Share

Kabanata 40

Kabanata 40 ( This is it. Thank you. pov na po ni baby sage ang next )

Goodbye

Malabo na ang mga mata ko habang patakbong nililisan ang hospital. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

Dama ko ang mga yapak ni Ace na nakasunod sa akin pero wala akong pakialam. I just want to get away. To leave. To cry and to ask myself, anong mali ako? Anong ginawa ko?

Ayaw na niya ba sa akin?

Nang makalabas ako ng hospital ay saktong nakita ko sina Kuya kasama ang ibang mga Acosta. Huminto silang lahat. Tinignan ako na may nagtatanong na reaksyon.

"Catherine!" Hinablot ni Ace ang braso ko sabay napatigil nang makita kung sino ang mga nasa harapan ko.

"What happened?" Biglang lumapit sa amin sina Kuya.

Umiling ako. Pilit na pinahid ang mga luhang kahit na alisin ko ay halata pa din na umiyak ako. "Wala, wala. Okay na siya. Gising na si Sage."

"Then why are you crying?" Si Priston ang nagsalita, "Bakit ka tumatakbo paalis? Bakit wala ka doon?"

"
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status