Share

Chapter 7: Ghost Friend

WKM Ch7.1: Ghost Friend

Sinundan ko ng tingin si Matt na naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yun nasabi sa’kin. Hindi niya naman kasi sinagot ang tanong ko dahil nagmamadali na siyang umalis pagkatapos niyang sabihin ‘yun.

Does he really mean it? Pero… bakit?

“Ate, bakit ka po nasa katawan ni Ate Sunny?”

Kunot-noo kong binalingan ng tingin ang batang kausap ko kani-kanina lang. 

Kanina pa ba siya rito? Hindi pa ba siya umuuwi? 

Pero nang mapagtanto ko kung ano ang itinanong niya ay agad namilog ang mga mata ko.

“H-ha?” nauutal na tanong ko.

“Hindi ikaw si Ate Sunny. Anong ginagawa mo sa loob ng katawan niya?” inosenteng tanong ng bata. Ilang beses pa siyang kumurap bago ako tinitigan ulit.

Agad akong yumuko para pantayan ang tangkad niya. "Paano mo nalaman?” gulat at naguguluhang tanong ko.

The child shrugged. “Hindi ko po alam.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status