Share

YOU BELONG TO MY HEART
YOU BELONG TO MY HEART
Author: Ashlie Dreamer

CHAPTER ONE

"What? How could you? " nagtatagis ang bagang sabi ni Greyson na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa ama niya na prenteng nakaupo sa swivel chair nito."Paano mo nagawa 'to sa'kin? Nanghihinakit ang boses na sabi niya.

Tila ayaw pa rin niya maniwala sa sinabi ng kanyang ama. Gusto siyang ipakasal nito, sa anak ng matalik na kaibigan nito na matagal na raw namayapa. Ni minsan hindi pa niya nakita ang nasabing babae.

"You, hear me right? Either you like it or not, you're going to marry her." Final at matigas na saad naman ni Don Cryl Falcon Monte Cristo.

Kapag ito na ang nagsasalita at nagdesisyon hinding-hindi na iyon magbabago pa. Animo’y isang hari ito kapag nakaupo na sa trono at ang tanging kagustuhan lamang nito ang masusunod. Dahil kung hindi susundin ay matitikman ang kapangyarihan at bagsik ng kanyang ama.

"I can't believe this!" may malakas ang boses na bigkas ni Greyson. "What I told you is, I'm not going to marry that girl. Hindi ko pa nga nakita 'yon. Tapos basta-basta ka na lang magplano para sa kasal na hindi ko naman kagustuhan." Giit pa rin niya at kahit anong mangyari ay hindi niya susundin ang kagustuhan ng ama.

"Final na ang desisyon ko Greyson. Be ready, mamanhikan tayo sa lalong madaling panahon." Si Don Cyril Falcon. Pinaikot ang swivel chair na inuupuan nito, paharap sa cabinet na nasa likuran niya lamang banda. At saka binuksan ang pangalawang drawer. Isang folder na kulay brown ang kinuha niya mula roon. Pagkatapos niyon ay muli siyang humarap dito kay Greyson. "Tingnan mo ang laman nitong folder. Nasa loob ng folder na iyan ang mga impormasyon na gusto mong malaman tungkol sa babaeng pakakasalan mo " Sabay abot nito ng folder na iyon kay Greyson.

"I'm sorry, Dad. But what I've said I'm not interesting about that woman." Hindi man lang siya nag-abalang abutin ang nasabing brown folder. "Excuse me, old man. If you don't mind, I want to go..." aniya sabay tayo mula sa visitor chair na inuupuan. Hindi na siya naghihintay na sumagot ang kanyang ama. Hinakbang niya na ang kanyang mga paa. Upang lisanin na ang opisina nito. Subalit nakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya uli ang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Greyson Chai! Hindi pa tayo tapos sa usapan na ito!" umalingawngaw na boses ni Don Cyril Falcon. Nagbabaga ang mga mata nito habang sinusundan ng tingin si Greyson.

"Dad, tapos na ang usapan na ‘to. Sa ayaw at gusto niyo, hindi ko susundin ang kagustuhan niyo. Walang kasal na magaganap, " matigas at mariin na pagtanggi pa rin ni Greyson. Kitang-kita ng mga mata niya ang sobrang galit na lumalarawan sa mukha ng ama. At pulang-pula ang pisngi nito marahil ay sa sobrang pagtitimpi nito.

"Sinusubukan mo talaga ako? Hah, Greyson!" malakas na boses ng kanyang ama. "Alam mo kung ano ang mangyayari sa'yo, kapag sinuway mo ako." May pagbabantang turan ni Don Cyril Falcon. Nakatayo na rin ito mula sa inuupuan na swivel chair, tinititigan si Greyson sa mga mata.

"Go ahead Dad, do whatever you want! Nakahanda na po ako sa maaaring niyong gawin." Nagmamatigas na sambit ni Greyson. Hinding-hindi siya makakapayag na manipulate ng kanyang ama ang sarili niyang buhay. His old enough to decide his by own.

Kaya hindi na siya magtataka pa kung ang ibang kapatid niya ay may sama rin na loob sa kanyang ama. Tila gusto ng kanyang ama ay ang kagustuhan lamang nito ang kanilang susundin at walang pakialam sa maaaring maramdaman ng mga anak. This great playboy old man, gustong i-manipulate ang kanyang buhay?

No way! Mas gugustuhin pa niyang maging mahirap kaysa sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama.

"Good day, old man. And goodbye!" aniya sabay labas sa opisina ng ama.

Tuloy-tuloy na siya palabas, kahit na alam niyang galit na galit ito sa kanya. But he don't care, ang pinakaayaw niya ang matali sa babaeng hindi niya mahal at hindi pa niya nakita. Kahit 'ni dulo ng buhok ay hindi rin niya nasilayan. Kung nabubuhay pa sana ang kanyang Lolo Shin, sana ay hindi pa niya mararanasan ang kalupitan ng sariling ama. Spoiled siya sa abuelo kung kaya ay napamahal sa kanya ng sobra ang Lolo Shin. Halos ang matanda na ang nag-alaga sa kanya simula noong sanggol pa lamang siya. Hindi rin niya naranasan ang pag-aalaga ng sariling ina simula ng nagkaisip siya. Basta-basta na lang din kasi siya iniwan ng ina sa pangangalaga ng ama niya.

Isang Koreana ang ina ni Greyson, sanggol pa lamang siya ay iniwan na siya nito sa pangangalaga ng kanyang ama. Pagkatapos siya nito ihabilin sa kanyang ama ay umuwi na raw ng Korea. Tanging si Yaya Mildred na ang nag-aalaga simula noon nasa poder siya ng Monte Cristo hanggang sa kanyang paglaki. Magtataka pa ba siya? Gayong lahat naman yata silang magkakapatid ay tanging yaya ang kasama simula nang isinilang sila sa mundong ito. Marami nga silang magkakapatid, ngunit mula sa iba’t ibang ina.

Napapailing na lamang si Greyson sa isipin na iyon. "Oh... hi, " pilit na ngiti ng pinakawalan niya mula sa kanyang mga labi ng makita ang stepmother niya. Si Zairah, asawa ng kanyang ama.

"Are you okay?" nag-alala ng tanong nito sa kanya ng makalapit na siya rito. "Naririnig ko kasi na malakas ang boses ninyong mag-ama habang nag-uusap. Lalo na ang boses ng iyong ama," dagdag na turan pa nito.

Bumontong-hininga siya.“Don't worry, Tita Zai. I'm okay. May pinag-uusapan lang kami ni Daddy na hindi magkasundo."

Mabait si Zairah sa kanilang magkakapatid, kung ituring sila nito ay tunay na mga anak na. Napamahal na rin ito sa kanya. At kinikilala na rin niyang ina. Kahit na medyo may edad na ito ay nakikita pa rin ng kagandahan ang asawa ng kanyang ama. Ito lang ang tanging babae nagpatino sa pagiging great playboy ng kanilang ama. Ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ni Cyrl Falcon, ang lalaking tinagurian na great playboy.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng Daddy mo, Greyson," ani Zyra. "Alam ko ang gustong mangyari ni Cyril. Kinausap ko na rin siya tungkol sa pinaplano niya tungkol sa 'yo. Pero masyadong matigas ang ama mo." Naluluhang saad nito.

"Psssttt... it's alright, Tita. I can handle about this, don't worry, " si Greyson na niyakap ito at saka hinagod-hagod sa likod ang kanyang stepmother. Para sa ganoon ay maparating niya rito na okay lang siya. Sa tuwing ganitong sitwasyon, naramdaman ng binata ang pagiging isang ina ni Zairah sa kanya.

"Gawin mo kung ano ang sa tingin mo na ikabubuti mo anak, nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Anito na pinupunasan ang sariling mga luha nito.

"Thank you, Tita." Nakangiting sambit ni Greyson. "Aalis na po ako, " paalam niya rito. At saka hinalikan sa noo ang kanyang stepmother.

"Mag-ingat ka sa pag-drive, " paalala nito sa kanya.

Maging kawawa lang sa akin ang babaeng ipagpipilitan mo sa akin, Dad! Magpapakasal lang ako sa babaeng mamahalin ko at hindi sa babaeng pinili niyo para sa akin! Nagngingitngit ang kalooban niya habang nagmamaneho.

"ANAK, bilisan mo riyan at kanina ka pa hinihintay ni Attorney." Sabi ni Aling Lucela habang nakadungaw ito mula sa bintana ng kanilang bahay na gawa sa kawayan at nipa.

"Nanay, bakit naman may abogado po rito?" nagtatakang tanong ni Allison, humahangos pa ito dahil sa pagmamadali na makauwi dito. "Nanay, may ginawa ba kayong masama?" nag-aalala na tanong niya.

"Naku, anak! Wala akong masamang ginawa." Tanggi agad ng Ginang.

"Bakit nga po, may abogado rito?" nagtatakang tanong pa rin niya. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit may abogado na biglang dumating sa kanilang bahay. Basta ang alam niya kapag may abogado ay may kasalanan ginawa sa batas.

"Ikaw ang hinahanap ng abogado na iyon, "saad ng kanyang Nanay.

"Ako po?" sabay turo ni Allison sa kanyang sarili. "Nanay, sa pagkakatanda ko po wala naman akong ginawang masama." Sabay atras niya sa paghakbang sana paakyat sa hagdan ng bahay.

"Allison, umakyat ka na nga rito! Nang sa ganun malaman mo kung ano ang sadya ni Attorney sa 'yo." Turan ng kanyang ina. Niluwagan pa nito ang pagbubukas ng dahon ng pinto na gawa rin sa kawayan.

"Eh, Nanay... baka ano po 'yan? " nakangiwing saad ni Allison. Nagdadalawang isip pa rin siya kung magpakita at makipag-usap ba siya sa nasabing abogado.

"Umakyat ka na rine, itong batang 'to masyado kang maarti." Anang Ginang. "Bilisan mo na riyan. Nakakahiya sa kay Attorney, kanina pa 'yon naghihintay sa pag-uwi mo."

Wala ng magawa si Allison kung 'di sundin ang sinasabi ng kanyang ina. Umakyat na siya at hinarap ang abogadong sinasabi ng ina.

"Good afternoon, Allison right?" nakangiting tanong abogado. Nang makita siya nito na pumasok dito sa maliit nilang sala. Nakaupo ito sa upuan na gawa rin sa kawayan.

"Opo, ako nga ho." Mahinhing sagot naman ni Allison.

"Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa Allison, Aling Lucela. Nandito po ako para sunduin si Allison pabalik ng Manila." Turan ni Attorney Sanchez. Binuksan nito ang kulay itim na bag na hindi naman kalakihan at saka nilabas nito mula sa bag na iyon ang isang kulay brown na folder.

"Ho? Bakit po? Ang ibig kung sabihin bakit po ako sasama sa 'yo Attorney sa pabalik ng Manila? May kasalanan po ba akong nagawa sa batas?" sunod-sunod na tanong niya rito. Kahit anong gawin niyang alalahanin kung may nagawa ba siyang kasalanan sa batas ay wala talaga siyang naaalala.

Palitan-lipat naman ang tingin ni Attorney Sanchez sa kanilang mag-ina. "Aling Lucela, hindi pa rin po ba ninyo nasabi kay Allison ang tungkol sa totoong pagkatao niya?" takang tanong ng abogado na nakatingin sa kanyang ina.

"Wala akong nilihim sa anak ko, Attorney. At ni minsan hindi ko na lihim kay Allison ang katotohanang tungkol sa pagkatao niya," naluluhang sambit ng Ginang.

Lalo siya nagtataka sa ginawi ng kanyang ina. "Nanay, bakit po kayo umiiyak?" tanong niya sabay hagod sa likod ng kanyang ina.

"Allison, nandito ako para sunduin ka at maisama sa pagluwas ko pabalik ng Manila" Saad ni Attorney Sanchez sabay abot nito ng kulay brown na folder sa kanya.

Nagtataka man si Allison ay tinanggap niya mula rito ang brown na folder at agad na binasa ang laman nito. Gayong na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang matapos n’ya itong basahin.

“Ipapakasal ako sa kanino? At anong kinalaman ko sa kasunduan ng mga taong nakasaad dito?”

“Malalaman mo ang lahat ng kasagutan na iyan kapag sumama ka sa akin sa pagbalik ko sa Manila. Doon lamang masasagot ang lahat ng mga nakasaad diyan, at matutuklasan mo rin ang buo mong pagkatao.” Paliwanag ng abogado na lalo pang nakapagpalito sa kanyang isipan.

Napatingin siya sa kanyang ina na nakatayo lamang sa isang sulok at tila naghahanap siya ng kasagutan sa pamamagitan ng pagtingin ng diretso sa mga mata nito.

“Sumama ka na, anak. Tama si Attorney Sanchez, masasagot lahat ng mga gumugulo sa isipan mo tungkol sa napagkasunduan ang ama mo sa matalik nitong kaibigan.” Sa halip na sagutin nito ang kanyang katanungan ay ito pa ang nagtutulak na sumama siya sa abogado.

“Sino ang taong nag papasundo sa akin, Attorney?”

“Sorry, hija… sa ngayon ay confidential pa ang tungkol sa detalye ng ‘yan. Makilala mo siya kapag nasa Manila ka na.”

“Pag-iisipan ko muna ng mabuti, Attorney.” Tugon na lamang niya rito.

Nang wala na ang abogado ay hindi siya mapakali sa nalaman niya mula rito. Ilang beses din niyang tinanong ang ina ukol sa nakasaad na ipapakasal siya sa anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama na minsan niya lang nakikita noong bata pa siya.

Naaalala pa niya ang laging sinasabi nito na balang-araw ay babawi ito sa lahat ng pagkukulang nito sa kanya. Hindi man siya pinagkalooban ng maayos na buhay kung sakaling bigla itong maglaho ay may gagawa ng mga iyong sa kanya.

“Ito na kaya ang sinasabi mo, itay? Bakit nga ba bigla mo na lang kami hindi binalikan ni inay? At kahit may ibang pamilya ka sana ay nagawa mo pa rin sana na balikan kami o kahit ako lang sana.” Nagluluhang sabi niya sa sarili.

Dahil sa paglimot ng kanyang ama ay nagkaroon siya ng panlalamig sa mga lalaki, lalo na sa lalaking nagpapahiwatig na may gusto sa kanya.

Hinding-hindi ako iibig sa kahit sinuman mga lalaki at iyon ay sinusumpa ko, lalo na sa mayaman na katulad mo, itay. Piping sigaw ng kanyang isip. Hindi pa rin nawawala ang galit niya sa ama sa hindi pagtupad nito na babalikan siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
interesting ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status