Share

Chapter 73

Noah's Pov: Present time

"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.

Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina.

"Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon.

"Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin.

"Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.

Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon.

"Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.

Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status