Share

CHAPTER THREE

Nagsulat na lang si Greyson ng biglang may kumislap ng tumingin siya kung saan nanggaling ang liwanag na 'yon ay nakikita ni Greyson ang dalaga na may hawak itong cellphone. Kung hindi siya nagkakamali ay kinuhaan siya nito ng stolen shot. Kumunot ang noo niya habang tinitingnan niya ang dalaga.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong niya rito. Ngumiti lamang ito at nag-peace sign sa kanya. Mabilis pa sa alas- kuwatro umalis ang babaeng iyon palabas ng convenience store. Sa simpleng pananamit at ayos ng dalagang iyon makikita pa rin ang kakaibang angking kagandahan nito.

Napapailing na lamang si Greyson habang nakasunod ang tingin niya sa dalagang iyon. Hindi naman kasi maiwasan na nakaagaw pansin siya lalo't pagdating sa mga babae, his a looking charming with cutie singkit eyes at matangos na ilong. Dagdagan pa ng adam's apple niya naka dagdag sa sex appeal niya what more kung n*******d pa kaya siya?

Napapitlag si Greyson ngmag-ring at nag-vibrate ang kanyang cell phone. Kinapa nita iyon mula sa bulsa ng pantalon niya. Nakasunod pa rin ang tingin niya kay Allison na mabilis kung lumakad paalis doon. "Sexy, perfect" ang unang pumasok sa isip niya.

"Walang hiya ka Greyson may sexy at perfect ka pang nalalaman," bungad ng nasa kabilang linya. "Hindi ka man lang nag-alala ang bahay mo malapit ng idi-molish at wala ka ng matitirhan," saad ni Markus.

"Kuya naman!" aniya napakamot sa sariling ulo. Tila nasa harap lamang niya ang kapatid. "May nakita lang ako nakaagaw pansin sa akin."

"Nasaan ka ba?" tanong ni Markus.

"Along the way of Marilao Bulacan. Nag-emergency stop over ako sa gasoline station. Naubusan kasi ng gatong ang sasakyan ko," mahabang litanya ni Greyson. Sumenyas ang gasoline boy sa kanya. Ibig sabihin ay full tank na ang sasakyan niya. "Akala ko ba ngayon araw ang alis niyo ni Anne para sa honeymoon ninyo?" tanong niya rito.

"Oh, yeah. Actually we are here at the airport." ani Markus sa kabilang linya.

"Well congrats kuya.Sana makabuo kayo agad and I hope pagbalik niyo rito ay tatlo na kayo. May pamangkin na naman ako," nakatatawang biro ni Greyson dito. Sino ba naman ang mag-aakala na darating din pala na magpapakatino at mag seryoso sa pag-aasawa nito ang the second great playboy ng pamilya Monte Cristo.

"As your requested bro. I'll do my best," sakay ni Markus sa biro niya. " Mag-asawa ka na rin," ganting biro ni Markus sabay halakhak pa nito sa kabilang linya ng cell phone.

"Kuya alam mo naman wala sa plano ko ang pag-aasawa," aniya sabay buntong hininga.

"You like it or not mag-aasawa ka na," ani Markus na lalong tumawa pa. "Paano tapusin muna natin ang pag-uusap. Tinatawagan na ang lahat ng mga pasahero ng eroplano going to Paris," anito tinapos na ang pakikipag-usap kay Greyson.

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Greyson sa sinabing iyon ni Markus. He knows may ibig tumbukin ang kanyang kuya. Sa ayaw at gusto ng kanyang ama ay hinding-hindi mangyayari na magpapakasal na lamang siya ng basta-basta sa babaeng pinagkasundo sa kanya. Pumuti muna ang balahibo ng uwak bago niyang gawin ang kagustuhan nito. Binilisan niya na ang pagpapatakbo ng lexus car na minamaneho niya para sa ganoon ay makarating agad siya sa kanyang bahay.

"ATTORNEY matagal pa ba tayo? maya't maya tanong ni Allyson, nakaramdam na kasi siya ng pagkainip. Kanina pa tumatakbo ang kotseng sinasakyan niya ngunit hindi pa rin sila nakarating sa dapat nilang paroroonan.

"Malapit na tayo Allison. Within ten minutes nandoon na tayo," sagot naman ni Attorney Sanchez.

ILANG minuto lang ang nakalipas sa wakas huminto na rin sa malaking compound ang kotse ni Attorney Sanchez. Tiyak ito na ang bahay ng kanyang ama.

"Nandito na tayo Allison. Sumunod ka sa 'kin," anito nagpatiuna na itong lumakad.

"Opo," sumunod na siya rito.

Natatanaw ni Allison ang tatlong babaeng nakaupo sa malaking sala. Ang isang babae ay medyo may edad na ito. Samantala ang dalawang babae ay halos kasing edad niya lamang. Malalapad ang ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito.

"Welcome home hija," sabi ng babaeng medyo may edad na. Tumayo ito mula sa inuupuan sofa. Nakipagbeso-beso ito sa kanya.

"Salamat po," kiming sagot naman niya.

"Tita Mayra ang itawag mo sa 'kin," pakilala nito sa sarili. "Sila naman ang mga kapatid mo sina Anabelle at Rayna," pakilala nito sa dalawang babaeng halos kaedad niya lamang.

Hindi nga si Allison nagkakamali mga kapatid niya ang mga ito sa ama. Tantiya niya ay ilang taon lamang ang agwat ng edad niya sa dalawang ito. Siya ang nakakatanda sa mga ito. Ayon sa kanyang mama mas naunang magkasintahan ang kanyang mga magulang. Kaya lang ay tinutulan ng mga magulang ng kanyang ama ang pakikipagrelasyon nito sa kanyang ina. Atsaka pinakasal ang ama niya kay Tita Mayra.

"Welcome home ate," sabi ni Rayna nakipagbeso-beso rin ito sa kanya. Kahit nakangiti ito ay makikita pa rin sa hitsura nito ang pagiging plastic at pagiging m*****a.

"Welcome home rin Ate," si Anabelle kagaya ni Rayna ay nakipagbeso-beso rin ito.

"Salamat sa pagtanggap po ninyo sa 'kin dito," Nginitian niya ang mga ito.Nahihiya pa rin siya sa mga ito. Kahit na siya ang panganay na anak ng kanyang ama. Ang mga ito pa rin ang legal na anak dahil ang ina ng mga ito ang pinakasalan ng papa niya.

"Well Mommy, nandito na si Ate Allison. Puwede na ni Attorney Sanchez basahin ang last will testament ni Daddy?" Sabi ni Rayna pinagdidiinan talaga nito ang Ate Allison.

"Oh, well Attorney?" Binalingan ni Tita Mayra, si Attorney Sanches na nakikinig lamang ito sa pinag-uusapan nila.

"Sure, Donya Mayra. Actually dala ko na rin ang mga papel na nilalaman ay ang last will ni Don Briks." Saad ni Attorney Sanchez.

"Doon tayo sa opisina ni Briks. Sumunod kayo sa 'kin," anang Tita Mayra nagpatiuna na itong lumakad. Sumunod naman sila rito.

Magkaharap silang lahat sa pahabang mesa dito sa loob ng office ni Don Briks. Sinimulan na basahin ni Attorney Sanchez ang last will testament ng kanilang ama.

Matapos basahin ni Attorney Sanchez ang mga mamanahin nila Rayna at Anabelle, pati na rin kay Tita Mayra. Bumaling naman ito sa kanya. Ngunitian niya lamang ang abogado.

"Hacienda Javillana na nasa Batangas, Worth of fifty million in cash, fifty percent shares of stocks from ARB Company at ang fifty shares of stocks from Monte Cristo Company ay mapupunta lahat sa panganay kong anak kay Allison. Subalit makukuha lamang niya ang kabuuan mana kapag pinakasalan niya na ang anak ni Cyrel Falcon ang pinakamatalik kong kaibigan." Ito ang nakasaad sa last will testament ng kanyang ama.

"Po?" halos nanlalaki ang mga mata na tanong ni Allison. She's cannot believe this. Binigyan nga siya ng mamanahin ng ama ngunit may condition pa itong kapalit. Totohanan pala ang pagpapakasal niya sa lalaki 'ni minsan ay hindi pa niya nakita.

"Iyon ang nakasaad sa last will ng inyong yumao ama." Si Attorney Sanchez, palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"I can't believe this! It's unfair!" Nanggagalaiting sabi ni Rayna. Tila ayaw maniwala sa mga tagubilin ng kanilang ama. Lalo't sa mga mana na napupunta sa bawat isa sa kanila.

"Yeah! unfair. Bakit mas malaki pa ang mana napunta kay Allison? Anak lang siya ni Daddy sa ibang babae," segunda naman ni Anabelle. Makikita sa hitsura nito ang disappointed.

Masama ang mga tingin pinukol ng dalawa niyang kapatid. Ngunit ano ang magagawa niya kahit siya ay hindi rin sang-ayon sa huling tagu+bilin ng kanilang ama. Lalo't ipapakasal siya sa taong estranghero.

"Mga anak, wala na tayong magagawa dahil iyan ang nakasaad sa

last will ng inyong ama. Okay lang naman." Si Tita Mayra.

"Is not okay Mommy. You know that. It's unfair!" Giit pa rin ni Anabelle.

"Yes, Mommy. Napaka-unfair, paano niya nagawa 'to sa amin ni Ate Anabelle? At kayo Mommy papayag naman?" Si Rayna.

Aba sumusobra na yata ang pagkatabil ng dalawang ito. Hinarap niya sina Anabelle at Rayna.

"For your information. Naunang magkasintahan ang ama natin at ang ina ko. Kung hindi lang nakialam ang mga lolo't lola natin. Im sure ang mga magulang ko ang nagkatuluyan. At kahit balik-baliktarin ako pa rin ang panganay na anak ni Papa. Hindi lang ako basta-basta anak ni Papa sa labas o ibang babae. Hindi rin ako intresado sa mga kayamanan iniwan ni Papa. Mabuhay kami ng ina ko na wala ang mga iyon." Namumula ang mukha ni Allison, dahil sa galit na pilit niyang pinipigilan.

"Attorney wala na po ba kayong sasabihin? Uuwi na po ako sa amin." aniya rito sa abogado.

"May mga dapat pa tayo pag-uusapan Allison. For now magpahinga ka na lang muna." suhestiyon ni Attorney Sanchez.

"Allison, pasensiya ka na sa mga inasal ng mga kapatid mo marahil ay nabigla lamang sila roon na nakasaad sa last will ni Briks." Sabad ni Tita Mayra, humininga ito ng paumanhin sa inasta ng mga anak nito.

Ningitian niya ito."Okay lang naman sa 'kin Tita." Upang mapalagay ang loob nang Ginang. Mukhang mabait naman kasi ito. hindi kagaya ng mga anak nito na may pagka-ipokrita ang mga ugali. Kahit saglit niya pa lang nakilala si Tita Mayra ay nakagaanan niya nang loob.

"That's good," Ani Tita Mayra na tila nakahinga ito ng maluwag.

"Attorney, pakihatid naman po ako sa terminal ng bus pauwi sa probensiya namin." Pakikiusap niya rito.

Tumingin ito kay Tita Mayra. Atsaka bumaling ito sa kanya. "Allison hindi ka pa puwedeng umuwi sa probensiya. May mga mahahalagang bagay ka pang gagawin dito sa Maynila. Gayong alam mo na ang mga nakasaad sa last will testament ng inyong ama." Mahabang litanya ni Attorney Sanchez.

"Next week magsisimula ka na magtrabaho hija. At ipakilala kita sa mga business partners ng ama n'yo." Segunda naman ni Tita Mayra.

"Pero Tita, wala po akinh alam tungkol sa pamamalakad alin man sa negosyo ni Papa." Si Allison.

"Don't worry hija, may makakasama ka at tuturuan ka niya." Nakangiting saad ni Tita Mayra.

"Mommy, kami ang anak mo. Bakit mukhang okay lang sa'yo ang lahat? Mum hindi mo ba questioning ang nakasaad sa last will ni Dad? Atsaka bakit mas priority mo pa ang Allison na 'yan?" Sabi ni Rayna, hindi yata makatiis na makinig lamang sa usapan.

"Rayna, ginagawa ko lang ang kahustuhan ng inyong ama. Malaki ang mga pagkukulang niya sa Ate Allison ninyo. Sa paraan ito sana makabawi ma lang siya sa mga pagkukulang niya. Sana maiintindihan n'yo ni Anabelle ang mga ginagawa namin ng ama n'yo. At sana tanggapin na lang natin nang maluwag sa puso natin ang mga kagustuhan ni Briks. Mas lalong tanggapin ninyo na kapatid ang Ate Allison, ninyo." Mahabang litanya ni Tita Mayra.

"Fine sabi n'yo, eh." Ani Rayna sabay tayo. Atsaka umalis na roon.

"I have to go," Si Anabelle sumunod din ito sa kapatid na umalis.

Pailing-iling naman si Tita Mayra habang nakasunod ang tingin nito room kina Rayna at Anabelle.

"Attorney, ako na ang bahala kay Allison. Ako na lang ang maghahatid roon sa bahay na titirhan niya." Si Tita Mayra.

Tumango naman si Attorney Sanchez, tanda nang pagsang-ayon nito sa sinabing iyon ni Tita Mayra. Nakikinig lamang si Allison sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Mabuti naman may sariling bahay siyang titirhan. Dahil kung dito rin siya titira. Tiyak magiging kalbaryo ang buhay niya dahil sa dalawa niyang kapatid.

SAMANTALA laglag ang mga balikat ni Greyson, nang madatnan niya na halos wala ng natitirang mga kagamitan ang bahay niya. Ang dalawang kotse niya ay wala na rin. Talagang ginawa ni Don Cyrel Falcon ang banta nito alin man sa ari-arian at kayamanan pagmamay-ari nito ay tatanggalan siya nang karapatan.

Kasalanan lahat ito ng babaeng gustong ipapakasal sa kanya. Dahil kung 'di roon. Hindi sana siya maghihirap ngayon. Mayaman din ang kanyang ina ngunit ayaw niyang lumapit doon upang humingi ng tulong. Alam niya sa sarili kapag ginawa niyon ang kapalit ay ang pag-uwi niya nang Korea. At hindi lang 'yon isasalin sa kanya ang pamamalakad ng mga negosyo ng pamilya Chai. Palibhasa nag-iisang apo lang siya. Ayaw niya naman matali ng maaga sa negosyo ng pamilya ng Mommy niya. Naka-base sa Korea. Kapag tinanggap niya iyon tiyak sa Korea na siya mamalagi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status