Share

CHAPTER TWO

"Allison nakapag-decision  ka na ba?" tanong ni Attorney  Sanchez ng bumalik  dito para sunduin ang dalaga.

"Eh, Attorney hindi po ako sasama  sa inyo pabalik ng Maynila,"  Ayaw niyang makita ang taong gustong  ipakasal sa kanya. May kalayaan siya  pumili  kung sinuman ang gustuhin niyang mapangasawa balang araw.Kahit sino ay walang karapatan para himasukan ang sariling buhay niya.

"Pero Allison kailangan  mong sumama  sa 'kin. Ikaw na lang ang hinihintay para mabasa ko ang nilalaman ng last will testament ng iyong ama," pagbibigay impormasyon ni Attorney Sanchez. Kailangan niyang maisama si Allison pabalik ng Maynila sa gano'n matupad niya na rin  ang pinapagawa sa kanya  ng  ama  ng dalaga at para  na rin sa ikabubuti ni Allison.

"Ano po ang ibig mong sabihin Attorney?"kinakabahan na tanong niya rito.

"Sorry Allison but you're  father's  was passed away.Isa sa mga habilin niya bago siya namatay ay kailangan maibigay ang mamanahin na para sa'yo.Bilang abogado ng iyong ama nandito ako para tuparin ang huling habilin niya sa'kin. At sana maiintindihan mo rin kung pinipilit kitang sumama pabalik ng Manila," mahabang wika ni Attorney  Sanchez.

"Totoo po ba ang sinasabi mo Attorney?  Wala na ang  ama ko?" sunod-sunod na tanong niya rito. Kusang nagsilandasan ang kanyang mga luha sa pisngi niya. Anak pa rin siya ng kanyang ama hindi pa rin maiiwasan na hindi siya masasaktan sa nalaman niyang pagkawala ng huli. Kaya pala hindi na bumalik dito ang papa niya. Panibagong ribilisasyon na naman natuklasan niya. Ano naman kaya ang sunod?

"Nanay totoo po ba?" baling ni Allison sa kanyang ina na mataman lamang  nakikinig sa usapan nila ng abogado.

"Anak pasensya hindi ko agad nasabi sa'yo. Bago umalis ang papa mo may sakit na siyang cancer. Pero maniwala ka anak sinunod ko lang din ang kagustuhan ng iyong ama na huwag sabihin sa'yo kaagad.Hintayin ang pagsapit mo sa tamang edad at saka sasabihin na sa'yo," naiiyak na sambit ng Ginang.

Pinunasan ni Allison ang kanyang mga luha," Nanay kung  sasama po ako kay Attorney, paano po kayo rito?" nag-alalang sabi ni Allison. Hindi niya yata kayanin na maiiwan dito ang kanyang ina. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapalayo siya rito.

"Huwag kang mag-alala sa akin anak. Nandito naman si Tiboy  na makasama ko rito," si Tiboy na tinutukoy ng Ginang ang binatilyo na pamangkin nito paminsan-minsan ay pumupunta rin dito. "Sumama ka na kay Attorney,  anak," pangungumbinsi pa nito.

"Nanay sigurado po ba kayo na kaya niyong mag-isa dito?" nag-alala ng tanong pa rin ni Allison." Paano ho kung masama pala ang  ugali ng pamilya ni Tatay lalo na po ang asawa niya?" hindi maiiwasan na iniisip ng dalaga at tanong na rin dito.

"Mabait ang asawa ng iyong ama, Allison huwag kang mag-alaala alam niya rin na sinusundo kita rito at tiyak hinihintay ka rin niya."  Anang abogado.

"Mararanasan mo rin ang magandang buhay roon sa Maynila Allison. Kung hindi mo magustuhan doon kahit anong oras ay puwede ka naman umuwi dito sa atin. Kahit hindi mo sinasabi sa 'kin alam kung may hinanakit ka sa ama mo pero anak may dahilan ang ama mo kung bakit niya tayo iniwan noon. Pabigyan mo ang kahilingan ng iyong ama," mahabang  sambitla ng Ginang.

"Kung 'yon po ang gusto ninyo sige po sasama na po ako Nanay," labag man sa kalooban niyang sumama  na lumuwas ng Maynila at iwan ang kanyang ina dito. Subalit  kailangan niya rin  ng kasagutan sa mga katanungan sa kanyang isip. Masasagot lamang mga iyon kung sasama siya kay  Attorney  Sanchez. "Attorney  saglit lang at mag-empaki lang  ako ng mga dadalhin kung gamit," aniya rito at saka tinungo na ang maliit niyang silid. 

Matapos na si Allison sa pag-empaki ng mga gamit na kailangan niyang dalhin saglit pinasadahan  ng tingin ang kabuuan ng maliit niyang silid.

"Nanay aalis na po kami," paalam ni Allison dito sabay yakap sa ina. Sa kauna-unahang pagkakataon ay  mapalayo siya rito.

Gumanti naman ng yakap ang Ginang dito." Sige na anak  tama ng drama ito. Umalis na kayo at medyo mahaba-haba pa ang byahe na lalakbayin ninyo,"  Pagtataboy ni Aling  Lucela sa mga 'to at saka kumalas na siya  ng yakap sa anak. Mabigat man sa kalooban niyang mapahiwalay si Allison pero kailangan ng dalaga umalis at panahon na rin para matikman ang karangyaan  sa buhay na pinagkait  dito sa mahabang panahon.

"Aling Lucela huwag po kayo mag-alala kay Allison hinding-hindi ko siya pababayaan kapag nandoon na siya sa Maynila. Maasahan ho ninyo ako," sabad naman ni Attorney  Sanchez  nagpatiuna na 'to sa loob ng sasakyan.

"Salamat kung ganoon Attorney. Sana maging maayos  ang lahat kapag nandoon na si Allison," sagot naman ng Ginang. Kilala niya na si Attorney Sanchez noon pa man dahil kaibigan rin ito ni Bryce ang ama ni Allison.

"Nanay aalis na po kami," paalam ni Allison dito   sumakay na rin sasakyan.

Habang papalayo ang kotse  sinasakyan ni Allison ay nakasunod naman ang tingin ni Aling Lucela. ' Bryce dumating na ang araw  na sinasabi mo noon sa 'kin sana nga lang matanggap ng ating anak ang kasunduan ninyo ng kaibigan mong ipakasal si Allison sa lalaking napupusuan mo para sa kanya,' naisaloob ng Ginang.Nang  nawala na sa paningin niya ang kotse sinasakyan  ng dalaga bumalik na rin siya sa bahay nilang mag-ina.

AIR BASE CLARK PAMPANGA- malakas na sigawan ang maririnig ng sandaling iyon. Kanya- kanyang cheering  sa manlalaro ng football. Kasulukuyan nasa field si Greyson na naglalaro. Naririnig niya ang sigaw ng mga manonood ng sandaling iyon. Nasa kanya ang bola at nasa mga paa niyan nakasalalay ang maka-abansi ng iskor sa kalaban na team. Sinimulan niya ng pagulungin ang bola gamit ang kanyang mga paa at subrang ingat ang ginawa ni Greyson para hindi maagaw ang bola mula sa kanya.  Matagumpay niyon na i-goal  ang bola sa football net. Dahilan upang mas lalong nagsigawan ang mga manonood sa larong iyon partikular na ang mga fans ng binata.

Sumenyas ang repire na ang ibig sanihin ay time out muna ng pagkatapos ma-i-goal ni Greyson ang bola. Tinungo naman ng binata kung saan nakaupo ang kanyang kupunan at mga kaibigan.

"Congrats bro," nakangiting sabi ni Lester sabay pakikipag-kamay dito.

"Thank you bro," sagot naman ni Greyson at tinanggap ang pakikipag-kamay nito sa kanya. Kumuha siya  ng mineral water na nasa bote at uminom siya ng tubig mula roon   at saka binuhusan ng tubig ang kanyang mukha kahit paano ay nabawasan ang init na nararamdaman niya. Mayamaya ay narinig ng binata ang tunog ng kanyang cellphone. Kinuha naman niya ang aparatong iyon mula sa kanyang backpack.  Kunot-noo niyang tiningnan sa screen ng cellphone at mapagsino ang tumatawag sa kanya. Si Dante ang kanyang driver paminsan-minsan  kapag kailangan niya ng tagapagmaneho.

Pinindot ni Greyson ang answer bottom  ng tawagan para sagutin  ang tawag ni Dante nasa kabilang linya.

"Hello, Dante bakit ka napatawag?" tanong niya agad dito.

"Sir Greyson may problema po dito sa bahay," sagot naman nito na nasa kabilang linya ng tawagan.

Mas lalong kumunot ang noo  ni Greyson sa narinig mula sa kausap. " Anong problema ang sinasabi mo Dante? Nasaan ka ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Greyson dito.

"Sir nandito po ako ngayon sa bahay ninyo at dumating ang mga taga bangko, Sir  kung puwede lang umuwi ka  ngayon dito." Anito.

"Bakit may taga bangko na pumunta? Ano raw ang kailangan nila?"  tanong uli ni Greyson ramdam niya tila balisa ang kausap niya sa kabilang linya ng tawagan. Ang pagkakatanda niya ay wala naman siyang appointment from the bank. Dahilan nagtataka siya na may pumunta sa bahay niya ang  mga iyon.At bakit pinapauwi kaagad siya nito?

"Sir ang sabi ay bininta raw sa kanila ang bahay mo at ang iba pang kagamitan dito at saka 'yong mga sasakyan po ninyo. May mangilan-ilan ng properties  mo ang kinuha ng tauhan ng taga bangko, wala rin po kaming kakayahan para awatin  sila,"  saad pa nito.

Napamura ng lihim sa sarili si Greyson nang narinig at nalaman mula rito. Dali-dali niyang kinuha ang backpack  para makaalis na sa lugar. Kailangan niyang makauwi kaagad bago pa makuha ang  lahat  ng mga ari-arian niya sa kanyang pamamahay.

"Heh, bro saan ka naman pupunta? Hindi pa tapos ang laro," Si Lester napansin nito ang pagmamadali  at mabilis na kilos ni Greyson.

"Pasensya bro kayo na muna ang magpatuloy ng laro. May emergency kasi nangyari sa bahay,"  saad niya rito binigyan ng pilit na ngiti ang kaibigan.

"Emergency sa bahay o emergency sa hospital? May naanakan ka na ba?" nakangising tanong ni Lester.

"Olol! malakas ang protection  ko bro," nakangisi rin na sagot niya."  Alis na ako totoong may emergency nangyayari sa bahay. Bawi nalang ako  sa susunod,"  aniya ipinagpatuloy na ang paghakbang ng kanyang mga paa para makaalis na doon.

Agad tinungo ni Greyson ang parking lot kung saan naka-park ang camry niyang sasakyan. Nang nasa loob na siya  ng  sasakyan ay kaagad niyon in-start ang engine ng kotse. Wala sa sarili na hampas  ng kamay niya ang manibela  ng kotse nang maisip niya kung sino ang may pakana ng lahat na nangyayari.  ' Dad ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito?' tanong nasa kabilang isip niya.

Mabilis ang ginawang pinatakbo ni Greyson sa minamanehong  kotse na animo ay nasa racing car siya ng mga sandaling iyon. Sumasagitsit na rin ang gulong ng kotse sa bilis ng takbo nito.Hindi alintana  ang panganib kung sakali  na mangyari sa kalsada habang siya ay nagmamaneho ng kotse. Kailangan niyang makauwi kaagad bago pa maging huli ang lahat at mapigilan niya ang mga iyon.

"ATTORNEY puwede mag-stop over muna tayo? Nakaramdam ho ako ng tawag ng kalikasan," nahihiyang sabi ni Allison kanina pa siyang ihing-ihi. Pinipigilan niya lang 'yon mula pa kanina subalit hindi niya na matiis kaya no choice siya na sabihin dito.

Saglit siyang sinulyapan ni Attorney  Sanchez," Maghahanap tayo ng  mini-stop or any convenience  store para makagamit ka ng cr," anang butihing abogado  may edad na rin ito na tantiya ay nasa fifty plus na ang edad nito.

"Salamat po Attorney,"kiming sabi ni Allison ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana ng kotse para tingnan ang mga tanawin na dinadaanan nila.

"Allison you can call me Tito. Hindi ko nabanggit kanina na magkaibigan kami ng iyong ama at ang ama ng magiging mapapangasawa mo," saad ni Attorney  Sanchez.

Napalingon naman ang dalaga sa katabi,"  Sige po Tito kung  'yon ang gusto po ninyo, ibig ho ninyo sabihin na kilala niyo rin po ang lalaking gusto ipakasal sa akin ng aking ama?" hindi makapaniwala na tanong ni Allison dito.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng  convenience  store na malapit din sa Gasoline Station. "Pumasok ka sa loob ng convenience store may cr doon," ani Attorney Sanchez, hihintayin na lang kita dito." Sabi pa nito hindi na nagawang sagutin ang katanungan ni Allison kanina lang.

"Sige po saglit lang ako," si Allison  umibis na mula sa loob ng kotse. Pumasok na sa loob nang nasabing  convenience  store nagtanong na rin siya sa stop ng store na'yon kung saan banda ang cr. Pagkatapos niyang magpasalamat dito ay nagpaalam na siya at tinungo ang cr.

MALAKAS na hampas ng kamao ni Greyson sa manibela ng sasakyan ng mapagtanto na malapit ng maubos ang gas ng kotse.  Bakit hindi niya ang naisipan na kailangan niya na pala magpakarga ng gas bago umalis ng Clark Pampanga? 'Kapag inabot ka naman ng malas,huh,'  anas sarili. Kailangan niyang makahanap ng gasoline station dahil kung hindi sigurado maabutan siya ng alanganin sa daan at hindi kaagad makabalik sa Makati.

Mabagal na ang pagpapatakbo ni Greyson ng  kotse na minamaneho niya  sa  wakas nakakita  siya ng gasoline station. Mabuti na lang at hindi siya naubusan ng gas sa alanganin lugar kung nagkataon ay malaking problema pa sana ang iisipin niya. Huminto ang kotse niya ng nasa gasoline station na siya.

"Magandang tanghali sir, "bati nito ng  pinuntahan agad siya ng  lalaki na kung hindi siya magkakamali ay gasoline boy 'to.

"Twenty laters of gas please," aniya saka umibis na siya mula sa loob ng sasakyan. Tinungo ang convenience  store na katabi lamang ng gasoline station na'to doon muna siya magpalipas ng ilang minuto habang hinihintay niyang ma-full tank ng gas ang kotse niya.

Kakalabas lamang ni Allison mula sa comfort  room ng convenience  store. Nakaagaw pansin sa kanya ang cute and hunk hot chinese look alike. Sa kabila nakabusangot ang itsura nito ay hindi pa rin ma itanggi na guwapo at cute ang lalaking nakaupo. Hindi niya na pigilan ang sarili na ilabas ang cellphone  mula sa bulsa ng kanyang jeans at saka kinuhaan ng stolen shot ang lalaking iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status