Share

Chapter 3: Unknown

WKM Ch3: Unknown

“Hija, sigurado ka ba na hindi mo na kailangan magpunta sa ospital? May galos ka, oh,” tanong ng ale na tumulong sa ’kin kanina. She worriedly looked at me, then at the scratches on my skin–I mean, this woman’s skin.

Umiling lang ako at bahagyang ngumiti sa kaniya. Hindi naman gaanong malaki ang galos at sa tingin ko ay hindi na 'yun dapat ipag-alala pa. Siguro ay nagalusan ang katawan ng babaeng 'to kanina ng matumba siya sa daan. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko pa rin malaman kung bakit ako napunta sa katawan ng babaeng ‘to.

“Sige… kung ayaw mong dalhin kita sa ospital ay ihahatid na lang kita sa inyo. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa daan lalo pa sa lagay mong ‘yan,” pagmamagandang loob ng ale.

“’W-wag na ho. K-kaya ko na po ang sarili ko.” Ngumiti ulit ako sa kaniya. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago bumuntong hininga.

“Kung gayun ay ihahatid na lang kita sa sakayan pauwi sa inyo. Okay lang ba ‘yun sa ’yo?”

I somehow felt guilty for rejecting her offers. Alam ko naman na gusto niya lang na maging ligtas ako—itong katawan ng babaeng kinalalagyan ko, pero hindi ko kasi alam kung saan pupunta. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kung gawin ngayon.

Should I go to this woman’s house? But how? Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira.

Going home is not a good idea, either. I know my parents will freak out if I go there with this new body and face. They will surely not recognize me.

Ano na ang gagawin ko?

“Hija?”

Nabalik ako sa katinuan ng tawagin ulit ako nung ale.

“Okay lang ba sa iyong ihatid kita sa sakayan? Saan ba ang sa inyo?” I gulped as I am searching for an answer.

Anong sasabihin ko?

Sasabihin ko ba ang totoong address ko?

But I think that also is not a good idea.

“D-diyan lang po ako sa malapit. Isang sakayan lang po.” I tried hard not to stutter while talking. Baka kasi pag napansin niya na hindi ako sigurado sa sagot ko ay baka hindi niya ako paniwalaan.

Alam kong mali pero gusto ko lang na makalayo sa kaniya. It’s not that I don’t trust her, but I feel like I have to do something.

Gusto kong kilalanin kung sino ang babaeng nasaniban ko at kung saan siya nakatira. Gusto ko rin na alamin kung paano ako nakapasok sa katawan niya at kung paano ako makalalabas.

“Sige mauna na muna ako sa ’yo, ha? May naghihintay pa kasi sa akin pag-uwi. Mag-iingat ka lagi hija.” She caressed the top of my head and gave me a gentle smile.

My heart melted because of what she did. She’s such a comfort.

Para siyang si mama.

Pinanood ko lang siya na maglakad papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. 

Nakaramdam ako ng konsensya dahil sa pag-abala ko sa kaniya. Gusto niya nang umuwi dahil hinihintay na siya ng pamilya niya pero mas pinili niya pa ring tulungan ang babaeng 'to. 

A sad smile formed on my lips. Mabuti pa siya may mauuwian. Mabuti pa siya at may naghihintay sa kaniya sa pag-uwi. Samantalang ako? Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

She left me here on a sidewalk bench.

Dahil sa eksena na ginawa ng babaeng ‘to kanina ay marami tuloy ang naabala niya kabilang na doon ang mabait na ale.

Inilibot ko ang tingin sa paligid habang nag-iisip kung saan ba dapat ako pumunta. Kapag umuwi ako sa bahay, sigurado akong hindi rin naman ako makakapasok doon.

Nakakatawang isipin na mahihirapan akong pumasok sa sariling pamamahay ko.

God, why are you doing this to me?

Tumayo na ako at napagdesisyonan na maglakad-lakad na lang muna para makapag-isip ng maayos.

I want to know this girl’s identity and find out how did this happen.

Sa ilang minutong paglalakad ko ay tsaka ko lang napansin na may dala palang sling bag ang babaeng ‘to. Dahil doon ay huminto ako sa paglalakad at dali-dali ko ‘yung binuksan at kinalkal ang laman no’n.

I am looking for something that will give me a hint of her identity, but instead, I saw a wallet-sized photo of a man.

Napakunot ang noo ko habang tinititigan ‘yun. Just by looking at the photo, I can say that that guy is good-looking. He has curly hair, thick brows and his vibes in the picture are carefree. He is smiling wide on the camera. He looks so happy.

Boyfriend ba siya ng babaeng ‘to?

Nangalkal ulit ako sa maliit na bag niya pero sa huli ay napabuntong hininga nang wala akong mahanap na makakapagtukoy ng katauhan niya aside sa cellphone na naka-lock, lumang coin purse na may laman na 48 pesos at ang litrato ng lalaki.

Paano ko malalaman kung saan siya nakatira?

Saan ako pwedeng matulog ngayon?

Lumalalim na ang gabi at nandito pa rin ako sa daan at hindi alam kung saan pupunta.

Should I go back to the hospital?

At dahil wala na akong ibang lugar na pwedeng puntahan ay bumalik na nga ako sa ospital.

Hindi pa rin ako sanay na nandito sa loob ng katawan ng babae na ‘to pero wala akong ibang magawa kung hindi ang pagtiyagaan na lang ‘to. It's not as if I have any choice. Ni hindi ko nga alam kung paano makalalabas sa katawan niya.

Napangiwi pa ako nang makita ko ang buong repleksyon ko sa nadaan na salamin. She’s wearing a worn out jeans, a loose shirt and a pair of old sneakers.

Uso pa ba ang ganitong pananamit? I think this woman is out of fashion. But I can’t blame her, though, because I guess she’s broke.

Is that the reason why she tried to end her life?

Umiling-iling ako at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa ospital.

Nang makarating na ako ay agad akong nagtungo sa ICU kung nasaan ang katawan ko. Agad kong nakita sa labas ng silid si mama na nakaupo sa may bench. Mag-isa lang siya at tulala habang nakatitig sa pintuan ng kwarto na nasa tapat.

My heart aches to see her in that state. My mom used to smile a lot. Her smiles were like sunshine but, sadly, I can’t see that smile now. It was clouded with so much sorrow, and it’s making me want to hug her. I want to comfort her. Pero hindi ko alam kung papaano.

She sure doesn’t know this woman, and she might creep out if I’ll go and embrace her with this face.

Dahil wala naman akong ibang magawa ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa kaniya. Mabuti na lang at maluwang pa ang kinauupuan niya at pwede pa akong tumabi sa kaniya.

Hindi man lang siya lumingon sa gawi ko nang makaupo na ako.

Mula sa pwesto ko ay ramdam ko ang kalungkutan niya. Her breathing is heavy as if she wants to let go of the agony she is feeling.

Gusto ko siyang hawakan at yakapin. Gusto kong sabihin na nandito lang ako sa tabi niya pero hindi ko magawa. ‘Yung mga bagay na palagi kong ginagawa noon sa kaniya ay hindi ko na magawa-gawa ngayon.

I heaved a sigh and rested my back against the cold wall behind.

“Bakit mag-isa po kayo rito?” tanong ko nang magdaan ang ilang minuto ng katahimikan.

Dahil sa tanong ko ay mukhang natauhan siya at tsaka niya lang yata napansin ang presensya ko. Lumingon siya sa ’kin at saglit akong tinitigan. Nagbabakasakali ako na makikilala niya ako pero alam ko naman na imposible lalo pa at iba na ang anyo ko.

I’m not Guia anymore. I am now someone I don’t know.

Bahagyang sumilay ang ngiti sa mga labi niya pero nakita kong hindi iyon umabot sa mga mata niya. Her eyes were full of sadness.

“Pasensya ka na hija at hindi kita agad napansin. Malalim kasi ang iniisip ko,” paumanhin niya habang pilit pa ring ngumingiti.

“Hindi, ayos lang po. Kakaupo ko lang naman.” Ngumiti rin ako sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin at bumaling ulit doon sa pinto ng ICU.

“Binabantayan ko kasi ang anak ko. Nasa loob siya… nag-aagaw buhay.” Humina ang boses niya ng bigkasin ang huling mga salita. Her voice trembled then I saw her covered her mouth as if suppressing herself from bursting out.

Agad kong inilagay ang kamay sa likod niya at dahan-dahang hinamas ‘yun. It’s my way of comforting her. Ito lagi ang ginagawa ko noon kapag malungkot siya o ‘di kaya ay naii-stress siya sa trabaho niya.

But my gesture was like a cue for her to let go of the emotions she was bottling up. Nanginginig ang mga balikat niya habang nakayuko at humihikbi.

Dahil doon ay mas lumapit ako sa  kaniya para mas maalo ko siya ng maayos.

“Tahan na po. Magiging maayos din ang kalagayan ng anak niyo.” Magiging maayos din ako.

I let her burst out her sadness until she runs out of tears to cry. Hindi pa rin ako humihinto sa paghimas ng likod niya habang paminsan-minsan pa siyang humihikbi.

“Pasensya na talaga hija. Hindi ko lang talaga mapigilan na maiyak kapag naaalala ko ang lagay ng anak ko,” sabi niya habang pinupunasan ang mga pisngi niya.

“Ayos lang ho. Hindi niyo naman po kailangan na mag-sorry.” I smiled and she smiled back a little.

“Alam mo ba na ‘yan lagi ang ginagawa niya sa ’kin kapag nalulungkot ako?” Tukoy niya sa kamay ko na patuloy pa rin sa paghimas sa likod niya. Natigilan naman ako at inalis ang kamay mula roon.

Malungkot akong ngumiti dahil sa sinabi niya bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko makuhang tingnan siya ng matagal dahil sa tingin ko ay ano mang oras ay bubuhos ang mga luha ko.

Ako ‘to, ma. Ako si Guia, ang anak mo.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga katagang ‘yun pero sigurado akong hindi niya rin naman ako maiintindihan.

“Kahapon ang araw ng kasal niya…” pagsisimula niyang magkwento kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. “Ang saya niya pa noong umaga kasi big day niya raw ‘yun. Anak ko siya pero ilang beses ko pa lang siyang nakita na ganoon kasaya. Pero hindi ko alam na masisira ang araw niya ng ganoon na lang…”

“A-ano po ang nangyari?” I already had the idea, but I want to ask it out. Baka kasi may alam na sila kung sino ang may gawa nito sa ’kin.

Pero ng umiling siya ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. The culprit is still free and living his life as if he didn’t do anything dreadful.

“Hanggang ngayon ay wala pa ring lead. Hindi pa rin mahanap ang suspect,” sabi ni mama.

Naramdaman ko ang paggapang ng galit sa sistema ko. Ni hint ay wala pang nakikita ang mga pulisya? Really? Are they doing their job well?

“Sana po ay mahanap na ang may gawa niyan sa anak niyo,” sabi ko bago bumaling sa pinto ng ICU.

“Sana nga… sana…” ‘Yun lang ang sinabi niya at kasunod no’n ay katahimikan.

The deafening silence of the hallway added to the melancholic atmosphere in this area.

I stared at nowhere trying to figure out things. Kailangan kong makabalik kaagad sa katawan ko. And I should find out how.

Ilang sandali pa ng pag-iisip ay unti-unti na akong nilamon ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status