Share

Chapter 1: Lost Soul

WKM Ch1: Lost Soul

“Narinig mo na ‘yung balita? Grabe! Kawawa naman ‘yung bride. Hindi man lang pinatapos ang kasal.”

“Naku! Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kahit pa nasa loob ka ng simbahan, hindi ka na ligtas sa  mga masasamang tao!”

“Pero kumusta na kaya ‘yung bride? Sayang, maganda pa naman sana. Tsaka mukhang bata pa.”

I was slowly walking behind these three women talking about something. I don’t have any idea about their tea, but I am starting to get irritated at their turtle-like pace!

Hindi ba nila alam na nasa gitna sila ng daan?

Kanina pa silang nakaharang at prenteng nagchi-chismisan na akala mo ay sila ang may-ari ng daan. Really? Can’t they just give way?

“Excuse me!” tawag ko sa atensyon nila pero dahil sa sobrang abala nila sa pagkalap ng chismis ay hindi man lang nila ako narinig.

I heaved a sigh and rolled my eyes. God! These insensitive old women!

Dapat talaga gawan na ng Anti-Chismosa Bill ang Pilipinas! Sa sobrang dami kasi nila ay laganap na sila kahit saan. Dahil sa kanila ay mas mabilis pa sa virus ang pagkalat ng  mga balita. Daig pa nila ang mga news reporters!

Mabuti sana kung puro mga may katuturang balita ang pinag-uusapan nila kaso hindi! Puro mga fake news pa ang mga kinakalat nila at kung totoo man ang issue ay dadagdagan nila 'yun ng mga gawa-gawang detalye hanggang sa matabunan na ng chismis ang katotohanan.

I really don't get there stands in life!

“Naku, sana talaga mahuli na ‘yung suspect! Kawawa ‘yung mga magulang tsaka ‘yung groom,” sabi nung ale na medyo may katabaan.

“Baka naman kasi may kaaway ang pamilya nila kaya gano’n ang nangyari,” dagdag naman nung isa na payat.

See? That is what I am talking about. 

“Ay oo nga! Baka nga ganiyan ang kaso. Uso pa naman sa mga mayayaman ‘yang asinasyon? Tama ba?” sagot naman nung babaeng nasa gitna.

I can’t see their faces because they were facing their back on me. Ni hindi nga nila ako napapansin dito.

“Hay naku, Linda! Assassination tawag do’n!” pagtatama nung babaeng payat. "Pero tama ka. Kapag pa naman mga mayayaman ay madaling gumawa ng ganoong mga bagay lalo pa at pera ang pinapagalaw nila," dagdag niya pa. 

I am getting tired of listening to their topic so I just hummed my favorite song trying to distract myself from hearing them.

Ilang sandali pa ay napa buntong-hininga ulit ako nang sa wakas ay lumiko na sila sa may kanto. Thank God!

Kanina pa akong naglalakad pero hindi ko naman alam kung saan ako papunta. I felt like I have to go somewhere so, I just let my feet bring me to that place.

Sa ilang oras kong paglalakad, ni uhaw ay hindi ko naramdaman. Ni hindi rin ako nakaramdam ng pagod. 

Hapon na at sa tingin ko ay ilang minuto lang ay malapit nang lumubog ang araw. Lakad lang ako ng lakad papunta sa lugar na hindi ko alam.

Sa lugar kung saan tila may humahatak sa akin. 

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan nang maging kulay kahel ang kalangitan. The scenery is fascinating, which made me stop and just admire the wonderful view before my eyes.

This is the beauty of an end. It's like telling me that there is happiness in every goodbye. 

I look around to see where I am.

Napakunot ang noo ko nang makitang nasa tapat pala ako ng isang ospital.  Paano ako napunta rito?

My brows furrowed even more when I saw a familiar face entering the main entrance of the hospital.

“Tita Melda?”

What is she doing here? May kamag-anak ba sila na na-ospital?

Pero sa pagkakaalala ko ay wala namang nabanggit sa ’kin si Darius no’ng huling beses na nagkausap kami.

Who could that be?

Out of curiosity, I followed her inside. Marami akong nakitang mga abalang doktor, nurse at mga taong naglalakad sa hallway.

Napangiwi pa ako ng may makita akong pasyente na naka wheelchair na may malaking benda na sumakop sa halos kalahati ng mukha niya. Geez! That surely hurts a lot!

This is the reason why I hate going to the hospitals. Sobrang nakakatakot at nakakaawa ang mga lagay ng mga tao rito. There are a lot of negative emotions that cause the gloomy atmosphere and it's suffocating me! I really hate this kind of place!

Nanigas naman ako bigla sa kinatatayuan ng may dumaan sa harapan ko na dalawang hospital staff habang tulak ang isang hospital bed na may nakatakip na puting tela. It’s a corpse. I know the moment I saw a tag hanging on its very pale foot.

God! Why am I even here?

“Emergency call from Room 209!”

Napalingon naman ako sa nurse station sa may ‘di kalayuan at nakita ang pagmamadali ng dalawang nurse. Sa hindi ko malaman na dahilan, sinundan ko sila kung saan man sila papunta.

Lakad takbo ang ginagawa nila kaya gano’n na rin ako. I stopped when they entered Room 209.

Malayo pa lang ako ay agad ko nang nakilala ang mga taong nasa labas ng kwartong ‘yun.

It was my parents, Darius and Tita Melda. Anong ginagawa nila rito?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila nang mapansin ko ang namumugtong mga mata ni Mama. Umiyak ba siya? Pero bakit?

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga tao rito at nakitang kung hindi mugto ang mga mata ay bakas naman ng takot at pag-aalala ang mga mukha nila.

What’s happening?

“Guia!” My mother howled as if she’s in so much sorrow.

Napakunot ang noo ko nang marinig ‘yun. Why is she calling me?

Gusto kong lumapit sa kanila pero pakiramdam ko ay parang may kung anong pumipigil sa mga paa ko sa paghakbang. Instead of forcing myself, I just stayed in my position and watched them.

Habang patagal ng patagal ang panonood ko sa kanila ay pasikip naman ng pasikip ang dibdib ko. It’s like I’m running out of air to breathe. Anong nangyayari sa ’kin?

I clenched my chest with my hand. I am feeling a piercing pain from it, and it's making me weak.

Napaawang ang labi ko nang maramdaman ko ang pagkapos ng hininga. God! What’s wrong with me?

Nakita ko ang paglabas ng doktor mula sa Room 209 na agad namang nilapitan ni Mama at Papa kasama na rin si Darius. Gusto ko silang lapitan pero hindi ko kaya dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“The patient is in state of coma. Hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. We also have to run some tests on her from time to time and monitor her condition. Sa ngayon, kailangan muna natin siyang ibalik sa ICU.”

Kahit na nanghihina ay rinig na rinig ko pa rin ang sinabi ng doktor. I saw how my mother nodded several times before wiping her tears. She looks terrible and broken.

And it breaks me too seeing her like that. 

Ilang sandali pa ay nakita kong inilalabas ng mga nurse ang hospital bed mula sa kwartong 'yun.

The moment I laid my eyes on the face of the unconscious patient, my body trembled in horror. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ng dumaan 'yun sa harapan ko. 

No way. 

This can't be. 

Bakit sarili ko ang nakikita ko na nakaratay sa hospital bed na 'yun? 

Out of shock, I went closer to Darius, who was just a meter away from me. Tahimik lang siya na sinusundan ng tingin ang tinutulak na hospital bed ng mga nurse. 

"Darius, what's happening?" I asked him, but he didn't respond.

"Darius, tell me! What the hell is going on?!" I asked again, but he just acted as if he didn't hear me and walked back to comfort my parents.

Dahil naguguluhan at gusto ko ng sagot sa mga katanungan ay humakbang ako palapit sa mga magulang ko. Pero laking gulat ko nang bigla na lang may nagmamadaling babae ang naglakad papunta sa direksyon ko. 

She was too close that I didn't get the chance to give way to her. Napapikit na lang ako at hinintay na mabangga niya ako pero hindi 'yun nangyari. 

When I opened my eyes, the woman now is steps away from me, still walking fast.

Saglit na nabalot ng pagkalito ang isip ko. How did that happened? Ang alam ko ay magkakabanggaan kami at sobrang lapit niya na sa 'kin. Umilag ba siya? 

But that is not my concern now.

Ibinaling ko ulit ang tingin sa mga magulang ko na ngayon ay papalayo na. Naglakad ulit ako para habulin sila. Hindi naman ako nahirapan na maabutan sila dahil sa mabagal nilang mga hakbang. 

Nakayuko pa rin si mama habang nakaakbay naman sa kaniya si papa. Darius is on her other side while Tita Melda is holding his arm.

"Ma!" tawag ko kay mama nang makalapit na ako. Pero kagaya ni Darius ay mukhang hindi niya ako narinig. 

"Mama!" sinubukan ko ulit na tawagin siya sa mas malakas na boses pero ganoon pa rin at patuloy lang sila sa paglalakad. 

"Our daughter is strong, hon. Alam kong malalagpasan niya rin 'to," alo ni papa kay mama. I can't even recognize his hoarse voice.

They kept ignoring me until I lost my patience. 

Mas lumapit ako sa kanila para hawakan ang braso ni papa pero agad na namilog ang mga mata ko nang sa halip na mahawakan ko siya ay bigla na lang tumagos ang kamay ko sa braso niya. 

I was confused and terrified, but I tried it again and again until it left me helpless.

W-what is exactly happening? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status