Share

Chapter 4

Nang matulungan ni Karina ang ginang na makatayo ay iginiya siya nito palabas sa kwarto. Papunta sa ika-anim na silid. Katulad nang sa panaginip ni Karina, mayroon din itong nakasulat na "volver al pasado."

Nang makapasok sa silid ay dumeretso ang Ginang sa kama at pilit inuusod ang katre. Lumapit naman si Karina at tinulungan ang ginang upang maiusod ang katre. Nang maiusod ay tumambad sa kanya ang isang sikretong kwadradong lagusan.

"Anong mayroon sa lagusan na yan?" kinakabahang tanong ni Karina sa ginang.

Ngunit hindi sumagot ang ginang, bagkus binuksan ang takip ng kwadradong lagusan. Dahil sa sobrang tagal at hindi na muling nabuksan ang lagusan, kumalat ang sobrang kapal na alikabok nito.

"Ilang taon n'yo na bang hindi nalilinis ito?" maubo-ubong tanong ni Karina sa Ginang.

"Maraming taon na, iha. Simula nang pumalya ang aking nagawa, hindi ko na muli itong nabuksan pa," paliwanag ng Ginang.

Iginiya ng Ginang si Karina sa pababa ng lagusan. Nagsindi ng lampara ang ginang upang mailawan ang kanilang madaraanan. Isang madilim na pasilyo ang bumungad sa kanila.

Ang pader ay gawa sa pinagpatong-patong na bato. Sa mga pader na ito ay may mga nakasulat na iba't-ibang lengguahe at may mga nakaukit na kung ano-anong simbolo. May mga estatwang hindi niya mawari ang hitsura. Sa bawat pasilyong madaraanan nila ay sinisindihan nang ginang ng apoy ang kandila.

Sa dulo nito ay may isang silid. Nang makapasok sila ay namangha si Karina, sapagkat ang bumungad sa kanila ay parang isang loob sa isang simbahan ang estilo. Gawa sa ginto ang lahat ng mga kagamitan.

Kapansin-pansin ang altar sa gitna at isang mesang mahaba na pinalibutan ng mga kandila.

Lahat ng kandilang nakapalibot dito ay sinindihan ng ginang. Nang masindihan lahat ay inutusan si Karina na humiga sa mesa. "Kung gusto mong makabalik sa nakaraan at matupad ang iyong kahilingan, humiga ka sa mesang iyan at pumikit ka ng taimtim, iha. Tanging ang may busilak na puso lamang at ang kwintas mong susi ang tulay upang ika'y makapasok sa pinto ng nakaraan. Sundan mo lamang ang liwanag at igigiya ka nito papunta sa pinto ng nakaraan," mahabang litanya ng Ginang.

Tumalima naman ang dalaga, humiga nga at pumikit. Nais niya nang makapiling magmuli ang kanyang kasintahan kaya naman walang pagaalinlangan niyang sinunod ang utos ng Ginang.

Nang makapikit ang dalaga ay sinimulan na nang ginang ang ritwal upang makabalik sa nakaraan ang dalaga.

"Halika, bumangon kana d'yan at sundan mo ako roon," yaya ng batang babae na mukang anghel sa ganda. "Dadalhin kita sa bagay na inaasam-asam mo," tumatawang dagdag pa nito.

Pupungas-pungas na bumangon ang dalaga. At nagulat sa kanyang nakita. Isang pasilyong napakaliwanag at tila umuusok ang sahig. Naguguluhan man ang dalaga, sinundan parin ang kaaya-ayang bata habang ito'y pakanta-kantang tumatakbo.

Tumigil lamang ang magandang bata nang tumapat ito sa mahiwagang pinto. Napatingin naman ang bata sa kwintas na suot ng dalaga na si Karina. Wari ba ay nagsasabi na susian niya na ang pinto.

Kinakabahan man ang dalaga ay itinapat niya ang kwintas sa susiang pinto. Dahan-dahan niya itong binuksan at nang humakbang papasok ay unti-unting nabuwal ang dalaga hanggang siya ay mahulog sa malalim na kadiliman.

"Gising na, Rina! Natutulog ka na naman, ang aga-aga pa 'no!" gising nang kanyang kaklaseng si Abby. Maingay at magulo ang nabungaran ni Karina pagkagising niya.

Gulat na napatingin si Karina sa kaklase niyang si Abby, sapagkat ang Abby na kilala niya sa kasalukuyan ay mataba at may katandaan na ang mukha. Ngunit ang Abby na nasa harap niya ay payat at bata pa ito at nakauniporme. Tulad nang suot nila noong sila ay nasa kolehiyo.

"Ang bilis mo naman pumayat? at bakit nakasuot ka ng uniporme?" Nagtatakang tanong ni Karina sa kaibigan.

"hehehe... baka kasi may pasok tayo?" barang na sagot ni Abby sa kaibigan. "Mukha atang tumitira kana," tawang-tawang dagdag pa ng kaibigan.

Nang tingnan niya ang sarili ay lalong nagulat si Karina. Nakatupe ang mahabang manggas ng kanyang uniporme, mahabang buhok at may suot na telang venda sa kanyang ulo. Hinanap rin niya ang nakasulat na petsa sa pisara upang makasigurado.

"Ika-3 ng Pebrero, 2006," mahinang bigkas ni Karina na hindi makapaniwala.

"Aaaaaaaahhh!!! bumalik na akooo sa nakaraan!!!!" Nagtatatalon at tuwang-tuwang sigaw ni Karina. Halos magtaasan ang balahibo ng dalaga sa sobrang sayang nararamdaman.

"Takas ka ba sa isang asilo? (Asilo, isang kulungan ng mga taong may sira sa ulo o nababaliw) Nakatulog ka lang, kung ano-ano na ang iyong mga pinagsasabe d'yan," nakakunot-noong wika ng kaibigang si Abby. "Umayos ka nga!" dagdag pa nito sa kaibigan.

Ngiting-ngiti naman si Karina na yumakap sa kaibigan nang napakahigpit. "Sobrang natutuwala lang ako, ayaw mo ba noon?" maluha-luhang wika ni Karina sa kaibigang si Abby.

"Kow, ewan ko sa'yo ! Naging siraulo ka pa ata nang dahil sa pagtulog mo," sabay irap sa kaibigan habang paupo sa silya.

Biglang tahimik ang buong klase nang dumating ang kanilang guro kasabay ang isang gwapong lalakeng estudyante. "Sige na, magpakilala kana, iho!" wika ng guro nila sa gwapong estudyante.

"Magandang umaga, Harvey Montefiero, 18, Hindi sa'yo, hindi rin sa'yo pero sa kanya," huling turo kay Karina ng bagong estudyanteng si Harvey.

Natatawa naman na kinikilig si Karina habang nakatingin sa nobyong si Harvey, ito ang una nilang pagkikita ng nobyo.

Unang pagkikita pa lamang ni Karina at Harvey ay espesyal na ang nararamdaman nilang dalawa sa isa't-isa.

"Hala, ang aga niyan, Rina! Uminom ka muna ng tubig at nang mahimasmasan ka d'yan. Para kang uod na inaasinan!" Biro ni Abby sa kaibigan. "Gugupitin ko itong buhok mo, hanggang dito ang abot e!" dagdag na biro pa ng kaibigan.

"Pwedeng makiupo?" Nakatinging sa matang tanong ni Harvey kay Karina. "D'yan sana sa kandugan mo!" biro pa ng kasintahan.

Tila naman tumigil ang ikot ng mundo ng dalagang si Karina ng makitang nasa harap niya na ang kanyang nobyo at humihingi ng permiso upang siya'y makatabi.

Natatawa namang napa-oo na lang si Karinang hindi makapagsalita nang dahil sa tuwang nararamdaman. Kay tagal niyang hinintay na marinig muli ang boses ng kanyang nobyo at masilayan muli ang mukha nito.

Kinurot-kurot ni Karina ang kanyang daliri upang makatiyak na siya nga ay hindi nangangarap lamang. Nang makaramdam ng sakit ay muling ngumiti sa harap ng nobyo at nagpakilala.

Karina Villafuerte, ang iyong nobya este kaklase. Matawa-tawang pakilala ni Karina sa kanyang nobyo. "Upo ka-Aray!" napahiyaw na wika ni Karina sapagkat kinurot na pala siya ng kaibigang si Abby sa bewang.

"Siraulo na talaga ito! nakukulam na ata." pailing-iling na wika ng kaibigan. "Pasensya kana, Harvey. Nalipasan ata ng gutom itong kaibigan ko," natatawang wika ni Abby kay Harvey. Sabay bulong na "parehas nga ata silang nalipasan."

sabay tingin sa kaliwa.

Matapos ang kanilang unang klase ay nagmamadaling hinala siya ni Abby.

"Dalian mo! Mauna ka na at ipasa ito kay sir! Iihi pa ako, inaantay niya na 'yan!" bilin nito bago umalis sa aking harapan.

Dali-dali naman akong umalis ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may isang lalake na ang bumangga sa akin at nabitawan ko ang aking mga dala. Tila nakakaakit pamilyar ang amoy nito. Napakabango sa ilong. Ngunit ng maalala ang ipapasa ay agad akong yumuko at dali-daling pinulot ang aking mga nabitan.

"Sorry, nagmamadali kasi ako," sabay alis ko na hindi ko man lang nasulyapan kung anong hitsura ng mabangong lalakeng iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status