Nang maalala ang sumigaw ay dali-daling lumabas si Karina at sinilip kung saan banda iyon. Nang makita naman siya ni Harvey ay agad siya nitong nilapitan at sabay nagpunta sa kinaroroonan ng kanilang kasamahan.Takot na takot at namumutla ang kamag-aral nilang si Joshua nang makita nito ang kamag-aral na si Emily Parenes, na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay. Sa kamay nito ay may isang papel na may nakasulat na "perdóname por mi pecado."Sa labis na pagkatakot ay hindi na ito nakatayo pa mula sa kanyang kinasasadlakan. Nanginginig at sumisigaw ng tulong habng tinuturo ang bangkay.Nalulungkot ang dalagang si Karina sa nasaksihan sapagkat pakiramdam n'ya ay may kasalanan din s'ya. Alam n'ya na sana na mangyayari ito ngunit kanyang nakaligtaan."Nakakaawa naman ang sinapit niya, galit na galit siguro ang gumawa sa kanya n'yan!" usyoso ng isa nilang kamag-aral.Kaawa-awa ang sinapit ng biktima sapagkat ito'y tadtad ng saksak at ginilitan ang leeg.Dahil sa nangyaring krimen ay
Bago magpaalam si Karina sa kanyang ina ay ibinigay niya ang lokasyon ng kanyang pupuntahan. Sakaling may mangyari mang masama sa kanya ay alam nito kung saan siya hahanapin.Ganoon ang laging bilin sa kanya ng kanyang ina, sa bawat pag-alis niya ay laging nakasulat ang lokasyon. Napakabait at napakamaalaga ng kanyang ina. Bukod sa isang simpleng maybahay ang kanyang ina, tumutulong din ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo ng kanyang ama.Simple lang ang pamumuhay na mayroon sila Karina. Mayroon silang mga palayan, taniman ng gulay at palaisdaan na pinagtutulungan ng kanyang ama at ina.Nang nasa biyahe na ang dalaga ay napatigil siya nang mapansin ang isang matandang pulubi. Dahil sa likas na maawain ay naisipan niyang bigyan muna ito ng makakain.Ngunit sa paglapit niya ay bigla na lang nito hinawakan ang kan'yang kamay. "Hindi ka taga-rito! Nais mong baguhin ang iyong nakaraan? Hindi iyon mababago kung hindi ka magsasakripisyo! Kailangang ng kapalit upang mabago ang nais mo!" Bu
Panay ang kulitan ng dalawang magkaibigan habang pababa ng hagdanan habang si Noah naman ay pasulyap-sulyap lamang sa dalawa at paminsan-minsan ay nakikitawa."Ano ba 'yang suot mo? parang daig mo pa yung lolo ko sa pormahan ah." pambubuksa ni Remualdo kay Abby habang pababa sila ng hagdanan kasama si Noah."Hoy, gagi! mahal 'to noh!!! Kesa naman d'yan sa suot-suot mo para kang lumpia na binalot ng mahigpit, kulang na lang sa'yo ay sarsa!" pangbabalik asar ni Abby sa kaibigan.Pailing-iling naman ang binatang si Noah habang papalit-palit ang tingin sa dalawang kasama pababa ng hagdanan."Jusko day, kaya wala kang jowawis. Sasamahan kita mamili sa susunod para naman hindi kana mukhang kasapi ng aking mga ninuno." may pailing-iling pang wika ni Remualdo."Nako! 'wag mo'ko idamay sa mga ninuno mo na katutubo. Aba, teka! buti na lang hindi mo sila kakulay ano? anak araw ka kasi! patuloy na pambubuska ni Abby.Bigla namang tumahimik ang dalawa ng makasalubong ang ina ni Noah. Ang binata na
Nagpagpasyahan ng mga magkakaibigan na magpunta sa isang depatamento ng isang pamilihan upang mamili ng kanilang ka-kailanganin para sa kanilang gagamiting proteksyon sa kani-kanilang sarili para makaiwas sa masasamang tao na may balak na tangkain silang saktan o ang pagtangkaan silang patayin."Rina, tingnan mo bagay ito sa'yo!" komento ni Abby sa kaibigan habang hawak-hawak ang damit at ipinapakita kay Rina.Isa itong bestida na kulay lila na may maikling manggas na aalon-alon, na aabot lamang sa gitna bago makarating ng kanyang tuhod."Ay, ang ganda nga!" sagot naman ni Karina habang tuwang-tuwa na nakamasid sa damit na hawak ni Abby."Bagay sa'yo yan, bilhin mo na!" singit ni Noah na tila nagningning ang mata ng ibaling ni Rina ang mata sa kan'ya."Masyadong maikli yan, makikita agad ang pundyo mo d'yan kapag yumuko ka!" tutol naman ni Harvey na animo'y makikita nga ang pundyo ni Rina.Sumimangot naman si Karina ng marinig ang sinabi ng kasintahan. Gusto niya din sana magsuot ng g
Isang nagbabagang balita, isa na namang babae ang natagpuang patay malapit sa isang lumang gusali kaninang madaling araw. Kinilala ang biktima na si Leah Panganiban, 19 na taong gulang. Ang biktima ay puno ng saksak ng matagpuan."Bakit mo pinatay, Ma?" tanong ni Karina sa ina."Kinikilabutan ako sa mga balita ngayon, ang dami nang namamatay na estudyante. Kaya ikaw ay lagi kang mag-iingat. Aba! sobrang delikado na ngayon. Huwag na huwag kang pagala-gala sa kalsada ng mag-isa, baka ikaw ay mapagtripan ng mga adik. Hindi natin alam kung kailan tayo mapapahamak kaya, ingat-ingat!" sermon ng kanyang ina sa kan'ya."Opo, palagi ho, Mama." ngiting sagot ni Karina sabay yakap sa ina."Oh, siya ika'y muna ay magpahinga doon sa kuwarto mo at baka mabinat ka kakagaling mo lang sa sakit, aba!" taboy kay Rina ng kanyang Ina."Opo, iidlip muna ako, Ma. Medyo masakit din ang ulo ko." sagot naman ni Rina habang minamasahe ang noo."Heto ang tubig, mayroon ka pa namang gamot sa aparador mo, kunin mo
"Oh, Karina, iha! and'yan ka na pala!" wika ng kanyang ina. "Nais mo na bang maghapunan?" dagdag na tanong ng kanyang ina."Busog pa ho ako, Ma!" sagot naman ng dalagang si Karina."Nagpunta dito si Noah, dinalhan ka ng hilaw na mangga at alamang." Sambit ng kanyang ina. "Hindi ba paborito mo ang mga iyon?" tanong pa nito."Oho, ngunit paano ho nalaman ni Noah na dito ako nakatira? Hindi ko pa ho siya naimmbitahan dito o hindi ko nasabi man lang kung saan ako nakatira!" nagtatakang tanong niya sa kanyang ina.Nagkibit balikat lamang ang kanyang ina at binalatan ang hilaw na mangga upang makain ng kanyang anak."Heto! alam ko na paborito mo ito kaya dinamihan ko na ang pagbabalat." wika ng kanyang ina habang inaabot sa kanya ang limang piraso ng hilaw na mangga.Malugod namang tinanggap niya iyon at sinimulang kainin ang hilaw na mangga ngunit matamis at masarap naman ang mga ito. Kaya hindi niya napansin na sunod-sunod ang kan'yang pagsubo habang nagbabasa ng isang libro.Busog na bus
Karina's POV:Habang naglalakad ako papasok ng tarangkahan ng aming University. Ay may humawak na malambot na kamay sa aking kaliwang kamay.Nagulat pa ako nang mapagsino ang humawak sa aking kamay."I miss you!" sambit ng nakangiting si Harvey. "Patawad sapagkat ako'y maraming inasikaso sa aming negosyo." paumanhin ng aking kasintahan habang hinahalikan ang aking kamay."Ayos lang" sagot ko sa kanya. Naiintindihan ko naman na may ibang kailangan pa siyang asikasuhin bukod sa akin. "Ang mahalaga nandito ka at sinasabayan ako." dagdag ko pa habang nakangiti at masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi. Sa tingin ko ay kailangan talaga ng pagpapasensya pagdating sa ganitong relasyon.Magkahawak kaming naglakad papasok sa aming silid aralan."Kow! kaya pala madaming langgam dito! kaaga-aga, magkahawak kamay agad ang bungad sa akin!" pang-aasar ni Remualdo sa aming magkasintahan habang kunwaring nagpapagpag at inaapakan ang mga langgam sa sahig.Natawa na lamang kami sa tinuran ng aming kaib
Karina's Pov:"At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahonna ako ay mahalin mo rin.Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan. Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin."Narinig kong tinutugtog sa aming radyo kaya naman ako ay napababa ng hagdanan. Mukhang maganda ang gising ng aking ina at nakuha pang magpatugtog sa radyo ng kay aga at pakanta-kanta pa.Balak ko sanang magtungo sa aking ina sa kusina ngunit napansin ko ang napakaraming bulaklak na nakalagay sa aming sala."Saan po galing ang mga bulaklak, Ma?" tanong ko sa aking ina. Namamangha ko'ng inamoy isa-isa ang mga iba't-ibang klase ng bulaklak na aking nakikita sa aming sala."hulaan mo!" wika ng aking ina na nakangiti sa akin"Talaga naman kayo! lagi ninyo na lang ako niloloko!" Tawang-tawa ko'ng sagot sa aking ina.Aking binasa ang nakasulat sa isang maliit na tarheta..."Mananatiling ako'y sa iyo, umabot man ang ilang taon na hindi kita makita! Ikaw at ikaw lamang ang aking pipiliin hanggang sa hu