Share

CHAPTER 15 - BADYA NG KAPAHAMAKAN

YVONNE'S POV.

Inabangan ko sa bahay si Ervin. Tinignan ko ang relos na suot ko at pasado nang alas-siyete ng gabi nang makauwi siya. Nagpa-park pa lang siya ng kotse sa harap ng bahay ay mahigpit ko nang hinahawakan ang dos por dos na hawak ko.

"Siraulo ka talaga. Humanda ka ngayon sa akin!"

"Honey, I'm here!" sigaw niya mula sa labas ng bahay. Nang kakatukin na niya ang pinto ay kaagad ko iyong ibinukas at itinutok ko sa mukha niya ang hawak kong dos por dos na ikinalaki ng mga mata niya.

"Bwisit ka!"

Nakakapanggigil! Sobra na!

"H-Honey, b-bakit?" kinakabahang tanong niya at itinaas ang dalawang kamay kapantay ng ulo niya. Para siyang isang arestado na sumusuko sa mga pulis.

"Ang lakas ng loob mo para magtanong! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Ilang ulit ko siyang inambaan ng hawak kong dos por dos.

Sobrang nanggigigil na ako!

"H-Honey, a-ano bang kasalanan ko sa 'yo? Napapano ka ba?"

"Ikaw ang napapano! Ano ba ang tingin mo sa akin, ha? Kabit lang para makikabit ka rin sa iba?"

"Ha?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status