WKM Ch2: Flashbacks
I was left dumbfounded because of what happened.Bakit hindi ko mahawakan si Papa?
Bakit hindi nila ako marinig?
Ano ba talaga ang nangyayari?
Sa sobrang pagkalito dahil sa mga pangyayari ay mariin kong ipinikit ang mga mata para alalahanin kung bakit ako nagkaganito.
As if on cue, a series of memories come flashing back on my head.
Nakita ko ang sarili na suot ang maganda at mamahaling trahe de boda habang nakaharap ako sa salamin.
Sumunod naman ay nakita ko ang sarili na nakatayo sa labas ng simbahan habang nasa kamay ko ang isang kumpol ng mapupulang rosas. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan akong naglakad papasok.
Lahat ng mga tao ay nakatingin sa 'kin. Mula sa pwesto ko ay tanaw ko si Darius na nakatayo sa harapan habang maluha-luhang nakatingin sa 'kin.
Biglang nanginig ang buong katawan ko nang sa sumunod na nangyari ay nakita kong nakabulagta na ang katawan ko habang binabalot ng masaganang dugo na nagmumula sa dibdib ang wedding gown na suot ko. Humalo ang sariwang dugo sa mga pulang rosas na nasa mga kamay ko.
The scenes were too clear as if I was there all along watching the people running out from the church, and Darius who was looking scared and worried, ran towards my unconscious body.
"Guia, anak ko!" Napatakip ako sa tainga ng marinig ang malakas na bulahaw ni mama habang papalapit sa katawan ko.
Nang dahil doon ay tsaka ko lang naalala ang mga nangyari.
That unknown man standing behind the altar holding a gun, the loud bang of the gun which echoed inside the church, the faces of those terrified people. And the excruciating pain in my chest.
Ayoko...
Hindi pwedeng mangyari 'to.
How could this happen on the day of my wedding?
Patay na ba ako?
Dahil sa pagkalito at takot ay tumakbo ako palabas ng ospital. Sinikap kong makalayo at baka sakaling magising ako sa bangungot na 'to.
That unconscious woman lying on the hospital bed is me. Ako 'yun... katawan ko 'yun.
Ibig bang sabihin nito ay kaluluwa na lang ako ngayon?
Gusto kong umiyak pero walang kahit anong likido ang lumalabas sa mga mata ko.
Mawawala na ba ako sa mundo?
Dahil sa naisip ay agad akong umiling.
Hindi pwede! Marami pa akong kailangang gawin at hindi pwedeng mamatay na lang ako bigla!
I have to do things. Kailangan kong humanap ng paraan para makabalik sa katawan ko.
Pero... paano? Anong dapat kong gawin?
Should I go back to the hospital?
Because of desperation, I went back to the hospital with the eagerness to go back to my body.
Tama! Kailangan ko lang balikan ang katawan ko para magising ulit ako.
Dali-dali kong hinanap ang ICU kung saan dinala ang katawan ko. Kaso lang ay nahirapan ako sa paghahanap no'n dahil wala naman akong matanungan kaya natagalan ako.
Napa buntong-hininga ako nang nasa ICU na ako. Nakita ko si Darius na nasa labas ng silid habang nakaupo sa upuan. Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha niya. But base on the movement of his shoulders, I know that he is crying.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa nakita kaya nilapitan ko siya.
"Darius, babe... I'm sorry for making you feel that way. Pangako, gagawin ko ang lahat makabalik lang sa katawan ko. I love you..." I whispered on his ears.
Gusto kong hawakan siya pero kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon magawa.
Nakita kong napalingon siya sa gawi ko kaya sinubukan kong titigan siya sa mga mata pero agad ding nawala ang pag-asa na makikita niya ako ng tumagos ang paningin niya.
Hindi niya ako makita...
Napangiti ako ng mapakla. Bakit nangyayari sa 'kin 'to?
I just want to settle my life and live peacefully with the man I love!
Bakit kailangan pa na mangyari 'to?
Umayos ako ng tayo at tumingin sa pintuan ng ICU. Huminga muna ako ng malalim at pumasok doon.
Hindi na rin naman ako nahirapan dahil tumagos lang ako sa pinto na 'yun.
Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang sarili na nakaratay sa kama habang may mga nakakabit na mga apparatus sa katawan. May oxygen din sa bibig ko at kitang-kita ang maputla kong mukha.
Those machines are my life support.
Nakakaawa ang lagay ko. I never imagine this thing to happen to me.
After moments of staring at my helpless body, I shrugged off my thoughts. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Kailangan ko lang makabalik sa katawan ko para bumalik na ang lahat sa normal.
Naglakad ako palapit sa hospital bed. Umakyat ako sa kama at sinubukang humiga roon bago pumikit.
I waited for a moment before I slowly opened my eyes. Pinakiramdaman ko muna ang sarili bago bumangon. Pero sa kasamaang palad, nakita ko pa rin ang katawan ko na nakaratay at walang malay.
Inulit ko ang ginawa kanina ngunit kahit ilang beses ko na 'yung ginawa, hindi pa rin ako nakabalik sa katawan ko.
Dahil sa inis ay umalis ako sa kama at napasabunot sa sarili. Hindi ko alam kung magandang bagay ba na hindi ako nasasaktan ng pisikal o hindi.
The thought made me pinch myself several times, then I found out that indeed, I can't feel any pain.
This is somehow... amazing!
But this is not the time to have fun!
When I feel like I'm running out of ideas, I decided to go home. Naalala ko na naman kasi si mama. Siguro ay umiiyak na naman siya ngayon.
Habang naglalakad ako sa daan ay pinagmamasdan ko ang mga tao. May iba na abala at mukhang nagmamadali na makauwi sa kanila. May iba naman na mukhang gumagala kasama ang mga kaibigan nila.
Napa buntong-hininga ako habang iniisip na sana... masaya ako ngayon kasama si Darius. Sana ay nasa Maldives na kami at ine-enjoy ang honeymoon namin.
Kung hindi lang sana nangyari 'to sa 'kin... sana ay normal pa ang lahat.
Nakaramdam ako ng galit nang maalala na naman ang lalaking bumaril sa 'kin.
Whoever that devil is, I'll do everything just to find him. I won't forgive him for what he did to me. He has to pay for his crime.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may pedestrian lane. Kailangan kong tumawid at nasa kabilang banda ang subdivision namin.
Marami ang naghihintay na mag-green ang ilaw para tumawid kaya ganoon din ang ginawa ko.
Pero ilang sandali pa ay natawa ako nang maalala na hindi ko naman na pala kailangan 'yun. Kahit naman kasi tumawid ako ngayon ay tatagos lang ako sa mga tumatakbong sasakyan.
Tatawid na sana ako pero bigla akong natigilan nang makita ko ang isang babae na mukhang wala sa sarili at dahan-dahang naglalakad papunta sa gitna ng daan.
Oh my god! What is she doing?
Magpapakamatay ba siya?
Rinig ko ang malalakas na busina ng mga sasakyan at ang sigawan ng mga tao na gusto siyang pigilan sa ginagawa niya.
Due to the adrenaline rush, I immediately ran into the woman, and tried to push her when I saw a car so close to her direction.
Alam kong malabong mangyari na mahawakan ko siya pero wala namang masama kung susubukan ko. Isa pa, hindi ako pwedeng tumayo lang dito at panoorin siyang masagasaan.
Napapikit ako at agad siyang itinulak para makaiwas sa papalapit na sasakyan.
I winced in pain when I fell to the ground.
"Okay ka lang, miss?" Napalingon ako sa babaeng lumapit sa 'kin.
Napansin ko rin na nakahinto na pa la ang mga sasakyan at may mga tao na lumapit sa gawi ko.
"H-huh? Nakikita mo a-ako?" I stuttered. Hindi ako makapaniwala na kinakausap niya ako.
Nakita kong bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Oo naman! Okay ka lang ba? Bakit bigla-bigla ka na lang tumatawid e hindi pa naman naka-green lights?" nag-aalalang tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil doon.
"H-hindi ako. 'Yung babae—" natigilan ako nang pagtingin ko sa paligid ay wala na ang babaeng nagtangkang magpakamatay kanina.
Nasaan na siya?
"May hinahanap ka ba hija? Naku! Muntik ka nang masagasaan. May balak ka bang magpakamatay?" sabi naman nung ale na lumapit sa 'kin.
Mas lalo akong naguluhan nang itanong 'yun sa 'kin ng ale.
"Hindi ka naman siguro nasaktan ano? Salamat naman at hindi ka nadisgrasya. Siguro ay iniligtas ka ng iyong anghel, hija." Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang braso ko para alalayan ako sa pagtayo.
Nang mapagtanto na nahawakan niya ako ay agad akong napaigtad at lumayo sa kaniya.
What the hell is happening?!
"H-hala! Pasensya na hija. May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya pero agad akong umiling.
Dali-dali akong lumapit sa nakahintong sasakyan at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin na bintana no'n.
"Nak naman ng! Ano ba! Balak mo bang magpakamatay, ha? Kung gusto mo ay doon ka sa lugar na wala kang maaabala!" rinig kong sigaw ng lalaki sa 'di kalayuan pero hindi ko siya binigyan ng pansin.
Sa halip ay tinitigan ko lang ang repleksyon ko sa salamin. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko pero kahit anong gawin ko ay mukha nung babaeng tumatawid kanina ang nakikita ko.
"Oh my god!" 'yun ang lumabas sa bibig ko habang nanginginig ang mga kamay at namimilog ang mga mata.
"Bakit ako nandito?" naguguluhang sambit ko at tiningnan ang kabuuan ko.
Paano ako nakapasok sa katawan ng babaeng 'to?
WKM Ch3: Unknown“Hija, sigurado ka ba na hindi mo na kailangan magpunta sa ospital? May galos ka, oh,” tanong ng ale na tumulong sa ’kin kanina. She worriedly looked at me, then at the scratches on my skin–I mean, this woman’s skin.Umiling lang ako at bahagyang ngumiti sa kaniya. Hindi naman gaanong malaki ang galos at sa tingin ko ay hindi na 'yun dapat ipag-alala pa. Siguro ay nagalusan ang katawan ng babaeng 'to kanina ng matumba siya sa daan.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko pa rin malaman kung bakit ako napunta sa katawan ng babaeng ‘to.“Sige… kung ayaw mong dalhin kita sa ospital ay ihahatid na lang kita sa inyo. Mahirap na baka kung ano
WKM Ch4: I Am HerNagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa paligid. Pinakiramdaman ko ang sarili at nalaman na nasa katawan pa rin pa la ako ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang pangalan.Nang ilibot ko ang paningin ay tsaka ko lang napagtanto na nandito pa rin pa la ako sa tapat ng ICU. Umayos ako ng upo at agad na napansin ang scarf na nakapatong sa balikat ko.I instantly smiled when I recognized it. It is the favorite scarf of my mother.Lumingon-lingon ako para hanapin siya pero hindi ko na siya makita.Umalis na kaya siya?Bigla naman akong napaigtad ng tumunog ng malakas ang cellphone na nasa sling bag. Agad ko ‘yung kinuha at napakunot ang noo
WKM Ch5: Knowing MattI stared at the man who's smiling wide at me.Asawa ba talaga siya ni Sunny?Kung oo, bakit hindi niya man lang hinanap si Sunny at hinayaan lang siyang hindi umuwi buong magdamag?"Oh, hijo! Nandito ka pala!" bati ni Nana Precy sa lalaki nang tuluyan na siyang makapasok.Kaagad namang nabaling ang tingin ng lalaki kay Nana nang marinig niya ang boses nito."Magandang umaga po, Nana. Off-duty po kasi ako kaya naisipan ko na bisitahin si Sunny kaso pagdating ko rito e walang tao pero hindi naman nakalock ang pinto kaya pumasok na ako," paliwanag niya at saglit na lumingon sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa k
WKM Ch6: Secret Feelings"May gusto ka ba sa 'kin?"His eyes widened and lips were partly opened. Nakita ko pang ilang beses siyang napalunok na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.I smirked because of his reaction. Halata masyadong may tinatago!"H-ha? Ano ba ang pinagsasabi mo?" gulat na sagot ni Matt."Asus! Pa-blind pa masyado!" asar ko kaya unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya."Ikaw, Araw, tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, ha! Hindi kita magugustuhan, uy! 'Di tayo talo!" sabi niya at tumayo na mula sa pagkakahiga.I silently giggled because of it. Kung maka-deny parang hindi halata sa kilos at reaction!Indeed, action speaks louder than words, and he is the best example of it. I wonder if Sunny already knew about this.Gosh! Bakit feeling ko magiging cupid pa yata ako ng dalawang 'to?My brows furrowed when he picked his bag
WKM Ch7.1: Ghost Friend Sinundan ko ng tingin si Matt na naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yun nasabi sa’kin. Hindi niya naman kasi sinagot ang tanong ko dahil nagmamadali na siyang umalis pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Does he really mean it? Pero… bakit? “Ate, bakit ka po nasa katawan ni Ate Sunny?” Kunot-noo kong binalingan ng tingin ang batang kausap ko kani-kanina lang. Kanina pa ba siya rito? Hindi pa ba siya umuuwi? Pero nang mapagtanto ko kung ano ang itinanong niya ay agad namilog ang mga mata ko. “H-ha?” nauutal na tanong ko. “Hindi ikaw si Ate Sunny. Anong ginagawa mo sa loob ng katawan niya?” inosenteng tanong ng bata. Ilang beses pa siyang kumurap bago ako tinitigan ulit. Agad akong yumuko para pantayan ang tangkad niya. "Paano mo nalaman?” gulat at naguguluhang tanong ko. The child shrugged. “Hindi ko po alam.
WKM 8: Living Her Life"Bakit ka kasi huminto doon sa pinagtatrabahuan mo? Ano nang gagawin mo ngayon?"Napanguso ako dahil sa sinabi ni Matt. Umaga pa lang pero nandito na naman siya sa apartment at naabutan niya akong nakatunganga lang."Mag... a-apply na lang ako ng kahit anong trabaho," palusot ko habang nakayuko.Paano ko naman kasi malalaman kung anong klaseng trabaho ang kayang gawin ni Sunny? Ano ba'ng malay ko kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya?Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko siyang bumuntong hininga."Sa coffee shop... doon sa kabilang kanto, nakita kong hiring sila ng waitress. Subukan mong mag-apply."
WKM 9: Detached Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko habang sinusundan ang bawat kilos ni Sunny. Gulat pa rin ako kung papaano nangyaring nakalabas ako sa katawan niya. “Sunny…” I uttered in disbelief, but my eyes immediately widened when she slowly turned to look at my position. Did she hear me? But the rising hope inside me immediately went down to drain when her gaze passed through me. Her brows slightly furrowed before she turned back and continued with what she’s doing. “Anong petsa na ba?” rinig kong bulong niya. “Sunny, hindi mo ba talaga ako naririnig?” tanong ko at mas lumapit pa sa kaniya. I attempted to touch her arms but I failed. “Kailangan mong pumasok sa coffee shop ngayon. It’s your first day of work,” dagdag ko pa, pero napabuntong hininga na lang ako nang makitang balewala lang ako sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama at pinanood siya. W
WKM 10: Negative Emotions“Darius…”Dali-dali ulit akong bumaba para lapitan siya.What is he doing here? Paano siya nakarating dito? Does he know that I’m here?Ang daming katanungan ang gusto kong masagot niya pero sa kabila ng lahat ng ‘yun, nangingibabaw pa rin ang pangungulila ko sa kaniya.Ilang araw ko na nga ba siyang hindi nakikita?“Darius,” saad ko nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya. But of course, he did not hear me. Ni hindi niya nga ramdam ang presensya ko. I attempted to touch his hand, but I failed. Kahit anong gawin ko, tumatagos lang ang kamay ko sa kaniya.“Please, kahit ngayon lang, hayaan Mo muna akong maramdaman niya…” I uttered in to the thin air, still hoping that he will notice my presence.Sinundan ko siya sa kung saan nang magsimula siyang maglakad. Tahimik lang siyang naglalakad at mukhang wala pa siya