Share

Chapter 69

Airen Pov:

Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang?

Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan.

"Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod.

"Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika.

"E, senyorita..."

"Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.

Hinawakan niya ang akin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status