Share

CHAPTER 6

JAKE ANDREW 

Matagal akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng elevator. Ilan na rin ang nakasakay roon at nag tanong sa akin kung sasakay ba kami, kasama ko kasi ang aking personal assistant sa mga oras na iyon pero tumanggi lamang ako.

“Sir Jake?” ani ng aking personal assistant sa aking likuran. 

Nilingon ko ito na seryosong nakatitig lamang sa akin at tulad ko ay nakasuot din ito ng amerikano. 

“Palagay mo dapat ba akong tumuloy?” sabay harap kong muli sa pintuan ng elevator na noo'y naka down na. Sabay no’n ang pagbunting hininga ko. “Sige na Loi, pwede ka ng umuwi. Hindi naman kita kailangan sa pupuntahan ko,” ngiti kong sabi sa aking assistant na halos kasing edad ko lamang. Nakita koang pagbabago ng expression ng mukha nito.

Tulad ko ay nasa height din ito ng 188 cm at bigat na 68 kg. Pareho din kaming may magandang pangangatawan. Moreno ito samantalang ako ay mistiso. At higit sa lahat itinuturing ko itong kapatid. Para kaming magbarkada kung kami lamang. 

Natawa sa akin ang aking assistant bago ito lumapit sa akin. Bigla kong tinanggal ang nakapamulsa kong kanang kamay para iharang sa dibdib nito. 

“Anong ginagawa mo? Lumayo ka nga!” ani ko sabay lingon sa paligid na baka meron makakita sa amin at mag-isip ng hindi maganda. Mabilis rin akong umatras rito.

“Sasabihin ko lang naman na baka p’wede akong sumama?” nakangiti nitong sagot bago umatras ng isang hakbang palayo sa akin.

“Magsasabi ka lang naman niyan sobrang lapit pa. Parang gusto mo akong halikan,eh!” sabay ayos ko ng aking sarili. Muli ko itong sinulyapan na sa aktong iyon ay nakayuko ito habang nakatitig ito sa sarili niyang paa na pasipa-sipa pa. “Bakit? Gusto mo ba?” mahina kong tanong sa sabay silip ko sa mukha nitong nakayuko.

“Hindi. Nasabi ko lang kasi parang nag dadalawang-isip ka,eh. Kaya baka gusto mo ng makakasama?” mabilis na sagot nito sa akin. Saka ito tumindig ng maayos 

“Nagpapatawa ka ba? May mga kasama ako roon at mga kaibigan ko iyon. At para sabihin ko sayo ‘di na bago sa akin ang gano’ng eksena.” Sabay talikod ko rito. "Oo na, kung gusto mo rin bakit hindi," bawi kaagad na salita ko sa aking kaibigang assistant dahil alam ko na gusto talaga nitong maranasan kung anong meron sa stag party ng aking kaibigan.

Doon ay bumukas ang pinto ng elevator at pumasok na ako kasunod ang masayang si Loi. 

Bago magsara ang pinto ay biglang may isang kamay na pumigil roon. Muli itong nagbukas at pumasok ang isang babae na nakasuot ng sweater na may hood. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil sa nakasuot ang hood nito sa kaniyang ulo. At dagdag pa na nakayuko pa ito. 

Pinagmasdan kong maiigi ang pumasok na babae. Tahimik lamang itong nakatingin sa kaniyang 'di pindot na cellphone. At sa paningin ko ay hindi ito nabibilang sa alta siyudad. Na animo’y isa itong mahirap o sabihing pinagdamutan ng tadhana. Ang suot nitong pantalon na kupas ay tinernuhan ng sandals na luma na rin. 

“Miss, anong floor ka? Hindi mo pa kasi pinipindot ang buttom,” ani ng assistant kong si Loi sa babaeng kasabayan na agad naman tumingala ang babae. Mababa kasi ito sa height niya na sa aking tantiya ay nasa 168 cm lamang ito. 

Nasa likuran kasi ako ng babae kaya malaya ang aking mga mata na pag-aralan ang pigura nang nasa harapan ko kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito.

“Hindi na po kailangan pareho po tayo ng floor na pupuntahan,” mahina nitong salita na agad pumukaw sa akin dahil sa pamilyar ang boses nito. Parang narinig ko na iyon at hindi ko lang matandaan kung kailan at saan?

Bigla ang pagbukas ng pinto ng elevator sa ika-5th floor at may dalawang magandang babae ang pumasok na napahinto pa dahil sa nakita ako ng mga ito. Kapwa mga nakasuot ang mga ito ng seksing damit na halos luwa na ang kanilang dibdib. 

Agad na lumapit sa akin ang mestisang babae at tumabi pa ito sa akin.

“Hi, there!’ ani sa akin ng mestisang babae.

Nailang akong bigla sa halos pagdikit nito sa akin kaya naman ay umatras ako ng bahagya.

“Im Elizabeth and this is my cousin Cynthia. We know you, the famous young business man—“ putol na salita nito nang biglang humarang ang kamay ng aking assistant nasa si Loi sa pagitan nila ng babaeng mistisa.

“Excuse me, miss...” singit ni Loi.

“Ow, bawal ba?” ani ng mestisang babae na medyo ikinagulat pa nito.

Natapunan ng tingin ko ang paglingon bahag'ya ng babaeng naka hood. Saglit lang iyon kaya’t ‘di pa pa rin nakita ang mukha nito. 

“Kuhanin na lang namin miss ang inyong contact number and we will contact you,” sabay kuha ni Loi ng kaniyang cellphone sa kaniyang inner pocket. 

“Here,’ ang isang babae na mismo ang nagbigay ng business card nito kay Loi habang sa aki ito nakatingin. “We will wait your call Mr. Jake,” sabay senyas nito ng call sa tenga at sabay ding lumabas ng elevator sa 8th floor. 

“Haiiz! Pogi naman ako bakit hindi ako ang sabihan ng mga iyon,” maktol ni Loi sabay tingin nito sa akin ng masama. 

“Ano? What?” agad na salita ko ng mapansin kong titig na titig sa akin ang kaibigan kong assistant.

“Lahat ng magagandang babae ikaw ang pinapansin. Pogi naman ako, bakit walang pumapansin sa akin?” Sabay halukipkip nito ng kaniyang mga braso. 

Natawa ako sa aking assistant. May time kasi na kapag kami lang ay umaasta itong parang walang boss sa pagitan naming dalawa. 

“Miss, excuse…sabihin mo nga sa akin— pogi ba ako?” kalabit ni Loi sa babaeng naka hood. Lumingon ito kay Loi at seryoso itong tumingin. Doon ko lang nakita ang mukha ng babae. Bata pa ito at halatang walang kolorete ang mukha. Maputi at makinis ang kutis nito sa mukha. Masasabing maganda ang babaeng naka hood. At sa tantiya ko ay nasa edad ito ng dis y otso at ang nakapagtataka pa sa akin ay pamilyar ang mukha nito at parang nakita ko ito kung saan pero hindi ko lang talaga matandaan. 

“Ako po ba ang tinatanong nyo?” turo nito sa kaniyang sarili. 

“Ha? Ay, hindi! Malamang siguro siya?” turo naman ni Loi sa akin.

“Ahhh….” Sabay tango nito at muli itong humarap sa pinto ng elevator. 

Tumabi bigla si Loi sa akin at umakmang may ibubulong ito.

“Tanga ba ang napagtanungan ko?” bulong nga nito na bahag'yang siniko ko dahil baka marinig kami ng babae. Lihim na pangiti-pangiti si Loi sa akin.

Pagsapit namin sa 17th floor ay naunang lumabas ang naka hood na babae kasunod naman sina Jake at Loi. Dahan-dahan lamang itong naglalakad at patingin-tingin sa mga pintuan na madaraanan nila. Para itong may hinahanap na numero. 

Hindi mawari ni Jake kung bakit okay lang sa kaniya na nakasunod lamang sila sa babaeng nakahood na samantalang p'wede naman nilang lampasan ito dahil alam ni Jake kung saang kuwarto sila pupunta. Pero may kung anong bagay ang nag-uutos rito na sundan at pagmasdan ang naka hood na babae na ikina-aaliw niyang panoorin. 

Pagtapat nila Jake sa kuwartong kanilang sadya ay nagtaka ito dahil sa huminto rin ang nakahood na babae sa mismong kuwarto na katapat din ng kuwarto nila Jake. Pareho pa silang nagkatinginan ng babae na agad na yumuko at mabilis na pumasok ng kuwarto.

Napa-isip bigla si Jake sa biglang pag-iwas ng tingin ng babae sa kaniya. Kitang-kita niya iyon sa mga mata ng babae na biglang nagulat ng makita siya.

"Sir...may problema?" mahinang tanong ng kaniyang assistant na nakatingin din sa pintuan kung saan nakatingin si Jake.

Umiling bigla si Jake saka humarap sa pintuan ng kanilang sadya. Pilit niyang inaalis sa isipan ang reaksiyong iyon sa babae.

Bumungad kaagad sa kanila ang mga nagtatawanan niyang mga kaibigan mula pa ng senior hanggang kolehiyo. May mga kaniya-kaniyang hawak na baso na may lamang alak. 

“Oh, andito na ang ating mala-artistahin at kilalang kilala sa masa nating bisita!” sigaw ni Ally na siyang nag set ng stag party ni Beltran. Ang unang kaibigan ni Jake na ikakasal. 

Lumapit ang kaibigan ni Jake na si Beltran na todo ang ngiti at inakbayan siya nito. 

“Akala ko hindi ka pupunta,” ani ni Beltran.

“P’wede bang hindi ako pumunta? Eh, kaibigan ko ata ang ikakasal… congrats bro!” sagot niya rito sabay lingon ko sa aking assistant na nag aantay din na ipakilala niya. “Okay lang ba kung isali natin ang aking assistant na kaibigan ko rin at magiging kapamilya natin mga bro?” 

“Oo naman, bakit hindi? Nasabi nga sa akin iyan ni David na iyang assistant mo ay parang barkada mo rin kapag wala kami sa paligid mo,” ani ni Beltran na nakipag kamay pa kay Loi. "Loi, di ba ang pangalan mo?" habang nakikipag kamay ito.

Tumango si Loi kay Beltran na makikita ang sobrang saya nito sa mukha na ikina-aliw panoorin naman ni Jake.

"Im Beltran ako iyong ikakasal na barkada nitong amo mo, sila naman ang iba pa namin barkada." Turo ni Beltran kay Loi sa mga iba na papalapit na sa kanila.

Isa-isang nakipag kilala si Loi sa mga barkada ni Jake na ikinagaan kaagad ng loob ng mga ito sa isa't-isa.

Lumapit si David kay Jake. May hawak itong dalawang baso ng alak na ang isa ay ibinigay sa kaniya.

“Thanks,” sabay tanggap ni Jake.

“Buti naman at pumunta ka. Kanina ka pa namin inaantay,” nakangiti na sabi ni David habang pinanonood nito ang mga kaibigan na nag-e-entertain sa assistant ni Jake.

“Hindi naman p’wedeng hindi ako magpunta—alam mo na? Magtatampo ang kaibigan natin,” sabay tost niya ng baso sa ere ng makitang nakikipag tost sa ere ang kaibigang si Beltran at iba pa.

“That is also one of your reasons. And the main reason is to find out if it's effective in your—,” pagpuputol na salita ni David ng lumapit sa kanila si Loi.

“First time kong maka-attend ng stag party at excited akong malaman kung anong meron sa party na ito.” ani ni Loi sa aming dalawa. 

“Baka magulat ka Loi kapag malaman mo,” ani ni David sabay ngiti nito. “Paminsan-minsan kasi lumabas ka sa lungga mo kay Jake, para naman ma-enjoy mo ang buhay binata. Huwag mong gayahin ang boss mo na boring ang love life” dugtong nito sabay tungga sa hawak nitong alak. 

“Jake, for the info pala….” Si Ally na nakalapit na sa kanilang kinauupuan. “May rules pala ang mga girls,” 

Nakita niya ang pagkagulat ni Loi na agad umunat ng upo. “Girls? May girls na involved?” 

Binatukan ng marahan ni Jake ang assistant nitong si Loi sa pagka-ignorante nitong salita. “Taga bundok ka ba?” ani niya rito. 

“Sandali lang ha—may babae? Ngayon lang ako naka-attend sa ganitong party at isa pa naririnig ko lang ito. Buti na lang talaga hindi kita iniwan,” ngiti nito na tuwang-tuwa ang kaniyang mga mata. 

“Do not worry, bro. Actually, pare-pareho tayo na mga first timer sa ganitong party. Ngayon lang kasi may ikakasal sa aming magkakaibigan.” ani ni Ally na natutuwa sa reaksiyon ni Loi. “Idugtong ko lang pala ang rules ng mga girls na bawal silang hawakan sa oras ng kanilang performance. Sila lang ang hahawak sa atin kaya be patience sana mga bro,” sabay hawak nito sa kaniyang harapang pagkalalake. 

Nagtawanan ang mga magkakaibigan sa ginawa ni Ally. 

Tinanggal nilang pareho ni Loi ang suot nilang amerikano at isinampay sa sandalang upuan. Ilang minuto na lang kasi ay mag-uumpisa na ang performance. 

Naglagay si Ally ng isang upuan sa gitna para doon pa upuin si Beltran na tumatanggi pa sa mga ito. 

Pasimple kong nilapitan si Ally na noo’y nakikipagtawanan sa iba.

“Bro, pwedeng magtanong?” bulong ni Jake kay Ally.

“Yes!Ano ‘yon?”sabay lingon niyang sagot. 

“Saan ba nag i-stay ang mga girls? I mean ‘yung mag pe-perform?” curious na tanong ni Jake. Dahil mula pa kanina ay ginugulo siya ng katanungan na involved ang babaeng naka hood. Baka kasi tama ang kaniyang hinala kanina pa. 

“Ahhh..iyon ba? Nasa kabilang kuwarto lang sila. Tatlo ‘yung unang dumating at shit bro!Ang seksi nila at ang puputi,” masaya nitong sagot. “May inaantay pa nga silang isa. Iyon daw ang naka assign na sasayaw kay Beltran. Excited na nga ako eh,” dugtong nito. 

“Saang kuwarto sila?” muli niyang tanong. 

“Sa tapat ng k’warto natin, sa 722 lang bro. Oo nga pala, bakit mo naitanong? May binabalak ka ano?” Humarap na ito ng tuluyan sa akin at ang ngiti nito ay may kahulugan. 

“Sira, naitanong ko lang,” sabay na iniharap niya itong muli sa mga kaibigan niyang pinipilit si Beltran na paupuin sa gitna. 

Hindi nga nagkamali si Jake sa kaniyang iniisip kanina nang pumasok sila ni Loi sa k’wartong ito. Sa itsura pa lang ng babaeng naka hood ay may kakaiba na itong nakikita. Hindi ito isang simpleng babae na kayang umupa ng isang kuwarto sa isang kilala at mamahaling hotel. Liban lang kung may kausap itong mayaman na ka meet-up niya. Higit pa pala doon ang nasa isip ni Jake dahil isa pala ito sa mga babaeng mag pe-perform. Napangiti ng mapakla si Jake sa kaniyang nalaman. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa inosente nitong mukha. Pero may nakatago pala itong pangit na pagkatao. Kaya hindi malayo din na kaya pamilyar ang boses nito at mukha ay malamang isa siyang taga- aliw sa bar na lagi niyang pinupuntahan. At baka nga na isa rin ito sa mga kumandong sa kaniya sa VIP room para lang magpa-init pero hindi naman nila napa-init ang kabuuan ni Jake.

Puno ng excitement ang buong kuwarto ng gabing iyon. Lahat ay naka-abang sa pagpasok ng mga performance. Hawak ni Ally ang balikat ni Beltran upang pigilan ito sa kaniyang pagtayo. Lahat ay may ngiti sa kanilang mga labi samantalang si Jake ay seryoso lamang na umiinom ng kaniyang alak. 

Maya-maya ay nagbukas ang pinto at tumambad sa kanila ang isang matangkad na mestisang babae na nakasuot ng brang pula at pulang panty short. May tattoo pa ito sa kanang dibdib at may hikaw ang kaniyang pusod. 

Doon ay biglang naghiyawan ang mga kaibigan niya na akala mo ba’y ngayon lang nakakita ng mga babaeng naka two-piece. 

Lumapit ang babae sa switch ng ilaw at pinatay iyon dahilan ng pagdilim ng buong paligid. Saka maya-maya’y napalitan ito ng dim light. Ang isa kanina ay naging tatlo na. Sa likuran ng naunang pumasok na babae ay ang dalawa pang babae na kapareho din nito ng suot at mga nakangiti ng ubod ng tamis. May hawak ang mga ito ng isang malapad na kulay puting tela at sa tantiya niya ay nakatabing ang isang babae sa likuran ng telang iyon. Sa tatlong pumasok ay wala roon ang babaeng naka hood. At malamang ito ang babaeng nakatago sa malapad na tela na hawak ng dal'wa. 

Nagpatugtog na si Christopher sa isang Bluetooth speaker na nasa gilid niya. Tumunog ang isang malamyos at seksing musika. Tamang tama ang sounds na iyon para sumayaw ang nasa unahan.

"Sh*t! She's very hot," bulong ni Loi kay Jake.

Napangiti lamang si Jake na animo'y wala siyang interes na panoorin iyon. 

Dahil alam naman niya kung saan galing ang mga babaeng magbibigay ng aliw sa kaniyang mga kaibigan. 

Tatalikod na sana siya nang maramdaman niya ang paghatak ng isang kamay sa kaniyang braso. Gulat niyang napagtanto na hinatak pala siya ni Beltran upang siya ang pumalit sa kaniyang p'westo. Hindi na siya nakatayo dahil sa pinigilan siya nito sa likuran. Huli na para makapag-react pa siya dahil sa biglang pagbaba ng nakatabing na tela at lumitaw roon ang nakatalikod na babae na nakasuot ng pulang lingerie. Manipis ito at kitang kita niya ang hubog ng katawan kahit na dim light lamang ang liwanag ng paligid.

Ito ba ang babaeng naka hood kanina?

"Beltran! Bakit ako ang pina-upo mo dito?" pagrereklamo niya at pilit siyang kumakalas sa pagkakapigil nito sa kaniyang pagtayo.

"Be calm, hindi ako p'wede sa ganitong eksena at baka makalimot ako—What the? Shit! she's young and fresh!" usal ni Beltran na nakatingin sa kaniyang harapan banda. Kaya naman sinundan n'ya na rin iyon ng tingin sa kaniyang harapan.

Hindi kaagad nakakilos si Jake sa kaniyang natanaw. Tama nga ang sinabi ni Beltran kanina. Fresh at bata pang tingnan kahit nakatabing ng maskara ang kalahati nitong mukha. At kahit nakatabing ang mukha nito ay alam na niya kung sino iyon. Pero sa kabila ng malaman niya kung sino ba ang babaeng nasa harapan na niya ay napahanga siya sa way ng paggiling nito. Bawat galaw ng katawan at kamay nito ay naaayon sa tunog ng musika. Alam niyang nakatitig ito sa kaniya. At alam niyang namumukhaan siya nito. 

Naramdaman niya ang presensiya ng pagkilos ng babae. Sa paghimas ng kamay nito sa kaniyang mukha ay animo'y may kung anong bahagi sa kaniyang katawan ang biglang nabuhay. Haplos pababa sa kaniyang dibdib na halos hindi siya makalunok ng kaniyang laway sa kaniyang nararamdaman. Lalo na sa biglang pagbukas ng babae sa kaniyang mga hita upang doon siya pum'westo at gumiling ng gumiling. 

Ramdam ni Jake ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso, ang pagbabago ng kaniyang hininga. Ramdam nito ang pamumuo ng pawis sa kaniyang noo kahit naman alam niyang naka aircon ang kuwarto. Ang sunod-sunod na paglunok niya ng laway kahit wala naman siyang lulunukin. Para siyang nagdidiliryo sa kaniyang nakikita at nararanasan. Ang katawan nitong aninag niya sa nakatabing na pulang lingerie ay nag-uutos na gusto na niya itong hawakan at yapusin pero bawal iyon. Hindi niya ito naramdaman sa iba pang mga babaeng gumawa ng tulad ng ginagawa sa kaniya ng babaeng nakamaskara. Samantalang wala naman pinagkaiba ang paggiling nito sa iba pang mga babaeng na encounter niya.

Pahaplos-haplos ito sa kaniyang hita na lalong nagpadagdag ng sensasyon sa kaniyang nararamdaman. Para na siyang nilalagnat sa sobrang init na kaniyang nararanasan lalo na't sinabayan pa ng babaeng ito ang pagkagat sa ilalim na labi nito habang mapungay siyang tinititigan. Sobra itong nakakaakit.

Napakapit na siya ng husto sa kaniyang kinauupuan. Ramdam ko ang nalalapit kong pagsabog. At pilit ko itong pinipigilan. Pero walang tigil sa pagitan ng aking hita ang pagsayaw ng babae lalo na't naging agresibo na rin ito. Naiaangat na nga nito ang laylayan ng suot nitong lingerie na siyang pagtambad ng harapang pagkababae kahit na natatakpan ito ng pulang bikini. 

"Ahhhhhh......." mahinang pag-ungol ni Jake kasabay ng kaniyang pagpikit. Hindi na niya nakontrol pa ang kaniyang sarili. Ramdam niya na dinala siya ng babaeng ito sa r***k ng kalangitan na matagal na niyang hindi napupuntahan.

Pagmulat ni Jake ay maliwanag ng muli ang paligid at wala na siyang naririnig na musika. Ang babaeng nakamaskara ay hawak na ng isa pang babae. Hindi niya napansin na tapos na pala ang kanilang performance. At nakita niyang tinapisan ng tela ang katawan ng nakamaskarang babae at alalay itong inilabas ng kuwarto.

'Oh! Grabe ang ipinakita nilang performance, nakapag-iinit!" masayang salita ni Christopher. 

"Pre 'yong nasa gitna— grabe! Ang hot niya sobra, nilabasan nga ako onti eh," dugtong ni Ally sabay hawak nito sa balikat ni Jake na halos hindi makapaniwala sa kaniyang naramdaman.

"Etong groom natin, madaya eh! Imbes na siya ang nasa hot scene si Jake ang ipinalit," dugtong muli ni Ally.

Ang buong barkada ay natahimik sa nakita nilang reaksiyon ni Jake. Tahimik at tulala kasi itong nakatingin sa kawalan. 

"Hey! Jake? Okay ka lang ba?" si Loi na tinitigan pa siya nito.

"Tinamaan ang loko!" ngiting salita ni Dexter sabay upo nito sa harapan ni Jake upang kantiyawan.

Hindi alam ni Jake kung tatayo ba siya o mananatili siyang naka-upo.

"Look! Si Jake, nilabasan!" tuwang paghawak ni Dexter sa kaniyang harapang bahagi na kaniyang ikinagulat. 

"Hey! What the fuck are you doing?" sabay hampas ni Jake sa kamay ng kaibigan at tumayo ito. Kitang kita ni Jake ang mga mukha ng mga kaibigan sa nakakalokong tingin sa kaniya.

"Pahawak nga kami," dugtong naman ni Beltran na hahawakan nga ang pagkalalake nito pero agad na hinarangan iyon ng kamay ni Jake.

"Tinamaan ka nga ano?" tukso ni David na nakangiti hanggang tenga. 

"Baka naman nag wet lang mga bro," si Christopher na nakalapit na rin sa kaniyang kinatatayuan.

Hindi makapag salita si Jake at humingi na lamang ito ng excuse para makapunta siya sa CR. Rinig pa niya ang pagtatawanan ng mga kaibigan nito habang patungo ng CR. Hiyang hiya siya sa naging reaksiyon niya sa mga ito dahil hindi niya iyon maitago sa mapanuksong mukha ng mga kaibigan.

Pagkapasok na pagkapasok ni Jake sa CR ay agad siyang naghilamos ng paulit-ulit. Hindi kasi siya makapaniwalang nakapag release siya ng ganoon lamang. Sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lamang uli niya naramdaman ang r***k ng kalangitan. At natutuwa siya sa kaniyang naramdaman. Ibig sabihin no'n ay magaling na siya. Na okay na ang kaniyang pagkalalake. Na buo na uli ang kaniyang pagkatao.

Hindi pa siya nakontento ay agad niyang hinubad ang kaniyang pants kasunod ang kaniyang huling saplot. Basang basa siya ng kaniyang katas. Marami siyang nailabas kanina. Posible iyon dahil matagal na naipon ng mahabang panahon ang nailabas niya kanina.

Kumuha siya ng tissue upang punasan iyon. Malagkit kasi at naiirita siya. Kaylangan na niyang umuwi upang makapag take ng shower, makapaglinis ng kaniyang katawan.

Paglabas ni Jake sa CR ay sinalubong siya agad ni David. 

"Anong nangyari sa'yo? Totoo bang nag wet ka?" mahinang tanong ng kaibigan nito.

Tumingin muna si Jake sa mga kaibigan na noo'y busy silang lahat sa pagku k'wentuhan maging si Loi.

"Hindi lang wet..." aniya 

"So? Ibig mong sabihin—really?" tuwang salita ni David sabay hampas nito ng bahagya sa balikat ni Jake. "Congratulation! Magaling ka na," dugtong nito na pigil ang pagtaas ng boses at baka marinig sila ng kanilang mga kaibigan.

"Sabi ko sayo na effective ito para muling manumbalik ng pagkalalake mo,"

"I don't think so?" sagot ni Jake sabay kuhang muli ng alak sa mesa at naupo.

"What do you mean?" pagtatakang tanong ni David sa likuran ni Jake.

"Malamang dahil ito sa ibinigay mong gamot kaya nag-react ako kanina. Ibig sabihin effective ang gamot na iyon," paliwanag nito at sabay shot ng alak. 

Iyon nga kaya? habol na tanong ng kaniyang isipan.

"Two days pa lang ang nakalipas, umepekto na agad ito sayo?" nakakunot na noong tanong ni David. "I don't believe it!"

"Anong I don't believe it iyong narinig ko?" salita ni Dexter na kanilang ikinagulat.

"Kanina ka pa diyan?" si David.

"Nope, kakalapit ko lang. Kukuha lang ako ng maiinom. T'yaka napaka seryoso ng pinag-uusapan n'yo, ah. Ano ba iyon? At tungkol saan?" mapungay na tanong nito sa dalawa habang naglalagay ng alak sa baso.

"Wala naman, pinag-uusapan lang namin 'yung nangyari kanina," muli si David sabay lingon nito kay Jake na noo'y lumagok ng isang baso ng alak sabay subo ng pulutan.

"Yaah! Itinatanong nga namin kay Ally kung saan niya nakuha 'yung mga babaeng seksi lalo na iyong gumiling-giling sa'yo," sabay turo ni Dexter kay Jake na bahagyang nagulat. "Sabihin mo ang totoo? Tinamaan ka kanina ano? Kasi nakita ko ang pagpikit mo at pag-iba ng mukha mo. Sabi mo pa nga kung hindi ako nagkakamali...sabi mo, aaahhh," sabay ngiti nito na may kasamang panunukso ni Dexter na agad naman umiwas ng tingin si Jake.

"Lasing kana, bro. Uuwi na pala kami...." pag-iiwas ni Jake sa mapanuksong mata ni Dexter.

"Wait! Uuwi ka na agad? 'Di pa tapos ang party," muling habol na salita nito kay Jake na agad naman nitong ikinalingon.

"Maaga pa ang trabaho ko bukas, mga bro. May conference meeting pa kaya kailangan kong magpahinga ng maaga," ngiting sagot nito sa kaibigan.

"Well...ano pa nga ba ang magagawa namin sa isang hunk na CEO ng kilalang kompanya. Basta, 'wag kang mawawala sa kasal ko bro ha?" si Beltran na humawak pa sa balikat ni Jake. 

Maging sina Ally at David ay tumango na rin kay Jake. 

Bago pa sila makalabas sa pintuan ay sumenyas sa kaniya si David  ng Call, ibig sabihin ay tumawag siya rito. Si Loi ay nagpaalam na rin sa mga kaibigan at nagpasalamat sa hatid na saya ng stag party nito sa kaniyang buhay. 

JAKE ANDREW

"It was great! It's owesome!" masayang salita ni Loi habang sakay sila ng elevator.

"Hindi halatang nag-enjoy ka rin ano?" nakangiti kong sabi rito habang nakasandal siya sa dingding ng elevator. Hawak niya sa kaniyang braso ang hinubad nilang amerikano kanina. Lasing na ang kaibigan nitong assistant dahil kitang-kita niya iyon sa itsura nito.

"Minsan kasi Jake, pag day-off-in mo naman ako," reklamo nito.

"Bakit may day-off ka naman,ahh?" kunot noo kong sagot dito.

"Meron nga, pero lagi ka naman tumatawag sa akin para kuhanin ang ganyan, ang ganun o kaya mag tatanong 'asan ang file ng ganyan at ng ganun," salita nito na sinasabayan pa ng pagkumpas ng kaniyang kamay habang isa-isa itong inirereklamo sa kaniya.

"Feeling ko tuloy, parang pumasok din ako..." at iiling-iling nito sabay sandal sa gilid ng elevator.

"Eh, ano ang gagawin ko? Personal assistant kita. Malamang na ikaw ang tatawagan ko," 

depensa naman ni Jake sa nakasimangot ng si Loi.

"Yung sunday para sa araw ng pahinga, hindi iyong extension pa ng trabaho, aisshhh!" sabay dabog ng isang paa nito.

"Ang lokong ito, nakaranas lang ng—hoy, Loi!gusto mo bang mawalan ng trabaho?" sabay lapit ko rito.

Pero bago pa man ako makalapit ay bigla itong napasandal sa pader at pada-usdos itong napa-upo sa sahig. 

Napangiti si Jake sa kaniyang assistant. Nakalimutan n'ya kasi na mababa ang alcohol level nito sa katawan. Madali itong malasing. Ilang beses n'ya na rin kasi itong nakasama sa inuman mula no'ng naging close sila nito at nagturingan na magkapatid at magkaibigan. 

Malayong-malayo ang imahe nito kapag nasa trabaho na si Loi. Seryoso lagi ang pustura mula ulo hanggang paa. Formal itong mag salita sa kaniya maging sa iba. Hindi mo ito mabibiro ng basta-basta. Pero kapag sila lang dalawa ay luko-luko ito sobra.

"Haiiiizzz! Pahihirapan mo na naman ako," 

Sabay angat ko ng buo niyang katawan upang makatayo at ilagay sa aking balikat ang isa niyang braso.

"Malilintikan ka na naman sa akin bukas makikita mo," diin niyang salita habang inaayos ang kanilang pagkakatayo upang hindi sila pareho matumba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status