Share

YOU'RE THE ONLY ONE, THE UNREQUITED LOVE
YOU'RE THE ONLY ONE, THE UNREQUITED LOVE
Author: Evening gray78

CHAPTER 1

JOYCE ANNE

“Joyce!” habol na sigaw ng isang may edad na ginang ang aking narinig nang dumaan ako papasok sa building na tinutuluyang kong apartment. Pamilyar ang boses na iyon kaya agad akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Ang landlady iyon na mabilis na naglalakad patungo sa aking kinatatayuan.

“Asan na?“ Sabay lahad ng kamay nito sa aking harapan na agad kong ipinagtaka.

”Ang alin ho?” ngiting tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniyang palad at saka ko siya muling binalikan ng tingin.

“Huwag ka ng mag maang-maangan pa. Bayaran n’yo na ng apartment. At tulad ng dati pinabalik-balik n’yo ako dito. Puro kayo wala o kaya’y bumalik sa susunod na araw!” reklamo at nakapamewang ng ang ginang.

Hindi ako kaagad nakapag-react dahil mataas na ang boses ng ginang. At sa pagkakaalam ko nagbigay na ako sa aking tiyahin nakaraan pang linggo dahil nga ayaw na niyang maulit ang mga dati na panay late sila magbayad sa upa. Hinawi ko ng bahagya ang ilang buhok na tumatakip sa aking mukha dahil sa hangin.

“Hindi po ba naibigay sa inyo? Nag-abot na po ako ng pambayad ng upa sa aking tiyahin,” paliwanag ko sa may edad na ginang. Nakita ko ang biglang pagsalubong ng kilay nito at saka ito napahalukipkip ng kaniyang braso. Kinabahan ako dahil sa seryoso ang mukha nitong nagagalit.

“Huwag n’yo akong pinag luluko ha. Sabi ng tiyahin mo ay wala ka pa raw inaabot sa kaniya,” aniya na aking ikinagulat.

“Sandali ho…hindi ho ako nagluluko, ibinigay ko na po talaga sa kan’ya,” mahinahon kong salita rito.

“Puwes! Wala siyang ibinigay sa akin ni singkong duling! Kaya magbayad ka na!” muling sigaw nito dahilan upang makakuha na ito ng atensiyon ng ibang tao. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa pangyayaring iyon. Napakagat ako ng pang-ilalim kong labi at huminga ng malalim. Nalalaman tuloy nila na hindi pa kami bayad dahil sa pagtataas ng boses ng aming landlady. Napapikit na lamang ako sa hiya at inis na aking nararamdaman. Dahil matagal n’ya na itong ibinigay sa kaniyang tiya.

“Oh,ano na?” muling salita nito na nakataas pa ang isang kilay at ang isang kamay ay nasa bewang nito.

“Pasensya na po wala po akong pera ngayon.Kung gusto n’yo po ibigay mo na lamang po ang inyong bank account at doon ko na lamang po ihuhulog.” Kinuha ko agad ang aking de pindot na cellphone sa aking bulsa para makuha ang contact number ng ginang.

“Lagi na lamang ganyan! Lagi kayong delay magbayad,” padabog nitong binuksan ang zipper ng kaniyang bag na nakasukbit sa balikat nito saka kinuha ang touch screen na cellphone.

“Pasensiya na po talaga. Baka bukas o sa makalawa ay maihuhulog ko na po ang bayad sa apartment. At pakibigay na rin po ng contact number n’yo dahil hindi po iyon ibinibigay ng tiyahin ko kapag kinukuha ko iyon para derekta ko na pong maibigay ang bayad sa inyo,” pinagmamasdan ko ito habang may hinahanap sa kaniyang cellphone. Saglit akong tumingin sa paligid at hindi nga siya nagkakamali. Pakiramdam niya ay nasa central of attraction sila ng ginang. Lahat ay nagbubulungan lalo na ang mga may edad na mga babae ay siya ang pinagtitinginan. Ang bawat floor ay hindi pwedeng walang nakadungaw.

Malamang?! Nag e-echo ba naman ang paniningil ng landlady sa buong gusali ng apartment na iyon.

“Naku, ‘yang tiyahin mong iyan ha—ewan ko ba! Kung totoo man na naibigay mo na sa kaniya ang bayad, malamang iniipit n’ya para dobleng makahingi sayo.Tsk! tsk! Tsk!” sabay abot ng kaniyang cellphone upang ipinakita ang contact number niya na agad kong kinopya. ”Saka ko ibibigay sayo ang bank account ko kapag magbabayad ka na. Kung puwede sana huwag mo na itong patagalin at sa susunod na bayaran huwag mo ng ibibigay sa tiyahin mo. Pareho tuloy tayong nagkakaproblema sa pera!” Padabog nitong pinatay ang hawak na phone at muling ipinasok sa kaniyang bag.

“Salamat po,” sabay yuko ko dito bilang paggalang.

“Oh, siya! Aasahan ko Joyce iyang sinabi mo ha? Pasalamat ka at mabait pa ako sa inyo kahit na ilang beses na itong ginagawa ng tiyahin mo,” aniya na walang ka rea-reaksiyon ang mukha. Saka ito umalis sa aking harapan at tuluyan ng lumabas ng gusali.

Nalulungkot na naiinis siya sa kaniyang nararamdaman. Inayos niya ang kaniyang sarili saka dumeretso ako sa hagdanan patungong 3rd floor kung saan naroon ang inakopang apartment namin mula ng namatay ang daddy ko. Sinasalubong ko lamang ng ngiti ang mga nakakasalubong kong kapitbahay sa apartment. Nahihiya ako sa pangyayaring iyon.

“Kawawa naman itong dalagang ito, siya lagi ang humaharap ng problema ng mag-ina.” Rinig niyang bulong ng isang ginang sa isa pang ginang.

“Hay, naku! Sinabi mo pa,” sagot naman ng isa.

Buti pa ang ibang tao naaawa sa kaniya.

Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay nabungaran ko na agad ang aking tiya at ang kaniyang anak na babae na kasing edad ko na nakaupo at kumakain ng sitsiria habang nanonood ng movie. Ang mga itsura nila ay parang walang iniintindi sa buhay.

Agad kong ibinaba ng padabog ang dala kong backpack at naghubad ng suot kong rubber saka lumapit sa kanila. Si Katrina ay naka idian-sit pa at kampanteng-kampate sa kaniyang pagkaka-upo.

“Tiya, bakit hindi n’yo ho ibinigay ang pera para sa upa?” bungad ko sa mag-ina na noo’y hindi man lang natinag sa kanilang pinanonood. Para bang wala silang narinig sa akin.

“Tiya?” muli kong salita na nakasalubong na ang aking kilay.

Nilingon ako nito na parang wala lang. ”Inuna kong ibayad sa tuition ni Katrina ang pera.” Sabay balik ng paningin nito sa kanilang pinanonood.

Nagulat ako sa aking narinig. Ganun lang iyon? Ang ibinigay niyang pambayad ng upa ay napunta sa kaniyang anak? Ang sampung libo na itinabi niya para sa apartment ay inilaan niya sa pag-aaral ng kaniyang anak?

Huminga ako ng malalim at pigil ang inis sa aking narinig. Napahawak pa ako sa aking noo at sabay na napapikit

“Bakit iyon ho ang inuna n’yo kesa bayaran ang upa dito sa bahay? Maaga ko nga hong ibinigay sa inyo ang pera para hindi na po tayo ma-late sa pagbayad at hindi na po tayo babalik-balikan pa ng landlady.” Inis kong salita. Umupo ako sa harapan nila at salubungin ang biglang pagkairita ng magaling kong madrasta.

“At bakit hindi? Eh, due na ng bayarin ng tuition n’ya,” aniya na para bang magmamalaki pa.

“Tiya due na rin ho ng bayarin natin sa upa,” mahinahon kong salita at pigil ang inis sa mga ito. Sinulyapan ko pa si Katrina na para bang wala siyang naririnig sa pagitan nilang dalawa.

Ibinaling ng aking madrasta ang kaniyang katawan paharap sa akin. “Ay, naku!Makapag-aantay yan!” sigaw nito sa akin.

“Bakit n’yo ho inuna pa iyon? Ibinigay ko ho iyon pambayad sa apartment hindi ho sa pag-aaral ng anak n’yo. At ikaw naman Katrina dapat alam mo rin iyon. Kung gusto mong magpatuloy sa pag-aaral mo magsumikap ka rin. Huwag mong iasa ang lahat lahat sa amin.” Inis kong salita kay Katrina na noo’y napakunot noo na rin.

“At bakit pati ako nadamay diyan? Sinabi ko lang naman kay mommy na due ng bayarin sa school at hindi ko sinabi sa kaniya na ibayad niya yung pera para sa upa,” sabay irap nito sa akin at muling ibinalik ang tingin nito sa screen ng tv.

“Oh, eh anong problema dun?” singit bigla ng aking madrasta. “Bakit si Katrina ang pinagbubuntungan mo?” Tumayo na ito upang harapin ang aking reklamo sabay halukipkip nito ng kaniyang braso.

Nanatili pa rin akong kalmado kahit na napupuno na talaga ako sa mga ginagawa nila.

“Sinagot ko na nga po tiya ang sa kuryente, tubig, upa. Tapos pati sa pang tuition sa akin pa manggagaling? Parang hindi naman po ata tama yun? Kung nahihirapan kayo sa pagpapa-aral kay Katrina bakit hindi mo siya obligahing mag part-time para makatulong din siya dito sa bahay. Hindi iyong puro sa akin manggagaling lahat at ako ang mamomoblema. Hindi tamang iuna ninyo ang sa anak ninyo kesa ang paulit-ulit na pupunta dito si Mrs. Domingo para maningil sa upa.” Anito ko na palipat-lipat ang aking paningin sa mag-ina.

“At ano ang tama? Sige nga? Sabihin mo sa akin? Ang mag trabaho ang anak ko? ‘Yan ang gusto mong mangyari na porket mas malaki ang kita mo kesa sa trabaho ko?!” muling pagtataas ng boses nito.

Napasabunot na ako sa sarili kong buhok dahil sa hindi nito makuha ang gusto kong mangyari. Muli akong huminga ng malalim bago sinalubong ito ng tingin. Pakiramdam ko kasi lagi ay dapat ako ang umunawa sa kanila.

”Tiya, hindi ako nakikipagtalo sa inyo. Ang sa akin lang ay kung nagbigay po ako ng pambayad sa mga bills at sa upa, sana po ibayad n’yo na. Ilang beses n’yo na po kasi itong ginawa, tapos eto malalaman ko yung pambayad ng upa ibinayad n’yo para sa pag-aaral ni Katrina. Kung hindi nyo na po kaya pang magbayad sa private school ng anak nyo po huwag n’yong ipilit. Hindi iyong pati pera na nakalaan dito sa apartment ay pakekealaman n’yo,” mahinahon ko pa ring salita kahit na alam kong sobrang napipikon na ito sa mga naririnig niya sa akin. Hindi ako kailangan matinag sa galit nito o kung kasehodang napipikon pa ito sa akin.

”Dalawa po tayong nag tatrabaho. Bakit hindi mismo sa sahod n’yo doon kuhanin ang kay Katrina. At matanong ko lang po, saan ba napupunta ang sahod n’yo?” sabay sulyap ko sa kaniyang anak habang noo’y ngingiti-ngiti lang at para bang balewala ang usapin namin ng kaniyang mommy.

“Tinuturuan mo ba ako sa kung alin at kung ano ang dapat kong gawin ha? At kung saan man napupunta ang sahod ko wala kang pakealam! At nagmamalaki ka ba sa akin dahil may trabaho ka?” muli nitong sagot.

Naiinis ako sobra sa aking naririnig. Lagi na lamang itong ginagawa. Paulit-ulit na lang at nakakapuno na talaga. Tumayo na ako at humarap banda sa kusina. Napamewang na ako sobra at napatingin sa kisame.

“Sinakripisyo ko ho ang pag-aaral ko para makatulong sa inyo. Sa mga gastusin po dito sa bahay, para matulungan po kita. Sana naman po pahalagahan n’yo naman po iyon. Mahirap pong kumita ng pera tiya. Ngayon po ba iniisip ninyo kung paano ninyo papalitan ang pera para sa apartment? Makukuha ba ninyo kaagad iyon sa sahod ninyo?” Sinabayan ko ito ng pag-alis sa kanilang harapan. Dumeretso ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pakiwari ko kasi ay naninikip na ang aking dibdib sa pagpigil ng aking galit.

”Hoy, Joyce! Alam mo naman pala na mahirap kumita ng pera ‘di sana alam mo rin kung paano kita binuhay na ako lang ang nag tatrabaho mula no’ng namatay ang daddy mo. Nakikita mo pag hihirap mo? Bakit? Nung mga taon na ginugugol ko sayo nakita mo ba iyon?” sumbat na salita nito sa akin. Hindi ko namalayan kasi na nakasunod pala ito sa akin.

Alam ko na walang patutunguhan ang usapan naming iyon. Ibinaba ko sa lababo ang basong ginamit ko sa pag-inom saka muling hinarap ang nagagalit na mukha nito. “Alam ko ang hirap ninyo sa akin sa loob ng maraming taon, kaya hindi na ninyo kailangan isumbat iyon sa akin. Kesa ang magsumbatan tayo tiya, bakit hindi n’yo na lang isipin kung paano n’yo masusulusyunan ang pambayad sa upa ng ganoong kalaki. Dahil sinasabi ko po sa inyo wala na po akong pera.” Kasabay na paglampas ko na lamang at padabog kong kinuha ang back pack na aking ibinaba kanina.

Limang taon siya ng mamatay ang kaniyang mommy dahil sa kidney failure. At ng sumapit siya sa ika-pitong taong gulang ay muling nag-asawa ang kaniyang daddy na may anak din na isang babae na halos kasing edad n’ya rin. No’ng una akala niya ay gusto siya ng mag-ina, pero hindi pala. Ang pagmamahal ng kaniyang mommy ay iba sa ipinakikita sa kaniya ng mag-ina. Nakita niya ang pagmamahal ng kaniyang daddy sa dalawa, pero ang dalawa ay hindi n’ya iyon makita sa kaniya. Kabaliktaran ito. Kapag magkakasama sila ay mabuti ang ipinakikita sa kaniya ng mag-ina. Todo ang asikaso sa kaniya pero kapag wala na ang kaniyang daddy ay para siyang katulong ng mga ito. Halos siya na ang nag-aasikaso ng lahat ng trabaho sa bahay. Maging sa pagbibigay sa kaniya ng kaniyang daddy ng baon ay kinukuha ng kaniyang madrasta ang kalahati. Masiyado daw itong malaki samantalang ang kay Katrina ay hindi nito binabawasan. Nang lumaon ay lumala na ito lalo na ng mamatay ang kaniyang daddy. Oo nga’t hindi siya inabandona dahil sabi ng mga ito ay malaki ang pakinabang nila sa akin.

Nanatili si Katrina sa private school hanggang senior high. Samantalang siya ay inilipat na sa public school. Hindi na siya kumontra pa dahil ayaw niyang mahinto sa pag-aaral.

Pagsapit nga niya ng senior high ay siya na mismo ang nagpaaral sa kaniyang sarili dahil hindi na siya sinoportahan pa ng kaniyang madrasta. Hindi na daw nito kaya magpaaral ng dalawa sa senior high kung siya lamang ang nag tatrabaho.Kaya naman siya na ang nag pursige na pag-aralin ang kaniyang sarili kahit na nahihirapan siya. Nag-working student siya para matustusan niya ang gastusin sa kaniyang pag-aaral at makatulong na rin sa bayarin sa kanilang inuupahan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status