Share

CHAPTER 59

JOYCE ANNE

Pagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.

Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.

Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.

Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin.

"Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team.

"Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status