Share

CHAPTER 12

Ngumisi sa akin ang kaharap kong si Jake bago yumukong bigla na mabilis kong iniwasan sapagkat kung magkataon ay mahahalikan niya ako.

"Hindi ko dinadamay ang maganda mong reputasyon dito sa hotel. Sinasabi ko lang ang kaya kong gawin," aniya sa akin sabay tingin nito sa aking mga labi.

Mabilis ang aking pagkilos at agad akong lumayo sa kaharap kong si Jake.

"Ganyan ba talaga kayo? Kapag tinanggihan kayo sa gusto ninyong mangyari ay gagawa kayo ng paraan para malugmok kami para hindi kami makatanggi sa alok nyo?" sabi ko dahil iyon talaga ang nakikita kong gagawin ng mayamang si Jake. Ang gipitin ako upang hindi na makatanggi sa alok nito. Pero hindi ako ganong tao. Minsan na akong nakagawa ng bagay na labag sa aking kalooban at ayoko ng maulit iyon.

Tumalikod ako saka muling inihakbang ko ang aking mga paa palayo sa Jake na ito.

"Bukas na bukas ay hindi ka na makakapasok dito sa hotel," muli nitong sabi na sobra ko na talagang kinaiinisan.

"Gawin mo sir. Wala naman akong laban sa isa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status