Share

CHAPTER FOUR

LAGLAG ang mga balikat ni Greyson ng nadatnan niya ang mga tauhan ng taga bangko na isa-isang kinukuha ang mga gamit niya pati sofa ay hindi pinalampas ang mga ito. Ang tanging natitira na lamang sa kanya ang kotse na minamaneho niya.

Hinakbang ni Greyson ang kanyang mga paa upang lisanin na lamang ang lugar. Ano pa ang gagawin niya rito? Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ay narinig niya na tinatawag ang pangalan niya.

"Excuse me,Sir Greyson," tawag nito sa pangalan niya na nagpahinto sa paghakbang ng kanyang mga paa.

Pumihit siya paharap dito."Yes? " tanong ni Greyson.

"Bago ka umalis ibigay mo na sa 'kin 'yung susi ng kotse mo."

"Kotse? You mean 'yung limousine car ko?" Aniya nakakunot-noo sabay turo sa sasakyan na naka park sa hindi kalayuan.

Alanganin itong ngumiti. "Yes, Sir." Sagot nito.

Nagtatagis ang mga bagang ni Greyson habang nakakuyom naman ang mga kamao niya. Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng kaharap niyang tauhan ng taga bangko.

"Sir, mas mabuti po kausapin n'yo na lang si Don Cyril Falcon." Anito ang tinutukoy ay ang sariling ama niya.

"Whatever," sabay hagis ng susi ng kotse rito. Tinaas ang dalawang kamay. Atsaka walang lingon likod na umalis.

"How dare you old man!" Aniya sa sarili na may galit sa ama niya. Tila ayaw niya pa rin makapaniwala na totohanin talaga ng ama niya ang pagbabanta nito. Dahil lang sa isang babaeng ayaw niyang pakakasalan.

Speaking of the devil. Nakailang miss called na si Don Cyrel Falcon Monte Cristo. Bago niya sinagot ang tawag nito. Ngunit hindi naman nagsasalita si Greyson, hinintay niya lang na si Don Cyrel ang unang magsalita na nasa kabilang linya.

"How are you son?" Bungad agad na tanong ni Don Cyrel Falcon nasa kabilang linya.

Hindi mahihimigan ni Greyson ang boses nito. Kung nag-aalala ito para sa kanya o natutuwa ito sa nangyayari sa kanya dahil din sa sariling kagagawan nito.

Tumawa siya nang pagak. "Im good Dad, Im very fine. Actually nagpaparty ako ngayon dahil sa kagagawan mo."

"I told you already. Marry her at ibabalik ko ang lahat na pagmamay-ari mo." Mariin sabi ni Don Cyrel.

"No way!" Matigas naman na sagot ni Greyson. "You called me about that nonsense, it's better to call it an end."

"Greyson... " Hindi natapos nito ang sasabihin ng magsalita ulit si Greyson.

"Old man what if kung ikaw na lang ang magpapakasal sa babaeng 'yon? Anyway you're a certified play boy. Right dad? Ilan ba kami na panganay mo sa iba't ibang babae?" Nang-uuyam na sabi niya.

"Greyson kahit na marami kayong mga anak ko sa iba't ibang babae pero 'ni isa sa inyo hindi ko pinabayaan." Mariin at matigas naman na sagot ni Don Cyrel Falcon.

"Oh, really Dad? So ano pa ang hinihintay mo. Ikaw na lang ang magpapakasal sa babaeng gusto mo na papakasalan ko. But oops... " Sadya niyang binitin ang iba pang sasabihin. "Kapag ginawa mo 'yun tiyak na malalagot ka kay Tita Zyra." Tumawa siya ng mahina. Alam niyang nanggagalaiti na sa galit ang ama niya. But who cares? His deserves anyway!

"Greyson Chai! You better come home right now!" Malakas na boses na sabi ni Don Cyrel.

"No, way." Pagmamatigas na sagot ni Greyson.

"Sinusubukan mo talaga ako! Hindi lang 'yan ang mangyayari sa'yo." Anito sabay pinutol nito ang linya.

"Excuse me Sir," ani ng waiter sabay abot ng credit card niya. "May mali po yata sa credit card n'yo."

"Anong mali?" magkasalubong ang makakapal na kilay na tanong niya."Damn!" Malutong na pagmumura niya walang seremonya kinuha na lamang ang credit card niya mula sa waiter at inabot ang cash dito.

Naka freeze ang lahat na credit cards pati na rin ang mga bank account ni Greyson. Dahil sa kagagawan ni Don Cyrel. Talagang gagawin nito ang lahat upang mahihirapan siya at pumayag na lamang sa kagustuhan nito.

Ngunit kahit ano mangyari ay hinding-hindi niya gawin ang kagustuhan nito. Kung sakaling haharap siya sa dambana at ang babaeng ihaharap niya sa dambana at pangakuan niya ng pagmamahal ay tanging babaeng mamahalin niya sa buong buhay niya ang babaeng kusang tinitibok at sinisigaw ng kanyang puso.

Kung tutuusin madali lang naman para kay Greyson na maibalik ang mga pag-aari niya without his father's wealthy. Mayaman sa South Korea ang kanyang Ina, at nag-iisa lamang siyang apo ng abuelo niya. Ngunit kapag lumapit siya rito tiyak ipagpipilitan ng kanyang abuelo ng koreano pamahalaan ang mga negosyo nito na nasa South Korea. Wala siyang balak na pamahalaan ang mga iyon sa ngayon. Mas gugustuhin niya munang mananatili dito sa Pilipinas. May kailangan pa siyang gagawin rito. Hanggang ngayon hindi pa rin niya natagpuan ang pinapahanap niya sa detective agent na kinuha niya upang hanapin ang taong iyon.

"Ouch! " malakas na boses ng babae. Pagkatapos niyang maramdaman na may kung anong malambot na bumangga sa katawan niya. Iyon din ang dahilan na bumalik siya mula sa malalim na pag-iisip niya.

"Hoy! Lalaki titingnan mo lang ba ako?" Nanggagalaiti ang sabi ni Allison. Nakatingin lamang sa kanya ang lalaki na bumangga sa kanya. Blangko ang expression sa mukha nito.

"Hindi ka kasi tumitingin sa nakasalubong mo," anito ng nakakunot na ang noo.

Aba! Ito pa ang bumangga sa kanya ito pa ang may ganang magsusungit. Teka nga lang. Tumayo si Allison mula sa pagkabagsak niya. Ngunit hindi pa siya tuluyan nakatayo naramdaman niya ang pagkirot sa bandang baywang niya.

"Hoy, Mr ikaw 'tong hindi tumitingin sa makasalubong mo."Naiinis sabi Allison. "Hindi mo lang ba ako tutulungan? Titingnan mo lang ba ako?"

Ngumisi ito sa kanya. 'Eh, 'di tumayo ka mag-isa."

Talaga naman walang modo ang lalaking ito. Sinubukan ulit ni Allison na tumayo mag-isa ngunit naramdaman nya ulit ang pagkirot kaya napangiwi na lamang siya.

Shit!talagang masakit ang balakang niya.

"May masakit ba sa 'yo?" May pag-aalala ng tanong walang modong lalaki. Sabay lahad ng palad nito sa kanya.

Tiningnan ni Allison Ang kamay Ng lalaki na nakalahad.

Tsk! Kahit paano may konsensya rin pala ito. Ngunit alanganin naman si Allison na abutin ang kamay nito. Bigla na lang niya naalala ang lalaking kinuhaan niya ng stolen shot

Hindi siya magkakamali ito 'yung lalaki kinuhaan niya ng stolen shot. Lihim naman napangiwi si Allison hindi sa sakit o kirot ng baywang niya kung 'di sa ano ang gagawin ng lalaking ito sa kanya kapag nakilala siya. Subalit mukhang hindi naman siya naalala nito.

"Miss," untag ni Greyson. Sa babaeng nakabanggaan niya. Kani-kanina lang sobrang mataray ito an akala eh,parang tigre na umaangil sa katarayan nito.

Pero ngayon tila naengkanto na ang itsura nito habang nakatingin sa kanya. Tumikhim si Greyson upang kunin ang presensya ng babaeng ito.

"Alam ko na napakagwapo ko pero kung wala ka naman balak na tumayo at ayaw mo tanggapin ang tulong ko. Aalis na lang ako."

"Hah, " anang babae na nakatingin pa rin sa mukha niya.

"Hah? Iyan lang ba ang sasabihin mo? Kani-kanina lang para kang sirang plaka. Ngayon naman parang pinutulan ka ng dila."

"Hoy, Mr umalis ka na lang. Kayang-kaya ko ng tumayo mag-isa." Pagtataboy ni Allison.

"Talaga lang hah."

"Oo,kaya umalis ka na lang. Hindi ko na kailangan ang tulong mo." Si Allison. Sinubukan uli ang tumayo. Pero masakit talaga. Never mind, never mind. Tinangka niya ulit tumayo mag-isa.

"See..." Si Greyson na yumukod sabay buhat sa kay Allison.

Nagpupumiglas naman si Allison. Nang maramdaman na lamang niya na umangat ang katawan niya.

"Bitawan mo nga ako. Manyak, bastos." Nagpupumiglas si Allison mula sa mga matitigas na braso ni Greyson.Ngunit kasing tigas yata ng bakal ang mga braso nito na hindi man lang natinag sa pagkapulopot sa katawan niya.

"Stop it, miss tinitingnan na tayo ng mga tao na dumaan dito." Si Greyson nilapit ang mukha sa mukha ni Allison. "One move at pagsisihan mo." Nakangiti pa na sabi ni Greyson.

Naaamoy niya ang mabangong hininga ng lalaki na katulad iyon sa mint.Bigla ay naramdaman niya na tila may mga daga na nagrarambulan sa loob ng dibdib niya.

Kalma self. pampakalma niya sa kanyang sarili. Hindi siya pwede magpaapekto sa lalaking ito.

"Jerk!" Sinalubong naman ni Allison ang mga titig nito.

Sa halip na sumagot ay tumawa na lamang si Greyson. Tawa na tila katulad sa musika sa pandinig ni Allison.

"Here" anito. Nakaupo na sila parihas sa sementadong upuan.

Walang babala na hinawakan siya ni Greyson sa likod niya tsaka may pinisil ito sa spinal cord niya. "Just relax and inhale exhale."

Namilipit naman siya ng sobrang sakit. Ngunit saglit lang iyon. Mayamaya ay naramdaman niya na medyo naging okay na ang pakiramdam niya.

"Bastos ka talaga. Anong ginagawa mo?"

"I said inhale exhale." Nakasalubong ang makapal na kilay ni Grwyson. "Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa ang maraming reklamo."

"Kung hindi dahil sa'yo. Hindi rin sana ako mabangga at higit sa lahat walang masakit sana sa katawan ko." Naniningkit ang mata ni Allison n binalingan ang lalaki na kahit pangalan ay hindi niya kilala.

Ayaw niya na naman magtanong at baka iisipin ng kumag na ito na may gusto siya rito.

Ngumisi ito. "Whatever. Iba ang kabastusan meron ako." Tumingin ito sa mga labi niya.

Hindi naman alam ni Allison kung ano ang gagawin niya ng sandaling iyon.Kaya mas minabuti na lamang niyang gawin ang pinapagawa nito sa kanya.

Sinunod naman ni Allison ang sinabi ni Greyson. Nararamdaman niya na paunti-unti nawawala ang kirot na nararamdaman niya kanina.

"See, " ani Greyson na nakangiti. "Siguro naman pwede na kita iiwanan dito." Tumayo na ito at hinakbang ang mga paa.

"Wait," Si Allison.

"Yes? " nakakunot-noo na tanong ni Greyson.

Tipid na ngumiti si Allison."Thank you."

Tumango lamang ito. Tuluyan nang umalis.

"LEX, any news about Nene?" Tanong agad ni Greyson nang sagutin ni Lex ang tawag niya nasa kabilang linya.

"Im sorry Greyson, negative pa rin." Sagot ni Lex.

"Please huwag kang tumigil sa paghahanap kay Nene. Magbabayad ako kahit magkano basta matagpuan mo lang siya."

"But Greyson..." Hindi natapos ang sasabihin ni Lex.

"I'm still hoping na mahahanap din si Nene." Si Greyson na punong-puno ng pag-asa at determinasyon ang boses.

Kahit kailan hindi siya nawawalan ng pag-asa. He's hoping na mahahanap rin si Nene. At matupad niya ang ipinangako niya twenty one years ago.

Napapangiti siya ng maalaala ang nakaraan. And the memories came back to him like a bolt of lightning.

"Hoy! Bata anong ginagawa mo riyan?" Tanong ng boses ng batang babae.

Dahilan na nabubuhay ang pag-asa ni Greyson. Buong akala niya ay tuluyan na siyang mahuhulog sa mataas na bangin. Nangangawit na rin ang mga kamay niya na humahawak sa ugat ng malaking puno ng kahoy. Ngunit ano man sandali ay pwede siyang mahuhulog mula sa kinakapitan niya.

"Please help me." Si Greyson sa malakas na boses.

"Bakit ka napunta diyan?" Inosenteng tanong ng batang babae.

"Help me first, please. Later na kita sasagutin. " Nakangiwing sagot ni Greyson. "Anong gagawin mo?Nagtatakang tanong ni Greyson. Nang makita niya na hinubad nito ang tsinelas na suot nito.

"Sabi mo tutulungan kita. Kaya tutulungan kita."

"Ano nga ang gagawin mo?" Tanong uli ni Greyson. Nakita niyang pinulupot ng batang babae ang kanang braso nito sa 'di kalakihan ng punong kahoy.

"Humawak ka sa kamay ko bata." Sabi ng batang babae.

"Wow! Your so brave!" namamanghang sabi ni Greyson habang tinitiningnan ang patpatin na mga braso ng batang babae.

Iyon nga ang ginawa ni Greyson. Ngunit alam niyang mas mabigat siya kaysa batang babae. Kaya ginamit niya ang mga paa at dahan-dahan umakyat.

"Huwag mo akong hilahin pababa. Ayoko pa mamatay."Inosenteng sabi ng batang babae.

"Mas ayoko rin mamatay no." Si Greyson napangiti ng lihim sa kabila Ng sitwasyon nila.

"Thank you so much." Abot-abot ang pasasalamat ni Greyson dito. Kapwa na sila nakahiga sa damuhan at parehas hinahabol ang hininga. "Buong akala ko mamatay na ako."

"Bakit ka kasi pumunta dito? Nasaan Ang bahay mo?"

"Malayo ang bahay namin." Sagot ni Greyson.

"Bakit nandito ka nga?" Tanong uli ng batang babae.

"You know ang daldal mo at ang dami mong tanong." Natatawang saad ni Greyson. "Anong pangalan mo? Ako nga pala si Grey... "

"Nene! " Naririnig nilang tawag ng boses babae.

Bumangon sa pagkkahigansa damuhan ang batang babae."Hala, tawag na ako ng mama ko. Diyan ka na." Tumatakbo itong paalis.

"Wait, " awat ni Greyson. Tumigil naman Ang batang babae sa pagtatakbo nito atsakalumingon ito sa kanya.

"Bakit?"

"Balang araw hahanapin kita. At kapag parehas na tayo nasa tamang edad,pakakasalan kita." Deklara ni Greyson.

Hindi sumagot ang batang babae, sa halip tumango lamang ito. Atsaka tumatakbong paalis sa lugar.

Naiwan na naman si Greyson habang nakasunod ang tingin niya sa batang babaeng tumatakbo. "Promise Nene, tutuparin ko ang sinabi ko sa'yo."

It was ended. Iyon ang una't huling pagkikita nila ng batang babae na tumulong sa kanya. Kahit ang totoong pangalan ng batang babae ay hindi niya alam. Gayon pa man nakahanda siyang totohanin niya ang ipinangako.

Simula noon tumulak silang mag-ina patungong Korea. Sinama na siya ng Mommy niya at sa Korea niya na ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nang matapos na si Greyson sa pag-aaral hanggang college ay napag desisyunan niyang bumalik ng Pilipinas.Sinimulan niya ng hanapin si Nene. Nag-hired siya ng detective agent upang sa gayon madaling matatagpuan si Nene. Subalit ilang taon na ang nakalipas wala pa rin balita tungkol dito. Ilang beses na rin siya pabalik-balik sa lugar kung saan sila unang nagkita. Umaasa na matatagpuan niyang muli si Nene. Pero hindi talaga binigay ng pagkakataon. Paunti-unti na rin nawawalan ng pag-asa si Greyson na muli silang magkikita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status