Share

CHAPTER 5

JOYCE ANN

Kanina pa hindi nagpa-function ang aking utak. Hindi ako makapag concentrate sa aking trabaho. Marami na akong palpak na nagawa mula pa sa umpisa ng aking pagta trabaho. Hindi kasi maalis sa aking isipan ang sinabi ng aking kaibigang si Mystica. Binigyan kasi ako ng raket nito at dapat ko itong pag-isipan ng isang araw lang. Bukas na kasi magaganap ang raket na iyon at malaking halaga ang ibabayad sa kanila. Raket na first time ko kung sakaling gagawin ko iyon.

Ang raket kasi na iyon ay ang pagsayaw niya sa isang stag party. Sasayaw, gigiling siya na nakasuot ng two-piece na kulay red at papatungan ng manipis na kulay red ding sexy lingerie.

Kakayanin kaya niya iyon?

Binigyan lamang siya ng isang araw ng kaibigan para mag desisyon. Kailangan niya ang pera dahil nangako siya sa kanilang land lady na magbabayad siya ng upa bukas. Hindi niya gusto ang ganung raket pero no choice siya dahil iyon lamang ang paraan upang makakuha siya ng pambayad sa upa.

Napatigil ako bigla sa aking iniisip nang bigla akong kalabitin ng kasama ko.

“Ang manager natin papunta dito,” aniya sa akin sabay nguso sa dereks’yon ng naglalakad na manager.

Umayos ako ng tayo sa aking p’westo dahil wala pa naman akong ia- assist na costumer. Tsinek ko ang suot kong uniporme kung maayos ba itong naka tack-in sa aking skirt at ang name tag ko na tabinging naka pin sa kaliwang dibdib ko ay idineretso ko ito.

“Ikaw Miss Hernandez, mag focus ka sa trabaho mo! Kanina ka pa wala sa ulirat, anim na oras lang ang trabaho mo pumapalpak ka pa!” ang masungit na bungad kaagad sa kaniya ng manager.

“Oh, ano pang inaantay mo? May bagong pasok na costumer.” Sabay hawak nito sa aking balikat para itulak niya ako ng bahagya.

Mabilis akong lumapit sa bagong pasok na costumer. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya ng ito ay tumingin sa akin. “Can I take your order, sir?” sabi ko sa guwapong costumer.

“No. Later, may inaantay pa ako,” sarcastic nitong sagot na agad ko naman pagtango at ngumiti uli ako ng tipid dito.

Bumalik ako sa aking p’westo kung saan ang mga katulad naming waitress ay nakatayo sa isang corner ng restaurant. Nag-aantay ng mga costumer na aming seserbisyuhan.

“Nakita mo ba? Ang guwapo niya talaga,” ani sa akin ng katrabaho ko.

Napakunot ang aking noo, “Sino?”

“Iyong nilapitan mo kanina. Kilalang kilala iyan sa social media. May malaki nga ‘yang billboard sa edsa at sa mga malls,” may halong kilig na salita ng kasamahan.

Sinulyapan ko naman ang costumer na iyon na tinitingnan ng kaniyang katabi.

“Guwapo nga ito. Bakit? Artista ba siya?” ani kong muli sabay sulyap sa kinauupuan ng guwapong costumer na noo’y nakatingin na rin sa kanilang p’westo. Ngumiti ako rito ng tipid.

“Ano ka ba? Hindi ka ba updated sa social media or nagbabasa ng magazine? Hindi siya artista pero sikat siya kasi siya lamang ang batang naging successful sa negosyo noh. Biro mo sa edad niyang bente y tres nagsimula na siyang mag handle ng business nila sa company ng kaniyang mga magulang. Tas’ ayun na nga— sa huli kong binasa sa article tungkol sa kaniya eh,” bigla itong napahinto sa pag kukuwento ng palihim dahil nakita niya ang pagtawag ng lalake sa akin.

Agad akong lumapit dito at napansin ko agad ang napaka gandang dalaga na nagsasalita sa harapan nito at titig na titig sa lalake. Nakahawi sa side ng balikat ang mahaba at kulot nitong buhok. At lalong nagpatingkad sa kaniyang kagandahan ang suot nitong damit na sobrang hapit at may malaking uka sa bandang dibdib dahilan upang ma-expose ang nagyayaman nitong dibdib.

Habang eto namang lalake na sikat daw eh, parang wala itong naririnig sa mga sinasabi ng babae. At parang balewala ang ganda nito sa kaniya.

“Are you gonna order,sir?” tipid kong tanong rito. Napansin ko agad ang pagsalubong ng kilay nito sa akin. As in wala naman siyang ginagawang masama. Nag-isip pa ako, tama ba ang sinabi ko o baka may mali akong nasabi rito?

Inabot ko na lamang ang menu sa dalawa. At inihanda ko ang dala kong maliit na pad para doon isulat ang kanilang order.

Masyadong seryoso ang mukha ng lalake habang nagsasabi ng order sa akin. Hindi ito ngumingiti. Pero aaminin niya na hindi nababawasan ang ka guwapuhan ng lalake kahit na hindi ito naka ngiti. At aaminin niya na malakas nga ang appeal nito at parang kay bango nito sa itsura ng kaniyang porma at pananamit.

Ano ba ang relasyon na meron dito sa dalawa? Usal ng kaniyang isipan.

Pagkatapos niyang ma-ibigay ang mga order ng mga ito ay bumalik na siya sa kaniyang puwesto. Ang kasama niya kanina ay wala sa kaniyang puwesto dahil sa mag-aasikaso na rin ito ng bagong pasok na costumer.

Napansin niyang masiyadong seryoso ang pag-uusap ng dalawa. Nakaharap kasi sa kaniyang dereksiyon ang puwesto ng lalake at nakatalikod naman sa kaniya ang kausap nitong babae. Pero sa kaniyang pagmamasid ay malamang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala kasi siyang lambing na makikita sa mukha ng lalake.

Nakita niya ang pagtayo ng magandang babae na may hawak na kopita.

Bigla akong napatakip ng kamay sa aking bibig ng masaksihan ko ang pagbuhos ng champaign ng magandang babae sa ulo ng lalake na walang reaksiyon. Para bang alam na nito ang mangyayari sa kaniya. At doon ay umalis ang babae.

Nagmadali akong kumuha ng table napkin sa aking likurang devider at tinungo ang lalake na noo’y nagpupunas na ng kaniyang suot na amerikano. Hindi ko alam kung saan ko ba pupunasan ang lalake. Pero kusa na lang umangat ang aking kamay para punasan ang kaniyang ulo pati na ang kaniyang mukha.

“Are you okay, sir?” tanong ko rito na may halong pag-aalala na ikinagulat nito sa aking ginawa.

“Yes, I am,” sagot naman nito.

Napansin niya na kumulay na sa panloob nitong polo ang kulay ng champaign.

“Sir, kailangan mo sigurong magpalit?” muli kong salita kasabay noon ang pagpunas ko sa kaniyang balikat.

“Don’t touch me!” salita ng lalake na aking ikinagulat.

“Sorry po,”

Sa sobrang hiya ko sa aking ginawa ay napayuko na lamang ako.

“Sir, may problema po bang nangyari?Manager po ako rito, may ginawa po ba sayo ang waitress namin?” ani ng aming manager na hindi ko namalayan ang kaniyang paglapit.

“Nothing,” sagot na mabilis ng lalake sabay kuha nito ng wallet at kinuha ang kaniyang credit card saka iniabot sa aming manager na agad naman nitong tinanggap.

Naramdaman ko ang paghawak ng aming manager sa aking braso at hinila niya ako sa corner ng counter. Inabot nito sa kahera ang card at sinabi rito kung anong table. Bago ako naman ang hinarap nito. Nagagalit ang mga mata nitong nakatitig sa akin, kaya naman napayuko na lamang ako.

“Mula pang kaninang pumasok ka ay kung anong kapalpakan na ang nagawa mo. Yung order kanina nabitawan mo, tapos nagkapalit ang order ng table 14 sa table 13. Tapos ngayon ano? Nabuhusan mo ng something ang costumer natin na si Mr. Jake?” galit nitong salita. “Hindi mo ba naiisip kung sinong tao ang nabuhusan mo, ha?”

“Pero sir—” pagtatangka kong pagpapaliwanag pero naudlot ito dahil nakaduro agad sa mukha ko ang hintuturo ng aming manager. Sobra akong naaawa sa aking sarili dahil alam niyang nakatingin na sa kanilang p’westo ang ilan niyang kasamahang waiter at waitress maging ang kahera sa counter.

“Ano? Magpapaliwanag ka pa? Kung may problema ka sa inyo, wag mong dalhin dito! Kaya nagsisisi ako kung bakit pa kita tinanggap wala ka naman experience! Akala ko ay okay ka pero eto, lumabas na mga kapalpakan mo!” pagdidiin pang salita nito sa aking mukha.

Tumulong bigla ang aking luha dahil wala akong magawa. Sobra akong nasasaktan sa aking naririnig. Parang kay baba ng pagtingin sa akin ng aming manager. Hindi ko man lang madepensahan ang aking sarili sa bagay na hindi ko naman ginawa. Ang masakit pa ay sobra siyang napapahiya.

“What are you doing?” boses na ikinagulat naming pareho ng aming manager. Pareho kaming napalingon sa kinaroroonan nito.

Mabilis kong pinunasan ng aking palad ang luhang umagos sa aking pisngi dahil nakatingin ang costumer kong lalake sa akin.

“Sir! Eto na po pala ang credit card mo. At ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa sayo ng aming tao. Hayaan nyo po at tatanggalin ko na po siya sa kaniyang trabaho. Sorry po talaga, sir.” Salitang narinig ko na halos hindi ko matanggap. Nangungusap ang aking mata sa aking manager.

Bakit naman biglaan? Bakit ngayon pa? Mga salitang gusto niyang sabihin sa kaniyang manager.

Nagsalubong ng kilay ang lalake ng kuhanin nito ang kaniyang credit card at ipasok sa kaniyang wallet. Saka muli itong sumulyap sa akin.

Bigla kong naramdaman ang pagsiko sa akin ng aking manager.

“Humingi ka ng sorry sa kaniya,” bulong nito sa akin kasabay ng pagtuturo ng mukha nito sa lalake.

“Why would she apologize to me? She has done nothing wrong. So why would you fire her?” seryoso nitong salita sa ‘di nakakibong manager. Bahagyang nagulat ito sa salitang narinig niya. Maging ako ay nagulat din. At parang bigla akong nagkaro’n ng pag-asa. Hindi ako nakakibo nang muli itong tumingin sa akin.

“Actually, you should be fired on your job. Don’t treat your employee like that in front of me and to her co-worker’s and to the other’s costumer’s too. Hindi isang ugali ng isang matinong manager ang ipahiya ang kaniyang tao dito mismo sa kinatatayuan nyo.”

Pagdidiin nito sa huling salita sa manager namin na ngayon ay gulat na gulat sa kaniyang narinig. Halos hindi ito makasagot sa kaharap na lalake.Na noo’y ipinakita nito ang paligid na kinatatayuan nila. At nakuha ko agad ang ibig sabihin nito.

Napatulala akong bigla sa magandang awra na lumitaw sa lalakeng ito. Para bang naging isa ko siyang super hero na nagtatanggol ng naaapi. Nagkaroon ng pag-asang muli mula sa kaniyang pagkakalugmok.

“Ahhh, sir sorry po,” paghingi ng paumanhin ng manager.

“Hindi ka dapat sa akin humingi ng sorry kundi sa employee mo na hinusgahan mo agad without asking her kung ano ba talaga ang nangyari.” Sarcastic nitong salita sa aming manager na kitang kita ko sa mukha nito ang pagkapahiya.

“Kung tutuusin p’wede kong kausapin ang may-ari ng restaurant na ito para i-report sa kaniya ang ginawa mo or bilhin ko kaya para ikaw ang unang-una kong sisisantehin,” dugtong nitong muli sabay pamulsa ng isa nitong kamay.

“Sir, huwag po. Hindi na po mauulit. Sorry po talaga, sorry Ms. Joyce sa ginawa ko sayo ngayon. I sincere ipologize for what I told you earlier.” Aniya na humarap pa sa akin at ang mukha ay nagsusamo.

“Sir, okay lang po. Sorry din po kanina sa mga nagawa ko po,” sagot ko naman na sabay senyas ng aking kamay na ibig sabihin ay wala po iyon.

Bago pa ako makapagsalita sa costumer kong lalake para magpasalamat ay umalis na ito agad-agad. Nalungkot ako bigla sa mabilis nitong pag-alis. Kaya naman nang

Hahabulin ko na sana ito ay bigla akong pinigilan ng aking manager.

“Baka akala mo ay ayos na ang lahat dahil sa sinabi ni Mr. Jake. Oo, ma-impluwensiya siyang tao at anuman ang sabihin nito ay makukuha niya. Pero since wala na ito ay p’wede ka ng umuwi.” Yun lang at tinalikuran na siya ng kanilang manager.

Para akong na-istatwa sa aking kinatatayuan sa aking narinig. Akala ko ay ayos na dahil sa tulong na ginawa ng lalakeng iyon, pero nagkamali pala ako dahil palabas lang pala ang paghingi ng sorry ng kaniyang manager. Tanggal pa rin pala ang kinasadlakan ko.

“Ganyan ‘yan lagi, kaya maraming nagagalit sa kaniyang mga empleyadong regular. Wala sa ayos kung magtanggal lang ng mga employee,” ani ng kahera sa kaniya na habol pa ang tingin sa manager na noo’y may itinuturo sa isang waiter.

Wala akong nagawa kundi ang magpalit na lamang ng damit sa aming locker room. Malungkot akong lumabas at nagtungo sa opisina ng aming manager dahil pinatawag ako roon. Nalaman ng mga kasama ko ang nangyari sa akin. Tulad ko ay wala rin sila magawa para magreklamo sa maling pamamalakad ng manager lalo na sa mga tulad kong part timer lamang.

Ibinigay lamang sa akin ang sahod ko sa ilang araw na ipinasok at ikinaltas roon ang mga nabasag kong utensils kanina.

“Nakakadismaya ang araw na ito sa akin,” usal ng aking isipan. Wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili. Dahil dinala ko sa aking trabaho ang pag-iisip ko sa raket na sinabi sa akin ng aking kaibigan.

Kinuha ko sa aking bag ang aking wallet at inilagay roon ang pera. Bago kinuha ko ang de pindot kong cellphone upang i-text si Mystica at sabihin na pumapayag na ako sa raket na ibibigay niya sa akin. Dahil wala na rin akong ibang choice para kumita ng malaki.

At pagkatapos ng raket na iyan ay kailangan niyang gumawa ng paraan para mapuno ng trabaho ang bawat oras na dadaan sa buong isang araw niya.

“Kaya mo ‘yan, Joyce! Fight lang!” muling usal ng aking isipan. Saka isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status