Share

Chapter six

KAAGAD umibis mula sa loob ng sasakyan si Allison ng nakarating na sila rito sa mansion ng mga Suarez.Bitbit ang mga paper bag na ang laman ay mga damit na pinamili ni Tita Myra para sa kanya.

"Allison."

Napahinto si Allison sa paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang pagtawag ni Tita Myra sa pangalan niya.Pumihit siya paharap dito.

"Yes,Tita."

"This is for you,"ani Tita Myra may inabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

"Para po sa akin?" Nakakunot-noo tanong niya na nakatingin sa car key.

"Yeah,it's for you.Kailangan mo ng sasakyan kapag nagtatrabaho ka na."

"Pwede naman ako mag-commute, Tita."

"Mahirap ang mag-commute,Allison.Atsaka talaga para ito sa'yo."

"Pero Tita…"

"No buts…Just take it,okay."Nakangiti sabi ni Tita Myra."That car is yours," sabay turo nito sa kulay puti na BMW.

"Thank you,Tita."

"Your welcome,hija.Marunong ka naman mag-drive ng sasakyan di ba?"

"Yes po."

"That's great. Kunin mo na itong susi at anytime magpasama ka kay Mang Dan para mai-guide ka niya."

Masyado na siyang speechless sa sobrang kabaitan ng madrasta niya.

"Again,thank you."

"Pasok na tayo,"yakag ni Tita Myra na nagpatiuna ng pumasok sa loob ng mansion.

"Palagi ka mag-iingat kapag nagmaneho ng sasakyan."

"I will,Tita."Bumontong-hininga siya."Sa totoo lang naninibago ako sa mga nangyayari sa buhay ko."

Mahina natawa si Tita Myra."Masasanay ka rin."

Magkaagapay na pumasok sila Allison at Tita Myra. Nadatnan nila na printing nakaupo sa leather couch dito sa sala sina Annabelle at Rayna na parehas nanonood ng palabas doon sa tv. Halatang inaabangan ang pagdating nila.

"So,it's confirmed na magkasama nga kayo nag shopping,Mommy?" Tanong ni Annabelle sa ina nito.

"Sinamahan ko lang na mamili ng mga bagong damit niya ang ate Allison n'yo."

"Bakit mo ba sinasayang ang pera mo sa bastarda ni Daddy?" Walang pakundangan sabi ni Rayna.

"Annabelle,Rayna, anak din ng Daddy n'yo si Allison and please respect her."

"No way!" giit sabi ni Rayna.

"Gaano ba kahirap na tanggapin na kapatid n'yo rin si Allison." Halata sa itsura ng Ginang na nagtitimpi lang ito.

"Bat ba kinakampihan mo ang bastarda na 'yan? Mommy." wika ni Annabelle na sambakol ang itsura nito.

Relax,allison.Pampakalma naman ni Allison sa kanyang sarili. Nakikinig lamang siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Kung makapagsalita ang dalawang kapatid niya na mga m*****a parang wala siya dito at naging invisible.

"Wala akong kinakampihan sa inyo.Ang sa akin lang respect her at tanggapin n'yo na kapatid n'yo rin si Allison.

"Fine!"halata sa boses nj Rayna ang pagka disgusto.

"Gusto ko ng magpahinga,"ani Tita Myra."Allison magpahinga ka na rin.Around 6 o'clock ihatid ka ni Mang Dan sa mansion ng mga Monte Cristo."

"Noted,Tita."

Umalis na rin si Tita Myra at pumasok sa kwarto nito. Naiwan silang tatlo rito sa sala.Hinakbang na rin ni Allison ang kanyang mga paa patungo roon sa sariling kwarto niya. Ngunit naka isang hakbang pa lang siya ay napanhinto siya ng maramdaman niya na mahigpit na hinawakan ni Rayna ang kanan braso niya.

"Huwag ka nga bastos.Hindi pa tayo tapos," naniningkit ang mga mata sabi ni Annabelle.

"Pwede ba Annabelle,bitawan mo ang braso ko at nasasaktan ako,"napangiwi sabi ni Allison.Pilit siya nagpupumiglas mula rito.

"You're not welcome here,sampid ka lang sa pamilya namin,"giit sabi ni Annabelle.

Bigla kumulo ang dugo ni Allison at bumalintong hangga 360 degrees at umakyat iyon hanggang sa ulo niya.Talagang ayaw siya titigilan ng dalawang impakta niyang kapatid.

Talagang papatulan niya na ang dakawang ito. Huminga siya ng malalim at buong tapang na hinarap si Annabelle.

"Sorry not to be sorry.But I want to remind you that I'm Dad's daughter too. At kung ano ang pagmamay-ari ni Dad,pagmamay-ari ko rin. Dad's owned this mansion so either you like it or not dito ako titira."Mahina ngunit mariin sabi ni Allison.

"Ang kapal din ng mukha mo,noh!" nanggagalaiti sabi ni Rayna.

"Parehas lang tayong anak ni Don Bricks,"nakangiti sabi ni Allison para mas lalong inisin ang dalawang impaktita."Duda nga ako kung talagang anak kayo ni Dad at Tita Myra,eh ang sama ng ugali n'yong dalawa."

"How dare you say that!,"akmang sasampaljn siya nj Annabelle.Ngunit nabitin sa ere ang kamay nito.

"Sige,sampalin mo ako at magkaalaman tayo,"palaban din sabi ni Allison.

Ubod lakas niya tinulak si Annabelle dahilan nabitawan nito ang braso niya mula sa mahigpit na paghawak nito.

Nawalan ng balansi si Annabelle dahilan bumagsak ito sa marmol na sahig.

"Ouch!How dare you,Allison."

"Kakasabi mo lang 'yan."

"Isusumbong kita kay Mommy."

Nginisihan niya si Annabelle para mas lalong inisin."Para kang bata. Gusto mo samahan pa kita para magsumbong."

Tinalikuran niya ang dalawang kapatid niya na parehas na m*****a.

Nasa loob na siya ng kwarto niya si Allison,kaagad niya sinara ang dahon ng pinto at padlock iyon. Itinabi niya sa isang sulok ang mga paper bag na bitbit niya.

Pagkatapos ay padaosdos na naupo si Allison sa gilid ng kama.Tumingala siya roon sa kisame. Tila ba roon niya makikita ang mga sagot sa katanungan niya sa kanyang isip.

Kahit siya ay alam niya sa kanyang sarili kung tatagal pa siya sa mansion na 'to. Kung hanggang kailan niya matiis ang ugali ng dalawang kapatid niya.

Hindi rin naman siya interesado sa mga mamanahin niya. Noon yun ngunit ngayon umiba na ang kanyang isip. Kukunin niya ang kanyang mamanahin kaysa mapunta pa sa dalawang impaktita.

Malaking katanungan din sa kanya kung sino ang lalaking gusto ng ama niya na papakasalan niya.

Around 6 o'clock dumating si Allison sa mansion ng mga Monte Cristo. Halos malaglag ang panga ni Allison ng makita niya ang karangyaan ng Monte Cristo.Talagang mayaman ang nakatira dito.

"Welcome home,hija," nagagalak na sinalubong siya ni Tita Zairah.

"Late na ba ako,Tita Zai?"

"Hindi naman,actually kakatapos ko lang din magluto."

Pasimpleng inikot ni Allison ang paningin niya."Si Tito Cyril po?" Hindi makatiis na tanong ni Allison.Hindi niya pa kasi nakita si Don Cyril Falcon simula ng dumating siya.

"Nandoon sa second floor nasa opisina niya.Masyado kasing workaholic 'yang Tito Cyril mo."Nakangiti sabi ni Tita Zairah.

"Hi,Tita Zai,"ani ng baritonong boses ng lalaki.

Dahilan dahan-dahan lumingon si Allison sa bandang likod niya.

Napaawang ang mga labi ni Allison ng makita ang babaeng kasama ng lalaki.

"Allison!"

"Anne,"halos magkasabay sambitla nilang dalawa na parehas pa nagkagulatan ng makita ang isa't isa dito sa mansion.

"Do you know each other?"Hindi makatiis tanong ni Tita Zairah na palipat-lipat ng tingin nito sa kanila Allison at Anne.

"Yes Tita,Bestfriends kami ni Allison." nakangiti sabi naman ni Anne.

"Small world,"komento ni Tita Zairah.

Dating classmates at naging matalik na nagkaibigan sina Allison at Anne. Nagkalayo lang sila ng lumuwas ng Maynila si Anne para maghanap ng trabaho. Inimbitahan din siya ni Anne sa kasal nito pero hindi siya nakapunta.

"I didn't expect na dito tayo magkikita ulit.Kumusta ka na?" Tanong ni Anne na niyakap pa si Allison.

Tumikhim ang lalaking kasama ni Anne."Love,hindi mo man lang ba ako ipakilala?"

Tabingi ngumiti si Anne."Gurl,si Markus ang asawa ko."

"Nice to meet you,Markus." Nakangiti sabi ni Allison.

"Atlast na meet din kita,Allison.Palagi ka kasing bukang bibig ni Anne." Nakangiti rin sabi ni Markus.

"Nagtataka lang ako, bat hindi mo man lang sinabi sa akin na magkakilala kayo ni Tita Zairah?"Pangungulit sabi ni Anne.

"I invited here,"boses iyon ni Don Cyril Falcon. Hindi man lang nila namalayan na bumaba na pala ito rito sa sala.

"Si Allison ang anak ni Bricks."Dagdag sabi ni Don Cyril.

Napasinghap ng malakas si Markus."You mean,Dad…"Hindi natuloy ni Markus ang ibang sasabihin ng muling nagsalita ang Don.

"Yes,Markus."

Makahulogan nagkatinginan sina Don Cyril at Markus. Atsaka mahina na tumatawa.

"Sabi ko na nga ba eh,mayaman ka."Ani Anne.

"Ang tatay ko lang ang mayaman,Anne."Tila silang dalawa lang ni Anne ang tao rito at ng-uusap.

"Mayaman ka na rin." sabi ni Anne.

"Hindi pa rin,nakaloka nga eh. Imagine gusto akong ipakasal ng tatay ko sa lalaki na hindi ko pa nakilala."

Bigla natahimik ang mga ito sa sinabi ni Allison.

"May nasabi ba ako na hindi tama?"nakangiwi wika ni Allison.

Tumikhim si Markus."Wala naman."

"Hello,everyone. Late na ba ako?" sabi ng lalaki na kakarating lang nito.

Halos malaglag ang panga ni Allison nakatingin sa gwapong mukha ng lalaki. Mistiso ang itsura ng lalaki at dng tangos ng ilong nito. Walang kapintas-pintas ang kagwapohan taglay nito.

"Kuya Ed, anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo but naligaw ka yata?"Nakangisi turan ni Markus.

"Kakauwi ko lang from business trip."

"Talagang business trip,Kuya?"Nakangisi turan ni Markus.

"Gago,mabait kaya ako."Depensa nito."Atsaka na miss ko lang ang luto ni Tita Zairah," nakangiti naman sabi ni Cyril Edmund.

"Anyway who's this beautiful lady?" Nakangiti pa rin sabi ni Cyril Edmund na nakatingin sa kay Allison.

"She's Allison,anak ni Bricks,"sabi naman ni Don Cyril.

"Hello,beautiful lady,"ani Cyril Edmund na lumapit sa kay Allison. "Nice meeting you,"nilahad nito ang kamay para makipag shake hands.

Tinanggap naman ni Allison ang pakipagkamay ni Cyril Edmund."Nice to meet you too."

Nagulat na lang si Allison ng bahagya yumuko si Cyril Edmund at hinalikan ang likod ng palad niya.

"Cyril Edmund Monte Cristo!"May pagbabanta sa boses sabi ni Don Cyril.

"What,Dad?"Inosenteng sabi naman ni Cyril Edmund.

"Behave ka raw Kuya,"nakangisi turan ni Markus.

"Markus,tinawagan mo na ba si Greyson,? Siya na lang ang hinihintay ng makapaghain na ng hapunan." Baling ni Din Cyril sa kay Markus.

"Ilang beses ko na tinatawagan pero naka out of coverage ang mobile phone niya."

"Bat pa natin hintayin ang hindi darating."Sabi naman ni Cyril Edmund.

"Talagang sinusubukan ni Greyson ang pasensya ko." mariin sabi ni Don Cyril.

"Dad bat hindi mo na lang hayaan si Greyson." sabi naman ni Markus.

SAMANTALA pasado alas-syete ng gabi ng nasa opisina pa rin niya si Greyson. Talagang sinadya niya na mag-over time. Nasa itaas lang naman ng building na 'to ang painthouse niya.

Binitawan niya ang hawak na ballpen. Atsaka hinilot ang likod ng kanyang leeg. Pagkatapos ay inunat niya naman sa bandang ulo niya ang mahahabang mga braso niya.

Tumayo siya sa swivel chair na inupuan niya. Lalabas siya ng building para bumili ng pagkain at beer.

Sa halip na bibili ng pagkain ay ang daan papuntang mansion ang binabagtas kotse minamaneho niya.

Nakarating na siya malapit sa mansion ay hininto niya ang kotse na hiniram niya pa sa Kuya Ed niya. Lumabas si Greyson mula sa loob ng sasakyan. Atsaka sumandal sa hood ng kotse habang nakatanaw roon sa mansion nila.

Hindi niya maintindihan kung ba't pa siya nagpunta dito. Wala rin naman siyang balak na pumasok sa loob at magpakita sa mga tao roon at higit sa lahat sa Daddy niya.

"Greyson."

"Kuya Ed, umuwi ka rin pala." Aniya ng nakalapit ng tuluyan dito ang kapatid niya.

"Hindi ka ba papasok sa loob? Hinihintay ka nila sa loob."

"Nah,huwag na Kuya."

"Nasabi sa akin ni Markus na nandiyan na sa loob ng mansion ang bride to be mo,"nakangisi turan ni Cyril Edmund.

"Ang babaeng dahilan kung bakit ako ginigipit ni Dad."tiim bagang sabi niya.

"Kung ako sa'yo pumasok ka na lang sa loob at ng makilala mo na siya."

"No way!Kuya,"mariin tanggi agad ni Greyson.

"Kung hindi ka man lang pumasok sa loob ng mansion at ayaw mo magpakita sa kanila. Bakit ka nandito?"

Kahit si Greyson ay bigla na rin napaisip. Bakit nga ba siya nandito? Basta ang alam niya ay basta-basta na lang siya dinala ng kanyang mga paa.

"Saan ka na pupunta?"Tanong ni Cyril Edmund nakasunod ang tingin sa likod ni Greyson.

Pumihit paharap dito si Greyson."Uuwi na sa painthouse ko."

"Talagang ayaw mo pumasok sa loob ng mansion? Maliban sa bride to be mo,nandoon din sina Markus at Anne.",

Alam niya na nakumbinsi lang siya ng Kuya Cyril Edmund. Pero masyadong nagmamatigas si Greyson.

"Ikaw na lang."

"Sigurado ka?"

"Gago ang kulit mo!" Nakangisi sabi ni Greyson.

"Gago kaya ka nga ginigipit ni Dad dahil sa pamamatigas mo."Nakangisi rin turan ni Cyril Edmund.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status