"We're going to be on air now?" Lumipat ang tingin ko sa nakapamulsang si Eros na tinitignan si Sage.

Tumango si Sage. Tinalikuran siya ni Eros at may isang armadong lalaki ang lumipat sa kanya at binigyan ng laptop. Kinuha ni Eros ang camera kay Sage at may isinuksok doon na kung ano na naka connect sa kanyang laptop. Pagkatapos non ay nilagay niya ito sa tripod. May pinindot siya at ilang saglit lang ay lumitaw ang kulay pula sa camera.

"They are going to take a video." Bubulong bulong na sabi ng lalaki sa gilid ko.

"Shine..."

"Cath... Catherine, I'm scared..."

Ramdam ko ang panginginig niya. Kahit ako ay takot din! At lalong lumala ang takot ko nang makitang may hinugot si Sage na itak sa isang sulok.

Madilim ang titig niya na naglalakad sa direksyon namin. Damn! Anong gagawin niya?

"Easyhan mo lang." Rinig kong tawa ni Eros sa gilid. "We're ready now."

Nang sinabi iyon ni Eros ay ang dalawa pang babaeng bihag ay nilagay sa pinakaunahan. They are fidgeting and shouting for freedom! Napasinghap ako nang biglang sampalin ng armadong lalaki ang kanina pang sigaw na sigaw na babae.

"Any last words?" Ani Sage nang makalapit na sa mga babae.

Tangina. Ayoko ng tignan. Ayoko na! Bangungot lang ito! Bangungot lang!

"P-Pakawalan mo na--"

"Ahhhhh!!!"

"Damn you! Are you crazy?!"

Napanganga ako. Shocked. I was fucking shocked when he shoot him down! Nanigas ako sa aking pagkakaupo. Hindi ko na alam! Papanawan na ako ng ulirat!

"Why did you do that!?"

Panay pag pipiglas ang lalaki sa tabi ko, nang akmang pinilit niya tumayo ay marahas siyang sinipa ng mga lalaki sa likod namin.

"Catherine! Ayoko na! Ayoko na!"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang i-comfort si Shine mula sa paghagulhol. Dahil miski ako ay gulat.

"Yan ang mangyayari sa natitirang bihag kapag hindi niyo naibigay ang gusto namin." Malamig na sabi ni Sage sa harap ng camera. "1 billion kapalit ng mga buhay nila." Aniya at tinuro kami gamit ng baril na ginamit niya kanina.

Nakakabinging sigawan at palahaw ang naririnig ko. The scene just can't get off my head! Mas gugustuhin ko nang hindi makainom ng gamot para lang makalimutan iyon.

Hindi ko na alam ang pagkakasunod-sunod sa mga nangyari, naramdaman ko nalang ang pamamanhid sa braso ko nang may kumakaladkad na pala sa akin.

"Let her go! Let her go, @sshole!"

Parang nagising ang diwa ko nang marinig ang boses ni Shine. Tumingala ako at nakita ko ang walang emosyong si Sage na dinadala ako sa kung saan.

"P-Pakawalan mo ko... Pakawalan mo ko! Let me go!"

I punched him everywhere but he's too strong!

"Don't kill me! Let me go! Please! Hu-Huwag mo ako patayin!"

"Tangina.. tumahimik ka!"

"No! Huwag! P-Please huwag--"

Hinapit niya ako palapit sa kanya nang unti unti na akong nakakawala.

"Tatahimik ka o papatayin ko ang kaibigan mo?"

Sa isang banta niyang iyon ay natigilan ako. Para akong nawalan ng lakas sa sinabi niya. I don't have any choice. Ayokong mapahamak si Shine dahil sa akin.

Ayokong may mawala nanaman ng dahil sa akin.

Dominic sacrificed his own life for me. Ayoko ng may sumunod pa.

Natapos ang gabing iyon na hindi ako nakatulog. Ni hindi ko nga alam kung naipikit ko na ang mata ko o hindi. Nagising nalang ako nang may umuuga sa akin.

"Is she dead or what? Baka nasobrahan ka sa paghawak mo?"

"Tss. She collapsed, ang laking kalokohan kung mamamatay agad yan."

"But she's familiar, Sage.. kamukha niya si--"

Idinilat ko ang aking mga mata. Natigil ang pag-uusap. What happened? Ang sakit ng ulo ko.

"Gising na siya, Sage.."

It was all blurry at first nang unti-unting magliwanag ang paningin ko. Sino sila?!

"Hey, miss."

Napansin ata ng lalaki na kanina pa ako nakatanga sakanila kaya pinasada niya ang kanyang kamay sa akin.

"Who are you?" I firmly said. I can't remember anything.

"T@ngin@, Sage, nabagok mo ba 'to?"

"Tumahimik ka, Ross.." Ani ng isang lalaki na tinawag na Sage. "Anong naaalala mo?" Baling niya sa akin.

Umiling-iling ako. Sino sila? Nasaan ako?

"Sabi ni Paco, may mga nakita daw siyang gamot sa bag niyan. Puro gamot daw, baka nagdodroga siya, Sage.."

"Gamot?" Nagtaas ng kilay ang lalaking si Sage daw bago bumaling sa akin. "Are you sick?"

"I have a Dementia.." Sino ba sila? Where's my cousins?

"Anong naalala mo sa nangyari kahapon?" Pangungulit ng lalaking katabi ni Sage.

Kumunot ang noo ko. Pinilit kong igalaw ang aking kamay ngunit nagulat ako nang nakatali ang mga iyon!

"Sino kayo?!" Bat ako nakatali?

Tumayo si Sage at hinilot ang kanyang sentido.

"Call Paco and find her bag."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status