Share

CHAPTER 17 - PAKIKIPAGSAPALARAN

YVONNE'S POV.

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Ma'am Sofia na tanggap na ako.

"T-Talaga po?" natutuwa at gulat na gulat na tanong ko.

"Yes! I think, fit sa iyo ang trabaho na ito," nakangiti niyang sagot.

"Nako! Maraming salamat po! Kinagagalak kong makapasok sa kompanya na ito."

Tinanggap ko ang kamay niyang gustong kamayan ang kamay ko at nagpaalam na nang sabihin niya sa akin na requirements na lang ang kulang ko at pwede na akong magsimula.

Mahigit isang linggo na ang lumipas magmula nang magpasa ako ng resume sa opisinang ito. Akala ko nga noong una ay hindi na nila ako tatawagan para sa interview, e. Mabuti na lang talaga at natanggap ako. Nakakaloka! Makakahawak na ulit ako ng pera at mabibili ko na ulit ang mga gusto ko.

Salamat sa Diyos na nagpapala sa akin. Magsisimba ako mamaya para magpasalamat.

Habang abala sa paglalakad at pag-aayos ng mga dokumentong hawak ko ay isang lalaki ang bigla ko na lang nakabungguan.

"Aray ko!" sigaw ko nang tumama ang pwet ko sa semento.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status