Share

Chapter 5: Knowing Matt

WKM Ch5: Knowing Matt

I stared at the man who's smiling wide at me.

Asawa ba talaga siya ni Sunny?

Kung oo, bakit hindi niya man lang hinanap si Sunny at hinayaan lang siyang hindi umuwi buong magdamag?

"Oh, hijo! Nandito ka pala!" bati ni Nana Precy sa lalaki nang tuluyan na siyang makapasok.

Kaagad namang nabaling ang tingin ng lalaki kay Nana nang marinig niya ang boses nito.

"Magandang umaga po, Nana. Off-duty po kasi ako kaya naisipan ko na bisitahin si Sunny kaso pagdating ko rito e walang tao pero hindi naman nakalock ang pinto kaya pumasok na ako," paliwanag niya at saglit na lumingon sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa kausap.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya habang nagsasalita. Kung gwapo siya sa picture, ngayon ay masasabi kong mas gwapo siya sa personal.

He is not that handsome, unlike those men on TVs and runways, but his face is flawless, and the way he smiles, it's captivating. Lalo na kapag ngumingiti siya ay mas sumisingkit ang mga mata niya.

"Ay naku! Sinundo ko pa itong si Sunny doon sa Villanueva Hospital at do'n siya nagpalipas ng gabi," sagot naman ni Nana kaya agad lumingon ang lalaki sa 'kin na halata ang pag-aalala sa mga mata.

"Anong nangyari sa 'yo, Sunny? Bakit ka nagpunta sa ospital? May sakit ka ba?" Binitawan niya ang hawak na mga pinggan at agad na lumapit sa 'kin dahilan para mapaatras ako.

He was shocked because of what I did, but he cleared his throat and asked me instead, "Ayos ka lang ba?"

Tumango ako sa kaniya. "Uhh... o-oo. 'Yung k-kaibigan ko kasi na-ospital kaya sinamahan ko muna," agad na sagot ko.

Tinitigan niya ako na parang gustong basahin ang nasa isip ko. Ilang sandali pa ay unti-unting kumunot ang noo niya kaya bigla akong kinabahan. Hindi ba siya naniniwala sa 'kin?

I gulped as I waited for him to speak.

"Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng ibang kaibigan?" takang tanong niya na lalong nagpakabog sa dibdib ko.

Ano bang klaseng buhay ang meron itong si Sunny? Totoo ba na wala siyang ibang kaibigan bukod doon sa Matt na binanggit ni Nana kanina?

Napaisip tuloy ako na baka itong lalaki sa harapan ko ang Matt na tinutukoy niya. Hindi naman kasi impossible, ‘di ba?

"Ay hijo, kababata raw ni Sunny ang nandoon. Sinundo ko lang siya kasi nag-aalala ako dahil noong umalis siya kahapon ay umiiyak siya. Akala ko kung saan na siya nagpunta," sagot ni Nana na palihim kong ipinagpasalamat.

Nakakunot pa rin ang noo ng lalaki pero napahinga ako ng maluwang nang hindi na siya nagtanong ulit.

"O siya at kumain na tayo. Anong oras na at hindi pa tayo nag-aagahan!" sabi ni Nana at nauna nang lumapit sa hapag.

Nang makita ko ang pagkain doon ay tsaka lang ako nakaramdam ng gutom. Lumapit na rin ako sa lamesa at umupo katabi si Nana.

Napansin ko na nakatingin sa 'kin ang lalaki kaya tumingin rin ako sa kaniya. He stared at me for a moment before he smiled and shook his head.

Nawi-weirdohan kaya siya sa mga kinikilos ko?

Nang matapos na kaming kumain ay agad nang nagpaalam si Nana na maningil daw ng upa sa ibang renters. Tsaka ko lang napagtanto na siya pala ang landlady at may-ari ng apartment na 'to.

"Basta Sunny, kapag may kailangan ka, alam mong pwedeng-pwede mo akong lapitan, ha?” ‘yun ang huling sinabi niya bago siya tuluyang lumabas.

I pause for a moment and think of my next moves. Ano na nga ba ang gagawin ko ngayon? I was left together with this man that I don’t know. Kanina habang kumakain kami ay talagang hinihintay kong banggitin ni Nana ang pangalan ng lalaki pero puro lang 'hijo' ang tawag niya roon.

It made me feel frustrated knowing that any moment now, this man will talk to me.

Gosh! Bakit ba nangyayari sa ‘kin ang mga kamalasan na ito?

Nagbuga ako ng isang malalim na hininga bago pumasok ulit pero pagkatalikod ko ay halos mapatalon ako nang agad na bumungad sa harapan ko ang seryosong mukha ng lalaki. Nakatayo siya malapit sa pwesto ko at tinitigan ako sa mga mata.

I instantly look away. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Para kasing natutunaw ako. His arms were crossed over his chest while staring at me intently.

Ano bang ginagawa niya?

“Hindi ako naniniwala na sinamahan mo lang sa ospital ang kaibigan mo,” sabi niya kaya agad nabalik ang tingin ko sa kaniya. “Matagal na kitang kilala, Sunny, pero ni minsan ay wala kang binanggit na may kababata ka rito. Hindi ba at sinabi mong nasa probinsya ang lahat ng mga kaibigan mo?”

I raised a brow at him.

So that means that he is Matt. Napataas naman ang sulok ng mga labi ko nang may maisip.

“Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Talagang nagsinungaling ka pa sa matanda kanina, ah?” sabi niya pa na ngayon ay nakataas na rin ang isang kilay.

“Wala... kilala mo talaga ako ‘no? Sorry naman! May importante lang akong ginawa sa ospital,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nagtaka ako nang kumunot na naman ang noo niya sa sinabi ko. Bakit ba ang hilig niyang pakabahin ako?

“Parang… may nag-iba sa ‘yo.” My heart skipped a beat when he said those words. Oh my gosh! What to do?

“H-ha? A-ano namang nagbago sa ‘kin?” I tried acting normal but I can’t stop myself from stuttering. Paano kapag nalaman niyang hindi naman talaga ako si Sunny?

Nakita kong bumuntong hininga siya bago humakbang palapit at inakbayan ako. “Wala! Tara na sa loob, may pinggan ka pang huhugasan. Ako ang naghanda ng pagkain kaya ‘wag ka nang magreklamo!”

Nagulat pa ako sa ginawa niya pero hindi na lang ako nagpahalata. God! Hindi ako sanay na may ibang taong ganito kalapit sa ‘kin!

But on the second thought, hindi naman sa ‘kin ang katawan na ‘to. At alam kong iniisip niyang ako ang kaibigan niya kaya naiintindihan ko kung bakit ganiyan siya umasta.

Okay! I think, I should pretend as Sunny for the mean time. Hanggat hindi ko pa alam kung paano makakaalis sa katawan niya, kailangan ko munang maging si Sunny.

Kagaya nga ng sinabi niya ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan ‘yun.

Maliit lang ang apartment na ‘to. Pagpasok pa lang ay bubungad na agad ang isang maliit at pabilog na lamesa at sa gilid naman ay ang maliit na lababo. May kalan din sa gilid no’n. Sa kabilang banda naman ay ang single-sized bed. At doon ngayon prenteng nakahiga si Matt.

Though I am not really sure if his name is Matt, I assumed he is, based on what they said earlier that Sunny doesn’t have any friend other than the guy named Matt.

“Matt?” I tried calling him by that name just to be sure that it’s his name.

“Hmm?” bahagya akong napangiti nang sumagot siya. Nakatalikod naman ako sa kaniya kaya alam kong hindi niya kita ang mukha ko.

“Wala,” sabi ko na lang at nagpatuloy na sa pagbabanlaw ng mga pinggan.

“Baliw,” narinig ko pang mahinang sabi niya pero hindi na ulit ako nagsalita.

Confirming that he is the Matt that Nana Precy talked about is enough for me. Okay na rin na may makakausap ako rito.

Nang matapos kong hugasan ang mga pinggan ay umupo na ako sa isang plastic stool. Pero agad din akong tumayo nang may maalala. Kinuha ko sa sling bag ang cellphone ni Sunny at lumapit kay Matt.

Dahil sa ginawa ko ay nagmulat siya ng mga mata. “Oh? Anong gagawin ko diyan?” takang tanong niya nang ilahad ko ang cellphone sa kaniya.

“Uhh… alam mo ba ang password ko? Nakalimutan ko kasi.” Nginitian ko siya pagkatapos magsalita.

His forehead creased again. I think that’s his normal response whenever he is talking to someone. Palagi niya kasi ‘yung ginagawa kanina pa.

Kinuha niya ang cellphone at may kinalikot doon. “Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ‘wag ka nang maglalagay ng password sa cellphone mo. Sobrang makakalimutin mo talaga! Ilang beses mo na bang nakalimutan ang password mo? Buti na lang at lagi mong sinasabi sa ‘kin, kun ‘di, mababaliw ka na lang talaga kakaisip diyan.”

I was quite amused to what he just said. Hindi ko akalaing may maganda palang maidudulot ang pagiging malilimutin ni Sunny.

“Oh! Tinanggal ko na ang password diyan,” sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone. I smiled wide and thank him. And for the nth time, his forehead creased again. “Alam mo, kakaiba ka ngayon,” komento niya pero hindi ko na ‘yun pinansin at bumalik na sa pwesto ko kanina.

Sinimulan kong kalikutin ang cellphone ni Sunny at naghanap ng kung pwedeng magbigay sa ‘kin ng hint tungkol sa kaniya.

I browse the gallery and saw an album. ‘Yun agad ang napansin ko kasi nag-iisa lang naman ‘yun doon sa gallery. When I opened it, I saw a lot of photos of her together with Matt. Lahat ng mga pictures na nandoon ay puro lang mga mukha nila. Iba-iba ang date at lugar no'n, mayroon pa doon na mukhang nasa amusement park sila. Sunny was holding the camera while Matt was pinching her cheeks.

Napangiti ako dahil sa picture na ‘yun. In fairness, ang cute nila. Para silang magjowa.

“Matt…” tawag ko sa kaniya habang nasa screen pa rin ako nakatingin.

“Oh?”

“Ilang taon na nga tayong magkakilala?” Binalingan ko siya at nakitang nakahiga pa rin siya habang nakatakip ang mga mata gamit ang braso niya.

“Mga 10? 11 years? Nakalimutan ko na. Graduating tayo noon sa high school, ‘di ba?” namangha ako nang malaman na ganoon na pala sila katagal na magkakilala. Ibig sabihin no’n ay kabisado na nga nila ang isa’t isa.

Good for her she has a best friend who stayed with her for many years. Ako kasi, marami nga akong kaibigan pero hindi naman sila nagtatagal. People easily come into my life and will vanish in just a blink of an eye. No one really stayed long.

Then I realized, Sunny is luckier than me. Marami nga akong kaibigan pero agad din naman akong iniiwan. Samantalang siya na isa lang ang kaibigan pero nanatili naman sa kaniya ng matagal na panahon at hanggang ngayon ay nandito pa rin sa tabi niya.

I somehow envy her…

Nanahimik ako at nagpatuloy sa pagtingin ng mga pictures sa gallery. Huminto ako sa pags-scroll nang may mapansin akong larawan. It was a picture of them wearing a birthday hat while holding a mini cake.

Happy 27th Birthday, Araw! ‘Yun ang nakasulat sa cake.

I checked the detail of the picture and found out that it was taken last March. Ibig sabihin ay 27 years old na pala si Sunny ngayon.

Napangiti ako habang iniisip na ang cute nilang magbest friend. Pero napansin ko sa mga pictures ay parang kakaiba ang mga ngiti ni Matt. He looks in love…

“Matt,” tawag ko ulit sa kaniya kaya tinanggal niya ang braso sa mukha at kunot-noong lumingon sa ‘kin.

“Ano na naman?” bakas ang pagkairita sa boses niya.

“May gusto ka ba sa ’kin?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status