Share

CHAPTER 4 - KAMUNDUHAN NG PAGMAMAHAL

YVONNE'S POV.

Kusang lumuha ang mga mata ko nang pilitin niya akong makipagsiping sa kaniya. Masakit ang puson ko, sobra. Ikatlong araw pa lang ng pagdudugo ng kaselanan ko pero heto siya at n*******d habang ako ay nakatuwad sa harap niya. Impit ang paghagulhol ko habang tinitira niya ako patalikod. Hindi ko maramdaman ang sarap kundi pagkahiya at pakiramdam ko, hindi na niya ako nirerespeto.

Meron ako. Masakit ang puson ko! Mahirap bang unawain na pagkatapos na lang nitong menstruation ko at saka kami magtalik? Papayag naman ako, e. Pero itong ganito, pakiramdam ko nababastos ako. Pero wala akong magawa! Wala akong magawa dahil sa mga pagbabanta niya na iiwanan niya ako kapag hindi ko ibinigay sa kaniya ang gusto niya.

Gayunpaman, tama siya. Asawa ko siya, e. Kailangan kong ibigay ang lahat ng nanaisin niya kahit na labag sa kalooban ko dahil lalaki siyang nangangailangan ng pag-aaruga at pagmamahal ng asawa. Mas gugustuhin ko na ito kaysa naman humanap siya ng iba at palitan ako. Hindi lang maiwasang sumama ng loob ko.

“Ugh, honey! I’m almost there!” nakasigaw niyang ungol habang ako ay pikit ang mga matang salubong ang kilay na hindi maipaliwanag ang mukha.

Sobrang sakit sa puson!

Napuno niya nang malalakas na pag-ungol ang kwarto naming dalawa bago niya nailabas ang mga semilyang kanina lang ay nagwawala sa kaselanan niya na ngayon ay pakiramdam ko’y naglalakbay kasama ng mga patay na dugong nararamdamn ko kanina pa sa pagtulo.

Bumagsak na lang ako sa kama nang namumutla matapos ang nangyari. Siya ay kaagad nagtungo sa C.R para hugasan ang ari niyang sa tingin ko ay lumansa dahil sa dugong dapat ay patuloy lang sa paglabas.

Ibinalot ko ang sarili ko sa puting kumot at nagtalukbong hanggang sa unti-unti ay nakatulog.

“Honey, magpunta tayo roon!” Tuwang-tuwa kong hinila ang kamay niya at sabay kaming tumakbo papunta sa ilalim ng malaking puno.

“Ang ganda! Tanaw na tanaw mula rito ang napakagandang karagatan!” aniya.

Nasa isa kaming dalampasigan. Sobrang sariwa ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

“Honey, ipangako mong taon-taon mo akong dadalhin dito, ha?” nakatawang biro ko.

“Aba, syempre! Taon-taon tayong pupunta rito at sana sa mga taong iyon, nandito at nakatayo pa rin ang puno na saksi sa pagmamahal ko sa ‘yo.” Niyakap niya ako at hinarap ako sa puno. Isinulat niya roon ang mga katagang, Ervin loves Yvonne, forever.

Mas lalong umukit sa labi ko ang ngiti at hinalikan ko siya sa pisngi sabay ang pagtakbo nang mabilis.

“Aba! Marunong ka nang mang-agaw ng halik, ah? Hoy! Halika rito at lulunurin kita sa halik ko!” sigaw niya at hinabol ako.

Kapwa kami naghabulan sa gilid ng dalampasigan. Nagkulitan habang sinasalubong ang malamig na paghampas sa amin ng hangin.

I love this feeling at sana huwag nang magkaroon ng ending.

“Honey! May sasabihin ako at diyan ka lang! Pakinggan mo!” sigaw niya nang nasa dalawang kilometro ang pagitan namin sa isa’t isa.

“Ha? Ano’ng sasabihin mo? Lalapit ako!” sigaw ko rin.

Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon rito kaya kahit magsigawan kami, walang naaabala.

“Tignan mo itong batong hawak ko!”

Nagsalubong ang kilay ko.

“Saan mo galing ‘yang bato, e, nasa white sand tayo?”

“Ah, basta!” Nagpanay ang ulo niya sa pag-iling kasabay ang muling pagsigaw, “Sundan mo nang tingin ang batong ito at pakingagn mo ang sasabihin ko. Ano? Ready ka na ba?” tanong niya.

Tumango lang ako kahit na naguguluhan sa sinasabi niya.

“Okay, go!” Ibinato niya sa dagat ang batong hawak niya kasabay ang pagsigaw nang sobrang lakas ng mga katagang, “Mahal na mahala kita, Y vonne!”

Animo’y tinunaw ang puso ko sa isinigaw niya. Dahil doon ay isinigaw ko rin ang mga salitang mahal na mahal ko rin siya. Nang maisigaw ko iyon ay nilingon ko na siya upang puntahan nang bigla akong matigilan na wala na siya sa kanina lang ay kinatatayuan niya.

“Ervin?” nagtatakang tawag ko sa pangalan niya at ang kanina lang ay saya na may halong kilig ay biglang napalitan ng takot at kaba.

“Ervin? Ervin, nasaan ka? Ervin!”

“Ervin!!” Biglang bangon ko nang naghahabol hininga.

Nilibot ko ang paligid.

“Panaginip lang pala." Nakahinga ako ng maluwag habang nakahawak ang kamay ko sa dibdib ko nang muli akong napaisip. "Nasaan si Ervin?” Bumangon ako at ipinalupot ko sa katawan ko ang kumot ko.

“Ervin, honey? Nasaan ka?”

Napuno ng kabalisaan ang katawan ko nang hanapin ko siya sa kabuuan ng kwarto. Kahit sa loob ng C.R, wala siya.

Nanggigilid na ang luha ko nang bigla siyang iluwa ng pinto.

“Oh, honey? Gising ka na pala?” Ipinatong niya sa lamesa ang dala niyang tray na may lamang soup, tubig, at gamot.

Sinunggaban ko siya nang mahigpit na yakap.

“Honey!”

“Oh, bakit?” Tinapik-tapik niya ang likod ko nang magkasalubong ang kilay. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

“Ano’ng nangyari sa ‘yo, honey? Napano ka ba?” muli niyang tanong. Mas lalo akong naiyak.

“A-Akala ko i-iniwan mo na ‘ko, e. A-Ang akala ko w-wala ka na.”

“Ha? Ano’ng wala?” Kumalas siya ng yakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko. “Nasa kusina lang ako at heto nga at ipinagluto kita ng soup nang mainitan ‘yang sikmura mo. Kanina ka pa kasi namumutla,” aniya at kinuha ang dala-dala niyang tray kanina.

“Umupo muna nga tayo at higupin mo itong niluto ko.”

Hindi ako kumibo at sa halip ay sinunod lang siya. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang hinihipan niya iyong soup na ginawa niya.

Akala ko totoong iniwan mo na ako. Paano na lang ako kapag nangyari ‘yon? Paano na lang ang relasyon nating mahigit sa limang taon nating inalagaan at pinilit na ipinaglaban. Ervin, huwag ko akong iiwan.

“Patawarin mo ako sa ginawa ko, honey. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag nakikita kitang n-nakasuot ng ganoong damit.”

Kumunot ang noo ko.

“Sando ba kamo?”

Tumango siya.

“A-Ang hot— A-Ang hot mo kasi t-tignan, honey.”

Natawa ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.

“It’s okay, honey. Next time, huwag na lang kapag mayroon ako. Masakit kasi sa puson, e,” pagtatapat ko. Tumango siya ngunit bakas sa mukha niya ang pagkahiya kaya’t isang mapusok na halik ang iginawad ko sa kaniya.

“I love you!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status