YVONNE'S POV.Tulala at lumuluha akong nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng papag. Laman ako ng kwarto naming mag-asawa at iniinom ang isa pang bote ng alak na natira. Nakakatatlo na ako at pakiramdam ko ay unti-unti na akong tinatamaan. Madilim ang buong kabahayan. Walang kahit na ano'ng ilaw ang nakasindi. Tanging ang nakabukas lamang na bintana na natatapatan ng namimilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa akin.Muling nanumbalik sa alaala ko ang nakaraang panaginip ko. Iyong panaginip na nasa dagat kami at lumayo sa akin si Ervin para ibato sa tubig ang hawak niyang bato at nagbitiw ng mga salitang mahal niya ako. Ngayon ko lang napagtanto na babala na nga siguro iyon. Pagkatapos niya kasing sabihin iyon ay bigla na lamang siyang nawala. Pakiramdam ko'y sinuntok ako ng buwan sa na-realized kong iyon. Paulit-ulit binalikan ng isipan ko ang lahat ng aming pinagsamahan. Iyong mga panahong masaya kami at palaging lumalabas para mag-bonding at kalimutan ang stress na dala ng pro
YVONNE'S POV.Sa loob ng dalawang araw kong pag-iyak at pagtulala sa loob ng bahay, mas lalong walang nangyari sa buhay ko kung hindi ang tanging paglugmok sa problema. Imbis na hayaan ko lang na dumaan ang problema, heto ako. Sinasalubong at niyayakap ko pa sila.Pumikit ako at hinayaan ko munang tumulo ang mga luha ko. Nakahiga pa rin ako sa kama at niyayakap ang unan ko. Minsan, kahit ano'ng sabihin mo para i-motivate ang sarili mo, kakalabanin at kakalabanin ka pa rin ng sarili mo para mag-overthink. Babalik at babalik sa alaala mo ang lahat ng nakaraan mo at magkakasabay-sabay ang problemang pumapasok sa isip mo. In the end, mas pipiliin mo na lang bumigay o kaya ay mamatay nang matapos na ang lahat ng pinagdadaanan mong pagdurusa. Nang matakasan mo na ang problemang hindi mo na kayang i-handle pa.Sa pagdilat ng mga mata ko, bigla ko na lamang naramdaman ang mga bisig na yumayakap sa baywang ko. Napabalikwas ako ng bangon at nilingon ang taong nasa likod ko nang gulat na gulat.
YVONNE'S POV.Humahagulhol ako habang nakaupo sa kama. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Si Ervin ay nakaupo lang sa harap ko habang may pagkamanyak na tinititigan ang mukha ko. Isang puting polo lamang ang suot ko. Nakabukas ang mga bitones niyon kaya't kita ang damit pang-loob ko. May pasa na rin ang gilid ng labi ko.Pinilit kong tumakas kagabi pero nabigo ako nang magising siya. Isang malakas na pagsampal at pagsuntok ang tinamo ko sa kaniya. Dahil sa ingay ng pag-iyak ko, itinali niya ako sa kama at nilagyan ng busal ang bibig ko. Hindi tuloy ako makapagsalita. Gusto kong maghihiyaw pero ang baril niya, hawak na naman niya."Hindi ba ang sabi ko ay walang aalis? Bakit kasi ang kulit mo, honey? Alam mo namang ayaw kitang mawala sa buhay ko," may pagkabastos na sabi niya. Ang boses niya, nakakapandiri sa pandinig. Ano ba kasing nangyayari kay Ervin? Hindi siya ganito dati. Ni minsan, hindi pa siya naging ganito."Kung sanang mabibigyan mo pa ako ng ikalawang pagkakataon... papakawa
YVONNE'S POV.Nakatitig nang kwestyunado ang mukha ni Akiro sa akin. Ako naman itong bumuntong hininga at uminom ng juice. Kakarating niya lang dito sa bahay. Pinapunta ko muna siya habang wala pa si Ervin. Pumasok siya sa trabaho, e."Hindi ka ba magkukwento? Naiirita na ako sa utak ko. Ang dami kong tanong, frenny," nagmamaktol na sabi niya.Natawa ako nang bahagya at sarkastiko siyang sinagot, "Magtanong ka kasi. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan, e."Napairap at napasapo siya ng noo. "My gosh, frenny! Simulan mo sa kung saan ka komportable. Nakangiti ka riyan pero ang lungkot ng mga mata mo. At saka akala mo ba ay hindi ko nakikita 'yang pasa sa pagmumukha mo? Ano 'yan, ha?" napakataray niyang tanong. Kung magsitaasan ang kilay niya ay akala mo, wala ng bukas."Wala ito. Nasubsob lang ako kahapo—""Nang ganiyan kalaki? Gosh, frenny! Hindi ako kahapon pinanaganak, okay? Tell me. Sinaktan ka ba niya?"Hindi ako napaimik. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Unti-unti kong naramdaman a
YVONNE'S POV. Palihim kong sinundan si Ervin. Nakarating kami sa isang sosyaling restaurant. Palihim akong nakasunod. Nakapaikot sa ulo ko ang balabal na dala ko at nagsuot ako ng isang makapal na salamin para hindi niya ako makilala kung makita man niya ako.Pasensya na kung nagdududa ako. Hindi naman niya siguro ako masisisi kung nawalan na ako ng tiwala sa kaniya. Gusto kong makita na tunay na siyang nagbago.Umupo ako sa isang sulok at um-order ng inumin habang palihim pa rin akong nakasunod tingin sa kaniya. May kausap siyang dalawang babae ngayon at nagtatawanan sila. Napakuyom ako ng kamao. Hindi na yata talaga 'to magbabago, e.Maya maya ay umupo na si Ervin sa isang lamesa at kinuha ng isang waiter ang order niya. Ilang sandali pa ay may dumating na isang propesyonal na tao. Isang lalaki at umupo iyon sa harap niya. Doon ay seryoso silang nag-usap at nagpakitaan ng mga papel na dala nila.Napahinga ako nang maluwag. Para akong nabunutan ng tinik.Buti naman at hindi babae an
YVONNE'S POV.Nakakatulog na ako nang bigla akong magising. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kamay ni Ervin na unti-unting lumalamas sa dibdib ko. Naramdaman ko na rin ang paghalik niya sa balikat ko. Pati na rin ang pagdikit ng kaselanan niya sa pang-upo ko.Tinapik ko ang kamay niya sa dibdib ko at bahagyang lumayo sa kaniya. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya."Ano ba, Ervin? Nakikita mo namang natutulog na ako," galit na sabi ko."Isa lang naman, honey..." hinahapong sabi niya.Napasinghal ako sa inis."Ervin, please! Ayoko! Inaantok na ako. Tsaka na lang 'yan," suway kong muli sa kaniya ngunit nagpatuloy lamang siya sa ginagawa niya. "Ervin, ano ba?!" Bumangon ako nang pagalit. Bumangon din siya at sumimaktol sa akin. Nagmamakaawa ang mukha niya."Sana naman irespeto mo ako. Kung ayoko, huwag mo akong pilitin!" iritableng sigaw ko at bumangon sa kama. Akma na akong aalis nang hawakan niya ang kamay ko. Doon ko lang napagtanto na wala na siyang damit pang-itaas. Ma
YVONNE'S POV.Nanghihina si Keith nang puntahan ko siya sa loob ng kwarto. Si Keith ang anak ni Akiro na dinapuan ng sakit na Malaria. Ilang araw na pa lang pabalik-balik ang lagnat niya bago siya nadala sa hospital. Walang kaalam-alam si Akiro na malaria na pala iyon. Ngayon ay problemado siya lalo na ngayon na wala rito ang asawa niya. Ayoko na lang sabihin pero nakita ko kanina ang asawa niya na nasa sugalan at abalang-abala. Kapag nalaman iyon ni Akiro, tiyak na magagalit siya."Uminom ka muna ng tubig, Akiro."Kinuha niya ang inaabot kong baso at ininom. Nasa tabi siya ngayon ng anak niya at lungkot na lungkot. Malaki ang eyebags niya. Halatang-halata na wala pa siyang tulog kakabantay sa anak niya. Iyong panganay niya naman, iniwan lang nila sa bahay. Baka makakuha pa raw ito ng sakit lalo na at mahina rin pala ang katawan niya."Frenny, hindi ko alam ang gagawin. Hindi bumababa ang lagnat ng anak ko. Lagi siyang d*******g na masakit ang ulo niya at nanghihina siya. Nag-aalala pa
YVONNE'S POV.Inabangan ko sa bahay si Ervin. Tinignan ko ang relos na suot ko at pasado nang alas-siyete ng gabi nang makauwi siya. Nagpa-park pa lang siya ng kotse sa harap ng bahay ay mahigpit ko nang hinahawakan ang dos por dos na hawak ko."Siraulo ka talaga. Humanda ka ngayon sa akin!""Honey, I'm here!" sigaw niya mula sa labas ng bahay. Nang kakatukin na niya ang pinto ay kaagad ko iyong ibinukas at itinutok ko sa mukha niya ang hawak kong dos por dos na ikinalaki ng mga mata niya."Bwisit ka!"Nakakapanggigil! Sobra na!"H-Honey, b-bakit?" kinakabahang tanong niya at itinaas ang dalawang kamay kapantay ng ulo niya. Para siyang isang arestado na sumusuko sa mga pulis."Ang lakas ng loob mo para magtanong! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Ilang ulit ko siyang inambaan ng hawak kong dos por dos. Sobrang nanggigigil na ako!"H-Honey, a-ano bang kasalanan ko sa 'yo? Napapano ka ba?""Ikaw ang napapano! Ano ba ang tingin mo sa akin, ha? Kabit lang para makikabit ka rin sa iba?""Ha?