Share

CHAPTER 6 - REALISASYON

YVONNE'S POV.

Tanghali na nang magising ako. Ang kaagad kong tinignan ay ang labas ng bahay kung saan ko hinayaang matulog si Ervin kagabi pero wala siya roon. Malamang ay nagpunta na naman siya sa Sheila niya. Nangati na naman siguro kaya nagpakamot na naman ang lintik!

Kapag nakita ko sila, sisiguraduhin kong may kalalagyan sila sa ilalim ng lupa.

Puro na lang pagtitimpi ang ginagawa ko. Nakakapagod na!

Hindi lang yata sampung beses niya akong niloko, e. Paano pa kaya kapag nagkaanak na kami? Itutuloy pa rin niya ang bisyo niyang pambababae?

Bwisit!

Maaga akong naligo at hindi ko na nagawa pang mag-almusal. Tinunton ko gamit ang GPS ko ang lokasyon kung saan siya naroroon. Hindi niya alam na pinakialaman ko ang cellphone niya nang gabing malaman ko ang kalokohan niya.

Sa isang subdivision ako napadpad. Nagtanong-tanong na lang ako sa guard kung mayroon bang Sheila ang nakatira roon. Pero dahil hindi ko alam ang apelyido, hindi ako nagtagumpay na malaman kung saang bahay sa napakalawak na subdivision na ito naroroon ngayon ang asawa ko kaya naghintay na lang ako dito sa loob ng kotse.

Alam kong nasa loob pa siya nang mga sandaling ito. Alam kong ano mang oras ay makikita ko siyang kasama ang kabit niya.

“Tignan lang natin, Ervin, kung hindi mo hahalikan ang lupa kapag nagkita tayo,” nakakuyom ang kamao kong bulong sa sarili ko.

Habang tumatagal ay mas lalong nagdidilim ang paningin ko. Hindi lang dahil sa galit kung hindi dahil na rin sa gutom. Tinignan ko ang relo ko at napamura na lang ako ng malutong nang makita kong ala-una na pala ng tanghali.

Nanginginig na ang tuhod ko sa gutom. Parang butas na ang sikmura ko. Ang gag* ko naman kasi! Dahil sa nangyari, kahit sarili kong niluto hindi ko kinain kagabi.

“Aish! Ang malas naman!" nakahawak sa sikmura kong reklamo.

“Ano ba kasing ginagawa nila doon? Kanina pa sila nandoon, ah? Wala ba silang balak lumabas?”

Umuusok na ang ilong at tainga ko dahil sa inis. Kung makakapagbuga lang ako ng apoy mula sa bibig ko ay gagawin ko talaga nang matusta ‘yong malanding Sheila na ‘yon na walang ibang ginawa kung hindi ang bumukaka sa harap ng asawa ko! Kapag nakita ko siya, kapag nakita ko talaga siya, papatayin ko siya ng buhay! P*ste!

In-start ko ang kotse at pinaharurot iyon papunta sa isang fast food restaurant.

Hindi ko kinaya ang gutom kaya pakamay-kamay ko na lang kinain ang manok. Hindi nawawala sa isip ko ang nangyari kagabi kaya panguso-nguso akong kumakain habang masama ang tingin ko sa mga dumaraan.

“Kung talagang pritong manok lang ang babaeng iyon, pati buto dudurugin ko at ipakakain ko talaga sa aso! Ka-bwisit.”

Gaano man kasarap itong kinakain ko, parang hindi ko malasahan. Nakatulala ako at sila lang ang nasa isip ko. Paano ba ako nagagawang saktan at pagtaksilan ng sarili kong asawa? Hindi na ba niya ako mahal o hindi na ba ako gaanong kagaling pagdating sa kama kaya nagsawa na siya at naghahanap ng iba? Grabe! Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko.

“Yvonne?”

Napalingon ako roon sa tumawag nang biglang umukit ang mga ngiti sa labi ko.

“Oh my ghad! Akiro, is that you?” Napatayo ako nang salubungin ko siya.

“Yes! Wala nang iba.” Sabay naming sinalubong ang isa't isa at mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kaniya.

“How are you, sweetheart? Where’s your husband? I thought, you’re married na?”

“Yes. Pero nasa work siya ngayon,” pagsisinungaling ko.

Hindi naman pwedeng ikwento ko ang lahat nang nangyari kagabi sa kaniya.

“Kailan ka nga pala umuwi ng 'Pinas?” pagbabaling ko ng tanong.

“Last week. Ngayon lang ako nakagala kasi you know naman, busy with my 2 kids na super kukulit, e.”

“Yeah. I understand. Nah! I miss your kids,” nakamaktol kong sabi.

Ang mga anak niya, kapwa namin inaanak ni Ervin. Si Akiro nga pala ay galing Amerika. Doon siya nagtatrabaho bilang isang chef. Ang taas na nga ng sinasahod niya, e. Hindi lang kasi ako ganoon kagaling at kahilig sa pagluluto. Kung hindi lang, e, sasama na lang talaga ako sa kaniya kapag bumalik siya ng Amerika kaysa makasama ko ang asawa kong kumakamot ng iba.

Kapag talaga naaalala ko siya, lahat ng dugo ko, kumukulo.

“Ah, waiter?” tawag niya roon sa lalaking waiter nang makaupo siya sa harap ko.

“Yes, Ma’am?”

“Where’s your menu?”

“Here.”

Kinuha iyon ni Akiro at pinagpatuloy na kinausap ‘yong waiter sa pasosyal na paraan. Um-order siya nang kung ano-ano’ng pagkain.

“Ang dami mo naman yatang in-order.”

Gusto kong kamutin ang ulo ko pero baka masamain niya. Babalik pa naman sana ako kaagad doon sa subdivision na iyon nang maupakan ko ‘yong babae ng asawa ko, e. Pero ngayon? Paano ko pa gagawin ‘yun kung kasama ko ang bestfriend kong si Akiro na hindi nauubusan ng itatanong at ikukwento? Kung sabagay, sa tagal naming hindi nagkita, talagang naipon na ang lahat ng kwento niya.

“Alam mo ba, frenny? Biglaan lang ang pag-uwi ko, e. Hindi talaga ito ang buwan ng pag-uwi ko kung hindi next month pa talaga."

“Ha? E, bakit naman?”

“Nalaman ko kasing nambababae ang asawa ko. Tang *nang ‘yon! Lahat ng pinapadala ko para sa mga anak ko, sa kakatihan at kalibugan niya lang pala napupunta! Ngayon ang mga bata, umamin pa sa akin na madalas daw sila kung malipasan ng gutom nang dahil sa siraulo nilang ama!” punong-puno ng galit na reklamo niyang ikinagulat ko.

Katulad ko ay nambababae rin pala ang asawa niya. Ang pinagkaiba lang ay nandito ako sa Pilipinas at wala pa kaming anak.

“E, nasaan na nga pala ang asawa mo?”

“E, ‘di nasa kabit niya! P*tang *na nila!” Sinaksak niya ng tinidor ang manok na nasa plato niya. Kakarating lang ng waiter at kasalukuyan niya pang inihahapag ang pagkain namin sa lamesa. Kahit iyong waiter ay nagulat at kaagad na nabawi ang kamay niya sa inilalapag niyang plato na may extra rice.

Ang dibdib ko tuloy ay kumakabog-kabog ngayon. Kung galit ako ay mas galit pa pala ito. Mag-bestfriend nga talaga kami. Niloko ako ng asawa ko at niloko din siya ng asawa niya.

I sighed.

Sabay pa talaga.

“E, ‘yong asawa mo nga pa lang CEO, kumusta na? Buhay pa ba ang mokong na 'yon? Likas din ang kalokohan non, e."

Muli akong napabuntong hininga at hinati ang manok na kinakain ko at saka isinubo.

“Wait. Teka lang, ha? I smell something fishy. May ginawa na namang katarantaduhan ‘yang asawa mo, ‘no?”

Hindi ako nagsalita at nanatiling tulala habang ngumunguya.

Kahit ayokong sabihin at aminin sa kaniya, mahahalata pa rin niya iyon. Hindi ko talaga mapigilang manghina sa tuwing naiisip ko si Ervin, e.

“Sabi na, e!” Pinalo niya ang lamesa at sumandal sa kinauupuan niya kasabay ang pag-krus ng kaniyang mga barso.

“You know, Yvonne? Binalaan na kita before bago ka magpakasal diyan sa asawa mo na g*nggong! Oh, ano’ng nangyari nang mas sundin mo ‘yang puso mo kesa riyan sa utak mo? Akiro, mahal ko kasi si Ervin! Bulalas mo pa with crying emoticon pa tapos ngayon nagkatotoo na nga ang pag-iyak mo. Sakit, ‘no?”

“Kung magsalita ka naman ay akala mo ay hindi ka niloloko ngayon ng asawa mo. Parehas lang tayo ng sitwasyon, Akiro. Babatukan na kita kapag inulit mo pa ‘yang pagiging tanga ko.”

“Aysus! Guilty ba? Sobra?” sarkastiko niya pang tanong at patuloy na sinaksak ng tinidor iyong manok na nasa plato niya.

Imbis na matutuwa yata ako, e, maiimbyerna lang ako na nagkita pa kami ng babaeng ‘to.

“By the way nga, frenny, sino ba ‘yang kabit ng asawa mo at tutulungan kitang sumunog ng buhay na tao.”

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Gusto ko ‘yon.

“Sheila ang pangalan niya, e. Hindi ko pa nakita kahit minsan ang mukha niya.”

“Gano’n? E, ano pa lang apelyido niya?”

“I don’t know.” Nagkibit-balikat ako at sumubo ng pagkain.

“E paano natin susunugin ‘yun kung wala kang ka-ide-ideya?”

“Sa cellphone ko lang naman kasi narinig na umuungol ‘yong babae na para bang binabayo ng bagyo. Inuungol niya pa ang pangalan ng asawa ko.”

“What? Sa cellphone?”

“Yes.”

“How?”

“Naiwan kasi ni Ervin ang cellphone niya dahil sa pagmamadali at may gagagwin pa daw siya tapos nitong kinagabihan, narinig kong tumunog ang cellphone niya at iyong Sheila na nga ang tumatawag. Pagsagot ko, ungol ng babae ang narinig ko habang tinatawag niya ang pangalan ni Ervin. Wait! Hindi pa rin ba malinaw, Akiro? Paulit-ulit na ako, ah?” Nilingon ko siya nang magkasalubong ang kilay.

“Relax! Malinaw na. Pero ang nakakapagtaka, kung kasama niya na sa r***k ng kaligayahan si Ervin, e, bakit pa niya tinatawagan ang asawa mo, e, kasama na nga niya?”

Bigla rin akong napaisip.

Oo nga, ‘no?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Estel Polydna
author sana po kung faithful man si Clyde, siya po sana ang end game... hindi ang lintik na Ervin na iyan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status