Share

CHAPTER 7

JOYCE ANN

Unti-unting nag dilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa aking balikat. Nagising na ako ng tuluyan at agad naupo at sumadal sa head board ng kama sabay hawak sa aking ulo dahil sa naramdaman ko ang sakit nito.

“Masakit ba ang ulo mo?” si Mystica na naka-upo sa gilid ng aking hinihigaang kama.

Tumango ako rito habang pupungas-pungas pa ng mata dahil ramdam ko pa ang aking pagka-antok, pero masakit ang aking ulo.

“Bumangon ka na riyan maaga pa ang pasok mo ‘di ba?” muling salita ng aking kaibigan.

“Anong oras na ba?” Sabay tingin ko sa alarm clock na nasa side table ng aking higaan.

Alas y singko na ng madaling araw. Oras na iyon para ihanda na niya ang kaniyang sarili sa pagpasok niya sa trabaho.

Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan dahilan para ako ay magulat. Nakasuot pa ako ng pulang lingerie na agad kong naalala ang nangyari sa nagdaang gabi.

“Paanong—anong nangyari kagabi, Misty?” agad kong tanong sa nakatitig sa aking
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status