Share

CHAPTER FIVE

NAKASUNOD ang tingin ni Allison sa likod ng lalaking naglalakad paalis. Hindi niya maitatanggi sa sarili na gwapo ang lalaking iyon kaso nga lang masyadong antipatiko.

Kinapa niya ang sariling dibdib. Normal na ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi katulad kanina na nagri rigodon sa lakas ng pagtibok niyon ng kasama niya pa ang lalaki. Hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya,sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya na hindi niya kayang ipaliwanag.

Napamulagat siya ng maramdaman niya nag vibrate ang cellphone niya na nakalagay sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang aparato at tiningnan kung sino ang tumatawag.Pangalan ni Tita Myra ang naka registered sa caller ID.

"Tita,"bungad niya ng sagutin ang tawag nito.

"Allison,where are you?"tanong ni Tita Myra."Kanina pa kita hinihintay."

Lihim siya napangiwi. Iniwan niya si Tita Myra sa boutique kanina ng magpaalam siya na pupunta roon sa public toilet ng nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. At dahil sa lalaking antipatiko ay nakalimutan niya na naghihintay si Tita Myra. Pabalik na sana siya kanina sa boutique ng nakabanggaan niya ang lalaking iyon.

"Tita sorry,"tanging nasabi niya. "pabalik na po ako diyan."

"Allison, no need. Actually nakita na kita. Look at your right side."

Tumingin nga siya sa kanang bahagi niya at nakikita niya si Tita Myra na bitbit ang mga paper bag na tiyak ang mga laman niyon ay ang mga damit na pinamili nito para sa kanya.

Sinubukan niya tumayo pero di pa siya nakatayo ng tuwid ay nararamdaman niya na medyo kumikirot pa rin ang balakang niya.

Letse!mukha napilayan yata siya at kasalanan ng lalaking iyon.

"Are you okay?"Tanong ni Tita Myra ng nakalapit na ito ng tuluyan.

"Yes,Tita.Okay lang ako,medyo masakit lang itong balakang ko."

"Ano ba nangyari sayo?"

"Accidentally my nakabanggaan po ako."

"You need to see the doctor? Para makasigurado tayo na wala kang bone fractured."

Lihim na napangiwi si Allison.Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Simpleng sakit lang ng balakang kailangan ng patingnan sa doctor.

"Tita,Okay lang po ako kaya no worries po,"sinubukan uli ni Allison na tumayo ng tuwid atsaka pakiramdaman ang kanyang sarili.

Nakahinga siya ng maluwag ng hindi niya na naramdaman ang konting kirot sa bandang balakang niya.

"See,okay na ako Tita,"nakangiti sabi ni Allison.Ayaw niya rin na mag-alala para sa kanya ang Ginang.

"That's good."Nakangiti sabi ni Tita Myra."Anyway nagugutom na ako and I'm sure ikaw rin."

"Medyo po."

"Saan mo gustong kumain hija?"

"Ikaw na po ang mag decide Tita."

"Let's go,"yakag ni Tita Myra.

"Ako na ang magdala ng mga paper bag,Tita."Kinuha niya ang mga paper bag na bitbit na binigay naman nito sa kanya.

Papasok na sila sa mamahalin restaurant.Sigurado si Allison na pawang mga mayayaman ang kumakain dito.Makikita naman kasi sa mga itsura at pananamit ng mga taong kumakain sa loob ng restaurant.

"Myra,"tawag ng babaeng may edad na rin ngunit hindi maitatanggi ang kagandagan taglay nito at masyadong sophisticated. Halos magkasing edad lang ang mga ito ng madrasta niya.

"Zairah," nakangiti sabi ni Tita Myra ng makita nito ang babaeng tumatawag sa pangalan nito.

"How are you?"nakipag beso-beso ito ng nakalapit ng tuluyan dito.

Nakamasid lamang si Allison sa dalawang Ginang na nag kamustahan sa isa't isa.

"Ito busy sa buhay,alam mo naman na maraming iniwan si Bricks na kailangan ko pang ayusin."

"You're a strong woman,Myra and I know malalagpasan mo rin 'yan," nakangiti sabi ng Ginang.

"Thanks s Zai for believing in me." Nakangiti sabi ni Tita Myra. "Anyway, how are you?It's been a long time…"

"Yeah,ito katulad mo busy rin. Alam mo naman 'yang asawa ko,hindi namamalagi sa isang lugar lang. And ofcourse kasama rin ako kung saan siya pumunta," mahinang natatawa sabi ni Zairah.

"Anyway, who's this young and beautiful lady besides you?"nakangiti nakatingin si Tita Zairah sa kay Allison na kanina pa nakikinig sa usapan ng dalawang Ginang.

"She's Allison,Brick's eldest daughter."Pakilala ni Tita Myra sa kay Allison. Binalingan nito si Allison."Hija,siya naman ang Tita Zairah mo."

Kiming ngumiti si Allison."Hello po Tita Zairah."

"Finally,I meet you hija."

Medyo nagulat pa si Allison ng yakapin siya ni Tita Zairah.

Narinig ni Allison na may boses lalaki na tumikhim sa bandang tabi niya.

"Mukhang nahuhuli na yata ako."Anas ng lalaki."Hey,Mayra it's been a long time."

"Yeah,it's been a long time, Cyril." sabi ni Tita Myra.

Tumawa ng mahina ang lalaki."I have a lot of business to attend to. Anyway si Allison na ba ito?"

Pamilyar sa kay Allison ang lalaking ito. Hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya nakita.

"Yeah,she is."Ani Tita Myra."Allison,siya ang Tito Cyril mo."

"Hi,Tito, nice to meet you,"nakangiti sabi ni Allison.

"I'm your dad's best friend."Saad ni Tito Cyril."Masaya ako na makita kita ulit hija."

Confirmed.Minsan niya na meet si Tito Cyril.

"Sayang at paalis na rin kami," sabi ni Tita Zairah.

"What about dinner later at my home?"sabi ni Tito Cyril na palipat-lipat ang tingin nito kay Allison at Tita Myra.

"Sorry Cyril but I can't.I have some important things to attend to.May be si Allison na lang."

"Okay lang ba sayo hija?" Tanong ni Tita Zairah na hinawakan pa sa isang kamay si Allison.

"Sige po,okay lang naman sa 'kin."

"Good,"palatak na sabi ni Tito Cyril."I'll assure you na masarap magluto itong si Tita Zairah mo."

"Ipahatid ko na lang si Allison sa driver," sabi ni Tita Myra.

"So paano,mauna na kami."Paalam ni Tito Cyril."See you later, hija."

"Myra,mauna na kami,"sabi rin ni Tita Zairah."See you later,hija." Nakangiti baling ng Ginang sa kay Allison.

"See you po."

Nakaalis na ang mag-asawang Don Cyril Falcon at ang kabiyak nitong si Zairah.Kaagad na rin sila um-order ng pagkain.

"Itong restaurant,isa sa paboritong puntahan ng Daddy mo noong nabubuhay pa siya."Malungkot na sabi ni Tita Myra."Kung buhay pa ang Daddy mo,tiyak matutuwa iyon na kasama ka niya dito."

"Tita bakit napakabait mo sa 'kin?" Hindi maiwasan tanong ni Allison.Samantala ang dalawang kapatid niya ay mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Paano ba naman parehas na impakta ang mga ugali.

Ngumiti si Tita Myra."Because you're Brick's daughter at alam ko na malaki ang pagkukulang ni Bricks sa inyo ng Mommy mo lalo na sa'yo Allison."

"Huwag na lang natin pag-usapan yun Tita.Naiintindihan ko naman kung bakit nagawa ni Daddy yun."

"Alam mo katulad na katulad ka ng Daddy mo,pareho kayo na malaki ang pag-unawa."

"Tita,curious lang ako.Ano ba ang nangyari kay Daddy bat biglaan yata ang pagkawala niya."Hindi maiiwasan ni Allison na di malungkot sa tuwing iniisip ang kanyang ama.

"I'm sorry,hija.Noong mga panahon na hindi na nakabalik sa inyo si Bricks.Pabalik-balik na kami ng hospital hanggang sa dinala na namin siya ng Amerika para doon ipagamot at mag chemotherapy. Hanggang sa tuluyan ng bumigay ang katawan niya."

"Ano po ba ang sakit ni Daddy? Natatandaan ko pa ang huling dalaw niya sa amin ay malakas pa naman siya at mukhang walang sakit."

"Brain tumor. Im sorry kung hindi na namin nagawa na ipaalam kaagad sa inyo ang nangyari kay Bricks." Hinging paumanhin ni Tita Myra.

"Kumain na lang po tayo,"aniya ng dumating na ang pagkain na order nila.

SAMANTALA laglag ang mga balikat ni Greyson na bumalik sa publishing house.

"Sir Greyson,nasa lamesa mo na ang mga documents na kailangan mong pirmahan." Sabi ni Rose ng dumaan siya sa lamesa ng secretary niya. Tanging tango lang ang sagot niya.

Matagal niya na rin secretary si Rose,kaya kilalang-kilala na siya ng secretary niya.

"Hindi ka ba naka score sa ka date mo at mukhang pasan mo ang mundo,Sir?" Komento ni Rose na hindi nakaligtas sa pandinig niya.

Huminto si Greyson sa paghakbang ng kanyang mga paa atsaka pumihit paharap sa secretary niya.

"Wala akong ka date."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Rose,tanda na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya.

"Sir,huwag masyadong defensive.Ilang araw ka kaya nawala."Nakangisi sabi ni Rose.

"Rose,gusto mo bang mawalan ng trabaho bukas?"

"Ikaw naman Sir Greyson.Hindi ka na mabiro.Binibiro lang kita,"naka peace sign pang sabi ni Rose."Pero honestly speaking Sir,para kang intsik na naputo."

"Rose,you're fired."Pero ang loka-loka niyang secretary ay ningisihan lang siya.

"Ikaw rin Sir,mawalan ka ng kasing cute at kasing sipag ko.Atsaka ako lang kaya ang nakatagal sa ugali mo na 'yan. Inshort ako lang ang secretary mo na tumagal ay higit sa lahat walang pagnanasa sa kagwapuhan mo."

Napailing na lamang si Greyson.Kung tutuusin ay tama naman si Rose,tanging ito lang ang secretary niya na tumagal.

"Umalis ka na Sir at marami pa akong gagawin na trabaho,"pagtataboy ni Rose sa kay Greyson.

"Rose,ako pa rin ang boss mo."

"Alam ko,kaya umalis ka na."

Naiiling na lang si Greyson na nakatingin sa kay Rose na bumalik na sa harap ng computer laptop.

Nasa loob na siya ng opisina ay naupo si Greyson sa swivel chair. Ilang araw rin na hindi siya pumasok ng opisina kaya naman tambak ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya.

Kinuha ni Greyson ang folder para simulan na ang trabaho niya.

Hindi pa siya nangangalahati sa ginagawa niya ng maramdaman niya na bahagya kirot sa kanyang sentido.Binitawan niya ang papers document at ballpen na hawak niya.

Sinandal niya ang ulo niya sa headrest ng swivel chair.Ipinikit ang kanyang mga mata.

His slowly massage his forehead sa ganon ay mawawala ang kirot na naramdaman niya.

Napabuntong-hininga ng malalim si Greyson ng sumagi na naman sa isip niya ang mga pangyayari sa buhay niya dahil sa kagagawan ng ama niyang manipulated.

Pinindot ni Greyson ang intercom.

"Rose,I need a cup of coffee."

"Sir Greyson,seryoso kape sa tanghaling tapat?"

"Yes bring me a cup of coffee," ulit niya sa sinabi niya.

"Talagang kape? Di ba dapat pagkain?"

"Rose,I need my caffeine now or you're fired!"bahagyang tumaas ang boses sabi ni Greyson. Wala siya sa magandang mood para sa kakulitan ng secretary niya. Pero alam niya rin na hindi uubra ang panakot niya rito.

"Okay,gave me a minutes Sir,"sabi ni Rose na nasa kabilang linya ng intercom.

"Please,hurry up."

"Lagyan ko kaya ng iodized salt ang kape mo."Pabulong sabi ni Rose,ngunit hindi iyon nakaligtas sa kanyang pandinig.

"Rose,I heard you."

"Sir,sinadya ko naman na ipaparinig sa'yo."

"Sinadya ko naman na iparinig sa'yo. Ipagtimpla na kita ng kape Sir sa ganun mawala na 'yang kasungitan mo."

Naiiling na lang si Greyson ng bigla na lang nawala sa kabilang linya ng intercom si Rose.

Muli pinikit ni Greyson ang kanyang mga mata. Maya maya ay narinig niya ang mga yabag ng takong ng sapatos palapit dito sa lamesa niya.

"Your coffee,Sir Greydon,"ani Rose na inilapag sa ibabaw ng lamesa ang dala nitong tray.

"Binilhan na rin kita ng pagkain. Pasensya ka na,adobong manok na lang ang ulam na natira roon sa canteen.Iyan na lang sng binili ko."

Kinuha ni Greyson ang tasa ng kape."Salamat."

"Your welcome Sir.Kainin mo na rin 'yung pagkain. Huwag ka magpalipas ng gutom."

Isa sa nagustuhan niya sa secretary niya ay may initiative at maalalahanin. Kaya mas madali niya itong nakasundo.

"Salamat,Rose."

"Sir,utang mo 'yan sa akin,"nakangisi sabi ni Rose."Kainin mo na 'yan sir bago pa lumamig ang pagkain at ayaw kong mag reheat pa." Anito na umalis na rin para bumalik doon sa sariling lamesa nito at ipagpatuloy ang trabaho nito.

Kinuha niya ang pagkain na binili ni Rose. Atsaka sinimulan na rin kumain. Pero hindi pa siya tapos ay tumunog ang cellphone niya.

Pangalan ni Markus ang naka registered sa caller ID.

""Kuya,anong atin?" bungad niya ng sagutin ang tawag ni Markus.

"Sinabi sa akin ni Kuya Edmund ang nangyari sa'yo,"palatak na sabi ni Markus na nasa kabilang linya ng cellphone.

Kumuha ng tissue napkin si Greyson at pinunasan ang kanyang bibig.

"I didn't expect na totohanin ni Dad ang pagbabanta niya,"tumayo siya mula sa swivel chair na inuupuan niya.

Hinakbang ang kanyang mga paa palapit sa gilid ng glass wall.

Nakatayo si Greyson sa gilid ng glass wall habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa cellphone niya at ang kanan kamay ang nakapamulsa sa suot niyang pantalon. Habang nakatanaw roon sa labas nitong opisina niya na tanging makikita ay mga pulos building na nagyayabangan sa laki at taas ng mga ito.

"So he did,"natatawa na sabi ni Markus.

"Yeah,he did.Pati bank account ko naka freeze na rin."

"What's your plan?"

"Hindi ako makakapayag na manipulate ni Dad ang sarili kong buhay."Matigas na sabi ni Greyson.

"Anyway,dad asked me to inform you that your bride will be.She's invited for dinner later in our mansion. So you better go back home later."

"So,she already knows about the marriage agreement?"

"Wala rin akong alam bro.If she knows or not.Mas mabuti pa na umuwi ka ng mansion and talk to her."

"Pag-isipan ko,Kuya."

"Have you met her already?"

"Hindi pa atsaka wala akong balak na makilala siya."

"What if she's an ideal girl.I mean an ideal wife material,you know what I mean bro."

"Kuya,nakapag decide na ako. I don't want to marry her."

"Then meet her and tell her to cut off the marriage agreement."

Bumontong-hininga ng malalim si Greyson."You think kuya,ganun lang kadali? Paano kung ayaw niya at gusto niya na ituloy ang agreement."

"Then give her a chance,marry her." natatawa sabi ni Markus na nasa kabilang linya pa rin ng tawagan."After a year,you can file an annulment."

"Kuya Markus,hindi ganun kadali at mas lalong maging komplikado. And you think papayag si Dad?"

"Bro,ikaw lang ang makapag desisyon kung papakasalan mo siya o hindi."

"Sabihin mo 'yan kay Dad."

"Anyway,they are expecting you for our family dinner. Uuwi rin kami mamaya ni Ann ng mansion."

"Pag-isipan ko kuya."

Kanina pa nawala sa kabilang linya ng tawagan ang kuya Markus niya.

Hindi pa rin siya makapag decide kung uuwi siya ng mansion para makilala niya na ang bride to be niya at ang babaeng naging dahilan kung bakit ginigipit siya ng kanyang ama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status