Share

Chapter 3

"Oo, papunta na ako at dala ko na lahat ng kailangan." wika ni Karina sa kaibigan. Ikakasal ang kaibigan ni Karina na si Wendy at ito'y gaganapin sa Cavite.

"Baka naman hindi ka pa papunta, madami pang aasikasuhin." may pag-aalinlangan na tanong ng kaibigan. "Sus, ako pa ba ang pagdududahan mo? Basta antayin mo na lang ako mamaya." wika ni Karina sa kaibigan.

Habang binabagtas ng dalaga ang kahabaan ng Cavite ay may napansin siyang lugar na pamilyar sa kanya. Napapreno siya nang bigla. Sa sobrang kuryosidad ay lumiko siya sa daang kanyang nakita.

"aba! Totoo ba itong nakikita ko? Yung daan sa panaginip ko ay ganitong-ganito." mangha niyang sambit. Pati ang kubo na sira-sira ay kanya ring nadaanan pati narin ang arko.

Nang marating ang itim na bakal ng tarangkahan ay matagal siyang naghintay bago bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang labas ng tarangkahan at loob. Mukang wala paring tao katulad sa kanyang panaginip.

Kaya naman tuluyan niyang pinasok ang loob. Katulad sa panaginip niya ay ganun din kaganda ang hardin. Maraming halaman at bulaklak ang namumukadkad. Mag paro-parong nagsisiliparan at mga ibong lumilipad at dumadapo. Kay sarap langhapin ang hangin na kay sariwa.

Natigil ang kanyang pagmamasid sa paligid ng may isang matanda ang nagsalita sa kanyang likuran.

"Magandang hapon saiyo, Binibini. ano ang maipaglilingkod ko saiyo?" Tanong ng matandang katiwala kay Karina.

"Ipagpaumahin ninyo po ang aking kalapastanganan, pumasok ako ng walang paalam." paumanhin ni Karina sa matanda."Ngunit ako ho ay ginagambala ng aking panaginip. At ang eksaktong lugar na ito ay kaparehas po sa aking panaginip." paliwanag ni Karina sa matanda.

"Ganun ba, ako'y isa lamang katiwala dito kung nais mong magtingin-tingin ay wala naman kaso sa akin." wika ng matanda.

"Maraming salamat ho. Nais ko lang po sanang magtingin-tingin at malaman kung nasaan ang may-ari ng bahay na ito? Hindi ho kase ako mapalagay sa aking napanaginipan." tanong ni Karina sa matanda.

"Matagal nang may sakit ang senyora, simula ng mamatay ang kanyang asawa at anak ay hindi na muling nakitaan ng sigla ang senyora. Simula noon, hindi na ulit nakapagsalita ang senyora. Lageng takot at balisa." sagot ng matandang katiwala. "Tanging si senyorito Noah lamang ang matiyagang nagbabantay sa kan'ya." Dagdag nito.

Iyon kaya ang gwapong lalakeng nasa larawan sa panaginip niya? tanong niya sa isip.

"Maari ko po ba siyang makita at kung sakali ay makausap?" suntok sa buwang tanong ni Karina sa matandang katiwala.

"Halika sa loob, baka ikaw na nga ang sagot sa dasal ni senyora." yaya ng matandang katiwala kay Karina.

Nadaanan nila ang mga sabunang bato na kanyang inamangha at nang makapasok sila sa loob ng mansyon ay ganoon parin ang kanyang nakita. Para bang dalawang beses na siyang nakapunta sa loob nito.

Agad nyang hinanap ang larawan nang gwapong lalake na kan'yang nakita sa kan'yang panaginip. Hindi na siya nagulat ng makitang naroon iyon at waring nakatingin sa kan'ya.

Makikita niya na kaya ang lalakeng iyon? Sana! taimtim niyang dasal.

Dinala si Karina ng matandang katiwala sa loob ng silid ng kanyang amo. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Ineng." Paalam ng matandang katiwala.

"Maraming salamat ho." pasalamat ng dalaga sa matandang katiwala.

Ngumiti lamang ang matandang katiwala at tuluyan ng lumabas ng silid. Pinagmamasdan ni Karina ang matandang babae sa kanyang harapan. Kamukha ito ng babaeng nasa malaking larawan sa baba. Ngunit sigurado si Karina na ibang tao itong kaharap niya.

"Magandang hapon, senyora! pagbati ni Karina sa matandang nakaupo sa kama. Ako po si Karina, nandito po ako dahil may gusto ho akong linawin sa aking panaginip. Ang daan papunta ito sa iyong pag-aari, ang arko, ang hardin, ang sinabunang bato at ang iyong mansyon. Lahat nang ito ay nakita ko sa aking panaginip." Patuloy na paliwang ni Karina.

"Nais kong malaman kung bakit ko napapanaginipan ang lugar na ito." tuloy na wika ni Karina. "Ang pang-anim na silid."

Ngunit nanatili lamang nakatingin ang ginang kay Karina.

Umupo si Karina sa kama katabi ng ginang at Hinawakan ang mga kamay nito. "Maari n'yo bang sabihin sa akin kung ano ang kaugnayan ko sa kwintas na susing ito?" Pakiusap ni Karina sa ginang.

Nang makita ng senyora ang lumang kwintas na susi ay bigla na lamang itong humikbi. At hinawakan ang lumang kwintas na susi at umiyak ng umiyak.

"Huwag po kayong umiyak, senyora." Naawang pinunasan ni Karina ang luha ng ginang.

Sa narinig ay lalo lamang humikbi ang ginang. Gulong-gulo si Karina at hindi alam kung paano patatahanin ang ginang.

"Hindi ko magawang ibalik ang aking anak, bagkus ay nadamay pa ang aking asawa sa kamatayan." Humihikbing turan ng ginang kay Karina.

"Ano ho? bakit ho hindi n'yo maibalik ang inyong anak at nadamay pa ho ang inyong asawa. Hindi ko ho maintindihan." Nalilito paring tugon ng dalaga sa ginang.

"Noong edad 23 anyos ang aking anak ay walang awa siyang pinatay at pinagsasaksak, wakwak ang dibdib at walang puso. Matagal ang naging imbestigasyon ngunit hindi nalutas ng batas. Kaya naman naniliksik ako ng paraan upang pabalikin ang aking anak." Kwento ng ginang.

"Natuwa ako ng may nalaman akong paraan upang maibalik ang aking anak. Ngunit sa aking pagbabalik ay lalo lamang nagulo ang sitwasyon. Nadamay pati ang aking mahal na asawa." Malungkot na kwento ng ginang.

"Siguro hindi ako ang nakatakda upang siya'y ibalik." patuloy ng ginang.

"Ikaw! Ikaw, siguro ang nakatakdang magliligtas sa kanila. Paki-usap iligtas mo ang aking mag-ama." Paki-usap ng ginang kay Karina.

"Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na yun?" Naguguluhang tanong ni Karina sa ginang. "Wala po akong kapangyarihan upang sila ay ibalik."

"Iyang lumang kwintas na susi na hawak mo, yan ang sagot sa lahat ng tanong mo." paliwanag ng ginang sa dalagang si Karina.

"Ho? "hindi parin makapaniwalang tugon ni Karina sa ginang.

"Halika, tulungan mo akong itayo. Dadalhin kita sa lugar na iyon." Aya sa kanya ng ginang.

Naguguluhan man ay tinulungan niyang itayo ang ginang.

"Kung ikaw ang nakatakda ay mababago mo ang nakaraan. Ang pagkikita nating ito ay makakalimutan ko at ikaw lamang ang tanging makakaalala dahil ang lahat ay mauulit sa umpisa." Sambit niya na hindi ko parin lubos maisip kung totoo o hindi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status