Lahat ng Kabanata ng His Opposite Intention: Kabanata 21 - Kabanata 30
33 Kabanata
Chapter 20: Shot
Ilang sandali, nilapitan sila ng mga tao. May kanya-kanyang kuha ng cellphone. Ang iba ay nag-pa-picture pa sa kanilang dalawa. Nakahawak ang kamay ni Honey Li sa braso ni Chadrick.Napaatras ako nang hindi na mahagilap ng mga mata ko si Chadrick dahil sa dami ng tao ngayon.Napapikit ako nang may na-realize. Bakit ko pala siya hinahabol? Para sabihing hindi ko ginusto ang nangyari? Na lasing lang si Gabriel? Para ano pa? Hindi naman kami. At sa nakikita ko ngayon, bagay nga si Honey Li at si Gabriel.Bahagyang napatawa nalang ako sa sarili habang napapailing bago tumalikod at bumalik sa loob.Pagbalik ko sa loob ay nakita kong nahihirapan si Bianca itayo si Gabriel kaya tinulungan ko siya."Bakit namamaga ang pisngi niya?" pagtataka niya."Sinuntok ko," sagot ko na kinagulat naman niya."Ano?! Sinuntok mo? Bakit?""Ikukuwento ko sa'yo mamaya. Ihatid muna natin ang lalaking ito sa bahay nila."Nang matapos ang lahat ng nangyari ngayong araw ay wala sa mood akong umuwi sa amin. Imbes
Magbasa pa
Chapter 21: Victim
Mabilis ang pangyayari. Napansin ko nalang na papasok na pala ako sa loob ng ospital kung saan dinala si papa. Ang sabi pa ni mama ay hindi lang daw si papa ang nagtamo ng mga bala ng suspek may dalawa pang kasamahan nila.Nailigtas ang mga nabiktima ng mga suspect sa kidnapping for ransom. Dalawang suspect ang nahuli pero ang lider ng krimen ang tinutugis pa ng mga pulis.Halos hindi na ako makatingin ng maayos sa linalakaran ko dahil sa mga luhang naglalabasan. Ito ang kinakatakutan kong mangyari kay papa pero ngayon nangyayari na. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala si papa. "Ano ba! Bulag ka ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"Hindi ko napansin na may nakabangga na pala ako. Hindi ko man makita ang mukha niya dahil nakayuko ako ramdam ko pa rin ang pagtataray sa boses nito."I-I'm sorry..." sambit ko sa nanginginig na boses.Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya agad na akong umalis sa harapan niya at lumiko sa kanan. Mas binilisan ko pa ang
Magbasa pa
Chapter 22: Province
Sa bawat paglipas ng mga panahon ay kasabay din ng pagbago ng buhay. Hindi naging madali. Hindi naging madali para sa amin nang bumalik kami dito sa probinsiya. Kailangan namin magsimula ulit sa pinakauna. Mahirap pero unti-unting nakakabangon naman sa bawat paglipas ng mga araw.Sa loob ng dalawang taon naming paninirahan ulit dito mas naasikaso na ang pagpapagaling ni papa. Hindi na magtatagal makakalakad na rin siya ng maayos. Sa ngayon, kailangan niya muna ng saklay para may suporta sa paglalakad niya."Sa wakas! Huling araw na rin natin ngayon! Nararamdaman ko na talaga ang bakasyon!" Napatigil lang ako sa pag-iisip nang sumigaw bigla ang isang kaklase namin. Kababalik lang namin sa main room ng matapos ang huling exam namin sa Fundamentals of Criminal Investigation."Dapat nga last week pa nagsimula ang bakasyon natin kung hindi lang tayo nahuhuli sa pag-take ng exam sa major subject na ito," rinig ko pang sinabii ng isang kaklase ko."Oo nga! Pero anyway guys, ang mahalaga mat
Magbasa pa
Chapter 23: Call
"Mia!" sigaw niya ulit at sabay tumakbo papalapit sa akin."Bianca? B-Bakit nandito-'' napahinto ako sa pagsasalita nang sinakop niya agad ako ng isang mahigpit na yakap."Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap! Sa susunod pa sana na taon ang punta ko rito pero ang boring do'n sa America palaging wala si mommy at daddy dahil sa trabaho. Mabuti nalang pumayag sila na dito ang mag-bakasyon. Na-miss kita ng sobra, Mia!'' paiyak-iyak niyang sinabi.Napangiti ako sa huling sinabi niya. "Na-miss din kita," sambit ko at walang pasubaling niyakap din siya pabalik.Ito ang unang beses ng pagkikita namin pagkalipas ng dalawang taon. Pinili niyang mag-aral ng college sa America dahil ito ang gusto ng mga magulang sa kaniya at para buo silang pamilya roon. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya upang tanungin pa sana siya nang biglang dumating ang dalawang pulis kasama ang babaeng nanakawan ng wallet."Siya! Siya ang nagnakaw ng wallet ko!" galit na sigaw ng babae habang tinuturo nito an
Magbasa pa
Chapter 24: Rencounter
Hindi ako lumingon sa kaniya bagkus nanatili akong nakatayo sa harapan ng pintuan. Hindi ako makagalaw. Maraming mga tanong agad ang pumasok sa isip ko. Bakit nandito rin si Honey Li? Sila na ba?"Excuse me?"Nabigla ako nang marinig ang boses niya sa likod ko kaya napa-abante ako para makadaan siya palabas. Nang mapansing mawawala na siya sa paningin ko ay hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang sundan siya. Parang may mga sariling isip ang dalawang paa ko. Habang papalapit nang papalapit kami sa labas ng mall parang nakikipagkarerahan ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Nang makitang lumabas siya sa mall ay ganoon din ang ginawa ko. Sinundan ko siya hanggang sa pinakadulo kung saan hindi maraming taong dumadaan. Napahinto lang ako at agad nagtago sa gilid nang makitang huminto siya sa harap ng kulay itim na kotse.Kumaway siya sa harap ng kotse. Parang nagkaroon pa ng slow motion nang dahan-dahan bumubukas a
Magbasa pa
Chapter 25: Deeper
"Mi-Mia? Anong ginagawa mo rito?"Hindi ko mahanapan ng tamang salita ang tanong niya dahil sa sobrang gulat. Namaling kotse ang napasok ko!"P-Pasensiya na, akala ko itong kotse ang ginamit namin kanina mali pala ako ng pinasukang sasakyan." Mabuti naman at nakaya ko pang magsalita sa harapan niya. Napatingin siya sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Agad naman niya itong binitawan at sabay nag-iwas ng tingin sa akin."You should go now. Papunta na rito ang manager ko," aniya at sabay ibinalik ang pagpikit ng mga mata.Iyon lang? Wala na ba siyang sasabihin na iba?Ito ang unang pagkikita namin makalipas ng dalawang taon. Hindi man lang niya ako ka-kamustahin? Kasi ako, ang dami kong gustong sabihin sa kaniya.Hindi ko sinunod ang sinabi niya bagkus umupo ako ng maayos sa backseat."Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakausap," buo ang boses kong sinabi. Parang nawala nalang bigla ang kabang nararamdaman ko kanina."What are you doing?" baling niya nang makitang hindi ako lalab
Magbasa pa
Chapter 26: Blood
Mabuti nalang marunong ako lumangoy kaya hindi ako mahihirapan. Hindi nagtagal naisipan ko ng sumisid nang mapansing mas lumalayo pa ang bola dahil sa sunod-sunod na alon.Ayaw yata ng bola sa akin dahil panay lumalayo lang ito. Sumisid ulit ako at pag-angat ko ng tingin wala na ito sa paningin ko. Hindi ako sumuko hanggang sa sinisid ko pa ang pinakalaliman para hanapin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naghahanap pero hindi ko pa rin makita ulit ang bola. Ang lamig na sobra ng buong katawan ko. Hindi ko pansin na papalayo na pala ako.Nabuhayan ako ng loob nang makita rin sa wakas ang bola. Pinagpatuloy ko ang paglalangoy hanggang sa naabot ko ito at nahawakan. Pero ilang segundo pa lamang ang lumipas ay nabitawan ko ito nang may isang mahigpit na kamay ang humawak sa braso ko mula sa likod. Nagulat ako kaya napaharap ako sa kaniya. Pero mas lalong nagulat pa ako nang makita kung sino.A-Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Nabitawan ko tuloy ang bola ng dahil sa kaniya! Ka
Magbasa pa
Chapter 27: Hiring
"Pumasok na kayo sa kuwarto niyo!" galit na sigaw ni mama nang makitang nandito pa rin kami sa loob ng kuwarto nila.Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay sinunod ko pa rin ang sinabi nila. Dinala ko si Sky sa aking kuwarto. Gulong-gulo ang isipan ko kaya nahirapan ako makabalik agad sa pagtulog. Si Sky natagalan sa pag-iyak bago nakatulog.Sana isang masamang panaginip lang lahat ng ito dahil hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari bukas.Kinaumagahan, naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw mula sa nakabukas na bintana kaya nagising ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa upuan katabi ng kama ko. Napansin kong natutulog pa si Sky. Pagtingin ko sa nakasabit na orasan sa itaas ng kama ko ay ala-sais palang ng umaga.Nang maalala ang nangyari kagabi ay lumabas ako at agad nagtungo sa kabilang kuwarto. Pagpasok ko nakita ko si mama nag i-impake ng mga damit."Ma? Bakit nag i-impake kayo? Si p-papa?" Hindi ko na maiwasan mataranta.Kinabahan ako nang makitang wala si pap
Magbasa pa
Chapter 28: Hired
Habang nasa byahe ako ay panay ang pag-iisip ko kung paano ko siya makakausap. Paano kung wala siya roon? Paano kung nakahanap na siya ng bodyguard? Hindi puwede!"Manong, bayad po!"Nagbayad agad ako nang huminto ang taxi sa tapat ng hotel. Paglabas ko, walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob kahit may staff na nakabantay sa entrance. Patungo na sana ako sa front desk area nang napahinto ako nang makita ang pamilyar niyang likod. Kahit hindi ko kita ang mukha niya alam kong siya iyon. Kausap niya ngayon ang receptionist.Nang paalis na siya sa front desk area ay napansin kong hindi pa rin bumibitaw ng tingin sa kanya ang babaeng receptionist. Abot langit ang ngiti at kilig nito habang may hawak na papel. Napansin ko pa ang signature ni Bente Pesos sa hawak niyang papel. Siya nga iyon!Nataranta lang ako nang makitang papasok na siya sa elevator. Halos tumakbo na ako para lang masundan siya pero nabigo ako nang tumama sa mukha ko ang pinto ng elevator nang sumarado ito kaya napa
Magbasa pa
Chapter 29: Late
"Saan ka nakakuha ng ganoong kalaking pera?" Napabaling ako kay Mama nang magtanong siya. Nakabalik na rin ako sa ospital at tuluyan na ngang nabayaran ang gastusin para sa operasyon ni Papa bukas kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon.Magkatabi kami ngayon ni Mama sa mahabang upuan dito sa labas ng emergency room dahil ipinagbabawal pa nilang pumasok kami sa loob. Bahagyang hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang makitang hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala yata siya kung saan ko nakuha ang ganoong kalaking pera."Ma, hindi na po iyon mahalaga kung saan ako nakahanap ng ganoong kalaking pera. Ang mahalaga matutuloy na rin ang operasyon ni Papa bukas. Huwag kayong mag-aalala Ma hindi po galing sa ilegal na pamamaraan 'yong pera," pagpapaliwanag ko sa mahinahong boses.Hangga't maari ayokong sabihin ang totoo kay Mama kung saan ako nakakuha ng perang iyon dahil ayokong mag-alala siya sa papasukan kong trabaho. Babaeng magpapanggap bilang lalaki para lang maging bodyguard ng
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status