Share

CHAPTER 5 - LAGABLAB

YVONNE'S POV.

Maaga akong gumising kinaumagahan at ipinagluto ng pagkain ang asawa kong si Ervin. Maaga ang pasok niya ngayon dahil may i-me-meet daw siyang bagong kliyente.

Nakakapagtaka lang dahil hindi niya iyon sinabi sa akin nang mas maaga. Ganoon naman ang karaniwan niyang ginagawa, e.

“Ah, honey? Nagmamadali na ako. Sa office na lang ako kakain.” Biglang sulpot niya sa harap ng kusina habang ako ay inihahapag na sa lamesa ang mga pagkaing iniluto ko.

“Ha? Pero nakasandok na, honey. Sayang naman itong iniluto ko kung hindi mo kakainin,” nalulungkot kong sabi.

“Kakainin ko iyan pag-uwi ko, honey. Pati ikaw.” Sabay kindat niya at nilapitan ako. Niyakap niya pa ako nang mahigpit mula sa likod ko bago niya ako sinuyo-suyo.

“Huwag ka nang magtampo, honey. Mamaya, sasabayan kitang kumain,” aniya.

“Ano pa nga bang magagawa ko kung nagmamadali ka? Sige na. Maaga kang umuwi mamaya, ha?” Humarap ako sa kaniya at inayos ang suot niyang uniporme.

“I love you, honey.”

“I love you too.”

Sandaling naglapat ang mga labi namin bago niya ako iniwan. Napaupo na lang ako sa upuan kaharap ang lamesa na kinalalagyan ngayon ng mga niluto ko.

“Ang aga ko pa namang gumising para rito tapos hindi pala siya kakain,” dismayadong bulong ko sa sarili ko at walang kagana-ganang kinain ang mga iniluto ko.

Sino ba kasi ‘yong i-me-meet niya?

MAG-A-ALAS-SYETE na ng gabi nang matapos akong maligo. Nagbihis ako at nanood ng TV. Panay tingin ako sa relong nakasabit sa dingding dahil ano’ng oras na at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko.

Nasaan na kaya iyon? Hindi mapakaling tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman kasi niya nadala ang cellphone niya dahil sa kamamadali kanina. Ayoko namang pakialaman iyon dahil baka isipin niya ay wala akong tiwala sa kaniya.

Ganoon kasi mag-isip si Ervin. Pakiramdam niya raw kasi maya’t maya ay pinagdududahan ko siya kahit hindi naman. Pinanghahawakan ko kasi ang pangako niyang hindi na siya muli pang mambababae.

I sighed.

Umidlip na lang ako sa couch at hinayaang nakabukas ang TV.

Maya-maya lang siguro ay nandito na iyon.

Ilang minuto pa lang nakapikit ang mga mata ko nang biglang mag-ring ang cellphone ng asawa ko na kanina pa nakapatanong sa katabi kong lamisita. Dito niya kasi naiwan iyon.

Tumayo ako at tinignan kung sino ang tumatawag at isang Sheila ang bumungad sa akin.

“Sino ‘to?” nagtatakang tanong ko nang sagutin ko iyon.

“Hello—”

Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang marinig ko ang malakas na pag-ungol ng isang babae.

“Ugh! E-Ervin, m-make it f-faster…” hapos na hapos niyang pag-ungol.

Unti-unti kong nabitawan ang cellphone na hawak ko. Bumagsak iyon sa inaapakan kong semento at naging tatlo.

Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko hanggang sa bigla na lamang akong bumagsak sa kinatatayuan ko.

“E-Ervin… p-paanong… i-ikaw…”

Wala nang malinaw na salita ang lumabas sa bibig ko bukod sa malakas na pag-iyak. Naghalo-halo na sa mukha ko ang mga luha at apog na lumalabas sa mga mata’t ilong ko.

Ilang ulit kong kinabog ng mahina ang dibdib ko. “S-Si Ervin… Kailan mo pa ako niloloko?!” Naibalibag ko ang unang nahawakan ng kamay ko at iyon ang tsinelas ko

“Bakit? Bakit?!”

Patuloy akong nagwala dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ito pala ang pakiramdam kapag niloko ka ng sarili mong asawa at habang na-i-imagine mo kung ano ang kasalukuyang ginagagawa nila. Mas masakit pala ito kaysa noong boyfriend ko pa lang siya.

Tulala akong nakaupo sa couch nang makauwi si Ervin.

“Oh, honey? Hindi ka pa natutulog?” parang walang nangyaring tanong niya.

Kumukulo na ang dugo ko. Gusto kong magwala at bugbugin siya pero bakit wala nang natirang lakas sa akin? Bakit mas pagod ako kaysa sa kaniya na nakipagyugyugan sa ibang babae?

“Honey, are you okay?” tanong niya. Umupo pa talaga siya sa tabi ko at ipinatong pa ang palad niya sa noo ko.

“Honey?”

Nananatili akong walang imik nang unti-unti ay tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kayang magpigil ng iyak dahil sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang nangyari kanina.

“Oh, ano’ng nangyari? May masakit ba sa ‘yo?” kunwari ay nag-aalala niyang tanong at hinipo pa ang noo ko.

Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas nang bigla ay sinampal ko siya nang sobrang lakas. Napatabingi pa ang mukha niya at napahawak sa pisngi niyang namumula.

“Why?” Magkasalubong ang kilay niya nang lingunin ako.

“Why? Gusto mong ingudngod kita sa cellphone na ‘yan nang maalala mo kung ano’ng pinaggagawa mo kanina, ha? Hayop ka! Bastos ka! Manloloko!” Paulit-ulit kong kinabog ang dibdib niya at nagwawala sa pag-iyak.

“Pinagkatiwalaan kita, Ervin! Ano na naman ba itong ginagawa mo? P*tang ina!”

“Ano? Ano’ng sinasabi mo?” umuusok na rin ang ilong niyang tanong habang hinahawakan ng mahigpit ang mga braso ko para pigilan.

“Sino ‘yang kaungulan mo kanina, ha? Sino si Sheila?!”

Biglang namutla ang mukha niya at natahimik.

“Sinasabi ko na nga ba, e! Totoo ang narinig ko kanina habang umuungol ‘yong babae! Totoong nakikipagtalik ka sa hindi mo asawa! Manloloko ka talaga, Ervin! Bakit ba kasi hindi pa ako nadala sa mga pinaggagagawa mo noon sa akin? Mas may ititindi ka pa pala! Hayop ka!” Muli akong nagpumiglas at pinagbubugbog siya hangga’t kaya ko.

“H-Honey! Honey! Please calm down! Magpapaliwanag ako!"

“Magpapaliwanag, magpapaliwanag! Wala ka nang ipapaliwanag. Lumayas ka! Lumayas ka sa bahay na ‘to! Doon ka sa Sheila mo at magpakasarap ka! Iputok mo na ang lahat nang ipuputok mong semilya at saka mo na lang isipin na wala ka nang babalikan pa! Bastos!” Pinagsusuntok ko siya hanggang sa makarating kami sa pinto. Isinara ko agad iyon nang makalabas siya.

“Honey! Honey!”

“Bahala ka riyan! Balikan mo ‘yong Sheila mo at sinisigurado ko sa ‘yong sasalubungin ka na ng impyerno!”

“Honey! Please, buksan mo ‘tong pinto! Magpapaliwanag ako. Honey!”

“Manahimik ka kung hindi ay pasasabugin ko itong bahay na ‘to!”

Patuloy kong narinig ang pagkalabog ng pinto at pagtawag niya sa akin. Kinuha ko ang cellphone naming dalawa at patakbong umakyat sa hagdan at tinunton ang kwarto naming dalawa. Umiyak ako nang umiyak doon hanggang sa halos ay hindi na ako makahinga.

Sobrang sakit sa dibdib! Paano nagawa ng asawa ko ang muling pagtataksil? Minsan lang akong nagalit nang sipingan niya ako dahil dinudugo ako, e, naghanap na ng ibang tutuhugin? Ibang klase! Ipakain ko kaya sa kaniya ‘yong mga napkin kong puno ng regla at baka matutunan niyang mandiri?

T*ng ina! Humanda sa akin ‘yang Sheila na ‘yan! Ipamumukha ko sa kaniya na ang kumakati sa kalibugan niya, may asawa na!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status